space

Ang Pagbabalik…

 

Mahigit dalawang buwan din akong “nawala” pero heto ako’t nagbabalik – sa ayaw ninyo at sa gusto. *insert evil laughter here* Hindi naman talaga ako nawala dahil lagi pa rin naman akong updated sa mga buhay-buhay ng mga tao dito sa blogosperyo. Madalas ay nahuhuli rin akong online at nakikigulo sa confe gang kaya kahit papaano alam pa rin nilang existing pa ako. Bwahahahaha. Pero ano nga ba ang pinagkaabalahan ko sa loob ng dalawang buwan?

  1. Datkom na ako. As if namang ang dami kong mambabasa at napakapopular ng blog na ito at naisipan ko pa talagang mag-datkom! Haha. Pero nagsimula ang ideyang datkom ng mawalang parang bula ang docmnel version 1.0 isang araw matapos ang aking kaarawan. Oo. Ang saklap na pa-bertdey sa akin ng walang kwentang free hosting na yun! Kaya naman nang masiguro kong hindi na babalik ang aking lumang blog kailanman ay naisipan kong huwag nang magpaka-cheapo at ituloy na ang matagal kong binabalak na magkaroon ng sariling espasyo dito sa blogosperyo – paid nonetheless! Salamat sa aking ina na siyang taga-finance ng mga kalokohan ko kaya ipinanganak ang docmnel version 2.0 datkom. I love you ma! *hugs*
  2. Lovestruck - Mahigit isang buwan na ang nakalilipas nang manalo ang aking lathala sa pakontes ni Ms. Noemi Dado na Lovestruck Writing Contest. Wala akong planong sumali dahil malapit na ang deadline ng mga entries noon ngunit hinikayat ako ni Manager kaya last minute talaga nang ako ay sumali. Laking gulat ko nang malaman kinabukasan na nanalo ako. Di ako makapaniwala. Wala yata akong ginawa buong maghapon kung hindi ang tumawa ng tumawa sa paglalarong iyon ni tadhana. Nahiya tuloy ako kay Manager dahil sinabi ko pang tatawanan ko talaga siya pag hindi siya nanalo. Sa bandang huli ay ni hindi ko nga nagawang tawanan si Igno ng mga panahong iyon pero ngayong mahigit isang buwan na ang nakalilipas, siguro naman ay naka-move on na siya sa pagiging bitter at pwede ko nang tuparin ang aking pangako. Kaya naman Igno, ito’y para sa iyo: BWAHAHAHAHA.
  3. Exams. Exams. And more exams. Alam niyo bang isang buwan akong nag-aral at nag-exam? Walang halong biro! Yun ang pangunahing dahilan kung bakit ako nag-hiatus by force. Nasaktuhan kasing parating na ang huling exam namin bago magfinals nung maactivate ang datkom at dahil sa ako’y isang mabuting ehemplo ng kabataan ay mas pinili ko ang magpakaburo sa pag-aaral (kuno) kaysa ang magblog. Ganito lang naman karami ang kinailangan kong i-cram sa loob ng humigit-kumulang isang buwan:

    kalat

    Mga reviewers na nagkalat sa sala

    kalat 2
    Second sem bunch

    closer

    A closer look

    sama-sama

    …at eto naman ang itsura nila pag pinagsama-sama

    O di ba? Parang adik lang sa dami. Lugaw kung lugaw ang mga utak namin. Paano ba naman. Humigit-kumulang 2000+ questions kinailangan naming sagutan. Kumusta naman yun di ba? Himala nga at nabuhay pa ako. Ang masaklap lang, nagmukha akong basahan pagkatapos ng isang buwan. Daym.

  4. Buhay Bum. At dahil ito ang kahuli-hulihang summer ng buong buhay ko, pinipili ko ang magpaka-bum ngayong summer kahit na wala akong pera dahil wala akong source of livelihood. Eto na ang bagong routine ko:
    Gumising ng tanghali blue right arrow Kumain ng brunch blue right arrow Mag-computer/internet/daldalan with friends blue right arrow Maligo blue right arrow Kumain ng merienda blue right arrow Mag-computer all over again blue right arrow Kumain ng dinner blue right arrow Magcomputer for the third time blue right arrow Matulog at not earlier than 12 am
    Kung mapapansin ninyo, umiikot lang sa dalawang bagay ang maghapong gawain ko: kumain at mag-computer. O di ba? Napaka-healthy talaga. Pero narealize ko rin naman ang kabutihang maidudulot sa akin ng ganitong klase ng lifestyle (read: ang maagang mamatay dahil sa super sedentary lifestyle aka buhay baboy ) kaya nagdagdag ako ng “dance classes” sa aking routine paminsan sa loob ng isang linggo. Siguro naman sa kasasayaw ko ng hip-hop, jazz at *gasp* striptease eh bababa na ang LDL (na sabi nga sa commercial ng Del Monte: the bad cholesterol!) ko at tataas naman ang HDL. (Oo. Alam ko, payat naman ako, pero nararamdaman kong nagcclog na ata ang lahat ng arteries ko sa katawan dahil sa aking healthy diet na sisig at tokneneng.)
  5. Beach Babe. Hindi pa halos nangangalahati ang buwan ng Abril ay naka-dalawang beach outings na ako. Winelcome ko na ang lahat ng UVA at UVB na kayang iwelcome ng balat ko para magpa-tan at masabi kong nag-swimming ako. Ayun. Nagka-tan lines nga ako na umabot ng pagkatagal-tagal na isang linggo. Haha. Ang malas talaga.
  6. At dahil naniniwala akong “Save the Best for Last“… Fresh na fresh pa ang balita. Promoted po ako. Opo. Third year na ang lola niyo. Ikatlong taon na ng limang-taong paglalakbay tungo sa pinakaaasam-asam na MD. Mas magiging nosebleed ang huling taon ko sa paaralan bago tuluyang tumapak sa ospital para maging alila kaya malamang sa hindi ay panaka-naka na lang ako makapagblog at bloghop pag nagsimula na ang pasukan. Pero pipilitin kong magupdate at makisocialize habang bakasyon pa at marami pang oras ang pwedeng aksayahin.

