space

Seven Years of Bad Luck

 

Tahimik akong nagpapanggap na nag-aaral sa side ko ng kwarto nung isang araw nang isang nakabibinging pagbagsak ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Kasunod noon ang pagkalansing ng pira-pirasong bubog ng salamin. Matagal ko nang pinangangambahang malaglag ang malaking salaming nilagyan lamang ni Mela ng double-sided tape mula sa pagkakadikit nito sa pintuan ng aparador. Hindi ko alam kung sadyang mahina lang ang double-sided tape o malakas lang ang superelectromagnetic negative energy na ineemanate ko dahil sa pagiging pessismistic sa salaming iyon kung kaya walang anu-ano’y nalaglag na lang siya basta. (Wag niyo kong tingnan. Hindi ko sinabotahe yun. Promise. Cross my heart. Mamatay man si Mariano.)

Habang nililinis ko ang bubog mula sa sahig ay sumagi sa isip ko ang isang matandang pamahiin. Seven years of bad luck daw ang katumbas ng isang salaming nabasag. Sana ay seven years all in all lang ang bad luck na katumbas nito dahil kung seven years times the number of pieces ng salamin ang katumbas na kamalasan, eh ako na mismo ang magbibigay ng go signal kay Mela na tumalon na lang mula sa 13th floor ng aming school building o di kaya’y kumain ng panis na kanin at mamatay sanhi ng di matawarang diarrhea.

Isang institusyon na sa kultura ng mga Pilipino ang mga pamahiin na minamana ng bawat true-blooded Pinoy simula sa paglanghap nito ng unang polusyon sagap ng hangin sa pagluwal sa kanya hanggang sa dalhin niya ang mga pamahiing ito sa kanyang huling hantungan. Ang unang pag-instill ng kultura ng pamahiin ay nangyayari just moments after birth. Lalagyan ng bigkis na may barya ang fresh na fresh na pusod ng bagong baby sa paniniwalang magiging “innie” ang pusod ni baby. Nandiyan din ang paglalagay ng pulang sinulid sa noo kapag may sinok at ang paglalagay ng laway ng bawat taong bumabati kay baby sa tiyan o talampakan pangontra sa usog. Interim ng kapanganakan at kamatayan ay marami pa siyang makakasalamuhang iba’t-ibang pamahiin na dumaan at pinagpasapasahan na ng ilang henerasyon. Pero wala na yatang tatalo pa sa dami ng pamahiing maeencounter mo kapag may namamatay. All out ang mga pamahiin. Kumbaga sa pelikula ay all-star cast: bonggang-bongga.

Noong namatay ang lola ko ay first-hand kong naexperience ang nakakalokang paniniwala ng mga matatanda kapag may patay:

  1. Bawal maghatid ng bisita.
  2. Bawal mag-uwi ang bisita ng pagkain mula sa lamay.
  3. Bawal magwalis ang mga kaanak sa pinaglalamayan.
  4. Bawal pumunta sa lamay kapag “time of the month”.
  5. Bawal maligo sa bahay na may nakaburol.
  6. Dapat lagutin ang rosaryong hawak ng ililibing.
  7. Dapat padaanin sa ibabaw ng kabaong ang mga bata para ‘wag dalawin ng kaanak. Bawal nga pala ang sumayad ang paa ng bata sa kabaong if I may add.
  8. Bawal iuwi ng mga kaanak ng nilibing ang mga tirang pagkain sa lamay.

And the list goes on and on. Bawal ito, bawal yan. Bawat kibot mo ay may sasaway sa iyong oldie elder na magpapaalala sa mga pamahiing never-heard before. Napakaraming bawal! (Pero ang pinakabawal sa lahat ay ang magprotesta sa mga nakakatatanda dahil bumabango sa pagkakasabon ng mga oldies elders at nakukurot ng pinung-pino sa singit ang sinumang magtangka.) Hindi na ako magtataka kung may pamahiing bawal bumangon ang patay (sa kadahilanang nakakatakot ito. ).

Sa totoo lang, wala naman akong hinanakit o sama ng loob sa mga pamahiin ng ating mga elders dahil hindi lang naman minsan ko na ring sinunod ang mga ilan sa mga pamahiing ito. Katulad ng paalala ng matatanda, wala namang masama kung susundin lalo na kung wala namang mawawala. Huwag lang nila akong pipiliting sundin ang mga bagay na sa tingin ko ay b*llshit o kung maisasacrifice nito ang personal hygiene at over-all audience impact ko (refer to number #5). Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi synonymous ang namatayan sa mukhang namatayan.

