Dahil Mabait sa Akin si Lord
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong pasalamatan ang lahat ng taong nagdasal at higit sa lahat ay naniwala sa akin at sa kakayahan ko. Kung kayo ay matagal ko nang kakilala, marahil ay alam na ninyo kung anong klaseng butas ng karayom ang pinasok ko sa lumipas na isang taon. Paano ba namang hindi eh sa tuwing may magtatanong sa akin kung kumusta ang med school eh, isa lang ang sagot ko: Toxic… ay may isa pa pala: Busy. Kulang na lang ay makalimutan ako ng mga kaibigan ko dahil sa dalang kong magparamdam at magpakita sa kanila. Ilang cycle na rin ng pagtaba at pagpayat ang naranasan ko sa loob ng sampung buwan dahil sa ka-toxican ng buhay ko. Ilang tubes na rin ng pimple fighting gel ang naubos ko kalalagay sa mga pesteng pimples na nagsusulputan tuwing kulang ako sa tulog at dumadaan sa matinding stress (malas pa talaga pag sabay).
Sa loob ng sampung buwan ako’y:
- Nangarap
- Umasa
- Bumagsak (Dalawang beses pa talaga! Anak ng Tinola!)
- Nagkaroon ng mga bagong kaibigan (Hello DWTL Batch 25!)
- Nagkaroon ng kaaway (Yung pesteng duktor na ayaw ko na banggitin kung sino. Mahirap na baka marunong pala siyang mag-blog!)
- Nagbasa ng pagkarami-raming trans
- Gumawa ng di mabilang na lecture transcriptions
- Nakisalamuha, nag-interview at nag-PE ng di mabilang na pasyente.
- Ginawan ng patient paper ang di mabilang na pasyente; at
- Gumugol ng mahahabang gabi para lang magreview.
At dahil mabait sa akin si Lord (Haha! Parang lumang Tagalog film lang na kailangang i-mention ang title ng pelikula sa buong palabas), hinayaan niyang makuha kong muli ang scholarship na minsan na niyang ipinagkaloob sa akin. Alam ko, hindi ko man nakuha yon ulit ng buo, pero para na rin akong nanalo sa lotto kahit partial lang yun. Hanggang sa mga huling sandali, ipinaglaban ko ng dugo at pawis (at ng aking kabataan) ang lahat ng grado ko. Sa totoo lang, hindi na ako umasa lalo pa’t kinailangan kong rebyuhin ang lahat ng pinag-aralan ko ng sampung buwan sa loob lamang ng dalawang linggo para sa makapanindig-balahibong finals. Pero hanggang sa huling sandali, hindi Niya ako pinabayaan.
Kuya Jess did not let me down.
Hindi ko pa alam kung ilang porsiyento ng tuition fee ko ang ma-ssave ng mga magulang ko sa kalokohan kong itong tawagin na lang nating med school. Ang mahalaga nandoon na sa listahang nakapaskil ngayon sa bulletin board ang pangalan ko na may kadikit na: Partial Scholar.
Muli, maraming, maraming salamat sa lahat ng pagdarasal.


15
Aba’y talagang wala ka pa ding kupas Doc! Mabangis na mabangis ka pa din! Med School yan at hindi lang simpleng kurso para lang makakuha ng iskolarship. Apir-apir tayo dyan!
Ikaw na ang pinakamalaking babaeng maliit na nakilala ko. Bigatin kahit slim na payat. Congrats sa pagkakakuha ng iskolarsyip!!! Pwede mo naman sabihin na pinagbigyan mo lang sila, pero sa susunod na term eh full scholar ka na ulit.
Ayos! Apir! Kipitap!
Reply
Hindi talaga lahat ng maganda katulad ni Janina. Congrats!
Reply
Ewan ko kung bakit, pero kapag nagbabasa ako ng post mo – naiimagine ko lagi yung boses mo na nagnanarrate ng post mo.
LOL.
Maswerte ka’t nabigyan ka ng pagkakataon na mag-medisina. Keep it up!!
At sana’y dumami ang kotse mo. lolzzz
Reply
Sino si Kuya Jess??? ito rin ba si Papa J ko??? mukhang iisa ang tinutukoy natin wahahahahaha
Scholar ka pala!
galing!
Keep it up gal!
By the way, thanks for visiting my site!
Sana dalasan mo ang iyong pag daan!
God bless and take care! caio!
Reply
Wow, that was great! Buti na-survive mo. *smiles* Ako, pa-college palang at nangangatog na sa takot. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko ba. Ang malupit pa niyan, sa Los Banos pa ko napunta! Anak ng tinapa! Kaya kailangan ko tuloy mag-dorm. E nasanay ako na pinagsisilbihan, pinaghahandaan ng nanay.. in other words, spoiled ako. Kaya ayun, hindi ako sanay sa buhay “independent”.
Kailangan ko ng payo mo Doc. *laughs*
Ay, ako nga pala ay isang bagong mambabasa. Ako po si Aletheia. Labing-limang taong gulang. Fresh graduate ng High School at natatakot mag-college. Ü
Good luck and more power sa’yo Doc Mnel.
Reply
yun yun eh oh!
ikaw ba yung nasa banner?
Reply
naku naman
teh utakgago is your commenter
wow
doc congrats
alam mo naman na
tiwala kami
sa kakayahan mo
idol ka namin e
pacheese burger ka naman
Reply
congrats doc! idol ka talga!
cheeseburger!
Reply
Doc….
congrats ha?
congrats ha?
congrats ha?
sali ako sa cheeseburgeran.
Reply
Cheese burger? Kelan ‘yun? Sama naman ako! Hahaha.
Uy ok na ulit itong site mo ha. Medyo matagal na ding “out” ang doctor.
Hello hello. Congrats!
Reply
congats po!
libre naman jan, haha. patambay lang po…
Reply
Mabangis ka doc. Astig! Pacheese birger ka naman.
Congrats!
Reply
*burger pala! surreh.
Reply
doc doc to be(e)
ang galing galing..congrats congrats!! ika’y henyo..maganda na..maganda pa..wehehe..
Days With the Lord ka pala doc.. wow.. DWTL rin kasi kapatid ko..kaso samin boys lang ang pwede.. sa ateneo lang ang pwede gurls..
Lab ka tlaga ni Manoy/Kuya Jess!
Reply
[...] Mahirap 0pla mahgtype gamit ang isang kamay lang. Parang nararamdaman ko na yug nararamdaman nunf-g lalaking nakita kio sa may labads ng pinagparkingan ko nung Sabsado. Partida pa nga. Ako may isang kamay. Siya kadsi wala. ASnak ng tokwa. Napakahirap pala talaga. Nspaoapanoofd niyo ba yung mga taong nagpipintssa gamit yung mga paa nila? Astig di ba? Nakakamangha kung paano nila nagagawang maghalo ng mga kulay amit ang mga paa at kung paano sila nakakagaaeawA ng isangn obra maestra ng walang mga kamay,. Kung kumpleto ang katawan mo at tattamad-tamadd jka, mahihiya ka talaga Sa bslat mo. Minsan pag tinatamad na ako mag-aral, iniisip ko na lanf yung mga taong gusting mag-aral ng medisina o jkaya yung mga taong gusto langt talagang mag-aral ng kahit ano pero walang pangmatrikula. Alam kong di ko naman sila matutulngan kung mag-aaral ako, kapareho ng hinfi mabubysg ang mga batang labnsangan kung uubusin ko ang pagkain ko pero at least nabibigyan ko ng hustisya ang perang ginugugol sa akin ng institusyongn ito pang-matrikula. [...]