space

Metamorphosis

 

“Natatawa ako sa iyo. Tuwing titingnan ko ang twitter mo, wala ka nang sinabi kung hindi nagugutom ka. Wala ka nang nailagay na nabusog ka.” – Mariano

“Magwiwithdraw muna ako ng pera pang-date. Malakas ka pa naman kumain ngayon” – Bee

Alam kong mukhang hindi kapani-paniwala pero malakas akong kumain. Lagi akong gutom. Yung tipo ng gutom na nanginginig ang kalamnan mo at kailangang-kailangan mong kumain. At hindi lang basta crackers o kung ano mang pamatid-gutom. I’m talking about burgers, pasta, pizza… the works! Pang-dalawang tao ang kain ko tuwing lunch at dinner at kahit anong klaseng kain ang gawin ko, every 2 hours ay nagugutom ako. Buhay baboy. Kain lang ng kain. At ito, mga kaibigan ang dahilan:

The Red Pill: Works Like Magic!

Alam ko na balang-araw magiging isa akong ganap na duktor at hindi ako dapat basta-basta umiinom ng kung anu-anong pills, gamot o kung anong herbal chuvaness na meron sa merkado. Sabi nga ni Hippocrates:

“First, Do no harm.”

Ang sabi ko naman:

“Sarili ko lang naman po ang apektado.”

(At nangatwiran pa talaga!)

I’ve always been underweight. Noong kolehiyo, 80 lbs lang ang pinakamabigat kong timbang at kahit na noo’y nakakatatlong rice na ako sa Tokyo-Tokyo eh hindi ako tumataba ni isang kilo. Naranasan ko na rin kung ano ang feeling ng liparin ng hangin nung minsang tumawid ako sa may intersection ng Roxas Blvd at Airport Road at nasaktuhang malakas ang hangin. Ang lakas ng takot at kaba ko nun dahil nararamdaman ko talagang tinatangay ako ng hangin na para bang aangat ako sa lupa. Madalas din akong tuksuhin ng mga muscled-men friends ko na pwede raw nila akong gawing alternative pang-weights (hanggang ngayon pa rin naman). Alam ko, kung magsalita ako’y parang ang taba-taba ko na ngayon, pero promise, mas payat ako noon. Parang biktima lang ng Anorexia nervosa o Bulimia.

Isang araw, sa hilig kong magsurf at tumambay sa kung anu-anong forums ay napadpad ako sa isang discussion thread sa girltalk na may subject na how to gain weight. Natural nagkainteres ako kaya’t sige ako’t nakiusi sa paguusap nila. Doon ko siya nakilala. Ang best friend kong tawagin na lang nating si Ling. Si Ling na nanggaling pa ng bansang Tsina. Nangako siyang sa loob lamang ng halos isang buwan ay makakamtan ko ang inaasam-asam na 100 lbs. Hindi nga siya nagsisinungaling dahil sa loob lamang ng ilang buwan ay para lang akong caterpillar na nag-undergo ng metamorphosis.

Feb 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

Isang malaking understatement pag sinabi kong nagulat ang lahat ng mga kakilala ko nung nakita nila ako. Posible pa daw pala akong tumaba. Kaliwa’t-kanan ang mga papuring natanggap ko. Mas mukha na raw akong healthy at kumakain ngayon. Bumagay din daw ang new short do ko sa pagtaba ko. Pero more than anything else, pinakagusto ko sa lahat yung kakaibang pakiramdam na nagmumula mismo sa iyo. Ang sarap ng feeling kapag nakakamtan mo yung mga bagay na gustong-gusto mo at pinapangarap mo. Para kang nasa cloud nine. Morale boost. Ego boost. At noon ako simulang lalong maniwala sa age-old adage na “Kapag gusto may paraan”.

Minsang umuwi ako sa apartment namin sa QC ay nasabihan na naman ako ng housemate ko na pumapayat na naman daw ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita kong wala na yung cute na cute na chubby cheeks ko noon. Pumapayat nga ako, pero hindi na gaya nung dating “ako”. Madalas pa rin akong sabihan ng mga kaklase ko sa med at ng mga bagong kakilala na kumain ng marami at magpataba. Nginingitian ko lang sila dahil alam kong kung ikukumpara ko ang sarili ko ngayon sa sarili ko just some 3 years back eh malaki na ang pinagbagong-anyo ko. Minsan ko nang nakamit yung 100 lbs na inaasam-asam ko. Kahit papaano’y naexperience ko kung anong feeling ng maging normal ang BMI kahit sa loob lamang ng maiksing panahon.

