Ulyanin
Mahigit sampung minuto rin akong nagpabalik-balik sa lahat ng lugar na pinuntahan ko: kwarto ko, banyo sa itaas, banyo sa ibaba, sala, kitchen, pero hindi ko talaga siya makita.
Wala na yatang mas hihirap pang hanapin sa isang bagay na tumutulong sa iyo para makakita. Para sa tulad kong 500 ang grado ng mga mata, que horror kapag wala akong contact lens o salamin. (Kaunti lang talaga ang ikinamalas sa akin ng bulag.) Sampung minuto akong windang na hinahanap-hanap ang salaming kanina’y suot-suot ko lang. Sampung minuto palang ang nakalilipas nang ilapag ko siya sa isang lugar na sa kamalas-malasan ay HINDI KO MAALALA KUNG SAAN! Madalas kong tuksuhing ulyanin si Bee (pero ulyanin talaga siya) pero hindi ko rin makakaila na makakalimutin din ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naexperience ang hanapin sa kung saan, kahit sa mga lugar na hindi mo naman karaniwang hinahanap (tulad na lamang ng loob ng flower vase) ang isang bagay para sa kung anu-anong nakaligtaan ko: ID, nameplate, panyo, wallet, cellphone, susi ng kotse, susi ng bahay pero pinakapatok ko talagang maiwala ang salamin ko. Sabi nga sa kin ng nanay ko, kung di nga lang daw siguro nakakabit yung *ehem* ko ay malamang pati yun naiwala ko na rin. Minsa’y nagsuggest na rin siya na dapat daw ay may taling nakakabit sa akin at sa mga gamit ko para hindi ko sila naiwawala. Naimagine ko tuloy ang sarili kong may mga sinulid na nakakabit sa mga daliri ko at may tags kung anong gamit ko ang nakadikit sa kanila. Isang hila ko lang, dyaran! Solved na ang problema ko. Siguro, makakahinga na ng maluwag si St. Anthony de Padua sa langit dahil mababawasan na ang mga prayer intercessions sa kanya para sa mga nawawalang gamit (ako siguro ang pinakamadalas na magrequest sa kanya, hehe).
Pero, sa lahat ng makakalimutin na kakilala ko, wala na sigurong mas uulyanin pa kay Bee. Ilang beses na kong nagmaktol at nagtampo sa kanya dahil sa mga bagay na nakakalimutan niya katulad na lang ng monthsary! (Alam ko, napaka-petty nun pero para sa isang relasyong hindi pa umaabot ng isang taon, every month counts!) Pero ayos lang dahil immune na yata ako sa pagkakaroon niya ng memory gap. Kaya minsan, imbis na mainis eh natatawa na lang ako sa kanya. Katulad na lang nung isang araw na nagtampo (na naman!) ako sa kanya dahil nagkamali siya ng sagot sa tanong na: “kelan kami unang nagkita”. Mantakin mong isagot ang December eh October kaya yun! Di ko tuloy maiwasang magduda kung sino sa marami niyang girlaloos ang kinita niya ng Disyembre sa unang pagkakataon.
Pero dahil nagmukha siyang kaawa-awang paslit na mangiyak-ngiyak nung malamang nadisappoint na naman ako, hindi ko na rin nagawang mag-maldita at tinawanan na lang ang blooper niya. (Pag inlababo ka nga naman.
)
Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga food supplements na madalas iadvertise sa TV dahil scientifically proven ng hindi naman sila epektib sa kahit anong paraan. Minsan ay umattend ako ng lecture-seminar ng isang tanyag na researcher sa St. Luke’s (sa sobrang tanyag niya’y nakalimutan ko kung sino siya. hehe) na nagtipon ng mga sari-saring researches tungkol sa mga inaadvertise na food supplements. Sa bandang huli ay napatunayang walang epekto ang kahit anong food supplement na kanyang pinag-aralan. Mabubutas lang ang bulsa mo sa isang bagay na wala naman palang maitutulong sa iyo. Pero mukhang magiging malaking exception si Bee dahil malapit ko na siyang bilhan ng kahon-kahong memory enhancer.
Hehe. Nagiingat lang. Mahirap na. Dahil baka pati ako ay malimutan niya.
Tama na kaya ang isang kahon? 
Tags: kwento, relasyones


15
glutaphos?! parang ginagawa na naming candy yan nung college. ahaha. ako din may sakit na limot.
mas madami lang sigurong mas importanteng bagay ang kailangan alalahin ng utak mo. pasukan nanaman e. (selective!)
Ve’s last blog post…ako to, si vera, pramis.
[Reply]
hi doc. si PEDRO to.
naaalala mo pa ba ako?
huh?
hindi?
xet!
ulyanin ka na nga!
P.S.
nagkita kami ni bee nung december for the first time, xet ang saya saya ko. haha! =P
Pedro’s last blog post…Tigang!
