space

Little Miss Bitch

28 Apr 2008 narcissism
 

Makulit, madaldal, maganda, bubbly, maganda, hyper – ganyan ako kadalasan kung ilarawan ng mga kaibigan ko sa tunay na buhay. Ayon nga sa college yearbook write-up ko:

Though seemingly impossible, she is one giant ball of energy ready to explode anytime.

Para raw akong isang nuclear bomb. Gumugulo at umiingay ang paligid tuwing dumarating ako. Hindi kasi ako nauubusan ng ikkwento at ikokomento sa halos lahat ng bagay (pati usapang DOTA pinapatulan ko). Hindi ako mahilig makipagusap sa kung kani-kanino, pero kaya ko maging super friendly sa mga pagtitipon. Paminsan ay nangangausap ako ng kung sinu-sino lalo na kapag namumuti na ang mga mata ko sa kabagutan. Mabuti na lang, babae ako’t mukhang anghel di gumagawa ng masama kaya di ako masikmurang ismidin ng mga kinakausap kong mga ale, kuya, manong, miss at kung sinu-sino pang mamalasing makatabi ko sa kung saan.

Pero nag-iiba raw ang ihip ng hangin kapag bad trip ako: nangungunot-noo, tahimik at umiikot ang mga mata sa kanilang sockets. Kung anime character ako, siguro’y may lumalabas pang usok sa butas ng ilong ko o di kaya’y nagiging hydrocephalic at disproportionate ang katawan ko at mga braso habang nag-kukulay rosas ang buong mukha ko. Kapag minalas ka pang abutan ng bitchfit ko, baka nakatikim ka ng isang malupit na irap sabay hair flip na sa totoo lang ay hindi ko naman sinasadyang gawin.

Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang tubuan ng sungay at magmaldita dahil sa totoo lang tahimik at mabait naman ako NOON. Sige nga. Ito ba ang mukhang maldita?

Sa katunayan nga, nakakuha pa ako ng Deportment Award nung nagtapos ako ng elementarya. (Ganun ako kabait! ) Pero kung babalikan natin ang nakaraan, siguro nagsimula akong maging little demonyita nung tumuntong ako ng high school at nagsawang maging Miss Goody-two-shoes. Pero teka. Mabait pa rin naman ako nun. Hindi ko naman binigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang ko pero aaminin kong pasaway ako at malditahin na. Yung masarap kurutin sa singit para magtanda. Ang pinakamalas na nilalang noon ay ang ex kong itago na lang natin sa pangalang Voldemort (He-Who-Must-Not-Be-Named). Hindi ko maalala kung ilang beses ko ibinuhos sa kanya sa magkakaibang paraan ang ka-badtripan ko na wala naman siyang kinalaman. Hindi ko na rin nabilang kung nakailang walkout ako sa kanya at kung ilang beses ko siyang iniwan sa loob ng kotse.

Kahit noong tumuntong ako ng kolehiyo, dala-dala ko pa rin ang pagiging maldita. (Pero gusto kong linawin na di naman ako nakikipag-away kung kani-kanino. Sadya lamang may mga taong kahit anong gawin mong pagtitimpi eh talagang nakakakulo ng dugo.) Hindi na bago sa mga kaklase ko ang makakita ng lumilipad na sandals papunta sa kabilang dako ng silid-aralan. Nagsawa na rin silang bilangin kung ilang beses akong nakikipagsagutan sa mga mortal kong kaaway sa loob ng isang linggo. Naging trademark ko ang hair flip. Naging perfect example ako ng “girls kick ass” at isang legend na ang sampalang naganap sa lobby ng GAB one fine sunny day sa pagitan ng isang petite na babae at isang lalakeng nabastusan siya.

Yan si Mnel NOON. Isang dakilang prinsesa. Spoiled. Bratty. Bitchy. Laging “What Mnel wants, Mnel gets at once” ang drama. (Di ba ang sarap batukan?)

Pero noon yon. Nagbago ako mula nang mauntog ako’t narealize ang mga kinahihinatnan ng mga Little Miss Bitch (re: iniiwan ng boyfriend). Minsan sumagi sa isip ko na ang di ko pagpasa sa UP College of Med ang naging karma ko sa pagiging bitchesa. Minsang nagkita-kita kami ng mga kaklase ko nung kolehiyo, nagulat sila ng sagutin ko ng “wala” ang tanong nilang “sino ang kaaway ko ngayon sa med school”. Nakakapanibago. Para raw hindi ako.