Siguro kung meron mang hindi ako talaga agree sa mga nabanggit kong pamahiin sa itaas dahil sa scientific basis ay ang paglalagay ng barya sa pusod ni baby. Maaari sanang iwasan nating gawin ito dahil baka ito pa ang magdulot ng impeksyon sa iyong little bundle of joy.

———- Commercial Break

Med tidbit: Ang paglalagay ng barya sa pusod ng bata ay pwedeng gawin sa mga baby na may umibilical hernia para hindi nakakatakot o nakakaalarma ang paglobo nito tuwing iiyak si baby. Balutin muna ang barya sa malinis na tela bago isama sa bigkis. Alalahaning hindi nito matutulungang maging normal ang pusod ng bata. For aesthetic purposes lang ito.

———- End of Commercial Break

Kung paano at sino ang nagsimula ng napakaraming pamahiin sa kultura ng Pilipino ay hindi natin – at malamang ay – hindi na natin kailan pa malalaman. Kung sinu-sino man sila at kung nasaan man sila ngayon, bilib ako sa kanila dahil nakapag-iwan sila ng isang kakaiba at distinct na legacy hindi lamang sa kanilang mga anak kung hindi sa buong lahi nating mga Pilipino. Thumbs up!

_______________________________________________________

Ayon sa mga nakatatandang bloggers (Mr. D ikaw ba yan?), bawal daw umalis ng hindi nag-iiwan ng kumento.

Magiging anorgasmic daw.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. ayyzzz | June 27th, 2008 at 12:19 am

    hahaha :D

    handami kong napulot na ginintuang aral…

    nawala antok ko… pramiss..cross my heart…wag naman po sana mamatay si mariano..lagottt…^_^v

    hekhek

    Huwag mag-alala. Hindi mamamatay si Mariano. Matagal daw mamatay ang masamang damo eh. :P

    ayyzzz’s last blog post…Kotonkendi

    Reply

    Reply to this comment
  2. Ve | June 27th, 2008 at 2:55 am

    ayokong maging anorgasmic Minel. yun lang. kailangan ko iwasan ito. dahil.. dahil kailangan iwasan! ah syet, ahaha ayaw ko din ng bad luck ano. sino ba namang may gusto non amiga?

    Kailangang iwasan yun Vera dahil yun ay essential sa S life ng tao. Social life. Haha. :P

    Reply

    Reply to this comment
  3. Duroy | June 27th, 2008 at 6:54 am

    Bakit naman sa lahat ng pwedeng mamatay… si Mariano pa? Bwahahaha!!!

    P.S. ICU na pala kami… tsk tsk tsk… hehe

    Haha. Buhay lang niya ang pwedeng igive up sa pagkakataong ito. Hindi pwede yung sa akin. Sayang kaya!

    Reply

    Reply to this comment
  4. FerBert | June 27th, 2008 at 7:35 am

    napilitan akong magcomment.. hahaha,, joke lang

    naranasan ko din yang mga pamahiing iyan noong namatay yung lolo ko.. hindi pa kame pinaligo nung inilibing sya.. ewan ko ba kung baket.

    Si Efbee! Takot maging anorgasmic! :P

    FerBert’s last blog post…Superhero

    Reply

    Reply to this comment
  5. gasti | June 27th, 2008 at 9:21 am

    ilan kaya ang buhay nitong si mariano at laging nasusugal ang buhay nya? hehe!

    naranasan ko lahat yang mga pamahiin sa patay..nakakatakot nga eh pero syempre susunod ka na rin kesa naman murahin ka ng kamag anak mo. hehe!

    May sa pusa po si Mariano. Hehe. Mahirap kumontra sa mga matatanda. Pandidilatan ka nila ng mata eh. Nakakatakot.

    gasti’s last blog post…dog style

    Reply

    Reply to this comment
  6. Pedro | June 27th, 2008 at 10:54 am

    dahil sa mapamahiin akong tao, eto na ang kumento. hehe.

    “if i may add” haha, hindi lahat bawal, may pwede din. PWEDENG SUMAMA SA HUKAY NG PATAY, KUNG IYONG NANAISIN!

    ang korni, hindi na sana ako nag-comment pa. nyahahahaha.