Ayun lang naman… sa kasalukuyan, yan palang ang mga pangyayari sa buhay ko. Alam kong wala naman kayong pakialam pero wala kayong magagawa dahil blog ko to at mambabasa lang kayo. Haha. Joke lang. Mahal ko kayo. Promise. Swear. Mamatay man si Mariano. Sa lahat ng bumibisita para magbasa, maki-usi at mag-bloghop para humingi ng ex-link… maraming salamat at nagbibigay kayo sa akin ng kaunting oras para maki-usi at maki-chismis. Pasensya na sa pagkahaba-habang lathala.

Ito ang unang lathala sa Docmnel.com sa aking muling pagbabalik.

Looking forward to more blogging years to come.

Mia, pahiram muna. Apir!

 

Reader's Comments

  1. joseph | March 31st, 2008 at 9:35 pm

    bulaga
    di pa tapos
    yung entry mo doc
    hahaha

    balik ka na
    :)

    mwahahaha. nadiskubre mo ang blog bago pa man ako magbukas. haha. pasensya na. wala namang prize to. =P

    Reply

    Reply to this comment
  2. utakGAGO | April 12th, 2008 at 9:32 pm

    Hey! Tagalog pala ang blog mo – astiiig. Wala lang, nagulat lang ako.

    Parang ayoko na atang mag-med student (wala naman talaga akong plano) sa dami ng nirereview nyo!!!

    Hehe. May english blog din ako. Maarte ako kaya kailangan dalawa.
    Sus. Bakit ka natatakot? Exciting ang mag-aral lalo na kung tao ang pinag-aaralan mo. *insert evil laughter here*
    Ito ang kanta ko para sa iyo:

    Reply

    Reply to this comment
  3. FerBert | April 13th, 2008 at 1:33 am

    sa wakas may entry na ang docmnel.com
    ang tagal kong inabangan to!

    welkam bak doc!
    weeee!

    inabangan mo? natouch naman ako. hehe. *touch* *touch* salamat FB! *hugs*

    Reply

    Reply to this comment
  4. ignoramous | April 13th, 2008 at 7:44 am

    ayun!!! welcome back doc!!!

    KUMAIN KA NG MARAMI.

    yun lang.

    hehe. salamat igno. marami naman ako kumain ah.

    Reply

    Reply to this comment
  5. Ayiene | April 13th, 2008 at 2:29 pm

    Okidoc. Yerr back. OMG. Tagal ng pagbabalik nito ah. :> Pretty pretty doc! :D

    Napangiti ako dito oh:

    ako’y isang mabuting ehemplo ng kabataan

    Yun eh! :) Ayos ka doc. :D
    Wait, wala ako sa links? T___T

    Ayun. Pretty daw ako. *bats eyelashes* Next time na ang bayad ha? Wala akong datung ngayon. Inadd na rin pala kita sa links.

    Reply

    Reply to this comment
  6. jep | April 13th, 2008 at 3:30 pm

    doc pag naging doctor ka na at si doc ced eh naging doctor na rin.. patayo kau ni doc ced ng hospital at kunin niyo akong chief nurse ha? hahaha… hehe kahit nurse na lang.. haha..

    haha. sige. pengeng pera.

    Reply

    Reply to this comment
  7. mia | April 13th, 2008 at 8:01 pm

    hi doc! :) wow.. gumagana na siya! apir! :) miss ko na agad kau!

    naku, pinasakit nito ang ulo ko kagabi. hahaha. miss mo na ko? tara? ATC?

    Reply

    Reply to this comment
  8. M | April 14th, 2008 at 10:51 am

    At bakit naman ako pa ang kailangang magsakripisyo ng buhay para dito aber??? Tseh. Nagbalik ka na pala Doc. I love the layout! It’s like pretty and pink! Yahoo!

    Sana naman si Gloria na lang ang naisumpa mong mamatay o si Bin Laden baka may nabago pa sa Earth, pero kung ako lang eh zero significance eh!

