space

Alas-Tres

 

Ika-1 ng Agosto.

Alas-tres ng madaling araw.

Nagulat ako’t nagising akong bigla sa tunog ng kotseng huminto sa labas at sa pagbukas-sara ng pintuang puny sa ibaba (one-kick lang yun sa mga insiders eh wala, the end na para sa amin sa bahay na ito). Madilim ang paligid at walang ibang tunog na nanggagaling sa kwarto maliban sa electric fan na bukas (at hindi pa talagang electric fan ko yung bukas). Just to show how much of a loving friend I am, disoriented and all eh isang tao ang agad hinanap ko: si Mela, my ever-loving roommate/long-lost sister. Kinailangan ko pa talagang ilawan ng celphone yung kama niya para lang masigurong may taong nagtatago sa ilalim ng kumot at di lang ako namamalikmata.

Disoriented talaga ako. Ni hindi ko nga matandaan kung paano ako nakatulog.

Sa loob ng nakaraang linggong ito eh, tatlong beses na yatang nangyari sa akin ito: ang mapahimbing ang tulog ng di namamalayan. Nung isang gabi, nag-alarm pa ako bago ako umidlip. Ang dapat sana’y 15-minutong power nap ay naging 7-hour full sleep. Kumusta naman? Buti na lang at natapos ko yung ginagawa kong outline para sa isang group discussion. Hindi ko alam kung nakakahawa ba ang pagiging ulyanin o sadyang nag-se-self destruct na talaga ang mga brain cells ko dahil dumadalas ang pagiging ulyanin ko. Mantakin niyong kalimutan ko daw ba yung pinagsususulat kong notes kagabi? Yun pa naman yung pinagbuhusan ko ng isang-daang porsiyento ng lakas para lang maiwan ng t*ngang katulad ko. *hikbi* At parang sugar on top, hindi ko rin maalala kung alin sa dalawang cases ng contact lens ko nilagay yung bagong set ko. Pareho kasi sila ng kulay pero magkaiba ng grado at dahil magkalapit lang sila halos ng grado eh hindi ko madistinguish kung alin sa kanila yung mas bago.

Simula pa ako Friday ganito. Kung anu-ano ang naiiwan ko.

Nung nakaraang Biyernes, pumasok ako ng wala pala akong dalang wallet. Mabuti na lang at mahilig akong magtapon ng barya sa loob ng bag ko tuwing may sukling iaabot. Naka-40 pesos din ako at salamat sa mga butihing kaibigan, hindi ko kinailangang ipagsiksikan sa P40 ang lunch ko (kaawa-awa). Narealize ko nung mga panahong wala akong pera kung paano ang mabuhay ng walang-wala. Ni sa guni-guni ay hindi ko naisip na darating ang panahong haharap ako sa photocopier at mag-iisip kung magpapa-photocopy ba ako o hihiram na lang ng libro dahil wala nga akong pera. Kung ordinaryong Biyernes lang yun, hindi ako magaatubiling magpaphotocopy ng kahit isang daang piso pa. Pero nung araw na yun, P40 lang ang laman ng bulsa ko. P40 na pinagiisipan ko kung ipangpapaphotocopy ko o hindi. To someone at the other end of Metro Manila, that P40 would mean his life for that day. Maswerte pa nga kung sarili lang niyang gutom ang pagsisiksikan niya sa P40 na yun pero paano kung gutom yon ng pito pang bituka? Kung tama ang turo sa akin ng aritmetik noong elementarya, mahigit-kumulang P5.71 lang yun bawat isa. P5.71. Ang pinakamurang cheese cupcake (na paborito ko) sa labas ng paaralan ay nagkakahalagang P6. Pero sa di kalayuan, may mabibili ka namang 11 pirasong fishballs sa P5.71 na nakalaan para sa bituka mo - sa ngayon. Para sa isang one full meal. Pero paano naman mamaya? Bukas? O sa susunod na linggo?