    Isa ka pa! Takot maging anorgasmic. Hehe.
    Naaalala ko yung kapatid ng lolo ko. Tuwing may namamatay na kakilala niya eh ang linya niya parati ay: “Sasama na ako sa iyo!” kapag nililibing na. Minsan tuloy may sumagot sa kanya na sumama na siya. Haha. Ayaw din naman.

    Reply

    Reply to this comment
  7. Yvie | June 27th, 2008 at 12:10 pm

    Sa lahat ng pamahiin na sinasabi nila sa akin noon, never akong naniwala. Kahit nung bata pa ako lagi kong kinukwetsyon yung mga yun. Kaya laging may palo. LOL. Sabi ko, bakit ba may pamahiin? Hehehehe.

    I don’t believe in bad lucks. If you believe in this, it will come into your experience; if not it won’t even touch you kahit yung pinakadulo ng kilay mo di matatamaan ng badluck na yan. :P Kakabaliw lang yang mga pamahiin na yan. Mag-imbento nga rin ako ng pamahiin ko. Bwahahaha.

    Kung may patent lang ang pamahiin, gagawa ako ng madami para yumaman ako agad.

    Yvie’s last blog post…Tangerine’s Lullaby’s entry for 6/27/08

    Reply

    Reply to this comment
  8. utakmunggo | June 27th, 2008 at 4:46 pm

    e may pangontra naman sa 7 years bad luck pag may nabasag na salamin. ayon sa ating bubwit, pag naipon mo na raw lahat ng bubog ay itapon ito sa basurahan sa labas ng bahay, at habang humahakbang ka palabas eh wag ka raw lilingon para labas lahat ng malas.

    Naku. Malaking problema. Wala kaming basurahan sa labas ng bahay!

    utakmunggo’s last blog post…HANGGANG KAILAN MAGHIHINTAY..

    Reply

    Reply to this comment
  9. lunes | June 27th, 2008 at 6:48 pm

    naku kelangan ko pala mag-iwan ng komento.ahaha. mahirap na baka ma badluck rin.

    naku nung namatay lola ko, hindi ko sinunod ung bawal maligo,over my alive body! Maliligo ako.wehehe.

    nun ngang nagbabasa ako ng cultural diversity, bigla na lang akong tumatawa sa pamahiin ng ibang bansa. Para ring pinas.wehehe.

    Reply

    Reply to this comment
  10. ced | June 27th, 2008 at 6:56 pm

    ke daming pamahiin. isama pa ung posisyong ng ulo at paa ng ililibing kapag ilalagay na sa tomb. nako nagtagal yung lolo ko bago maipasok noon. hehhehe

    totoo ba yung 7 years of badluck?
    nako… ilang taon na nga ba yun nuong nakabasag ako
    ? hehhehe

    ge doc, ingats palagi. exam week is coming!

    Basta pag patay ang daming pamahiin. Lahat na ata ng pamahiin inipon eh. Hehe. Exam na namin next week! Waaaaa!

    Reply

    Reply to this comment
  11. Jon Cabron | June 28th, 2008 at 7:47 am

    “Dapat lagutin ang rosaryong hawak ng ililibing.”
    - kinilabutan ako’

    tsaka yuck nakakadiri ‘yung laway sa tiyan ng bata, lalo pag yung lola ko yung naglalagay nun talagang halos dinuduraan n’ya na yung daliri nya, yuckkkkk!

    Ilang beses na ko nakawitness ng ganun. Pinapatid yung rosaryo. Bubuksan pa talaga nila yung kabaong para lang kunin yung rosaryo at lagutin. Para daw wala nang susunod na mamamatay. Although nakakalkal na ko ng patay para sa Anatomy noon, di ko pa rin carry ang makakita ng patay na wala sa loob ng ataul. Skeri.

    Reply

    Reply to this comment
  12. mia | June 28th, 2008 at 11:42 am

    galing ako sa burol kagabi. buti na lang hindi ako nag-uuwi ng pagkain. hehe

    Yan ba yung burol ni Jiro? Nalungkot ako nung nabalitaan ko yun. :(

    Reply

    Reply to this comment
  13. Ayiene | June 28th, 2008 at 2:47 pm

    Naku, nadamay na naman si Kuya M dito. Dati rin, nung nagpromise ka, sabi mo mamatay man si Kuya M. :P HAHA!

