So Sick
Kung nangunguna sa listahan ng pinakaayaw kong karamdaman ang sakit ng tiyan (yung tipong pang-diarya*) at pumapangalawa ang sakit ng ngipin, pwes, third runner up ang sipon, lalo na yung unang araw kung kelan tumutulo na lang siya na walang pakundangan at parang pinangpunas ng pawis ng maskuladong-weightlifter-na-nasa-chipipay-na-gym ang panyo mo. Kapag ganitong malamig ang gabi, naghahanap ako ng kayakap makapal na makapal na kumot, yung limang beses ang bigat sa akin para mag-init ako - literally. Kailangan kong gawin ang lahat ng paraan para hindi ako lamigin. Kung kinakailangang maging hot and heavy ang kwarto sa pamamagitan ng pagsindi sa sandamakmak na reviewers eh gagawin ko tutal wala naman silang natulong sa nagdaang exams (Charantia!). Masisisi niyo ba ako kung sadyang sensitibo ako sa lamig? Hindi puny ang immune system ko. Sa katunayan, sobrang hyperactive niya (alam ko redundant yun, you grammar-whore!). Pangmayaman ang lungs ko. Hindi ako pwedeng maalikabukan dahil paniguradong aatakihin ako ng allergic rhinitis. Saan ka naman ba nakakita ng allergic sa sarili niyang kwarto?
Iniiwasan ko ang bumahing ng kahit isang beses dahil pagkatapos noon ay para na akong machine gun na hindi titigil sa pagbahing hanggang sa gustuhin ko na ring ilabas ang baga ko sampu ng tiyan, atay at balun-balunan ko. Kilala niyo ba si Sleepy, yung isa sa mga dwarves ni Snow White?

Pwes, hindi ko siya kamukha.
——————
Commercial Break: Pero may mga haka-hakang naging inspirasyon kay Walt Disney ang isang kaibigan na may myasthenia gravis sa pagbuo ng character ni Sleepy.
——————
Pero siguro naman nakakita na kayo ng taong mukhang siopao. Ganun kasi ang itsura ko sa tuwing aatakihin ako. Lamang lang talaga ako ng dalawang paligo - swear. At kung sasabayan pa yan ng malalim na eyebags at dalawang malalaking pimples na naghihimutok ay hindi mo na nanaisin pa ang mabuhay lumabas ng bahay - at least for the next one week. Pero gustuhin ko man maghibernate sa loob ng isang linggo, wala naman akong magawa kung hindi ang ibandera ang itsura kong walang pinagkaiba sa basahan ngayon. Sayang naman ang isang linggong sembreak na ipinagkaloob sa amin para itulog lang maghapon at magdamag. Kailangan kong irevive ang naghihingalong social life ko you know.
Marahil ang tanging naging perk lang ng pagkakaroon ng sipon ay ang pagkakataong legal kang mag-adik sa Decolgen o Neozep para sa pagtulog na kaiinggitan kahit ni Sleeping Beauty…
I should know. Kagigising ko lang at narealize na hindi ko pala natapos ang entry na ito. *sniff*
——————————————-
*Isang pagpupugay sa namayapang blog at pagkatao ni Mr. D.
Tags: sickly


14
mukang nakadrugs ka talaga ngayon mnel. pagaling ka ha.
DOA nadin ang diarya.
[Reply]
kawawa ka naman. read the neti pot alternative.
[Reply]
napadaan lang po… Pareho pala tayong maramdamin ang ilong at masyadong sensitib. Pagkatapos ng isang bahing, parang may tsunami na sa loob. Sabi ng iba epektib daw ung honey+calamansi, ewan ko lang kung totoo.
[Reply]
basta tungkol sa sakit si mr_d na ang iisipin ko.. hahahaha
FerBert’s last blog post…Lucky me, Lucky you
[Reply]
isa lang ang kinaiinisan kong sakit,
Lovenat.
TOINK
Hener’s last blog post…Stuff you thought was cool…
[Reply]
may nagtanung sakin sino daw ang gumagamot sa doctor kapag sila ang may sakit…
ako pwede kitang alagaan=]
[Reply]
kahit anong sakit kakayanin ko pwera lang sa sakit ng ipins.
[Reply]
get well soon Cuz! ^^
[Reply]
doc doc doc doc doc.
wala lang.
pagaling ka.
baka kulang lang yan sa yakapsul at kisspirin.
[Reply]
ako rin, ayoko ng sumasakit ang tiyan.
ayoko nung gastritis ko.
ayoko rin ng sinisipon.
ayoko nagkakasakit. ang gastos.
hahaha. pagaling ka pretty doc!
Ayiene’s last blog post…Where Were You?
[Reply]
alam naman ng blogosphere
ang sakit ko
tonsilitis
hahaha
pero si manding?
matatadyakan ko talaga
sumpa!
xG’s last blog post…miss taken
[Reply]
“If one doctor doctors another doctor does the doctor who doctors the doctor doctor the doctor the way the doctor he is doctoring doctors? Or does the doctor doctor the way the doctor who doctors doctors?”
hmmm akalain mo nga naman, gaano man kalayo ang narating ng ating teknolohiya ay wala pa ding lunas sa common colds - liban sa pansamantalang reliefs na itinutuing nating “gamot”.
doc, malay natin, samdey ay ikaw ang kauna-unahang makakaimbento ng totoong lunas sa common colds.
gusto ko ung color pink!!! ahehehehe.
[Reply]
aba uso pala tlaga ngaun ang sipon.wehehe.at nasa uso ako…
naaliw ako doc sa commercial break.may inspirasyon pala tlaga dun si mr.walter.. galing.
pagaling doc..
[Reply]
dati ang sakit sa ipin ang ayaw ko, pero simula nung nakakain ako ng dumi sa alimasag (parte na hindi kinakain) pota muntik ko na ikamatay. ang sakit ng tyan ko, ako ay nakahandusay at lupaypay. parang sampung libong karayam ang tumutusok sa
betlogtyan ko. at dahil dun siya na ang numero uno ko sa pinaka-ayaw kong sakit.sanay naman ako sa sipon, halos araw araw, kung kailan ako lumaki at saka natutong maghilamos, parating napapasukan ng excess na sabon ang aking ilong kapag nagbabanlaw na ako. sose.
kirk´s last blog post…Taste of Euphoria
[Reply]