Brother Dear
Hindi kami close ng kapatid ko. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya, pero hindi kami naging mag-best buddies. Siguro’y dahil lalake siya at baklita ako. Kahit na noong mga bata kami ay hindi kami magkasundo. Isa siyang malaking nuisance sa buhay ko: panggulo sa lutu-lutuan at epal sa mga trip ko. Naaalala ko pa nga na mas madalas na nag-aaway kami kesa magkasundo noong maliliit pa kami. Hindi ko na rin yata makakalimutan yung isang beses na kinagat niya ako sa katawan (di ko maalala kung sa harap o sa likod) at nagsugat. O di kaya’y yung isang beses na sa labas kami ng bahay natulog matapos kaming ma-force evict ni mama dahil sa pinag-awayan naming laser sword. Ayoko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko sa kapatid ko. Sabi naman ng nanay ko, ako raw ang mismong humiling ng kapatid. Hindi ko alam kung stir lang yun, pero nung nalaman ko yun ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko (bata pa naman ako nun). Kung alam ko lang na isa siyang malaking panggulo sa buhay ko eh sana’y nanahimik na lang ako. Me and my big mouth! Naging “ate” pa tuloy ang beauty ko at age 2 years old.

Hindi ko alam kung hanggang saan at gaano kalaganap ang sibling rivalry pero tantiya ko’y ito ang pinagdaanan namin ng kapatid ko. Mukha lang talagang tanga kasi, kung tutuusin, wala namang dapat ipagselos sa parte ko. Kung sa parte niya, baka pwede pa. Pero sa akin? Nada. Wala akong karapatang magselos dahil hindi naman nagkulang ang mga magulang ko sa akin. Sadyang selfish lang talaga. Mabuti na lang at ang aming sibling rivalry ay isa lamang parte ng “growing years” dahil lumaon din at nagkakasundo na kami. Hindi ko alam kung kelan at kung paano nagsimula. Ang alam ko lang eh, minsa’y dumating ang panahong pareho na lang kaming nagrereklamo sa moodiness ni mama. Gone are the days na nag-aaway kami sa bawat galaw ng isa’t-isa. We’ve managed to live peacefully with each other’s existence. Natapos ang sibling rivalry ng ganun-ganun lang. Walang open sharing at iyakan blues na pang-Maalaala Mo Kaya. Nag-mature lang kami at voila! Naglaho na lang na parang bula.
Naging magkaaway man kami noon, pasalamat pa rin ako’t may kapatid akong tumatawag sa akin ng “ate”. Hindi ko mabilang kung ilang tao na ang nakakasalamuha kong ninais na may tumawag sa kanila ng “ate” o “kuya”. Hindi man naging maganda ang aming growing years eh, ang mahalaga’y okay na kami. Ngayon, bente-uno na ang kapatid ko. Ang bilis ng panahon. Bukas-makalawa’y may ipapakilala na yang girlfriend sa amin. (Iniisip ko palang, kinikilabutan na ko. Ang sama ko talaga!) Pero hindi rin namang malayong mangyari yun dahil sweet naman ang kapatid ko. May topak lang minsan pero sweet. Ilang beses ko na rin napatunayan na mabait naman ang kapatid ko. Katulad na lang nung isang araw na nagkasakit ako. Naalimpungatan ako sa pagtulog sa pagkatok niya sa kwarto ko sabay abot ng malamig na Gatorade. Noong araw ding iyon ay nakasalubong ko naman ang sasakyang minamaneho niya sa may gotohan. Tumanggi kasi siyang dumaan doon pagkatapos mag-Uniwide para ibili ako ng tokwa kaya nagpasya na lang akong ako na mismo ang bumili. Hindi yata maipinta ang mukha ko nung makasalubong ko ang kapatid kong noo’y papunta palang sa gotohan (ako nama’y pauwi na). Bibilhan din pala ako ng mokong. Nagiinarte lang. 