    Third year ka na pala, alipin ka na ng mga duktor. Sana galingan mo para ma-accelerate ka na parang toddler lang. Damihan mo ang inom ng ginko biloba at pati yung red pill na pinapapak mo dati for weight gain, ahehe. Baka effective din sa brain cells ang mga yun.

    Congrats! Sana for good ka na babalik! Yahoo!

    Ganyan talaga. Kailangan may magbuwis ng buhay para sa kin para naman seryosohin ako ng mga readers ko. *grins*

    Pink? Peach and green ang theme ng layout ko. Peach! Hindi pink! Color blind ka talaga.

    Reply

    Reply to this comment
  9. lunes | April 14th, 2008 at 12:18 pm

    doc mnel..WB!! mejo matagal rin ung 2 months na un ah..nku nku congrats 3rd year na!! konting tsaga pa..naku po 1 month kang nagreview..patayan naman un..sympre pag may tiyaga..may tiyaga..wehehe..nialaga un no?? eh mas maganda pala “pag may tiyaga, yayaman ka!” ayan doc..pag mayaman ka na..libre consultation ha??wehehe…

    haha. maraming salamat lunes. di ko nga alam kung yayaman pa ako sa lagay na to. lahat kasi ng kaibigan ko eh gusto libre sila. anak ng tinola naman. hahaha

    Reply

    Reply to this comment
  10. vera | April 14th, 2008 at 7:02 pm

    hi doc, ako si vera. haha

    buti nalang at hindi ko itinuloy ang medisina. nakakastress. saka na pag kaya ko na.

    bakasyon naman na eh. san med school? ust dapat ako e.

    Hello vera, ako si mnel. Haha. Salamat sa pagdaan dito. Tama. Pag isipan mo ng maigi kung gusto mo ba mag-med. Ngayon ko lang narealize na di biro ang mag-med. Buti gusto ko tong ginagawa ko kung hindi matagal na siguro akong nagbreakdown. Hehe. Sa St. Luke’s ako. Di ako nag-apply sa UST eh. Daming tao! Allergic ako sa tao. Hahaha. Balik ka ha?

    Reply

    Reply to this comment
  11. Saminella | April 14th, 2008 at 8:49 pm

    nadaan lang doc. nalink na kita. haha.

    Wah! Di pa pala kita naaadd! Teka, iaadd na nga kita. Now na!

    Reply

    Reply to this comment
  12. mr_d | April 15th, 2008 at 12:26 am

    parang ang konti naman ng reading materials. hehehehe. di bale nakatatlong taon ka na. ilang taon na lang kailangan? 3? 4? 10?

    Yes naman. Nagcomment si Mang Romy. Hahaha! Am I worthy???
    Hindi konti yan Mang Romy! Isipin mo na lang kung ilang libong pahina ng mga libro ang katumbas ng concised version na yan.
    10 years???? Grabe ka naman. Gusto ko naman mag-asawa Mang Romy! Ayoko maging genetic dead end!!!! Sa ganda kong ito??? Hahaha! 3 years na lang ang bubunuin ko. Natapos ko na yung dalawa eh. So near and yet so far!

    Reply

    Reply to this comment
  13. The Islander | April 15th, 2008 at 9:37 am

    syet ang daming papel. nakakatakot naman. hehe.

    Di naman sila nangangagat. Don’t worry. :)

    Reply

    Reply to this comment
  14. Yvie | April 15th, 2008 at 4:05 pm

    Hi ‘Cuz! Ang ganda mo talaga hehehe! Magaganda tayong magpinsan. Walang kokontra! :P !

    Congrats! Ang bilis ng panahon at third year ka na pala. ^___^ grabe *hugs*

    Siyempre nasa lahi natin ang kagandahan. Hahaha. Oo. Ang bilis ng panahon. Pagtapos ko nito, malaki na yung anak mo! Sana naman eh makita ko siya habang maliit pa siya.

    Reply

    Reply to this comment
  15. yeye | April 15th, 2008 at 4:26 pm

    hello doc… :)
    nax congrats po at promoted ka na hehehe
    kaya ako wala na ako balak mag med
    bukod sa tamad ako magaral,
    madami pa kami pampaaral! LOL
    kamahal naman kasi mag med!
    hehehe
    naku panu na yan pag clerkship na
    sana may wifi ang hospital na pagdudutyhan mo
    para makapagblog ka padin hehehe

    salamat po sa pagbisita sa blog ko po
    mwah
    :)

    PS. san ka po nagtetake ng med?? la lang curioous lang
    :)

    Naku. Clerkship? Matagal pa naman yun. Tsaka na natin pag-isipan. Hehehe. Sa St. Luke’s ako. Salamat din sa pagdaan. Balik ka ha?

    Reply

    Reply to this comment
  16. webslave | May 25th, 2008 at 6:52 am

    doc pg may sakit ako, sayu ako magpapagamot hap.. thanks.. :D

    Ayun! Willing victim guinea pig!

    webslave’s last blog post…Team R.E.L.O.A.D.E.D : taking some breaks . . .

    Reply

    Reply to this comment

Leave a Comment


- one = 1

CommentLuv Enabled

space