space

Scare-Me-Not

 

Bumukas na naman yung pintuan kanina na parang hinangin lang ng malakas. Keri sana kung may hangin talaga, pero ni hindi nga gumalaw ang bangs ko, yung pintuan pa kaya? Nagkatinginan na lang kaming magkakaklase at walang makapagsalita hanggang sa may isang naglakas-loob na tumayo at isarado ang pintuang pasaway. Sanayan lang ito, pero kahit magbubukas-sara ang pintuang ‘yon ng isang-daang beses pa sa loob ng isang araw eh hindi ko yata magagawang ma-immune sa kanya. (Buti pa nga ang mga white blood cells ko naiimmune, ako hindi. Hangkurni!)

Sa anim na classroom na meron sa floor namin, dalawa ang sosyalan dahil sa automatic doors na nakainstall. Bongga ang dalawang classroom sa dulo ng corridor. Bumubukas ang pintuan mag-isa kahit wala namang nagbubukas. Defying the laws of Physics ang drama. Naaalala ko nung unang beses kaming nagklase sa kwartong iyon nung first year. Apat na beses atang bumukas ang pintuan at apat na beses ding pilit isinara. Nung una nakakatakot pa, hanggang sa di naglao’y nakakabadtrip na. Kung papampam lang ang mga kaluluwang ligaw na mahilig tumambay sa classroom na yon, sobra naman atang KSP nila. Hindi ba nila alam ang kasabihang “once is enough and two is too much”? Kung ako sa kanila, isang bagsakan na lang ang pagpaparamdam. Mas malakas kasi ang impact.

Ang yabang ko magsalita pero sa totoo lang eh, ako na ata ang pinakamagandang pinakamalaking duwag na kilala ko. Naniniwala ako sa mga kaluluwang earth-bound. Naniniwala akong nag-eexist sila jan sa tabi-tabi. Naniniwala ako kaya please lang, kung meron mang multo ang nagbabasa ng blog ko, wag na wag silang magpaparamdam! Hindi na nila kailangan pang iannounce ang presensya nila dahil hindi ko naman kailangan ng solid proof para maniwalang meron ngang mga kaluluwang ligaw. Feeling ko naman eh, maayos kausap ang mga espiritu dahil bukod sa panaka-nakang pagbukas ng pintuan ng classroom ay wala na akong iba pang experience ng pagpaparamdam.

Ay meron pala.

Naalala ko tuloy yung unang beses na magkaroon ako ng encounter with the third kind (third kind po hindi third sex). Fourth year high school retreat sa Baguio. Last day namin sa retreat house. Katatapos lamang ng tanghalian kaya naman umakyat kami ng best friend ko sa kwarto namin upang magsiesta at maglista ng mga bibilhing pasalubong. Yari sa kahoy ang sahig kaya naman maririnig mo ang yabag ng mga taong daraan sa labas ng pintuan. Tahimik ang buong kapaligiran dahil wala namang ibang tao sa floor na yun kung hindi kaming dalawa lang. Tanda kong sinara ko ang pintuan bago sumampa sa kama ngunit hindi pa nga umiinit ang katawan ko sa kama nang biglang bumukas ang pintuan. Noon ko napatunayan na marunong din palang gumamit ng doorknob ang mga kaluluwang ligaw. Aba’y nagawa pa nilang ipihit ang doorknob bago itinulak ang pinto. San ka pa? Naaalala ko pa kung paano kaming nagkatinginang dalawa na pawang nakikiramdam kung anong gagawin at anong sasabihin. Hindi nagtagal ay tumayo si butihing best friend, isinara ang pinto tsaka inilock. At ako? Ayun. Na-stroke na ako sa kama dahil hindi ata ako makagalaw.

Isa sa mga pinakaaabangan kong palabas noon ay yung All Souls’ Day special ng Magandang Gabi Bayan. Hindi ata ako nagmintis panoorin ang mga nakakatakot na kwentong ibinabahagi nila. Duwag ako at matatakutin pero gustong-gusto kong nakakapanood ng mga documentaries, nagbabasa ng mga true-to-life ghost stories o nakikipagkwentuhan ng nakakatakot hanggang sa tuluyan na nga akong mawalan ng kung ano mang natitirang katapangan meron ako (pero ang weird dito ay hindi mo ako mayayayang manood ng nakakatakot na pelikula, napapanaginipan ko kasi). Hindi ko alam kung masokista ba ako o sadyang parang ewan lang.

