space

Kwentong Commuter

 

Alas-kwatro ng hapon. Kumakanta na ang One Republic ng Apologize. Pupungas-pungas kong kinapa mula sa gilid ng kama ang pesteng cellphone na nag-iingay. Isang oras palang ang tulog ko pero wala akong magawa. Kailangan kong bumangon dahil pag hindi ako nakaalis agad siguradong di ko aabutang bukas ang pupuntahan ko. Ganyan talaga kapag commute at walang kotse. Kailangang magbigay ng extrang leeway para sa maraming bagay tulad ng pag-aabang ng masasakyan, pag-aabang ng mas presentable na masasakyan, traffic at ang paghinto-hinto ng sasakyan mong PUV.

Tama. Leeway na extra pa. Kung may leeway ka nang nilalaan para sa traffic na susuungin mo pag sosyal ka at may car, lalagyan mo pa ng extra sugar on top yung leeway na yun kung commuter naman ang beauty mo. Mahirap kasi ang sumakay lalo na pag rush hour. Ewan ko ba kung bakit ang mga tao, lahat naiisip magsipagpasukan sa kani-kanilang mga opisina at eskwelahan sa iisang oras. Bakit ba walang nakaisip na pumasok ng opisina at 3 am para mas konti na lang ang mga taong pakikipagpunong-brasuhan mo kapag alas-sais or alas-siyete na at mallate ka na sa pagpasok? Siyempre joke lang yung alas-tres. Baka makareceive ako ng barrage of hate comments at i-dare niyo akong gawin ang sinabi ko for 1 thousand centavos. No way highway, man. Naghihilik pa ako nun (pero promise, di ako humihilik). Make it 1 million cents at di ko na pagiisipan yan.

Kapag marami namang sasakyan at di naman rush hour, nandiyan yung palalampasin mo muna ang isa, dalawa o minsan sampu pang sasakyan bago ka sumakay. Parang namimili lang ng isda sa palengke. Kapag bilasa, moving on ka na. Ganyan din sa pagaabang ng sasakyan. Kapag mukhang luma at madungis yung jeep, “Next!” ang drama. Pag walang TV at di bago ang bus, mega-snob ang makukuha ng namamaos na kundoktor na may twalyang Good Morning at ipit-ipit ng apat na daliri yung maghapong kita nila na ifofold pa niya lengthwise. Pag mukhang mahina yung aircon ng FX, palalampasin mo na lang kahit na wala namang laman. Siyempre nga naman, commute ka na nga lang magmumukha ka pang basahan. Sino nga ba naman ang ayaw sumakay sa mas convenient na mode of transport? Siyempre, wala ngang kotse at lalong alam nating di natin afford ang mag-Ferrari araw-araw, dun na lang tayo sa feeling-naka-Ferrari-kahit-nananaginip-lang-talaga-ng-gising na sasakyan. Libre lang naman magfantasize and besides, di naman alam ng katabi mo sa jeep na iniisip mong isa lang siyang palamuti sa sinasakyan mong Lexus sa iyong isipan.

