space

Seeing Double

23 Apr 2008 literatura
 

Lagpas tanghali. Naka-full blast na ang aircon ng mall ngunit bahagya lamang lumamig ang paligid. Hindi nito kayang sugpuin ang tindi ng kapangyarihan ni haring araw. Nagmamadali na ako. Dahil Wednesday at coding ngayon, mayroon lamang akong ilang oras para tapusin ang lahat ng iniutos. Inilabas ko ang listahan mula sa aking bulsa.

Plantsa (yung old school)

Gamot (10 Advil, 10 Biogesic, 10 Mefenamic Acid, 1 bote ng Enervon-C)

Dog Soap

Epilin Wax

Electric fan

Regalo para kay Dianne (pang-12 years old)

Mabuti at isa na lang pala. Tunaw na ang ganda ko. Anak ng Tinola. Sino ba kasi ang nagplano ng mall na ito? Bakit ba kailangang nasa magkabilang wing pa yung mga tindahan na kailangan kong puntahan? Hindi na lang nila pinagtabi-tabi para napadali ang buhay ko. Tsk. Si Gabby kasi eh.

Siguro, kung dinirediretso ko ang nilakad ko mula pa kanina, malamang umabot na ko ng Manila City Hall. Kumusta naman yun? Eh taga-Las Pinas pa ako. Pero siyempre, di ako tangerks para maglakad simula amin hanggang Maynila. Malamang pudpod na ang mga daliri ko sa paa pagkatapos.

Isa na lang. Regalo na lang pala para kay Dianne ang bibilhin ko. Diretso na ako sa Department Store. Sabi nga sa ad nila di ba? We’ve got it all for you. Pwes. Masusubukan ang claim nila. Kapag mission failed ako, pwede ko silang kasuhan for misleading advertisement. Haha. Baka yumaman pa ako.

Hmmm… laruan kaya? Nah. 12 years old na yun. Nung kapanahunan ko, nakikipagligawan na ko nun. Assume ko na lang na kasing landi ko si Dianne. Ah… Sapatos! Teka. Anong size nga ba nung paa nun? Waaa. Hindi ko naitanong kay mama. *hikbi*

*lakad* *lakad*

Blouse? Shorts ? Pants? Accessories? Bag? Cellphone? Laptop? Kotse? Bahay? Wala na akong maisip!

Saglit akong napatigil sa aking paglalakad. Sa aking harapan ay bumungad ang isang ballerinang napalilibutan ng kumikinang na bato. Dahan-dahan siyang umiikot sa saliw ng isang malamyos na tugtugin sa ibabaw ng kahong kulay pink. Binuhat ko siya mula sa estante at pinihit ang ikutan sa ilalim nito.


*click play*

Di ko namalayan ang isang patak ng luha na dumampi sa aking pisngi.

Ano to?

Secret. Kaya nga regalo eh. Binalot ko pa siya kung sasabihin ko lang din naman ang laman. Hehe.

*Punit*

Wow! Ang ganda!

Tumutunog yan. Pakinggan mo.


*click play*

Ang lungkot naman nito.

Nye. Akin na nga. Nalungkot ka lang eh.

Hindi. Akin na. Ito naman.

Akalain mo nga namang makikita ko pa dito sa mall ang kahuli-hulihang regalong natanggap ko mula sa iyo?

Miss. Can I help you?

Nanggaling ang malambing na tinig ng isang babae mula sa aking likuran. Muntik ko nang mabitawan ang tangan kong music box. Para akong nakakita ng multo.

Nood tayo ng sine sa Sabado. *puppy eyes*

Hindi ako pwede eh. Tuwing sabado lang ako bumabawi ng tulog.

Ganon? Sige na nga. Okay lang. Next time na lang.

*Katahimikan*

So, kumusta naman ang trabaho? Nakaadjust ka naman na ba sa night shift? Nangangalumata ka na oh.

Ayos lang naman. Kaya pa.

*Katahimikan*

Oo nga pala. May tinuturuan akong magtennis.

Huh? Tennis?

Oo. Tuwing hapon bago ako pumasok sa opisina, tinuturan ko magtennis yung kapatid ng officemate ko.

*Katahimikan*

Bakit ganon? Nakukuha mo pang magturo ng tennis bago ka pumasok pero yung sine on a Saturday, tinanggihan mo? What’s wrong? Akala ko ba gaya pa rin tayo ng dati? Hindi na tayo, pero we’re more than friends. Yun ang gusto mo di ba?