Low profile lang ang kapatid ko, di tulad ng ate niyang sukdulan ang kaartehan sa katawan. Alam din yata niya na blogger ang ate niya pero sadyang wala lang siyang pakialam. Mas gugustuhin niya ang manood na lang koleksyon niyang anime at makinig sa mga tugtuging kinanta ng mga babaeng may matitinis na boses sa wikang Hapon kesa pakialaman kung ano ang latest na chikka at intrigang isinulat ng ate niya. Kaya naman malakas ang loob kong magblog tungkol sa kanya. Hahaha. Alam kong madidiskubre rin niya tong entry na to. Kung kelan at gaano katagal, yan ang hindi ko alam. Pero panigurado, magwawala yun pag nakita niyang nakabalandra sa internet ang picture naming ito:

KAMPAY!


20
akshuli di ko rin alam
ang ginagawa ng kapatid ko
sa buhay ko
bonggang bonggang nagtatagumpay kasi siya
sa misyon niya
bilang balakid
sa mga pangarap ko
pero kahit ganun yun
may instant alila ako
hahahaha
alam mo yun
free na ang service charge
hahahaha
Reply
haha! ganyan din kami ng kapatid kong lalaki nung bata pa kami. mas matanda naman ako ng isang taon. walang araw na hindi kami nag away. kaya laging kong hinihiling sa inay ko ng isa pang kapatid. babae naman para pagtulungan namin ang pilyo kong kapatid. haha! nakakatuwa naman dahil kung gano ko sya kinasusuklaman dati, ngayon naman e super close kami. haha! at walang nang mas magiging masaya (maliban sa nanay ko) tuwing nasasasaksihan ko ang mga simpleng achievements niya. hehe.
ang cute niyo namang dalawa. akala ko alak yung hawak niya, coke pala.
Reply
hehe! ang kulit ng pic..mukhang malulunod kayo sa coke nyan. di ko na rin alam kung bakit away bati ang drama namin ng utol ko nung bata kami pero ngyon naman tahimik na buhay namin.
gasti’s last blog post…singitero
Reply
sarap talaga maging bunso! heheheh
ako naman lagi nauutusan dito sa’min.
at madalas nakakaaway ko mga kapatid ko.
nuon yun…
ngayon at peace na rin kami=]
sino kaya sa inyo ang hawig ni mommy at ni daddy nyo?
Reply
hay, pag bunso talaga, sarap ng buhay
Reply
WAH BA’T MO NAMAN INAMING BAKLITA KA!? lolz.
Natouch ako dun sa pagbili ng goto sa Uniwide. Ewan. Close naman kami ng mga kapatid ko, bagamat sobrang lalayo ng “age gaps” namen (trenta at trenta’y dos na yung dalawa kong ate habang ang kuya ko’y 27).
mentholguy’s last blog post… Isn’t he lucky, this Hollywood boy.
Reply
Doc! Yung dalawang kapatid ko din parang kayo halos. 8 Si melanie tas 5 naman si James. lagi din silang nagaaway at nagkakasakitan. haha. sakit sa ulo.
Abad’s last blog post… Susan Tayo project
Reply
when i saw the pic, akala ko close kayo ng kapatid mo. yun pala halos magbunutan kayo ng kilay nung bata pa kayo. hehe. pero ganun talaga ang mga magkakapatid pag bata pa. kahit na nga malalaki na di pa rin maiwasan ang conflicts.
you’re blessed kasi may younger brother ka. bunso ako sa min kaya nandun yung longing na may younger sibling din ako. para makaganti naman ako kasi ako lagi dati ang binabatukan. hehe.
beero’s last blog post…Couch Potato
Reply
carinyo brutal nyo lang yun sa isa’t-isa. un tipong nagsusungit kau pero deep inside love nyo naman isa’t isa.ganyan ata talaga.
maraming salamat sa pagbisita.
in-add nga pala kita.
p.s. u look familiar
kuri’s last blog post…Multitasking
Reply
waaah.. ganun din kami dati ng kapatid ko.. nagsusumpaan na sana mawala na ang isat isa.. pero ngaun ok na.. siguro nga ita a part of growing up and being matured.. pero ewan ko.. 2 years din gap namin pero di nya ko tinatawag na kuya.. ok lang naman skin.. tinatanong tuloy lagi kung sino mas matanda..
caleb’s last blog post…Chillz anyone?
