space

Isang Pamamaalam…

 


…pwedeng makishare ng upuan?

Sabi nung lalake sa akin kahapon sa Kenny Rogers. Nagulat ako at napatigil sa pagkain ng Macaroni and Cheese (yum…). Napatitig ako sa kanya ng mga 1/100 of a second bago ko nagets kung ano yung sinasabi niya. “Shwarp… shwarp… shwarp…” kasi yung unang rinig ko (paano kasi, ang ingay sa MOA). Yun pala, nagtatanong siya kung pwede raw bang makishare siya sa akin ng table. Ni hindi ko na nga nalingon kung wala na ba talagang libreng mesa sa paligid ko. Napatango na lang ako sa kanya sabay sabi ng “sure”. Wala akong kwentang anak. Ni hindi ko man lang naalala yung laging sinasabi ni Mommy na “Don’t talk to strangers“.

Commercial Break:

mommy always says “don’t talk to strangers.” but, little does she remember, that daddy was also a stranger, until they met. - text ni Ayiene

Nawindang ang mundo ko. Sa loob ng 16 20+ na taong nabubuhay ako, ngayon lang ata may nakishare sa akin ng mesa. Ganun pala ang feeling non. Weird. Mahirap kumain ng may kaharap kang isang taong hindi mo kilala. Di mo alam kung anong gagawin mong klase ng pagsubo. Kapag devil-may-care, sayang naman, wa-poise yun. Kapag masyado namang pa-demure, baka next year ka pa matapos kumain. Pasalamat na lang talaga ako’t ubos na yung roasted chicken at rice ko. Yung side dish na lang at corn muffin ang nilalantakan ko.

Maarte ako pag nasa fastfood or restaurant. Gusto ko yung malambot na upuan kaya naman nung pumasok ako sa Kenny Rogers eh doon ako agad dumiretso sa isang booth na walang laman. Wala akong pakialam kung mukha akong ewan na mag-isa kumain. Care ko sa kanila eh wala akong kasama. At isa pa, isa lang din yung kumakain dun sa booth na sinundan ko so feeling ko hindi naman talaga ako mukhang kawawa.

Hanggang sa dumating nga yung lalakeng yun at nagbago ang ihip ng hangin.

Hindi ko maalala kung anong itsura niya. Ni hindi ko nga maalala kung anong kulay ng damit niya o kung mahaba ba ang buhok niya. Hindi kasi ako makatingin! (At ayoko rin namang titigan niya ako.) Sa mga pagkakataong ganoon ko lalong naipagpasalamat na may cellphone ako. Si Ricardo ang sumalba sa awkward moment na yun. Kinalikot ko na lang siya ng kinalikot habang sumusubo ng Mac and Cheese at ineenjoy ang corn muffin. Hindi ko nga maalala kung anong klase ng pagkalikot ang ginagawa ko nun. Tinetext ko ba si Bee? O nagbabasa lang ng mga mensahe? Mukhang kinonsider ng utak ko na isa yung traumatic experience kaya’t dali-dali na niya itong ibinaon sa subconscious ko. Nang marealize kong ubos na ang Mac and Cheese at corn muffin at nasimot ko na ang lamang iced tea ng baso ko ay natigilan ako. Paano ba ko aalis sa mesang yun? Dapat ba akong magpaalam? O tatayo na lang ako bigla at kukunin ang mga gamit ko? Nakakainis naman. Sa dinami-dami ng pilit na isinasaksak sa kukote natin sa paaralan, ni wala man lang silang nabanggit kung paano ka aalis sa mga awkward moments na gaya nito. Wala akong nagawa. Dun na lang ako sa Plan B kahit na parang medyo nabastusan naman ako sa sarili ko (bastos nga ba?): Kinuha ko ang aking bag, asul na baston/payong at ang supot ng SM Department Store at tumayo mula sa mesa.

At hinding-hindi na ako lumingong muli pa sa kanya.

————————————————–

XS: Pamamaalam? Gotcha! Kala niyo kung ano na no? Hehe.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. kulot | May 21st, 2008 at 7:33 am

    nako naman Mnel! bakit di mo man lang kinilala yung tao na yun, what if may magic yun at may ginawang kakaiba tapos biglang nawalan ka ng malay, o di kaya ako pala yun

    Now that you’ve mentioned it. Kulot ata yung lalake Manong KK.

    kulot’s last blog post…The Hair cutter

    [Reply]

  2. igno | May 21st, 2008 at 8:00 am

    Naawa ako kay ricardo at raggamuffingur na kinain mo - Pininger lang ng pininger at kinagat ng kinagat. Siraulo kasi niyang istranger na yan…. Distarbation of Public Eatery.

    Pengeng aspirin kortal doc.

    Sabi ni John Lloyd, Biogesic daw ang inumin Igz. :P

    [Reply]

  3. Ayiene | May 21st, 2008 at 11:55 am

    Wow! Special Mention pa ako! :))

    Doc naman, malay mo ba at papable yung nakishare sa’yo ng table, malay mo anak ng mayaman yun. Ay naman! O diba! HAHA. :))

    Oo nga noh, bakit hindi tinuro ng school kung paano umalis sa isang napaka=awkward na moment. HMMM. :)) Dapat nagbbye ka na lang at sinabi mong Enjoy your food. :P

    Hehe. Baka magulat naman siya sa kin pag bigla akong nag-goodbye. After all, di ko naman siya pinapansin noon habang kumakain ako. Hehe.

    Ayiene’s last blog post…BRB.