Siyempre, di na ko mageelaborate pa sa traffic na kailangan mong suungin. Sakit sa ulo ng lahat ng tao, motorista man o commuter ang walang patawad na traffic sa lahat ng major roads ng Metro Manila. The worst ang traffic kapag nagmamadali ka kaya kailangan mo talagang maglagay ng extrang oras para sa traffic na iaassume mo na. Pero minsan, kahit anong aga ang gawin mong pag-alis ng bahay, hindi mo talaga masasabi kung kelan ka makakasagupa ng matinding traffic. Naalala ko yung kaklase ko sa med na umalis ng alas-kwatro sa Pampanga para umabot sa alas-otsong klase namin ng umaga. Minalas ang kawawang kaklase ko sa isang matinding traffic sa NLEX at alas-nuwebe na’y di pa siya nakakarating ng Manila. Kapag ganun ang nangyari sa iyo, hindi ka na talaga magdadalawang-isip na pasabugin na lang lahat ng sasakyang nasa daan para matapos na ang paghihirap mo. Ang epekto ng traffic sa transport time ng isang tao ay pinapalala pa ng di mabilang na paghinto ng PUVs kung commuter ang drama mo. Sa puntong ito’y ginawan ko ng klasipikasyon ang mga iba’t-ibang PUVs sa Metro Manila ayon sa dalas ng paghinto nila sa daan. Kung nagmamadali ka, FX ang pinakamadaling solusyon sa commuting problems mo dahil sila ang pinakamadalang huminto sa daan. Sinundan ito ng mga bus na ilang beses din kung magpahintu-hinto sa daan para manghakot ng pasahero. Minsan halos walang patawad pa ang pagpapapasok ng mga pasahero ng mga konduktor na kahit mukha na kayong sardinas sa loob ay “Marami pang upuan!” pa ang maririnig mo mula sa kanila. Wala na yatang mas sasaklap pa para sa isang commuter ang mag-attempt bumaba sa isang jampacked na bus. Madadaig mo pa ang mga dagang costa na nasa isang scientific maze sa pag-figure out kung paano ka makakalabas mula sa dulo ng bus papunta sa harapan. Maswerte kung makakababa ka ng walang namatay sa mga kuko mo sa paa sa kakaapak ng mga tao sa bus. Himala na ang magmukha ka pa ring tao pagbaba mo ng sasakyan. Pero pinakapatok sa dami ng stopovers ang mga jeep na every 5 meters ata ang paghinto. Sila ang hari ng daan. Humihinto kahit saan, minsan kahit sa gitna pa ng daan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong biglang napapatapak sa brakes sa tuwing may jeep na bigla na lamang humihinto sa harapan. Lugi ka kung jeep ang makakabangga mo dahil isang kamot sa ulo lang ang kaya nilang ibigay kapag minalas ka’t makabanggaan ang isang jeep. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung sino ang sisisihin – yung jeepney driver ba o yung mga pasahero ng jeep. Minsan kasi, hindi pa sila bababa ng jeep kahit na ilang dipa lang ang layo ng nakahintong sasakyan kung saan sila bababa. Hihintayin pa talagang umandar ang jeep at sumakto sila sa mismong kanto ng pagbababaan. (Kaya naman minsan, naisip kong dapat may kanya-kanyang babaan at sakayan lang ang mga pampublikong sasakyan. Kung nagagawa nga sa Baclaran at Makati, hindi naman siguro imposible kung gagawin din sa buong Metro Manila hindi ba?) At siyempre, kailangan ko pa bang banggitin kung gaano kakapal na alikabok at polusyon ang magsesettle sa mukha mo pag sumakay ka ng jeep? Libreng face powder lang para sa mga cheapskates – soot powder nga lang.

Simula nang matuto akong magmaneho ay madalang na talaga akong magcommute. Minsan pa nga’y nakakalimutan ko pa kung magkano na ba ang pamasahe ngayon. Madalas clueless din ako kung paano pupunta sa isang lugar via commute kaya mas trip ko ang may sasakyan. Pero nakakasawa rin ang magdala ng sasakyan. Bukod sa halos pumalo na ng P50 ang bawat litro ng unleaded gasoline ay lalong nakakapanlumo kung ikaw ang laging driver lalo na pagdating sa mga lakaran. Minsan, naiisip ko na mas maigi yata ang magcommute na lang, umupo ng kumportable at hayaan si manong drayber na makunsumi sa traffic sa daan. Pero promise. Minsan lang yun. Swerte kasing nakahanap na ko ng minsanang (at sapilitang) driver sa mga lakaran.

Hehehe.

Si Bee.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. xG | May 17th, 2008 at 5:31 am

    pareho tayo
    namimili ako ng sasakyan
    hahaha

    wala akong pakealam
    kung abutin ako ng gabi
    basta mamimili ako ng masasakyan
    hahaha

    asar ako sa mga kundoktor na ganun
    yung nagpapasakay pa
    wala naman ng bakanteng upuan
    uh zuhr talaga

    i hate public buses

    sana di lang ako makakuha
    ng sapilitang drayber
    kundi ng mismong
    libreng idadrayb
    ng sapilitang drayber
    hahahaha

    Pero kapag nagmamadali na, di na ko nakakapamili ng sasakyan. Ayaw ko rin ng siksikang bus pero minsan wala ka namang magawa.