Hindi ako naiiinggit sa mga taong clairvoyant, pero minsan ay napapaisip akong ano kaya kung nabiyayaan akong makakita ng mga elementong out-of-this-world at ako ang nagpasikat sa linyang “I see dead people”. Baka sumikat ako, yumaman dahil sa dami ng kliyenteng gustong makausap ang mga yumaong kamag-anak, maimbitahan sa kaliwa’t-kanang interview tuwing sasapit ang November 1 at baka may magpaautograph signing pa nga. Kung ganon lang kadali ang sumikat at magpayaman eh hindi na ako magpprito ng brain cells ngayon. Haha.

Pero hindi ba? Ano kaya ang feeling ng habang nagbabasa ka ng blog ko eh biglang may makikitawa na lang sa tabi mo at magcocomment na baliw na daw ako. Cool yun di ba?

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. napundingalitaptap* | July 30th, 2008 at 12:29 am

    ahehe. . .

    may friend naman ako, nasa baguio daw sila, may narinig na talagang yapak…pumasok sya sa kwarto habang tumatakbo…nagtalukbong agad ng kumot, at pagsilip sa paanan nya, AYUN, MAY NAKATITIG sa kanya! creeeeepy!

    hehe, wala akong experiences na ganyan, o kung meron man, KJ-keyjeyan ako…ahaha

    lab ko din yun feeling na natatakot kahit may-sa-duwag ako when it comes to kwentuhan and movies…ilang araw din akong dinalaw ni sadako at lotus feet.asar talaga! hehe

    share! nakarelate naman.

    flyfly!

    Kumusta naman yung nakatitig pa sa kanya?!?!?!?! HUWAAAAA.

    Dalawang linggo akong di makatingin sa any reflective surface dahil feeling ko eh may makikita akong taong nakahood na nakaturo. Creepy. Hindi ko alam yung lotus feet dahil ang huling Asian horror flick na pinanood ko ay yung “The Eye”.

    napundingalitaptap*’s last blog post…flyfly? samahan mo na ako

    Reply to this comment
  2. xG | July 30th, 2008 at 2:03 am

    ilang beses ko ba ipapaliwanag
    hindi ako taga caloocan
    hahahaha

    eh?
    ayoslang ang third kind
    basta sa umaga
    matatakutin kasi ako sa gabi
    hahahaha

    wala korni
    neber pa ako nakakita ng mumu
    i dare them–not
    hahahaha

    nasabi ko an ito dati e
    may entry na rin ako
    tungkol dito dati
    naalala ko lang
    bakit?
    hahaha

    Bakit nga kaya mas madalas sila sa gabi no kesa sa umaga? Wala pa naman akong nakikita. Paramdam lang. Pero tama na yun. Wag na lang sila magpakita.

    xG’s last blog post…walang urbanidad

    Reply to this comment
  3. Pedro | July 30th, 2008 at 10:14 am

    “ako na ata ang pinakamagandang pinakamalaking duwag na kilala ko.”

    aba malaki ka na pala doc. hahaha, BIRO lang. :D

    aminado akong magugulatin pero never akong naging matatakutin lalong lalo na sa multo. sa buhay na tao pwede pa, pero sa patay? medyo hindi ko pa siya naekspiryens. ang totoo gusto kong makakita ng white lady, yung sexy at kung pwede sana eh yung naka G-string, ewan ko lang pero pag ganun siguro eh baka maging kumportable na akong makita siya lagi at baka mapawi ang takot kung sakaling meron man akong ganung maramdaman.

    hahahahaha.

    Okay yang white lady mo ah. Parang alam ko na kung saan siya nagpapakita. Dun sa lugar na may patay-sindi. :D

    Pedro’s last blog post…072708

    Reply to this comment
  4. utakmunggo | July 30th, 2008 at 5:32 pm

    pocha. gumamit nga ng doorknob? kumusta naman yun? anubayan, katatakutan ang tema ng mga entries ng blogprends ko ngayon ah.

    di ko ma-take manood ng magandang gabi bayan dati kasi walang sariling banyo ang kwarto ko eh ayaw ko namang maihi sa kama sa gitna ng gabi.

    Rinig na rinig nga namin yung pag-ikot ng knob. May mga kwento sa MGB na nakakatakot talaga pero yung iba olats na.

    utakmunggo’s last blog post…%*£&"^+*!!