Two years na ang nakalipas simula nang pumasok ako sa med school. Panaka-naka’y nag-ro-roll-eyes-hair-flip pa rin ako sa mga piling sitwasyong kumukulo ang dugo ko. Sa kabila nang pagpupumilit kong magtimpi at maging mahinahon, nakikita ko pa rin ang sarili kong paminsan ay nakikipagargumento sa mangilan-ngilan kong pasaway na kaklase (na kadalasan ay lalaki). Paminsan-minsan ay may mga contrabida quotable quotes pa rin silang naeextract sa akin (Infamous quote ang “I’ll pay for my own” na minsan kong binanggit sa isang kaklaseng nag-offer na ilibre ako ng fishballs pagkatapos naming magkasagutan at magkaroon ng tension sa loob ng elevator just 10 minutes before.) Pero promise. Anupaman ay pinipilit ko talagang magbago.

Di ko na mabilang ang mga nakapagsabing kamukha ko raw si Cherie Gil (Gusto kong mag-protesta dahil baka masabihan ako ng “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!” ). Pero sana hanggang doon na lang yun. Baka kasi pag nadiscover ako, matypecast na ko sa mga roles nila Celia Rodriguez, Bella Flores at Gladys Reyes.

Sayang. Feel ko pa naman ang mga roles ni Judy Ann.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. lunes | April 28th, 2008 at 12:53 am

    Amazing ka MNEL! napaka versatile ang pagkababae! ang tapang mo doc. Sugar and Spice ka pala!! Naaliw naman ako sa transition mo. ehemplo ng makabagong Filipina.

    Nye. Amazing ba yun? Haha. Kailangang mauntog muna bago bumait. 😛

    Reply to this comment
  2. FerBert | April 28th, 2008 at 1:34 am

    nakalimutan nila yung HAWT! bwahahahaha

    pwede kang maging gladys reyes doc. Maliit na mataray pero sa personal mabait… bwahahahaha.. wag na Juday. Siopao yun! 😉

    Hindi naman daw kasi ako HAWT. Hahaha. Naks. Mabait daw ako. 😛 Sa susunod na pagkikita na ang bayad ha? Pero feel ko pa rin yung mga roles ni Juday. Haha. Yung mga roles na kasama niya sina Papa Piolo at Papa Ryan. 😛

    Reply to this comment
  3. maldito/antipatiko | April 28th, 2008 at 8:20 am

    i find it sexy to a girl who’s a maldita. at least she’s not pretending to be goody-goody.

    maldito rin ako, some events really make you change=]
    si voldemort ba naman makabangga mo. hehehe

    Haha. Di na ko maldita Ced! Nagbabago na nga eh. Mas mabait na ko ngayon. Hahaha. Nakabangga si Voldemort. Kala ko kaya ko eh. 😛

    Reply to this comment
  4. kulot | April 28th, 2008 at 12:12 pm

    lupet ng pagkatao mo doc, isang nakakaaliw na kasama ang isang katulad, sapagkat meron kang mga ganyang katangian. mabuhay

    Wah. Nakakaaliw? Ano ako laruan? 😛

    Reply to this comment
  5. Ayiene | April 28th, 2008 at 1:23 pm

    Kamusta naman yung picture na yan? Ayos eh! Mala-anghel ang face mo doc. 😀

    Ako rin, di ako pala-usap sa taong di ko kakilala pero super madaldal ako. Lahat rin pinapatulan ko. Ay naman.

    Sa tingin ko di ka naman bitchy bitch eh. Ang angelic kaya ng mukha mo. XD

    Hehe. Ayiene, looks can be deceiving. Hahaha!

    Reply to this comment
  6. tagabukid | April 29th, 2008 at 2:09 am

    aliw…:D papadalas ako dito. bale isa ka na palang RAM ngayon.

    Manong tagabukid, anong RAM? Random Access Memory lang po ang alam ko. Hehe.

    Reply to this comment
  7. Whaddaheck | April 29th, 2008 at 11:05 am

    ok lang iyan at least hindi ka mukhang kaapi-api :)

    Ako yung mang-aapi. *insert evil laughter here*

    Reply to this comment
  8. eli | April 29th, 2008 at 12:47 pm

    hahaha..di mo bgay ang role ni bella flores..how about the role of darna?! lol tnx for vitising my blog.