27.6 Million Filipinos live below the poverty line. Yan ay ayon sa Official Statistics ng National Statistical Coordination Board para sa taong 2006. Ibig sabihin, sa 100 katao, 33 ang walang perang pangkain. Ang isang pamilyang may 5 katao ay kinakailangang kumita ng P6,274 buwan-buwan upang matustusan ang pangangailangang esential. That’s around P42 per day per person. Pero ito ay kung nabubuhay ka pa sa taong 2006 - kung kelan ang gasolina’y tumatama pa ng P30 kada litro. Natural. Iba ang panahon ngayon. The gap between the rich and the poor increased and continuously increases. Hindi na ako magtataka kung sa taong 2009, kung kailan kukuhang muli ng statistics ang NSCB ay dadami ang mga Pilipinong walang pangkain sa araw-araw.

Minsan, hindi mo talaga mawari kung paano maglaro ang tadhana. Parang “to hell with it” ang motto ni Fate. Siya siguro ang nagsimula ng “Bahala na” at “GOK (God Only Knows)” at nagpalaganap nito. Maswerte pa rin talaga ako, ikaw - tayo dahil good mood ata si Tadhana nung sinulat niya ang kapalaran nating dalawa. Kaya “to you”, oo, ikaw na nagbabasa ng blog na ito, gusto kitang batiin ng “Congratulations” dahil katulad ko, nanalo tayo sa genetic lottery kahit consolation prize. I’m sure na kung may pera kang pangbayad ng internet, nirentahan man o sarili, kahit papaano’y may pangtawid gutom ka para sa araw na ito. At kung ikaw naman ay naguubos ng office resources sa pagbabasa ng blog na ito, magpasalamat ka at hindi ka kabilang sa 7.4% ng mga Pilipinong over 15 na walang trabaho (Mnel, is that you?).

Mahirap talaga ang nagigising ng alas-tres ng umaga mula sa pagkakatulog na hindi naman planado. Hindi ko maalala kung kabilang ang alas-tres sa mga witching hours na minsang nabanggit ng isang kaibigan. Siguro, marahil, ay witching hour nga siya dahil sa mga ganitong oras ako nagttranform, lumalabas ang seryosong side ko at nakakausap ng matino.

Peksman.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. V | August 1st, 2008 at 9:18 am

    wow. political ah mnel. ahuhu. oo reklamador ako sa sweldo ko kasi ako lang ang nagpapatakbo ng pamamahay namin. lahat. kargo ko sa kakarampot kong sweldo. kaya nga hindi nako nagpursige na magkaron ng MD sa dulo ng pangalan ko.

    pero at least. may natitira padin sakin. mga 40 pesos din monthly. tama lang pangload, may chikka naman e.

    Minsan nakakafeeling-useless ang ganitong klase ng buhay. Weird pero nakakainggit yung may sarili kang pera at di mo na kailangang umasa sa iba. Pero alam ko someday babawiin ko rin tong sinasabi ko at hihilingin kong sana nag-aaral na lang ako ulit. :P

    [Reply]

  2. Pedro | August 1st, 2008 at 10:46 am

    taas nanaman dalawang kamay ko pati tatlong paa sa blog entry na ito. hindi ko alam pero huling huli talaga ng mga post mo ang kiliti ng panlasa ko. saktong sakto ang timpla at talagang nananamnam ko ang bawat letra ng bawat salitang naiilimbag sa iyong mga lathala.

    sabi nila eh lumalabas daw talaga ang mga magagandang ideya sa madaling araw, kung totoo man ito o hindi ay hindi ko alam.

    so far naman eh lagi kitang seryosong nakakausap, pero gusto ko ding maekspiryens yang pagtratransform mo na yan sa isa mo pang katauhan.wala lang, curious lang.