    [Reply]

  4. Saminella | May 21st, 2008 at 1:19 pm

    Kung masarap yung makikiupo sa akin ok lang

    kahit kandong pa. Shetness hihi

    Kaloka ka talaga!

    [Reply]

  5. cedeux | May 21st, 2008 at 4:25 pm

    ikaw pla un nakatabi ko sa kenny…
    di ka man lang nagpaalam. =[

    hehe.juk lng po.

    natawa ko kay sami. hahahaha

    pero kung ako yun baka pareho lang ginawa natin.
    ingats lagi doc!

    Ced! Malapit na magpasukan! Ayoko pa pumasok! Somebody save me!!!! Wah!

    Ingat din. Haha. Sabay ganun eh.

    [Reply]

  6. lunes | May 21st, 2008 at 8:43 pm

    naku. kala ko tlaga kung anong pamama-alam.wehehe. naku doc bkt ka umalis agad? sa tingin ko oorderan ka pa niya dapat ng take out.wehehe.

    akward moment nga yan. naransan ko na yan. pero ako ang naki-upo.wehehe.

    Come to think of it, never pa ata akong nakiupo. Or… may topak na rin ang memory ko.

    [Reply]

  7. Micamyx | May 22nd, 2008 at 2:50 am

    Kapag babae yung nakiupo, ok lang pero kung lalaki medyo awkward nga.

    Kaya lalo kong naiisip na dapat tinuturo din yun sa school. Hehe. Salamat sa pagdalaw Ms. Mica.

    Micamyx’s last blog post…Random Thoughts on a Windy Night

    [Reply]

  8. samjuan | May 22nd, 2008 at 3:23 am

    Ayus na scenario ah.
    Malay mo balang araw magkita kayong muli, pero shempre di mo na siya matatandaan, tas may malaking parte pala siya sa buhay mo.
    Hehe.
    Salamats sa muling pagbisita!

    Ano yun? Teleserye? :P

    samjuan’s last blog post…Buhay Amerika (galing sa email)

    [Reply]

  9. vera | May 22nd, 2008 at 4:36 am

    sows. anlakas ng pwersa ni mnel!! woohoo!

    Haha. Abot ba jan sa inyo Vera? :P

    vera’s last blog post…the show must go on

    [Reply]

  10. M | May 22nd, 2008 at 6:16 pm

    Baka ginawa kang dessert nung manong kaya dun siya tumabi sa tabi mo, ahaha.

    :P Eyecandy.

    M’s last blog post…Error

    [Reply]

  11. Drei | May 23rd, 2008 at 12:14 pm

    Hehe, baka nabighani sa iyo yun kaya na nagpakapal na ng mukha. Style lang niya yun! >:)

    Hahaha. Desperado na lang siya talaga makakuha ng upuan. Tsk. Kaya ako bago umorder, sinisiguro ko munang may mauupuan ako eh. Mahirap maghintay ng mauupuan kapag gustom na gutom ka na.

    Drei’s last blog post…Checking the checklist…

    [Reply]

  12. _victor_ | May 24th, 2008 at 1:45 am

    Uhmm… siguro, you’re thinking too much… :D Dapat natural lang. Anyway, salamat sa pagbisita sa blog ko! Keep blogging!

    Wala kasi akong magawa eh. Haha. Mag-iisip na lang ako. :P

    _victor_’s last blog post…Why i run late in the morning….?

    [Reply]

  13. mia | May 24th, 2008 at 11:04 am

    akala ko naman may nangyari.. ikaw talaga doc. hehe :)

    Haha. Ang adik ko naman kung after one month eh aalis na naman ako. Haha. Miss you Mia! Malapit na magpasukan! Di na natuloy yung ATC natin. :P

    [Reply]

  14. utakmunggo | May 24th, 2008 at 5:22 pm

    akala ko rin kung anong klaseng pamamaalam.

    anyway south super highway, talagang nakakailang ang sitwasyon na ganun. pero sana iwanan mo man lang ng “gotta go kulugo” si mamang estranghero nang maipakita mo naman ang kapirasong corn na nakadikit sa ngipin mo. haha jowk.

    palink ha. tenchu marami.

    Up to the last minute eh iniisip ko kung magpapaalam ba ako o hindi. Haha. Pero nahiya rin kasi ako. Haha. Salamat po sa pagdaan. :P

    utakmunggo’s last blog post…ANG INGLES NG KAPAYAPAAN AY..? FISH.

    [Reply]

  15. Hener | May 26th, 2008 at 1:01 am

    aw! bakit mo naman ako iniwan sa Kenny… hindi mo manlang ako tiningnan! BWHAHAAHHAHAHAHA

    ingat lang! baka mamaya snatcher un.

    Hehe. Sino ba talaga sa inyo yung lalakeng yun sa Kenny? Lahat na lang kayo umamin na kayo yun. :P Hindi naman siguro. Mukhang wala lang talaga siyang maupuan. :P Nilapitan nga ako nung manager eh. In fairness. ;)

    Hener’s last blog post… Death

    [Reply]

  16. Jon Cabron | May 26th, 2008 at 7:28 pm

    buti di ka na nagpaalam nung umalis ka, baka kung ano pa isipin nun’

    nice blog’ galing mo magkwento.

    Ui. si Mr. Jon Cabron. ;) Salamat po sa pagdaan. Hihi.

    Jon Cabron’s last blog post…pagbabalik ng sumpa

    [Reply]

  17. rodel | June 5th, 2008 at 10:35 am

    isa lang masasabi ko mnel maganda ka , intelectual at mukha ring mabait, sarap cgurong maging friend ka, hopes.

    Ummm… salamat. :)

    [Reply]

Leave a Comment

space