    Darna? I like! Kaya lang wala naman akong ipapakita. Haha. Flop yun pag nagkataon. 😛

    Reply to this comment
  9. M | April 30th, 2008 at 11:40 am

    Ahahaaaaay, kamalditahan ba kamo? Where shall I start? Ahaha.

    O, tumahimik ka na Mariano. SHADUP!

    Reply to this comment
  10. Hener | April 30th, 2008 at 9:16 pm

    Doc, angganda mo nga nung bata ka. Ahihihi, angganda mo nga pati ngayun. Kras kita e.

    Yes naman. Hahaha. Tama na. Binibilog mo ang ulo ko. Baka tumalbog na ko niyan?
    Pssst. Tsaka na bayad ha?

    Reply to this comment
  11. xienahgirl | April 30th, 2008 at 10:22 pm

    hahahaha
    pareho tayo ngugali doc
    as in
    hahahaha

    mabait sa mabait
    pero kapag nagalit
    magtago na pwede magtago
    :)

    ayos ang pers komunyon ah
    ang bait bait
    pero doc nung nakita kita
    nung heleben parteh
    kung ano yang nasa entry mo
    yun ang pumasok sa utak ko
    :)

    Hehe. Mabait kung sa mabait. Wag lang gagalitin o gugutumin. Haha. Masungit din ako pag gutom. 😉 Alin sa mga sinabi ko ang pumasok sa utak mo? Yung maganda? Ahahaha!

    Reply to this comment
  12. samjuan | May 1st, 2008 at 7:17 am

    May nabasa ako na ang mga kontrabida ay HOT!
    Hindi ka naman mukhang kontrabida. Mukha ka lang di magpapaapi. Basa ko sa features ng mukha mo, Palaban ka, pero mabilis lumambot. Hehe. Pero diba, astig ang mga kontrabidang HOT! Sa kwento, sa kanila muna napupunta halos ang lahat bago makuha ng bida sa huli.
    Nga po pala, ni-link ko kayo. =)
    Sana okey lang

    Pero in the end, talo lagi ang kontrabida. Hehehehe. They’re too hot to handle. 😛
    Salamat po sa pagbisita at sa paglink ^_^

    Reply to this comment
  13. mia | May 1st, 2008 at 11:42 pm

    mukha kang anghel na bumaba sa langit.

    …at nagkaroon ng sungay. Hehe.

    Reply to this comment
  14. utakGAGO | May 2nd, 2008 at 2:36 pm

    GRABE TODO PURI SILA SAYO!

    lolz ah. todo puri din kasi yun gumawa nung post sa sarili nya. HAHAHA bomba ka pala. (natawa ako sa deskripsyon, malalim ngunit kaaruk-arok).

    Sino yung pichur? >_<

    Hahaha. Bayad yang mga yan Kevin. Ano pang silbi ng pagiging narcissistic ko kung di ko pupurihin ang sarili ko? Hahaha! Wala kang magagawa. Blog ko to!!!! 😛

    Alam ko di kapani-paniwala, pero ako yan! Hahaha! Some 13 years back. 😛 Oo. Toddler ka pa lang nun. 😛

    Reply to this comment
  15. McRey | May 5th, 2008 at 7:36 pm

    Hahaha… hindi ko maimagine na nagkukwento ka about DOTA… hahah…

    Impernes, mabait na mabait ang picture mo sa first communion. hahaha/.

    Feeling marunong, saling-pusa lang naman hehehehe.

    Reply to this comment
  16. blink | May 9th, 2008 at 9:09 pm

    hmmm. try ko kaya gumawa ng eksena sa GAB!!! hahaha, makikipagsampalan din ako sa kaibigan ko.

    para kapag hindi ako pumasa ng UPmed, sasabihin ko rin na nakarma ako para naman magaan sa pakiramdam.

    hahahaha. :)

    Hahaha. Don’t remind me of that! 😛 Marami pa akong kwentong UP maldita moments. Hahaha.

    Reply to this comment
  17. webslave | May 25th, 2008 at 6:46 am

    ang bait mo doc.. hihi.. ayus lng yan’..

    Mabait na ko ngayon. No choice eh. Haha.

    webslave’s last blog post…Team R.E.L.O.A.D.E.D : taking some breaks . . .

    Reply to this comment

Leave a Comment

space