Underweight pa rin ako ngayon at 94 lbs. Malapit na naman ang pasukan. Sampung buwan na naman ng paglulugaw ng utak at pagiipon ng eyebags. Panigurado, babagsak na naman ang timbang ko. Kailangan ko na namang mag-ipon ng fats sa katawan (parang maghihibernate lang na polar bear). Kailangan ko na namang tumaba.

Kailangan ko na naman ang tulong ni best friend Ling.

Magdadalawang linggo na akong kain ng kain. Katulad ng dati wala na namang sinasanto ang gutom ko. Nasabi ko na noon na hindi ko na ulit kakailanganin si best friend Ling dahil nakakatakot ang kakaibang buhay baboy lifestyle na nararanasan ko tuwing kasama ko siya. Pero patawad, wala akong choice (wala nga ba?) kailangan ko na namang tumaba at sa lahat ng nasubukan ko, tanging si Ling lang ang nakatulong sa akin.

Sige. Maiwan ko muna kayo. Kakain muna ako.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. xienahgirl | May 3rd, 2008 at 2:32 am

    ang taba mo doc nung june 2006
    ano meron?
    ahahaha

    pero mas maganda kangayon
    oo tama
    yung una
    parang pwede maging anak
    ni cherie gil
    hahahaha

    bati tayo doc
    :)

    akshuli
    yun din napansin ko sa iyo e
    palagi kang gutom
    dati naman
    kala namin mauubusan mo na kami
    ng pwedeng mapagaralan
    kasi aral ka ng aral
    ngayon baka kainin mona kameeeee
    hahaha

    doc wag kang papagutom
    masama yaaaan
    ayaw ni hipocrates niyan
    :)

    Bilib ako sa bilis mo Xienah at sa haba ng sinabi mo. Hahaha. Lagi akong gutom ngayon dahil kay Ling. Di ako nagbibiro sa last statement ko. Kumain talaga ako matapos kong gawin yung entry. Nagutom na naman ako eh. Hahaha. May pagkain pa naman kaya wag kayong mag-alala. Di ko kayo pagiinteresan. ๐Ÿ˜‰

    Reply to this comment
  2. Theia | May 3rd, 2008 at 9:18 am

    Ganyan din ang problema ko. Nagkakariot na ang mga kamag-anak ko kasi gustong-gusto nila akong tumaba. Mas ma-su-survive ko daw ang college kapag naging ‘healthy’ ako. Kaso, kahit lumalakas ang kain ko in a short period of time, bigla-bigla na lang siyang nawawala. Nangyari it o noong sumali ako ng Tae Kwon Do at bigla nalang lumakas ang pagkain ko. Kaso, after a few months after kong huminto sa TKD, nawalan ako ng gana kumain. Bumalik na naman ang flat cheeks ko (pero andito pa rin yung chubby arms! OMG). Sana nga ma-survive ko ang college kahit di ako healthy. Shet, torture!

    Pero hindi rin naman purki’t payat eh, hindi na healthy. The same way na hindi healthy ang lahat ng nasa heavier side of the weighing scale. Actually, kahit na noong tingting ako eh hindi naman ako sakitin. Never pa nga ako naospital. Kain lang tayo ng kain (balanced diet) at mag-exercise. Hehehe. Yun lang ang panlaban natin sa stress. Goodluck sa pagtuntong sa kolehiyo. Make it fun and exciting!

    Reply to this comment
  3. pongpagong | May 3rd, 2008 at 2:00 pm

    did u try to bring ur case to a doctor?

    i’ve seen all your posts, in multiply, in the vanished previous site of yours, including your winning entry “first kiss.”

    am not a doctor nor a psychologist, but nakikita ko sa yo ultra hyperactive ka, especially your brain. parang train na matagal bago totally maihinto.

    hindi ako surprised kung malaman ko na hirap kang makatulog.

    i could see the second coming of albert einstein in you. you are simply brilliant, period. but take note this is both a boon and a bane.

    a few advise:

    1 learn to relax
    2 moderate your inclinations
    3 learn and do some physical sports (tama ba ko?)

    this will enable you to break a leg as often as you wish and at the same time experience longevity and, therefore, marami at matagal mong mapapasaya ang mga tao.

    thanks and more power.