    Drayber ba kamo? Si SMB! :P

    Reply to this comment
  2. M | May 17th, 2008 at 9:22 am

    Para sa kagaya kong mahirap lang, wala akong ibang magagawa kundi mahalin ko ang ritwal ng pagko-commute. Bukod sa wala akong lisensya, wala akong sasakyan, mahal na nga ang gasolina gaya ng sinabi mo.

    Ang mahirap lang sa pagbabiyahe eh yung sa umaga at kailangan mong ma-maintain ang postura mo’t tikas para hindi ka mukhang mukhang inahit ng bulag na barbero. Pagdating kasi sa uwian sa gabi eh wala ka nang pakialam kahit maging mukhang native ka pa dahil bahay na din naman ang tutuluyan mo, unless may lakad kang iba.

    Mas madali para sa lalake ang magcommute. Kahit sa siksikan o sa sabitan pwede. Parang lahat na ata ng kalokohan sa pagko-commute naranasan ko na eh.

    Challenge sa lahat ng commuter yun, yung magmukhang maayos pa rin pagdating sa school o office kahit commute. Tapos pag sa mga babae, limited lang rin ang pwede mong isuot pag magcocommute dahil mahirap magcommute ng nakapalda o naka-high heels.

    M’s last blog post…Error

    Reply to this comment
  3. Saminella | May 17th, 2008 at 8:16 pm

    Ang habaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    basta ako, ang pinaka ayoko sa pagcocommute eh heavy traffic, matagal bago umandar yung jeep/fx/ dahil nagpupuno pa ng pasahero, hindi dumadaan agad yung jeep na kailangan mo pero pag hindi mo sila kailangan eh sunud sunod pa silang dumadating. Yun lang naman wala akong masyadong reklamo. =)

    P.S. lumipat na ako! saminella.co.cc =)

    YUN LANG????
    Haha! Wala ka nga masyadong reklamo Sam. Inadd na pala kita sa links ko. Yey!

    Reply to this comment
  4. vera | May 17th, 2008 at 8:43 pm

    nagtataka parin ako kung bakit rush hour ang tawag sa oras kung kelan may heavy traffic, eh hindi naman rush ang mga sasakyan.. hmmm

    Hehe. Ironic no? Slow hour ang rush hour. Hehe.

    vera’s last blog post…domestic help

    Reply to this comment
  5. Hener | May 18th, 2008 at 4:25 pm

    Nakakainis sumakay sa FX na parang oven.

    Ayaw ko rin sumakay ng Jeep tuwing umuulan.

    BWHAHAH

    Mahal na talaga mabuhay ngayun… hay! Kung pwede lang talaga lumipad.

    Mas maganda pa rin ang magteleport. :P

    Hener’s last blog post…Brown weekend, puke, bayag, Anonymous

    Reply to this comment
  6. ishna | May 19th, 2008 at 9:43 am

    ang hirap talaga kapag nagcocommute. yung school ko dati, maapit lang sa bahay namin, pero inaabot ng 20minute yung byahe.

    Ang nakakainis pa, yung ibang commuters na deadma kapag makikiabot ka ng bayad.

    Yun pa nga… yung mga may selective hearing sa jeep. Maginhawa sana magbiyahe kahit saang sulok ng Maynila kung wala lang traffic.

    ishna’s last blog post…Lalalaguna.

    Reply to this comment
  7. kulot | May 19th, 2008 at 11:15 am

    bili na lang kasi ng sariling bus/dyip ay auto pala

    Mahal ang gas. Haha. Pwede kayang ipaconvert sa LPG yung sasakyan kahit hindi naman taxi? Hehe.