Reply
mnel!!! pers time ko dito. please be gentle. lol!
close kami ng baby brother ko, sobrang bait kasi walang angal kahit utus-utusan. wahehehe.
jojitah’s last blog post…am bored but not judging
Reply
hehehe. prang familiar sa akin ang mga tagpo. nagflashback lahat ng nangyari sa amin ng kapatid ko nung mga bata kami. ganyang ganyan din hehehe. pero okey na din kami ngayon mnel. nagkakasundo na kami. hindi na nagaaway. minsan na lang hahaha
popoy’s last blog post…Post it Friend
Reply
Miss ko na kayo pinsan! Ang daming kong gustong ikuwento hahaha! Hay bumisita naman kayo dito minsan okay?
Ganun din kami ni Caloy noon. Salbahe pa nga ako sa kanya, ewan ko nga ba me topak lang talaga ako hahaha! Pero ngayon labs na labs namin ang isa’t isa. Wala rin kaming pakelamanan sa kanya-kanyang life. Kung baga, I let Caloy be Caloy. And he lets me be me.
Hahaha.
Reply
marami ring kaming away ng kapatid ko pero kahit ganun labs ko pa rin un. hehehe
Reply
hahaha! natuwa naman ako. kami naman, dati super barkada ng dalawang bro ko. tapos nung mejo tumatanda, nagkaron ng gap. di ko ma explain kung ano nangyari. pero ngayon ok na ulit. di ko din ma explain kung pano nangyari. heheheh
^__^
joanne’s last blog post… kapangyarihan ng ligaw???
Reply
wehehe. di ako pwede magkwento bout sa kapatid ko..kilala niyo siya eh.baka masilip ang sasabihin ko.wehehe..basta ang kapatid ko ay nauubusan sakin ng pasensiya. hindi ko siyal alila, at di niya rin ako alila. pero pangasar ako sa araw niya. Bow.ahaha.
oi mnel.. dalwa lang kayong magkapatid???sus..lab ka niyan ni babybrother mo..wehehe.
Reply
dun sa unang larawan, hindi halatang hindi kayo close ng kapatid mo. para ngang gusto mo siyang sakalin at iuntog sa kuna. eheheh.. joke.
kahit anong gawin mo, kapatid mo pa rin siya. wala ka namang magagawa dahil iisa ang pinanggalingan ng mga semilya at itlog na lumikha sa inyo. at dahil mas bata siya, malamang isa siyang dakilang utusan sa inyo.
buti na lang panganay ako. ahahaha!
kingdaddyrich ♥’s last blog post…Nasaan Ang Tsinelas Ko?
Reply
hehehe…ganoon din kami ng kapatid ko. noon? minsan nga pinalo ko siya gamit yung stick sa arnis sa TUHOD! as in may sound efex talaga! medyo nakaka-konsensiya because noong magdinner kami, siya pa ang tumawag sa akin sa kwarto para kumain…pero hiwalay kami now kasi sumama kay mama ng maghiwalay yung parents namin. miss ko na siya…huhuhu…
naghihintay ako sa kanya.
may isa pala akong blog:
http://bagongyarnhoj.blogspot.com
Reply
Sabagay bihira nga naman din ang nagkakasundong magkapatid na babae at lalake, pero siguro habang tumatagal ang panahon eh magiging mas close kayo niyan. Mas magiging mahalaga ang pagkakapatid kesa sa kaartehan, ahaha.
M’s last blog post…Error
Reply
mhirap po ba mg med dyan sa pinas? i like ur blog, na inspire po ako na mg med tlga even ntatakot ako. any advice?
Reply