    Aha! So you’re the one from “Sudan”. ๐Ÿ˜€ Tell me you aren’t really from there, will you? ๐Ÿ˜‰

    I haven’t been to a doctor. Funny how I will soon be one but the truth is takot ako sa kanila. It’s understandable how I get a little jittery with my doc-profs (after all, they’re the ones making the concoction for our grades). But I really don’t like seeking consult with one ‘coz my paranoid line of thought always tells me there’s something seriously wrong with me (hehe, a case of hypochondriasis probably :D). And besides, wala akong time (haha, mga palusot talaga). I do believe though that I am probably hypermetabolic kaya di ako tumataba. ๐Ÿ˜‰

    Siguro may pagkapsychic ka no? Haha. Insomniac din pala ako, if I may add. Actually I’ve been doing quite a number of relaxing and physically strenuous activities lately just so I could put the excess energy somewhere else. Pero salamat po sa payo. :)

    And lastly, salamat po pala for dropping by and for reading my blogs even outside the realm of this domain. Haha. The words you left were flattering but I do think someone else out there deserved those words of adulation far greater than I do. :) Tama na sa kin yung malaman na may sumusubaybay pala sa mga blogs ko. ๐Ÿ˜€

    Maraming salamat po ulit. Balik po kayo.

    Reply to this comment
  4. Ayiene | May 3rd, 2008 at 2:07 pm

    Palit na lang tayo ng katawan doc. :) Ako habang kumakain, tumataba. :)) Gusto kong pumayat eh, palit na lang tayo. Ayoon. :))

    Pretty mo talaga doc. Look oh, pretty! XD Lalona dun sa April and May pic.

    Ayiene! Naconscious naman ako. Hahaha. Dapat bawasan ko na ang papuring nilalagay ko sa sarili ko dito. Baka may magseryoso sa akin at mapagbintangan akong airhead. ๐Ÿ˜‰ Pero dun sa ideang palit tayo ng katawan… naku… marami kang kakumpitensya Ayiene. Hahaha. Pati nga sa fat transplant (fats from you to me) mahaba na rin ang pila. Hehe.

    Reply to this comment
  5. Hener | May 3rd, 2008 at 8:50 pm

    Kahit anong size mo, maganda ka paren doc mnel! Ahihihi! Pero nakakatakot ng onti yang si lingling, baka mamaya atay mo na ang tinitira niyan. Ingat Doc

    Yes naman. Haha. Tama na Hener! Lumalaki ang utang ko sa iyo. Baka sa iyo lang mapunta ang unang sweldo ko sa laki ng utang ko. ๐Ÿ˜› Yun nga ang nakakatakot jan. Iniisip ko na lang na isa akong guinea pig. Hehehe. At least di ako alcoholic. Ahahaha!

    Reply to this comment
  6. Abad | May 3rd, 2008 at 10:27 pm

    May mga tao talagang hindi tumataba. ampeyr. haha. paborito ko yung may 06 photo.

    Abad! Namiss kita! ๐Ÿ˜‰

    Ang mga taong di tumataba ay di normal. Mwahahaha. Favorite ko rin yang May ’06 na photo. Feeling ko ang ganda-ganda ko diyan. Hahaha!

    Reply to this comment
  7. vera | May 4th, 2008 at 12:48 am

    ingat lang. lam mo naman.. madaming harmful side effects yang mga ganyan. intsik pa. naku. na lalabas lang pag tumagal tagal na..

    Kunwari na lang na para sa ikabubuti na lang ng society tong ginagawa ko. Hehe. Sana magmura na ang liver transplant. ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  8. aiken | May 4th, 2008 at 1:41 am

    omg… i do suffer the same curse of eating.

    …and not gaining weight. ๐Ÿ˜‰ Welcome to the club! ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  9. mia | May 4th, 2008 at 11:35 am

    kung problema mo ang pagiging underweight mo doc

    ako naman pagiging chubby ko..

    hahaha.. habang buhay na ata ako magdidiet..

    hahahaha

    katulad ngayon ang daming pagkain sa bahay, nagluto na naman kasi si miong. hehehe

    basta kain ka lang doc, ang ganda ganda mo pag may laman ang iyong cheeks..

    miss you doc

    Hehe. Sabi nila pag nag-asawa daw ako at nagkaanak baka tumaba ako. Haha. Yoko nga! ๐Ÿ˜› Miss you too Mia!

    Reply to this comment
  10. Anino | May 4th, 2008 at 5:23 pm

    Magandang tanghali. Salamat sa pagdalaw.

    Ako din, malakas kumain.Hindi ko lang alam kung saan napupunta ang aking kinakain.