    Reply to this comment
  8. gasti | May 19th, 2008 at 2:41 pm

    ang mahal na talaga ng gas ngyon pati diesel. pareho lang tayo ng sentimyento. ugali ko ng mamili ng sasakyan kapag nag commute syempre dapat yung sulit ang ibinayad mo. yung mga taxi nga namimili ng pasahero eh akala nila sila lang marunong nun.

    nakakatamad rin magdrive pag laging ikaw na lang inaasahan. masarap rin kasi matulog sa byahe di ka pa mababadtrip sa ibang driver at pedestrian.

    Namimiss ko yung matulog sa biyahe noong nagcocommute pa ko papuntang school. Pero mas masarap yung matutulog ka sa pribadong sasakyan tapos may nagddrive sa iyo. Hehe. Sa mga lakaran, ako lagi ang driver. Huhu. Sayang ang ganda ko. Hehehe.

    Reply to this comment
  9. komski kuno | May 19th, 2008 at 3:11 pm

    sa apat na taong araw-araw na pagko-commute ko mula bulacan papuntang maynila, ang dami ko na ring kwentong commuter:D Hindi na rin ako namimili ng sasakyan, kasi madalas late na ako, hehe. Kaya kahit puno na ang bus, nakikisiksik pa rin. Minsan nga, halos kadikit na ng mukha ko yung windshield at nagalit pa yung drayber dahil di na niya makita yung sidemirror, laki ko kasi, tinatakpan ko, hehehe.

    Magdiriwang ako kapag nagkaroon ng mga ruta ng dyip at buses sa wikimapia.org, sana pinanganak na ang gagawa nuon.

    Bulacan hanggang Manila???? Dapat kang patayuan ng rebulto. Ang tibay mo! Naimagine ko rin yung kwento mo tungkol sa sidemirror. Nakakatawa. Hehe. Ang kulit.

    Reply to this comment
  10. cedeux | May 19th, 2008 at 5:28 pm

    para sa walang lisensya…
    pra sa walang kotse…
    para sa di maruning magdrive…

    makisakay! maging parasite! aheheh juk lng.
    masarap magcommute at mag emo. hehe

    masarap magcommute at mag observe ng mga tao sa sasakyan.

    msarap din may katitigan na di mo kilala. aehehhe

    ingats plagi doc=]

    Hahaha. Ginagawa mo yun no ced? :P Nakikipagtitigan sa di kakilala. Ingat ka rin. Haha. Baka pag nagalit sa iyo yung babaeeh masampal ka. Haha.

    Reply to this comment
  11. Poyt | May 21st, 2008 at 3:11 pm

    LOL Good thing I don’t know how to drive. It looks tiring plus you have to be alert when you’re on the road.

    Yup. It’s tiring. Lalo na kung manual yung dala mong sasakyan. Mahirap din magdrive lalo na pag inaantok. Minsan di ko namamalayan na nakakaidlip na pala ako. Hehe.

    Poyt’s last blog post…Poyt’s Palawan Experience Day Two

    Reply to this comment
  12. The Islander | May 21st, 2008 at 5:06 pm

    gusto ko rin yung Apologize ng One Republic…

    ang di ko gusto yung traffic. pag nanggagaling ako ng manila mas marami akong nakukwento about traffic kesa ibang bagay. hehe

    Sana pwede rin natin iexport yung traffic no? Haha. Yayaman ang Pilipinas pag nangyari yun.

    The Islander’s last blog post… 6th Sen. Barbers National Bancarera

    Reply to this comment
  13. lunes | May 21st, 2008 at 8:23 pm

    mabuti na lang accident prone person ako.kaya walang gusto sakin magbigay ng manibela.pabor naman, kasi ayaw ko pa naman mamatay.wehehe.

    mahaba doc.pero ramdam na ramdam ko sa entry mo ang hirap ng mga daan satin dito sa pinas.tsktsk. kaya nga raw, pinoy’s are the best drivers around the globe.dahil dito lang ang may bumper to bumper.dapat mabilis sa footwork.wehehe.

    swerte ka pala ki bee!

    Hindi lang sa dancing kailangan ng mabilis na footwork. Hehe. Mas kailangan nga yun sa pagmamaneho. Hehe. Nabasa ni Bee tong entry ko. Natawa siya sa sinabi kong sapilitan siyang driver. Paano, totoo naman. Haha.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space