*Katahimikan*

It’s… It’s… I don’t think it’s going to work this way.

What? You’re leaving me just like that? Two months! Ayoko ng ganitong setup pero pumayag ako for two months. I thought this was just a phase tapos ganito? You’re dropping me like hot pancake! Anong kagaguhan na naman ito Jed?

*Katahimikan*

Ang music box ang una kong nakita pagdating ko sa bahay. Ang kawawang music box na walang kamalay-malay sa kawalanghiyaan ng nagbigay nito. Natanggal ang munting ballerina mula sa pagkakadikit niya sa ibabaw ng kahon. Lumipad ang ilang diyamante at kumalat sa sahig matapos maihagis sa pintuan.

Kumusta? Anong balita sa iyo? it’s been three months magmula nang huli tayong magkita.

Ayos lang ako. Medyo ngarag. Di ko alam na ganito pala sa law school. Bawat letra kailangan memorize mo.

Haha. Ganyan talaga. Kaya mo yan. Ikaw pa?

Eh ikaw kumusta ka naman?

Ah. Eh. Okay naman ako.

Haha. Eh… Kumusta naman yung pinopormahan mo? *chuckles*

*ngiti* Kami na.

*Katahimikan*

Oo nga pala. Friends, si Star.

Hi!

Hi!

Matagal ka na niyang kinukwento sa amin eh.

*lahat ng mata’y nakatutok sa akin*

Uhm. Star. Siya si…

*ngiti*

Isang beses palang kitang nakikita pero tumatak sa isipan ko ang hubog ng iyong mukha, bilugang mata, kayumangging kulay at malambing na tinig. Si Star ng buhay niya.


*click play*

Miss? Can I help you?

Huh?

Noon ko lang nalaman na pwede ka palang bangungutin nang gising kung kailan mulat ang iyong isip, puso at kalamnan.

*ngiti* Sabi ko, baka matulungan kita sa hinahanap mo. Pangregalo ba? Maganda yang music box. Marami na ang bumibili niyan sa amin. Meron din kaming blue at yellow. Gusto mong tingnan baka mas magustuhan mo yun.

Mukha siguro akong tangang nakatitig lamang sa iyo. Parang naririnig ko ang tick-tock ng relos na suot mo sa bawat segundong nagdaraan. Hinahanap ko sa iyong mukha ang kahit na anong bakas ng pagkakilanlan ngunit bigo ako. Sa halip, ang iyong mukhang nakangiti ang nakikita ng aking mga mata.

May dumi ba ako?

Ah. Eh. Wala. Akala ko kasi ikaw yung kakilala ko. Mali pala ako.

*ngiti* *tingin sa oras*

Sige miss. Thank you na lang sa tulong ha? Okay na to. Nagmamadali kasi ako eh.

Isang ngiti rin ang isinauli ko sa kanya. Nakipagunahan pa ako sa aleng may dalang manika sa cashier. Malapit nang mag-alas tres. Lagot sa MMDA na nagbabantay sa kalsada. Nilingon ko ang babaeng kausap ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali pero imposible ring hindi niya makilala ang ex ng boyfriend niya. Eh kung ako nga, kilala ko sa itsura ang lahat ng naging nobya ng boyfriend kong si Fred. Ako pa kaya na nag-iisa lang?

Eh ikaw kumusta ka naman?

Ah. Eh. Okay naman ako.

Haha. Eh… Kumusta naman yung pinopormahan mo? *chuckles*

*ngiti* Kami na.

*Katahimikan*

Mabait si Star. Parang yung kapatid niya, Sayang nga at wala na yung kapatid niya sa bangko. Sinasabay ko kasi yun pag pupunta ako kina Star. Balita ko manager na yun sa SM…

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. xienahgirl | April 23rd, 2008 at 2:34 am

    doc iba ka
    short story writer ka na rin?
    yikeeee

    *puppyeyes*
    hahaha

    im proud of you
    dahil kay gabby ito
    yahooo
    :)

    Aba. Nagulat naman ako’t may comment na agad. Iniiwasan ko sana ang maghalo ng ka-emo-han dito pero di mapigilan. Kakambal ko na yata yun. Haha. Matulog ka na! Alas-tres na. =P

