Strike Two
Tahimik akong natutulog nag-aaral kanina sa library nang dumating ang mensaheng ito:
“Pued po b akong humingi ng 2long sa inyo? I’m Anne, 21yo freshgrad po from Bacolod City. Ggawin ko po ang lahat ng kpalit na gusto nio, ma2lungan nyo lng po akong makapunta sa mynila. My job hiring na po kc sana ako jan sa sanmig-ortigas, sayang po kc kung maddissolve lng.. Im willing to take the risks ng kpalit na hhngin nio. Un nlng tlga pg-asa ko na mkluwas kgd pra mhbol deadline ko po.. My pic & supporting docs po ako sa www.annevelasco.cjb.net - Anne”
Hmmm… bakit parang pamilyar ito?
Ah. Anak ng patola. Siya na naman pala. The “angel crying out for help”. Hindi pa nga natatabunan sa “Memory Box” sa itaas ang ginawa kong blog tribute para sa kanya ay eto na naman siya. (Pero sa pagkakataong i-publish ko ang lathalang ito ay mabubura na pala siya sa itaas - Hindi pa pala!)
Tiningnan ko ang numero. Hindi ko alam kung narerecognize ko ba siya o biased lang ako dahil dati na siyang nagkamaling magtext sa akin. Hindi ko tuloy alam kung parehong number lang ba ang nagtext o baka nagpalit na rin siya ng sim. Sayang. Dapat pala sinave ko kahit papaano para may katextmate ako sa mga panahong wala akong magawa. Ganun na lang ba talaga kadaling hulaan ang numero ko? Anak ng patola kasi. Kung anu-anong raffle, loan offers at text scams na kasi ang narereceive ko. Nung isang araw, may nagtext naman sa akin ng:
“Hon, txt or call asap mahalaga sasabihen ko sayo d2 ka reply send ka load 150 pesos last txt na e2.”
Natawa na lang ako dahil NAKALINYA RIN KASI SI BEE kaya imposibleng maubusan siya ng load. Napansin ko lang din na napakaraming humihingi sa akin ng pera. Ano tingin sa kin ng mga ito? Bangko? Paluwagan? *gasp* SUGAR MOMMY?!?! Susme. Wala nga akong perang pangshopping, pangbigay pa kaya sa kanila?
Pinuntahan ko nga pala ang site niya. In fairness kasi, nagpalit na pala siya ng address dahil wala na yung luma. Wala. Halos ganun pa rin ang laman. Talo pa nga ang slumbook dahil may vital statistics pa siyang nalalaman. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung kailangan ba ang vital stats sa paghingi ng tulong. Kung ganon kasi ang kaso ay wala pala akong laban pag ako na ang nangailangan. Hindi kasi ako pinagpala ni God para bigyan ng bright future (malaking magandang hinaharap). Hindi ba pwedeng sa ganda na lang idaan ang labanan? Maganda raw kasi ang ilong ko. Yun lang. Ilong lang ang kaya kong isabak sa tagisan ng kagandahan dahil wala, kulelat pa rin ako kung face value ang paguusapan.
Asenso na rin pala si Anna Marie kahit papaano. Meron na rin siya pati Globe Achievement Award na nakabalandra na rin ngayon. Siguro sa tagal ng panahong walang tumutulong sa kanya ay nailit na yung scanner na ginagamit niya kaya lapag-sa-floor-at-kuhanan-ng-digicam na lang ang style niya ngayon. Kawawa naman. Ayaw niyo pa kasi tulungan eh. Ayan, nawalan na tuloy ng scanner ang pobreng binabae ngayon1.
Ang dami na talagang scam ngayon. Ganun na lang ba talaga kahirap ang mabuhay sa Pilipinas ngayon at kung anu-anong modus operandi na ang ginagawa ng mga tao para lang may ipanglaman sa sikmura at pangtustos sa luho? Nung isang araw na nagkaroon ng himala at nagbukas ako ng TV ay napanood ko naman yung isang feature tungkol sa lighter na worth Php 195.00 at yung magic basahan na pangtakip nila sa number “1″. Ang siste eh, bebentahan ka nila ng lighter na worth Php 95.00 pero pag bibili ka na makikita mo na lang na Php 195 pala siya at kukuyugin ka ng mga kakuntsaba nila sa pagkakataong tumanggi kang magbayad ng ganung halaga. Matalino di ba?