[Reply]
makakalimutin din ako
todo
to the highest level
epektib ba yung memoplus?
ayaw ko naman magsustagen prime
kasi pangmatanda yun
hahahaha
ekasi
ako naman
alam ko kung saan ko nilalagay
ang gamit ko
tapos magbabago siya ng lugar
e mawiwindang ako
OC
hahahaha
tapos
nahihirapan ako magrecall
pero hindi ang makarecognize
ayun
wala lang
hahahaha
[Reply]
nakupo!
ako din!
makakalimutin!
hahaha…
uo nga nu, kung pede lang talaga maiwan ung *ehem* wahaha..siguro matagal na akong walang *ehem*
nakikiusyoso lang po doki ^_^
ayi’s last blog post…’sang buwan
[Reply]
ang pinaka-asar factor naman ng pagiging ulyanin ko ay umaandar ito kapag nagmamadali o paalis na ako.
e ako rin doc mnel may pagka bulag, kapag nasa ten feet palayo ang taong kilala ko, hindi ko siya makita ng maayos. minsan may nagagalit pa at snub raw ako.
e sa hindi ko nga sila maaninag anobeh!!
utakmunggo’s last blog post…ANG LOVE LIFE NI OVERWEIGHT DARNA
[Reply]
naku minsan limot ako sa mga minute details. hehehehe
pero sabi nila para daw mahasa ang ating memory e kung lalo mo syang itetrain at ichachallange.
nga pla, Godbless sa exams mo ha. kaya mo yan doc=]
[Reply]
ulyanin din ako minsan kanina nga lang eh nalimutan ko magdala ng panyo pero sa tingin ko eh hindi na kelangan ng gamot sa pagkalimot..dapat dyan eh umpog na lang o sagasa sa sasakyan para mawala ang amnesia..mas epektib pa rin ang pagbatok sa ulo.
gasti’s last blog post…im walking on sunshine
[Reply]
limot limot din ako. buti na lang si dhie hindi siya makakalimutin. hehe. naku lagi ko rin nakakalimutan kung san ko nilalagay ang salamin ko. minsan nga napasok ako na walang salamin dahil di ko talaga siya makita.
nakainom na ako ng glutaphos ayun, bagsak pa rin ang exams ko. hahaha.
[Reply]
sakit ko rin yan.
ewan ko ba kung ano nangyayari sa akin.
Minsan nga nagha-hang pa utak ko e.
Kaya ako nababangga minsansa kalye.
tapsiboy’s last blog post…Tag
[Reply]
Hi doc! Baka nakakalimutan mo na rin ako? HAHA. Anywho, ako ang tumatawag sayong PRETTY DOC!
Wahaha.
Ako rin, madalas kong makalimutan kung saan ko inilalagay ang mga bagay-bagay. Pero minsan yun pala hawak ko lang. HAHA. Nakakatanga!
IMY doc!
Ayiene’s last blog post…The Run.
[Reply]
doc kilala mo pa ko?
wehehe. ako rin uber sa pagkakamalimutin. Kaya nga minsan nakakahiya na rin sa mga kasambahay ko. minsan nakikita ko na lang salamin ko nasa sahig wala ng lenses.wehehe.
IV PUSH na lang DOc para wag ka niya makalimutan..wehehe.
[Reply]
ganyan din ang sbi ng nanay ko sakin..about sa *ehem* na yan..hehe!
malilimutin din ako..sobra!
natatawa na lang ako sa sarili minsan pag nakikita ko ung
hinahanap ko sa lugar na pinaghanapan ko na rin nman,
pero sa di ko maipaliwanag eh hindi ko dun nakita.
[Reply]
Buti na lang hindi pa malabo ang mata ko at lalong hindi ako ganun ka malilimutin.
Pero kasi sino ba naman ang makakaalala nung ginawa niya noong 3:45 PM ng February 20, 2003 diba?
Hindi na ako umasa pang mabibiyayaan ng mga gamot na yan kasi isa pa yan sa dadagdag na aalalahanin kong bilhin.
Para dun nga lang yata ang gamot na ganyan, para hindi mo makalimutang bumili ng maraming-marami pang gamot.
[Reply]
Glutaphos! just want to ask if may side effect po ito. I want to try this vitamins lapit na kac certification exam ko. Nde naman ako gaano malalilimutin pero I just want to make sure na maipasa ko ung examhahahahhaah.
please email you comment here al_guiven@yahoo.com
Thanks in advance sa mga mag-rereply
[Reply]
[...] ang lahat ng kawalanghiyaan ng mga kalalakihan sa paligid ko (not! ) Hindi naman pala siya kasing ulyanin tulad ng inaakala ko. Mantakin ninyong hindi ko naisip yun? Na pwede na pala kaming mag-walk down [...]