TV Naman Ang Kasunod
Nadiskubre ko na ang panlaban sa matinding kaantukan sa daan: RADYO!
Sikat na ako matapos marinig ng libu-libo ang mahiwaga kong tinig sa radyo. Fifteen minutes of fame na tumagal lang ng halos isang minuto (oo, napakaironic). Nagbakasali lang palibhasa nakakaantok sa daan. Sukat ba namang sagutin yung telepono?!?!?! Nagpanic tuloy ang beauty ko. Muntik pa akong ma-Janina San Miguel kanina. Buti na lang sanay ako sa grace under pressure:
“What is the structure found between the red nucleus and the crus cerebri?”
“What are the indications for a Roux-en-Y hepaticojejunostomy?”
“What is the ECG diagnosis of premature atrial complexes?”
Hindi ko na alam kung ano ang pinagsasasabi ko. Sumagot ata ako ng “Mnel”, “Christmas Party” at “St. Luke’s College of Medicine” in no particular order sa mga tanong na binato ni Rico Robles. Anak ng tinola. Minsan na nga lang ako ma-o-on air, nagkakalat pa ako.
Ano daw?!?! Request daw?!?!? Eh wala naman akong gustong marinig. Gusto ko lang magising. Pero, when all else fails, humingi ka ng “Sexy Love” kapag Hip26 at “Material Girl” kapag “Back to the 80s”.
Sayang talaga at nagddrive ako. Hindi rin ako handa na maging live caller sa radyo. Di ko man lang naiplug ang dotcom. Libreng hits din na sana yun.
At para sa mga kaklse kong nakarinig sa akin kanina (re: Robert King, Karlo Dumaup) huwag niyong itakwil na kaklase niyo ako please?!?!?! ![]()


11
anong estastsyon to? bwahaha
FerBert´s last blog post…Shawarma
Reply
wow pa rx-rx na lang ah! kaso madalas ako makinig sa barangay LS hahaha! =))
kirk´s last blog post…5 & Up
Reply
Wah! Hindi ka man lang nagpasabi. Hahaha. Sana habang kinakausap ka eh may naitext kang kahit isang blogger para naman napakinggan ka namin. Hahaha.
Meryl´s last blog post…Hohoho.
Reply
mnel reply on December 21st, 2008 11:23 pm:
buti nga wala! sos. nagkalat ata ako. hahaha. bakit meryl? willing kang walisin ang kalat ko? hahaha.
mnel´s last blog post…TV Naman Ang Kasunod
Reply
tv nga naman ang kasunod!
at sigurado
youtube na katapat nito.
hahahaha
xG´s last blog post…breakbone
Reply
ahaha… nacurious naman ako at bakit may mga ganyang tanong ang tinatapon sayo ng radio announcer. para lang may residenteng bigla kang in-on the spot na tinanungan. buti ka pa, nasagot mo. kung ako yun, baka inoff ko na lang yung radio sa sobrang nerbyos. hehehe…
meri christmas! =)
siangelnawalangpakpak´s last blog post…Happy Beerday
Reply
mnel reply on December 22nd, 2008 4:27 pm:
actually di naman tinanong yan. haha. pero yung feeling nung kausap ko si rico robles eh parang ganyan… na-on-the spot ng preceptor.
mnel´s last blog post…TV Naman Ang Kasunod
Reply
ahaha .yesssss. sikat amf!
susunod nyan hihingan ka na ng “what would be your opinion doc?”
Reply
[...] TV Naman Ang Kasunod [...]
hehehehe. when i was studying at med school, mahilig ako sa rx.
Reply
sayang oh. di ko narinig. hehe.
lei´s last blog post…Year End Report
Reply