    Reply to this comment
  2. kulot | April 23rd, 2008 at 8:21 am

    pang pocket book ang dating ng sinulat mo, anyway doc, sa mga pagmomall na yan, mahirap talaga lalo na pag babae ka, kasi ang mga babae may listahan na nga ng bibilhin kung saan saan pa pumapasok na boutique. di na lang dumiretso sa talagang pakay

    Hehe. Yung manipis na tagalog romance novels? 😛

    Ganun talaga kami manong kulot. Window shopping! Hehe. Wala naman kasing pera pambili ng mga nasa windows. 😀

    Reply to this comment
  3. vera | April 23rd, 2008 at 8:39 am

    teka, babasahin ko ulit. nagleak yung cerebrospinal fluid ko.

    hindi ko na dinamdam kasi umaga ngayon, baka mag-emo ako. mamaya nalang doc.

    Nagleak? Buti di ka nahilo. Hehe.

    Reply to this comment
  4. M | April 23rd, 2008 at 1:38 pm

    tsk tsk tsk, ang mga twins nga naman oo. madaming naiidulot na kalituhan sa buhay. parang sa kwento lang ni alex. nainspire ka din ba dahil meron kang nakitang kambal doc?

    kailangan ko atang ulitin ng isa o dalawa pang beses. parang kay idol ang tema eh, recurring events ang tirada.

    pero dramatic.

    Star!!! Peyborit talaga.

    Pwede bang magrekwes ng kwento dito paminsan-minsan?

    Hindi nga dapat emo entry ito. Kaya lang may mga pangyayaring bigla na lang uh… nangyayari. Hehehe.

    Request? Haha. Ano to? Radio Station? 😛

    Reply to this comment
  5. lunes | April 23rd, 2008 at 5:35 pm

    doc naalala ko sa entry mo ang music box ni almira..
    hindi ka lang ngaun pangtsismis.. pang-antig na rin ng damdamin.. more…

    Haha. Di ko kilala si Almira. Sino yun?

    Siyempre Aleli. Dapat all-around ako. Pwede rin akong maid paminsan. 😛

    Reply to this comment
  6. mr_d | April 23rd, 2008 at 8:06 pm

    ang lupet nito doc! pero hindi ko kinaya yung tunog ng music box na yon. masyadong nakakalungkot, nakakaiyak… ayan na nga o, tumulo na uhog ko…

    Eto pamunas.

    Hinahaunt nga ako ng tunog ng music box na yan. Parang naririnig ko siya kahit saan ako magpunta.

    Reply to this comment
  7. FerBert | April 23rd, 2008 at 8:23 pm

    *puppy eyes..

    gusto kong umiyak..

    Reply to this comment
  8. Ayiene | April 23rd, 2008 at 9:05 pm

    Haha. Eh… Kumusta naman yung pinopormahan mo? *chuckles*

    *ngiti* Kami na.

    sumapol ng todo sa akin yan. hayy.

    Easy lang. 😛

    Reply to this comment
  9. ignoramous | April 24th, 2008 at 6:54 pm

    Julio at Julia, kambal ng tadhana na sumasayaw sa tugtugin ng musik baks. Hahayyy.. Talaga nga namang if Gay means happy, then why is the kambal sad. wahahaha…

    May nakaintindi kaya sa comment mo Igz? 😛
    OT: Di ko alam kung anong ending ng Julio at Julia

    Reply to this comment
  10. joanne | April 25th, 2008 at 9:57 am

    aray naman. pag nangyayari sa kin yang nagbabalik-ang-nakaraan-dahil-may-nakita-akong-bagay naawa ako sa sarili ko.

    gosh

    Nye. Bakit naman sa lahat ng pwedeng mafeel eh awa pa? Pwede namang malungkot lang. 😉

    Reply to this comment
  11. mia | April 25th, 2008 at 12:14 pm

    aray ko naman.. ang sakit naman :(

    Hehe. From Gabby to emo post eh no? Di kaya may bipolar ako?

    Reply to this comment
  12. tracy | April 26th, 2008 at 5:03 am

    angangang gulo ng blog mo sis

    In fairness ikaw lang ang naguluhan. O madami siguro pero ikaw lang ang naglakas ng loob na magsabing magulo siya. Hehe.

    Reply to this comment
  13. mia | April 27th, 2008 at 10:16 am

    siguro isa ka ngang bipolar. kasi ganun din ako e. hahaha!:)

    Sama-sama tayong mga bipolar. 😛

    Reply to this comment

Leave a Comment

space