    Mahaba ba ang buhok mo? Haha. Ang loko nila sa akin noon, kaya raw di ako tumataba eh napupunta lahat ng kinakain ko sa buhok ko. Hehehe. Ayun. Pinatapyas ko na rin.

    Reply to this comment
  11. M | May 5th, 2008 at 12:50 am

    Ang ganda nga talaga nung May 2006. Nakakabighani. Dun ako nabighani ng todo eh, parang Little Miss Philippines.

    Joke lang Doc. Apir apir tayo, maiilibre kita niyan sa promotion mo saken eh, tsk tsk tsk.

    Every growing kids need proper nutrition, kaya naman ang mga kagaya mong nasa ganyang antas ng edad eh nangangailangan ng tamang nutrisyon. Salamat naman kay Red Pill. Babalik ka daw ata sa realidad kapag ininom mo ang red pill sabi ni Morpheus. Or yung blue ata.

    Basta bagay naman sayo ang mataba. Kaylangan mo ng mga 20 pounds pang taba para magmukha kang kaaya-aya. Kumpletong package na din naman kasi. Maputi, matalino, maganda. Taba na lang ang kulang.

    Kung gusto mo, sayo na lang tong saken.

    No thanks. Taba na galing sa alak yan eh. Eeeewwww… ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  12. gasti | May 5th, 2008 at 10:32 am

    mukhang pareho tayo ng problema..hirap din ako magpataba pero yakang yaka ko yang 100 lbs levelling chuva na yan..kaya lang eh 5″9 pala ang height ko. lols!

    Wah. 100 lbs @ 5’9″? Super underweight ka naman nun. Ano ka tingting? ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  13. kulot | May 5th, 2008 at 2:16 pm

    ang taba mo pala dati dox

    Saglit lang ako naging mataba. From tingting to chubby back to tingting ako. Hehehe. Ngayon, tingting na naman ako. Pero not too much. ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  14. Noime | May 5th, 2008 at 6:02 pm

    Ako, yung ref namin ang problema ko. (konek?haha)

    Bakit? Lagi bang may laman? Hehehe. Temptation!!!

    Reply to this comment
  15. vera | May 5th, 2008 at 6:27 pm

    mnel, may kabigan din ako. si em.. hahaha. tignan mo dali!

    Hihi. Nakita ko na siya! Mukhang masarap ah. ๐Ÿ˜› Pero di ko ipagpapalit yung favorite kong si Ef Tee (di po sila magkapatid ni Ef Bee)

    Reply to this comment
  16. webslave | May 5th, 2008 at 9:00 pm

    thnxs sa pag drop by mo doc… hihi.. ang cute mo kaya noh…

    mwahh! tc and Gbless!

    Wah! Cute! :( Parang tuta lang na mabilog at masarap pagulungin. Hehe. Salamat sa pagdaan. TC too!

    Reply to this comment
  17. mr_d | May 5th, 2008 at 9:51 pm

    aba’y parang calendar girls lang. hehhehe. ang daming nabighani kay Miss May. Pero parang type ko si Miss June. Parang masarap pisilin ang pisngi. (pasintabi na po sa bf ni docmnel. chorva lang yon wag kang mag-alala HAHAHAHAHA)

    Anak ng tupa. Calendar Girls??? Hahaha! Dapat pala naglagay ako ng poll dito. ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  18. seรฑora | May 6th, 2008 at 8:45 am

    Sa May 2006 picture.. kamukha mo si Kyla (yun singer) Pretty pretyy, doc =)

    Kyla? Kakanta na na ako? ๐Ÿ˜‰ Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan. Hehe. Yung pamangkin ng landlady namin dati sabi niya akala raw niya eh kapatid ako ni Kyla. Haha. Type lang ako nun kaya nagpapacute yun. Hahaha.

    Reply to this comment
  19. lunes | May 6th, 2008 at 9:58 am

    maswerte ka pa rin doc.. mas mahirap magpa-payat kesa sa magpataba..wehehe.

    naku doc, ako isa lang nga rin pangarap ko.makapagdonate ng dugo.kaso hindi ako tinatanggap sa bloodbank. 50kgs kelangan..kulang pa ako ng 10kg..

    naku dok..seksi seksi mo na nga..dagdagan mo na lang siopao sa cheeks.wehehe.

    Hindi rin ako pwede magdonate ng dugo dahil underweight pa rin ako. Okay lang. Hindi siya kawalan dahil takot ako sa karayom!

