space

Year-Ender

 

Parang ano lang yan eh… countdown sa radyo. Kailangang gawin kasi naging routine na at maiiba ang takbo ng mundo kung wala. Dapat kahapon pa ito para sana meron akong entry ng Disyembre pero tinamad ako.

I cannot find the right adjective to sum up 2009. May masaya, may malungkot, may frustrating, merong life-changing – ganyan ang mga naranasan ko sa loob ng 365 araw. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Parang may kulang sa taon ko. Marami akong di naachieve. Tuloy, para akong naghahabol ng panahon ngayon. Quarter-life crisis na ba ito? But I’m not even 20! (Okay, stop those dagger looks)

JanuaryUnforgettable. May nangyaring issue sa amin ni Bee sa kalagitnaan ng pagcecelebrate namin ng aming 1st anniversary. No. Mas mababaw siya sa pregnancy-issue (na imposibleng mangyari) at mas malalim naman sa facebook-issue. Sabihin na lang nating may emo-moment na pag-iyak sa loob ng kwartong involved. Yung parang napapanood sa madramang soap kung saan dahan-dahang napapaupo ang bidang babae habang nakukusot ang mukha habang tumutulo yung luha. Sabi sa inyo, pwedeng-pwede akong mag-artista.

February – Birthday ko. Birthday ni Bee. In short, magastos. As peace-offering, dinala ako ni Bee sa Avilon Zoo kung saan nakita namin yung kapatid niya. Valentine’s Day. For the longest time, may flowers ulit ako. Kaya lang naitapon ni Mama yung bouquet nung nalanta na. Buti may naitabi akong flower na inipit ko sa gahiganteng dictionary.

March – Pagkatapos na pagkatapos ng finals, pumunta kami nina Mama at ni Bee sa Bohol and Cebu for my much-awaited vacation. Worshipped the sun so much kaya hanggang ngayon maitim pa rin ako. Made life-altering decisions. Lumipat ako ng bahay na mas malapit sa ospital. Had to give up my car due to lack of parking space. End of my joyride years. Para akong nawalan ng paa. Ospital-apartment-bahay na ang drama ko ngayon. Received good news that I’ll be getting 75% off my tuition fee and miscellaneous fees even if I had a 79 on a minor subject in 3rd year. Love ako ni Kuya Jess!

April - Start of the 12-month-long hospital slavery aka clerkship. First rotation was in Pediatrics. I loved dealing with kids and being with them. Ang sarap kumarga ng baby kapag tulog. Kapag umiyak na, balik na agad sa crib sabay takbo kasi baka pagalitan ng nurse. Hehe. Napabayaan ko ang mga blogs ko due to lack of time.

May – Pedia rotation pa rin. Wala akong maisip na importanteng nangyari sa buhay ko. Save for the fact na nagmumukmok ako sa ospital habang naka bakasyon ang lahat ng tao. Sad.

June – Cabiao! Community rotation for one month. Hindi ko alam ang gagawin ko sa unang pasyenteng nahawakan ko nung unang araw namin sa Cabiao. Backache daw. Muscle sprain ang diagnosis ko. Acute pa naman kasi. Sumagi sa isip ko ang mag-practice sa probinsiya dahil kailangan nila ng duktor doon. Pero aanhin mo ang duktor kung wala rin namang gamit? Realized how our country’s health system is in shambles.  Hoped for a better health system for the Philippines. Muntik na akong di bumalik ng Cabiao at magquit totakky when I learned that the technicalities of the  “grant” I got last March was changed. Pinagbabayad na ko ng full tuition ko pero in 10 gives. Grant in aid daw? Bah! Sa kanila na yung “GIA” na yan.

July – Back to homebase. Anesthesiology and dermatology ang electives ko. I wanted to take up Radiology sana since kinoconsider ko ring mag-radiology in the future pero dahil masyado akong mabait, I gave way to a groupmate para makuha niya yung slot. I realized later on na ang tanga-tanga ko talaga. Yet, I did not regret taking up Dermatology. Ang dami kayang freebies at free food!