Rhetorical question lang. Hindi kaya sumasakit ang tiyan ng mga taong ito sa tuwing kakain sila? Kasi minsan, mabilis rumesbak si karma; di ka pa nga nakakatapak eh, mahuhulog ka na. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga taong kayang mabuhay ng ganun… yung may nilolokong iba. Siguro hindi ko yun maiiintidihan dahil wala naman ako sa kalagayan nila. Ano yun kapit sa patalim? Siguro. Marahil. Ewan.
Kagaya ng sinabi ko noon, it’s the same old banana. Nakakasawa na nga lang pansinin at talakayin minsan. Pero sa kasong ito, sana talaga walang tatanga-tangang horny vulnerable male citizen with a heart siyang naloloko sa ginagawa niya. Mga taong kagaya mo. Kung ikaw ay napadpad sa blog na ito dahil hinahanap mo si Anna, ngayon palang eh sinasabi ko na sa iyong mas mabuti pang sa ibang bagay mo na lang ibaling yang atensyon mo, oras at pagod. Not worth it.
Wag kang gumaya sa kin na nagpapaka-bum at nagbblog ng tungkol sa mga bagay na walang kwenta habang naghihintay ang libu-libong pahina ng libro na kailangan ko pang basahin. 
Ang tamad ko talaga.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
1Ito ay ayon kay Mr. Jon Cabron na minsan na raw niyang nakausap
—————————–
XS: Marunong kaya siyang magbasa ng blog? Kudos to her. Well-edited na ang bagong cum laude award niya ngayon. Eto nga pala yung luma. Tarush di ba?
Tags: anna marie velasco, anne, annevelasco, opinyon, text scam


11
hanuver. kelan ba talaga sya inawardan? bwahahahaha. walang nagteteks sakin ng ganyan kasi they can smell how poor i am.
ako kaya, ioffer ko kaya ang ilong ko? ilong lang din ang panlaban ko e. hehehe
[Reply]
siya nanaman? madaming improvement ah, hahaha. sosyalers na si annamarie. ang kapal ng muka ng may pakana nito. yun lang masasabi ko.
Pedro’s last blog post…Pabili Nga Ng Ligaya
[Reply]
napanood ko iyang lighter scam na iyan. mabuti at nakulong sila. hindi magkakaganito ang mga tao kung maayos ang sisema natin at walang corruption. haay.. ung mga nasa taas talaga oh…
@ V - hindi lang ilong ang panlaban mo, pati boses!
chroneicon’s last blog post…Kapag Nalasing Ka Sa Usok, Paano Ang Hangover Mo?
[Reply]
doc naman kasi
pamudmuran mo nga
ng naguumapaw na salapi
yan ng matigil na
hahahaha
minsan nga
makapagsend din sa tatay ko
baka padalhan ako
hahahaha
xG’s last blog post…human
[Reply]
Pamilyar.
Hanggang ngayon dito nakakatanggap pa din ako ng ganyang mga mensahe sa roaming ko na numero. Nakakatawa kasi ganyangganyang mensahe din ang natanggap ko. Tindi din ng mga gumagawa niya ano?
Gamutin mo nga, doc!
Samjuan’s last blog post…sinok
[Reply]
doc,ansarap sampalin nyang
ana marie na yan ng pera…
yong purong barya!
bwahahahaha
ayyzzz’s last blog post…gitgitan
[Reply]
naku doc mnel, nakakaamoy ng rich kid yan. hehehhe
hayaan mo na yang mga scam na ganyan.
walang magawa sa buhay.
may karma rin sila=]
[Reply]
tsk.tsk. oou nga, super hirap na ba talaga sa pinas ngaun? pero sana naman nililista nya ung mga cel no. na pinadalhan na nya nung msg. nya para hindi umuulit tulad ng syo doc. pero in fairness, talagang ginagawan nya pa ng blog ang imaginary self nya. naks!
[Reply]
taray
memorize ang number mo mnel! anyway kakareceive ko lang ng message na ‘d2 ka reply, load mo ko ng 150pesos’ kagabi! pinagaksayahan ko siya ng piso at sabi ko ULUL MO! UMIISTYLE!
[Reply]
Cuz, nakakareceive ako ng message na nagpapaload—ilang beses na rin na ganyan. I-report nyo kaya sa globe para i-ban yung number nun? Hehehehe
[Reply]
mnel! omg! i received the same message the other day!! yung humihingi ng load! sinagot ko.. “you’re pathetic”. haha! nakakainis!! exam pa naman nung mga panahon na yun. siympre, stressed out ka na tapos may epal pa na magtetext ng ganun! nako!!!!! haha!
del’s last blog post…new rule for dilly del
[Reply]