    Reply to this comment
  20. kingdaddyrich โ™ฅ | May 6th, 2008 at 12:09 pm

    huy ate doc, hindi mo naman ni share kung anong sikreto sa pagpapataba! hehehe.. kailangan ko yan. go go go!

    Magtigil ka nga. Di ko sasabihin. Pag may nangyari sa iyo, kargo de kunsensya ko pa. Hehe. Mag-weights ka na lang! Si _____ nagweights eh. Yummy na tuloy ngayon. *drool*

    Reply to this comment
  21. Laarni | May 6th, 2008 at 10:54 pm

    kung ganun tlga ang lahi ng pamilya mo, hindi mo maiiwasan na maging ganun ka din. pero nice, you gain weight nga! pero i really don’t believe in pills. sry. lol.

    Take care! ๐Ÿ˜›

    Well, it’s not gonna hurt anyone else save for me. ๐Ÿ˜‰ Hindi naman niya ko pinataba ng ganun-ganun lang. Tumaba ako kakakain ng kakakain dahil sa matinding gutom na dala niya. Take care too. ๐Ÿ˜‰ Salamat sa pagdaan.

    Reply to this comment
  22. seรฑora | May 7th, 2008 at 1:46 am

    Nakaka-asar ang way ng kanyang pagpapa-cute ah. Hahaha Pero impernessss.. Kamukha mo naman kasi talaga. Haha Pampataba.. hmm.. tandali nga. Naiinis ako kasi ganyan din ako DATI na hindi tumataba kahit na sobrang takaw.. ngayon lumolobo na ko. Aydyusko. Kaasar ah. Meron bang gamot na pampawalang ganang kumain?? I can’t help but eatttt. Hahahahaha

    Naku. Batang-bata pa yun Janelle. Kaloka. 19 lang ata yun. Kumain ka lang ng kumain. Hehe. Ang daming nagugutom though alam ko di naman sila mabubusog pag kumain ka. Hehe ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  23. Nash | May 7th, 2008 at 9:01 am

    nako ang mga tao talaga di ka lang makita ng ilang araw or buwan sasabihan ka kaagad ng payat at mataba. lintek haha nakaka depress tuloy ampness cla

    Cool ka lang. Hehe. Ibig sabihin nun namiss ka lang nila. oh di ba? At least nanonotice nila ang bawat weight change mo. ๐Ÿ˜›

    Reply to this comment
  24. seรฑora | May 11th, 2008 at 11:20 pm

    Ay. Hindi na nga sila nabusog, tumaba pa ako.. hahahahah

    19!! Wow. Hotstuff si doc mnel.. ahihi ๐Ÿ˜›

    Wah! Kumusta naman? Mas bata pa siya sa kapatid ko. Ang sagwa!

    Reply to this comment
  25. kadeteng civies | May 12th, 2008 at 2:26 pm

    pag nakahanap ka po ng solution sa gain weight problem mo pakirecommend naman sakin. hanggang ngayon walang makapaniwalang kadete ako kasi payat ako. waaaahhhh

    Yun nga yung solusyon ko. Si Ling. Kaya lang mahirap magrecommend dahil pag may nangyari, kargo de kunsensya ko pa. Hehe. Hindi ka ba nagkamuscle sa tindi ng ginagawa niyong activities?

    Reply to this comment
  26. seรฑora | May 12th, 2008 at 6:09 pm

    Ahahaha kaya nga =))

    Hehe. In fairness, sinabi ko sa kanya yun. Na ayaw ko sa kanya kasi bata siya. Hehe.

    Reply to this comment
  27. webslave | May 25th, 2008 at 6:20 am

    ang cute mo nga naman.. hihi.. ganda mo doc! mwagh!
    regards..

    MWAGH? Haha. Parang pinaghalong Mwah at Hug. Haha.

    webslave’s last blog post…Team R.E.L.O.A.D.E.D : taking some breaks . . .

    Reply to this comment
  28. La Dolce Vita » Blog Archive » Not Again! | July 12th, 2008 at 6:05 pm

    […] and off the weight-gain pills that I fondly call Ling (if you can understand Filipino, I even made an entry about “Ling” in my Filipino blog). I am always hungry, thus, I am always munching on something but I don’t really know if what […]

    Reply to this comment
  29. webslave | August 31st, 2008 at 9:26 am

    yeah! mwagh! ( mwah + hugs ) lol.

    webslave’s last blog post…LAN party opens today

    Reply to this comment

Leave a Comment

space