    bago mahuli ang lahat, napakatotoo ng sinabi mong The gap between the rich and the poor increased and continuously increases. Payaman ng payaman ang mga buwaya at pahirap naman ng pahirap ang masa. Pasan ni Juan dela Cruz ang kahirapan kaya maswerte talaga tayo na nakakagimik gimik pa kahit papano. Coke Event, Birthdays, Film Showings (ay wala ka nga pala sa cinemalaya, hahaha), Birthdays uli, Coke Event nanaman at baka Film Showings din uli. (yung free japanese film chever)

    Marami rami na ang napuntahan. Sana mas marami pa, hehe. :D

    Binibilog mo naman masyado ang ulo ko. Sige ka baka tumalbog na ko niyan. Hehe.

    Hindi naman lahat ng mayaman eh mga buwaya Pedro. ‘Wag tayo masyadong bitter na mas marami silang pera kesa sa atin. Hahahaha. Darating din tayo sa puntong yan. I believe. :P

    Pedro’s last blog post…072708

    [Reply]

  3. FerBert | August 1st, 2008 at 12:43 pm

    panalo!

    at dahil sa entry na to ikaw na ang reyna ng blogosphere doc. si xiena angdyosa.. ikaw ang reyna!

    ang galing! tawagan ko lang yung taga palanca kelangang mabigyan ka ng award dito..

    Isa ka pa. Sos. Malapit na talaga ako tumalbog. Hahaha. Pero sige. Baka sabihin niyo naman na di ako marunong tumanggap ng papuri. Hahaha. Kay yabang ko talaga. Salamat Ef Bee. *big hug*

    [Reply]

  4. xG | August 2nd, 2008 at 4:50 pm

    aba
    ang totoo
    sa madaling araw ako
    gumagawa ng entry noon
    sa empermera
    pero di yun nakabuti
    sa kalusugan ko
    mas mahalaga naman
    ang kagandahan ko
    above all
    hahahah

    mahirap na talaga
    ang buhay ngayon
    minsan di ako nakakapaniwala
    na ang 100pesos
    ay kaya ng bumuhay
    ng pamilya
    tsk tsk tsk

    Oo no. Yung 100 pesos sa bulsa ko na pang-photocopy, lamang-tiyan na sa iba. Nakakalungkot talaga. Paano pa kung magkasakit sila? Kaya tuloy may mga namamatay pa rin kahit na sa simpleng sakit lang. Hay… buhay nga naman.

    xG’s last blog post…Protected: online love

    [Reply]

  5. mr_d | August 5th, 2008 at 12:00 am

    sana babaan pa nila yung poverty line para naman maging above the poverty line ako hehehhe. pero seryos, napakamahal ng bilihin. yung P2000 na worth of grocery eh halos 4 na plastic bag na lang. partida puro sardinas at noodles pa laman non.

    Haha. Pwede rin. Para kumonti ang mahihirap eh babaan na lang nila ang poverty line. ;)
    Yung shampoo kaya. Halos 100 na yung malaking bote. Kaya ang solusyon mag-gugo na lang. :P

    [Reply]

  6. lethalverses | August 5th, 2008 at 12:53 am

    kaya pala nakarelate ka sa post kong “kay Tita…”

    kasi may puso ka din, dahil lantad sa iyong mga paningin ang kahirapang parang anan na madaling kumalat sa balat (dasdismekssens?).

    sinapian na naman yata ako hehe…

    Anan?
    Ah… an-an! Natigilan ako doon ah. Hehe. Salamat po sa pagcomment dito. :D

    lethalverses’s last blog post…elsewhere

    [Reply]

  7. ayyzzz | August 8th, 2008 at 6:29 pm

    bumabaha ng numbers doc..
    hahaha..
    pero tama ka,
    maswerte pa rin ako,
    kahit papano kasi
    nakakapaginternet pa rin ako…
    ng libre at unlimited :D

    tengkyulord :D
    ayyzzz’s last blog post…gitgitan

    [Reply]

Leave a Comment

space