    Reply to this comment
  5. M | August 1st, 2008 at 11:21 am

    Wala akong personal na kwento ng kamultuhan pero marami akong alam na kwento na kung kanino na lang nanggaling at kung anong mga version na ang pinanggalingan.

    Duwag din akong maituturing at nakakakuha lang ako ng tapang sa kasama ko. Kaya kung ikaw ang kasama ko sa mga sitwasyon na katulad ng nakwento mo, magkakaduwagan na tayo forever.

    Tingnan mo nga naman…
    Di ka takot mabalian.
    Di ka takot matetano.
    Di ka takot masaktan.
    Di ka takot magka-brain damage sa mga pinagagagawa mo.

    Pero…

    Takot ka sa multo.

    Multo lang pala ang katapat mo. WEAK KA MARIANO! :P

    Reply to this comment
  6. Ayiene | August 4th, 2008 at 3:51 pm

    Me too! :) Favorite ko manood ng Magandang Gabi Bayan kapag All Soul’s day. O____O Tapos tapos, nakakumot pa ako. HAHA. Tsaka kahit anong documentary na tungkol sa multo multo. woooo.

    Ako naman, nakakita ng doppelganger dati pa. pinsan ko yung ginaya. nakakita na rin ako ng pugot na ulo sa bahay ng tita ko (o inaantok lang ako ng panahon na yun?) basta, minsan nakakakita at nakakaramdam ako.

    Hala. Clairvoyant ka? Waaaa. Nakakatakot kasama ang mga katulad mo. Kung anu-ano ang nakikita.

    Ayiene’s last blog post…Happy Adventure.

    Reply to this comment
  7. mr_d | August 4th, 2008 at 11:53 pm

    yung bagong lipat kami sa novaliches, mga taong 1821, may kapitbahay kaming white lady. mahilig siyang sumilip sa bintana. badtrip talaga. kaya kahit mainit ang panahon sinasara ko ang bintana ng kwarto ko.

    Sheeeeeettttt.

    Ayoko ng mga sumisilip sa bintana. Oh no. Ibababa ko yung kurtina dito mamaya. Nakakainis ka Mr. D. Grrrr…

    Reply to this comment
  8. lethalverses | August 5th, 2008 at 1:11 am

    ako din! nde ko pinapalagpas ang halloween special ng MGB… may feature pa sila where an old woman, seemingly sweeping the street between the wee hours of 1 – 2 a.m., was captured by MGB’s own camera!! then iba-iba pa…

    but ng tumagal, mukhang OA na ang mga features nila. kulang na lang patulang “kababalaghan” ang regeneration ng isang butiking natapakan ni FB ang buntot.

    Waaaa! Yan din yung exact na scene na sobrang vivid sa memory ko na napanood ko sa MGB. Hanggang ngayon eh takot pa rin ako magbiyahe ng madaling-araw dahil jan. Scary. Baka makakita rin ako ng babaeng nagwawalis sa daan at mawawala na lang ng parang bula!

    lethalverses’s last blog post…elsewhere

    Reply to this comment
  9. chroneicon | August 7th, 2008 at 7:09 pm

    ay potek! napanood ko rin iyon. tapos bumalik pa sila at hindi nakita ung old lady. katakut…

    chroneicon’s last blog post…Kapag Nalasing Ka Sa Usok, Paano Ang Hangover Mo?

    Reply to this comment
  10. ayyzzz | August 8th, 2008 at 6:15 pm

    nakakita na ako ng mumu..
    twice…
    nakakaspeechless pramiss!
    nakakashock..

    wa!
    ayoko nang maalala…

    ayyzzz’s last blog post…gitgitan

    Reply to this comment
  11. Lei | August 10th, 2008 at 7:13 am

    bigla ko tuloy naalala nung bata pa ako. ung sa MGB.katakot ung mga kwento nila dun. (o talagang madali lang takutin ung mga bata?) pero isang beses lang naman ako nakakita ng mumu, sa bahay pa ng kaklase ko. lalaki sya, nakaitim, may kadena ung paa, naglalakad sya, pero ang pinaka shocking dun, galing sya sa pader. wah! nagkatakutan ang buong barkada nung nagtanong ako kung maron bang mumu dun sa haws nila. syempre, ung kaklase kong may ari ng haws, todo deny. haha.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space