Gubhbie Gang (move over Gucci Gang)
Nang dahil kay Gabby…

Nabuo ang Gubhie Gang…
(move over Gucci Gang!)
Disclaimer: Hindi po kami mga socialite (wannabes) at lalong hindi po kami cocaine snorters. Kami po’y mga simpleng bloggers na talagang wala lang magawang matino sa buhay. Unawain niyo na lang po sana kami. ![]()
Heto ang ilan sa mga ekslusibong kuha noong April 11 parteeeh kung saan nabuo ang kakaibang klase ng addiction kay Gabby Concepcion. (Makikita niyo namang hindi pa ako nakakamove on hanggang ngayon.) Ito ang pruweba na totoong mga tao ang mga kasama namin nina Kevin at Mia at hindi po sila mga kathang-isip lamang.
Pagpasensyahan niyo na lang at kailangang blurred ang mga litrato dahil sa takot nilang dumugin sila ng kanilang mga fans kapag nakasalubong niyo sila sa kalsada.
Anyway, hindi pa pala tapos ang drama sa pagitan ng Aussie na si Brian Gorrell at ng kanyang ex-lover and “Gucci Gang” member na si Delfin “DJ” Montano. Kawawa naman yung Aussie, may AIDS na nga, natakbuhan pa ng pera. Talaga nga naman. Kaya mahirap maging mayaman eh, minsan hindi makuntento sa kung anong meron. Ang mahirap pa, marami sa atin ang nabubuhay beyond our means. Hindi matustusan ang kung anong luho sa katawan kaya sa ibang paraan kumukuha ng pantustos… at the expense of other people. Dahil ako’y dakilang chismosa, nabasa ko sa blog ni Brian na bumababa na raw ang page rank ng blog niya dahil sa mga fake links na nagkalat sa blogosperyo either to deter readers from going to his blog or to ride in on the popularity of the issue. At dahil gusto kong makatulong, here’s a link to his blog (para sa mga gusto ring makichismis kagaya ko)
Ayan, totoong link yan kaya click away na!
XS: Si Gabby kasi eh!


17

totoo pala ang sinabi sa akin ni mariano. haha
san ba mababasa yung entry mo na first kiss? hinahanap ko kasi e di ko makita.
salamat sa pagdaan sa blog ko. hmmmmm… mukhang mapapadalas na rin ako dito. hehe
ex-links?
Reply
eek. sama ko. sana may sunod pa.
wuy, thanks sa paglink din mnel
Reply
Talaga nga naman. Si Gabby kasi! What a dilemma. Kahit itong paghihirap ko sa trabaho eh siya ang may gawa. Talaga nga naman oo. Mahirap talaga kapag may bumabalik na kagaya ni Gabby, apektado ang pag-inog ng mundo.
Ikaw ang may kasalanan nito Gubhbie! ‘Tis all your fault you badass sunovabits!!!
Reply
doc doc.. okie lang na blurred ung iba jan.. hihihi.. pinakita na rin sakin nila X at Mia ung mga un-edited shots..wehehe..
naku doc..pinaka masayang gawin talaga ang maging tsismosa..ahaha…
More Powers to the Gubhie Gang.. more parties to go..wehehe..
Reply
oh wow. napakagandang blur. So perfect, like me.
Anyhoo, may badge na ang GG, akalain mo yon? Haha. nasa blog ko. yikee! Congrats pala sa iskolarshep.
Reply
Waw. Nang dahil nga kay Gabby…
Hahaha. Bakit naman kayo lang ni Mia ang naglakas ng loob na magpakita ng fez? Hahaha.
Reply
kagaganda naman ng mga babae dyan! hehehe
Reply
ang ganda ng pagkakablur.. di halatang malaki ang tyan ko.. hahahahahaha
Reply
BAT DI NYO KO BINLUR, mga kups!
que horror. HAHA.
Reply
ayan. nakabalik na ako agad. hehe
ilang balik ba ang kailangan para makasama ako sa links mo? haha
o siya, hahanapin ko na lang yung first kiss mo.
Reply
hahaha. gucci gang! panalo!
Reply
doc, panalo! napadaan lang ako pero naantig ang aking damdamin sa ganda ng site mo, pwede bang exlink tayo?
Reply
doc lagay ko link mo sa blogroll ko ha, sana ako din lagay mo rin
Reply
Di na talaga ako magugulat pag may tumawa at bigla nalang nagpakamatay ng dahil kay gabby. Sobra na talaga siya!!!
Reply
Wow, ito pala ang gang niyo. Sayang di maayos ang mukha ni Ate X.
) Woo, gusto ko pa naman siya makita.
Reply
Ahoy1 Kabayan… salamat sa pagdrop by ng message sa cbox ha. At dahil dyan, narito ako at nambubulabog. Mga Gabby fans pala kayo? hmm so that makes you how young? hehehehe di ko na masyado naabutan ang era ni Gabby eh hahaha just joking. Hope to befriend and linked you din.
Hope you can visit my page again at http://cmaquest.blogspot.com
Reply
victim ba ng rape ang lahat ng kasama niyo?
Reply