    Mabuti ng nasusunod ang ibang pamahiin kasi wala rin naman mawawala eh. :D Natandaan ko, pamahiin pala topic namin sa Kas1. :D

    Siya lang kasi ang pwedeng magbuwis ng buhay kaya ganun. Haha. Ayaw niya nun? Free ad space!

    Ayiene’s last blog post…Count to Ten.

    Reply

    Reply to this comment
  14. M | June 28th, 2008 at 3:38 pm

    Marami palang takot sa pagiging anorgasmic kaya naman nagkomento sila dito. Ako hindi ako takot magkaron ng ganun kasi what you don’t know won’t hurt you, kaya di ko inaalam yan.

    Anyway, may karanasan ako sa patay nung bata ako pero di ko naman alam kasi bata pa ako nun at muntik na daw akong tumalon mula sa 2nd floor ng bahay namin sa probinsya. Sayang no? Aaaw. Mistula daw akong nananaginip at walang malay pero umiiyak. Sinusundo ata ako ni lola. Ako ang pinakabata (at pinakagwapo) sa angkan noong panahon na yun kaya ata ganun. Ngayon di na ako ang susunduin ng mga patay kasi baka ikamatay lang nila kung sakali.

    Itinawid nila ako sa ibabaw ng kabaong.

    The End!

    Salamat sa pagpapahiram ng blog mo ha? Napa-post tuloy ako ng entry.

    Anak ng kwago! Pati comment eh hachipatuchi long!

    Reply

    Reply to this comment
  15. kirk | June 29th, 2008 at 6:07 pm

    may nabasag rin na salamin sa bahay namin, malaking salamin yun. ayaw mo kasi sa kanya kaya nagpakabasag na lang siya. mnel, bad girl.

    Ang paniwala ko naman eh lahat ng salamin, eventually mababasag. Pana-panahon lang yun. :P

    Reply

    Reply to this comment
  16. napundingalitaptap* | June 29th, 2008 at 10:24 pm

    hmmm… pwede bang snide comments? ewan, hmmm, nakakaaliw na ni isa sa pamilya namin walang naniniwala sa mga pamahiin na yan…

    kasi bukod sa pamilya ng KJ kami e, hmmm, maraming nawawala kung maniniwala kami…

    gaya ng, e sa gusto kong magbulsa ng kendi? wahahaha

    teka, siguro kaya pinagbawal magpauwi ng pagkain sa bisita kasi minsan limited stock lan ng food

    may point ba ako ate doc? hmmm. . .

    (overspiritualism na kasi to, making it DOUBTFUL sa good plans ni God sa atin. . . WALANG TOTOONG MALAS, bunga ang lahat ng mga pagkukulang ng tao)

    hmmm, KJ ba? just a thought, at madami pang THOUGHTS…hehe.suri.

    haba? hanaku, ewan ko nga po ba kung bakit mahilig ako ng comment ala blog entry. haha.

    flyfly!!

    Isa ka pa. Haha. Ang haba ng comment! :P
    Yun nga yung weird doon. Naturingang relihiyoso ang mga Pilipino and yet, napakaraming pamahiin. Ironic di ba? ;)

    napundingalitaptap*’s last blog post…saang direksyon na?

    Reply

    Reply to this comment
  17. mentholGUY | June 30th, 2008 at 4:28 pm

    Ang baklita, may nalalaman pang umbilical hernia! LOL!

    Hindi ako mapapaniwalain sa mga pamahiing ganyan – pero sa tingin ko wala naman ding nakasasama sa pagsunod dyan (may perwisyong hatid kahit kakaunti pero hindi naman talaga nakasasama ang pagsunod dito).

    At kamon! Kung susundin lahat nyang mga pamahiin na yan – KAMUSTA NAMAN DIBA. :) Bored na siguro ang taumbayan sa dami ng bawal sa mundo..

    Actually nagcomment ako kasi ayokong maging ANORGASMIC. Sheeeeeeeet no way!

    Sabi ko na nga ba! Haha. Ang dami palang takot maging anorgasmic sa inyo no? Hehehe.

    mentholGUY’s last blog post…Two cavans of blog mojo, to go.

    Reply

    Reply to this comment
  18. lunes | July 1st, 2008 at 7:19 pm

    oi doc.. dumaraan uli rito.wehehe. Goodluck sa exams!!