August – Almost gave up with Surgery dahil lagi akong nakakatulog habang nag-aassist sa OR (no joke!). Cool yung unang scrub ko sa OR. In a rare moment, naipasok din ako sa Cardio-OR at nag-first assist to a Cardiosurgeon sa isang CABG. I’ve always wondered kung paano nila binubuksan yung ribcage para makarating sa puso. Alam ko na ang sagot: chainsaw.

September – ER and OPD post for Surgery sa first half ng September tapos Orthopedics naman sa second half. Maaksyon sa ER. Ngayon ko lang aaminin ng buong-buo na toxic akong tao. Two gunshot victims of a foiled ambush and a burn victim na natrap sa loob ng sasakyang nasusunog dumating sa isang gabi at magkasunod pa! Na-narrow down ang choices ko para sa residency training dahil alam kong hindi na ako mag-O-Ortho sa kadahilanang mabigat yung lead gown na suot nila.

October - Had fun with the ENT boys. Ophtha wasn’t as bad as I thought and as what they were telling me. In fact, sa Ophtha lang ako nakaexperience ng duty pero complete bed rest naman. Considered taking up ENT and Ophtha for residency. Oo. Lahat naman gusto ko. I learned that I had Laryngopharyngeal Reflux Disease. Sa mga mortal, yun yung kapag umaakyat yung asido sa tiyan mo papunta sa lalamunan. Kaya pala madalas akong paos. =( Dumating ang Ondoy. Binaha ang Maynila. Nawalan ng kuryente. Na-”stranded” sa St. Luke’s kahit fake. Gayunpaman, kumain ako ng mainit na pagkain at natulog sa malambot na kama at aircon na kwarto dahil inampon kami ng kaklase kong may generator. Much love. Hindi ko alam na yung araw matapos ang Ondoy ang huling araw na makikita at makakausap ko si Kuya Jori ng buhay. He died October 22. Biglaan ang uwi ko sa Antique. Ginawa ko lang parang Laguna dahil overnight lang ako doon. =(

November – Benign kung benign sa Psychiatry. Forever and ever akong online sa facebook at plurk sa loob ng dalawang linggo. Everyday may daily photo pa. Nalamang kong hindi ko kayang maging psychiatrist. Masakit sa lalamunan ang makipagusap sa mga pasyente for hours! Na-inlove ako sa neuro/neurosurgery. Ibang klase ang calling ng Neuro sa akin. Ito na nga kaya?

December – OB rotator sa East Ave. New friends found. Nagawa kong magtransform at maging monster sa East Ave. Nakailang beses din akong magpaanak sa East Ave. ng ako lang. Oh yes. Simula paggupit ng perineum hanggang paglabas ng bata, ako lang mag-isa. FTS! (fass the sauce) Akala ko pa patay yung unang batang nailabas ko. Napaiyak ako sa tuwa nung marinig ko siyang umiyak some five horrible minutes later. For the first time in XX-years, ngayon ko lang hindi naramdaman ang pasko. Dumaan lang siya at nawala. Buti na lang kahit papaano may break ako.

As you have read, napakaboring ng buhay ko. It seems as if ang dami kong nagawa pero sa totoo lang, hindi pala iba ang buhay-duktor sa buhay ng mga mortal sa labas ng ospital. May routine ka rin palang susundin kahit na sabihin mong hindi 9-5 office work ang trabaho mo. And I thought it was different.

Sabi na nga ba dapat nag-artista na lang ako. =)

Happy New Year Everyone!

Tags:

 

Reader's Comments

  1. RJ | January 3rd, 2010 at 7:00 pm

    Binawi ng post na ito ang hibernation ng ‘An Apple A Day’ noong 2009! Good luck sa studies!

    Happy New Year, Doc Mnel!
    .-= RJ´s last blog ..…a Tiger by the tail =-.

    Reply to this comment
  2. Formerly From Sudan | January 6th, 2010 at 2:01 am

    Keep on blogging Mnel, however infrequent.

    Dito lang kaming mga tagahanga mo at nakasubaybay.

    Happy new year too.

    Reply to this comment
  3. Jon Cabron | January 18th, 2010 at 11:40 am

    hi.

    bye.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space