    Salamat lunes

    Reply

    Reply to this comment
  19. xG | July 2nd, 2008 at 4:40 pm

    narinig ko na yang mga pamahiin nayan
    di kaya si mr_d nagsabi sa iyo?
    e kasabay niya yang mga pamahiin na yan e
    hahahaha

    Kailangan natin si Mr. D para sagutin ang ating mga katanungan tungkol sa mga pamahiin ng kanyang henerasyon. Hehe.

    Reply

    Reply to this comment
  20. jham | July 2nd, 2008 at 10:50 pm

    hello.. me likey your page..

    blog hopping lang po..

    *tambay tambay mode*

    tc

    jham’s last blog post…wala lang ulit.. (bakit ba?!)

    Reply

    Reply to this comment
  21. napundingalitaptap* | July 3rd, 2008 at 11:50 pm

    ahahaha. . .ayun, mahaba talaga akong magcomment, sequel kasi ng blog ang comment ko…wahaha, related naman e.

    galing lan po kami sa wake ng isang family friend kanina. naalala ko ang post mo, at ang mga pinagssasabi ko.

    nakuha ko kasi ang ugaling hindi maniwala sa pamahiin higit sa tatay ko, ayun, natawa kami kasi naging paksa ito ng usapan namin. tapos affirm affirm kami, HINDI KAMI NANINIWALA. pero kanina, nun pinapasok kami ng isang lola, ayun sumunod kami pareho, nagkatinginan nalang kami at sabay tumawa.ahahaha.

    makapagsulat nga, hmmm. . .ahahha. pa-apir nga ate doc.

    KITAMS? sabi sa iyo kahit di ka naniniwala, pag nanjan na sina Aling Maria, wala ka nang magagawa. Aba. Masakit ang makurot sa singit no. Hehehe.

    napundingalitaptap*’s last blog post…motherf***er!

    Reply

    Reply to this comment
  22. wifeybee | July 5th, 2008 at 1:40 pm

    wala naman daw mawawala pag sumunod sa pamahiin, pero minsan OA na, nakakaloka… hahaha

    oo. lalo na kapag wala ka namang maisip na logical basis para doon. hehe

    wifeybee’s last blog post…isang buwan

    Reply

    Reply to this comment
  23. churvah | July 30th, 2008 at 9:56 am

    nakakita na ako nung itinatawid na bata sa kabaong.
    at nahihirapan sila dahil ang chubbyness nung bata eh bawal sumayad ung paa,haha!

    nung namatay nanay ko,
    napagalitan ako kasi naligo daw ako.
    haha,di ko nman alam na “bawal.”

    Mahirap pag mataba yung bata. Baka mabitawan pa nung mga nagbubuhat. Buti eh age ang basehan sa ganun at hindi height. Baka lagi na lang akong pinapadaan sa ibabaw kung nagkataon. :D

    churvah’s last blog post…i wish

    Reply

    Reply to this comment
  24. Lei | August 10th, 2008 at 7:23 am

    ang dami nga nun. pero for sure nagsimula lang sa kwentong barbero ung mga pamahiin na yan o kaya kwentong lasing at dahil natural na tsismoso ang mga pinoy dali daling lumaganap ng parang epidemya ang kwento. instant pamahiin na. bravo. :)

    Reply

    Reply to this comment
  25. Gaizel | October 4th, 2008 at 2:15 am

    Nakakatawa naman ang istilo mo sa pagsulat. You expressed your insights and thoughts trhough humor which make it more interesting to read. Im going to send you an email soon..

    Gusto ko sanang gamitin ang blog mo para gumawa ng instructional materials for foreigners para maintindihan nila kung ano ang kultura nating mga pinoy.

    Reply

    Reply to this comment
  26. annabanana | March 20th, 2009 at 11:16 am

    galing! may natutunan ako. tenks!

    Reply

    Reply to this comment
  27. joy | May 11th, 2009 at 10:26 am

    Actually, nabasag ng daughter ko yung compact mirror nya kahapon kay siya ay dead worried kung ano ang pangontra sa years bad luck. FYI: incoming freshman sya ngaun. Please adviseat salamt sa web nyo.

    Reply

    Reply to this comment

Leave a Comment


nine + 4 =

CommentLuv Enabled

space