space

Miles

 

Shell Station – Philcoa
Sa loob ng kotse
9:45 pm
May 3, 2008

Mnel: *tinkering with the odometer* Gaano kaya kalayo simula sa binababaan mo hanggang sa amin no?

Bee: Sa tingin ko mga 40 kms.

Mnel: Nye. Di kaya! Siguro mga 60. Bet tayo? *flashes a big grin*

Bee: Sige. Bet ko mga 50 kms.

Mnel: Hehe. Plus, minus 5 ha? So ang bet mo ranging from 45-55 km. Sa akin, 55-65 km.

Bee: Teka, di kaya lugi ako?

Mnel: Ano ka? 40 nga yung sinabi mo kanina. Ang prize ng mananalo eh… hmmm…

Bee: Anong gusto mo?

Mnel: Hmmm… Wala akong maisip eh. Bakit ako?

Bee: Alam ko na. Ang matatalo manlilibre sa Manila Ocean Park.

Mnel: Wah! 400 din yun! *pouts*

Bee: Dali na.

Mnel: Alam ko na. Pag nanalo ka, KKB tayo sa Ocean Park. Pag nanalo ako, ililibre mo ko! Hehe.

Bee: Bakit ang daya yata nun? Lugi!!!!

Mnel: Anong lugi? Eh originally iddate mo ko dapat sa Ocean Park. Sagot mo dapat yun no. Dali na. 400 lang yun. Nagttrabaho ka kaya. Chicken lang sa iyo yung 400.

Bee:

Mnel: Sige na. Ito naman oh. Poverty line na ko!

Bee: Hmmm… Sige na nga. Pag nanalo ako, KKB. Pag talo, libre ko.

Mnel: Yey! Hehe.

Bee: Walang dayaan ha? Pagbaba ko, iseset ko sa zero yung Trip A ng odometer. Kailangan may proof! Picture-an mo pagdating mo sa inyo.

Mnel: Oo na. Ang sama nito. Di ako mandadaya no. *shows off her tongue*

An hour and a half later, sino kaya ang nanalo sa Mabuhay Miles Bet? Nagawa nga kaya ni Mnel na maisahan si Bee or was it the other way around?

– Alamin! Click me for the result.-

Tags:

 

Reader's Comments

  1. señora | May 8th, 2008 at 1:22 am

    Nye. Walang pupunta ng Ocean Park. hahaha

    Engk!

    Haha. Wish lang niya! 😛 May kasalanan kasi siya sa kin recently kaya ililibre na niya ko ulit. Hahaha.

    Reply to this comment
  2. M | May 8th, 2008 at 3:40 am

    Mukhang tama si Janelle ah. Hindi kaya naligaw kayo kaya umabot ng ganyan ang layo nyan?

    Kung pumusta pala ako baka nailibre nyo pa ako, eh yan yung naisip ko eh.

    39.5 lang yan Mariano! May (.) yan. Di lang ata kita. Haha. Sama ka Ocean Park? 😛

    Reply to this comment
  3. kulot | May 8th, 2008 at 7:53 am

    ngek bat ganun

    Ngayon ko lang narealize. Di pala mashado kita yung “(.)” Hehe. 39.5 yan. Walang nanalo! Hahaha. Kala ko talaga matatalo ako. Buti di umabot! 😀

    Reply to this comment
  4. mia | May 8th, 2008 at 8:52 am

    dapat kasi ako nililibre nyo.. hahaha

    Wala akong ipanglilibre sa iyo Mia. Haha. Kausapin mo si Bee. Hahaha. Siya ang mapera. 😛

    Reply to this comment
  5. gasti | May 8th, 2008 at 10:08 am

    ang mahal nga talaga ng manila oceanarium na yan..mag aantay na nga lang din ako ng manlilibre sakin.

    uhhmm..39.5 ba yan? o mali lang tingin ko. ibig sabihin walang nanalo sa pustahan nyo.

    Oo nga ang mahal! Hahaha. Buti na lang kahit walang nanalo sa pustahan ililibre pa rin niya ako! Yehey! 😀

    Tama yung tingin mo. Haha. Di pala mashado kita yung (.)

    Reply to this comment
  6. tagabukid | May 8th, 2008 at 9:44 pm

    dapat me clause na; …or whichever is nearer. talo ka nun hehe. pero win-win ka naman e sabi mo nga mapera na me atraso pa sayo. in a way ikaw dinaya nya, pinakaba ka haha. sino kaya magpapa-merienda? pustahan kayo uli hehe

    Hehe. Talong-talo ako. Malay ko bang almost 40 km lang yun? Hehe. Kala ko sure win na ko. Sana yung merienda sagutin na niya. Poverty line na talaga ako.

    Reply to this comment
  7. kulot | May 9th, 2008 at 10:23 am

    ahahaha!, kaya pala e, may point pala sya as in period, 39.5, muntikan ka na dun a doc

    Habang papalapit ako ng papalapit sa amin, kinakabahan na ko. Baka sumabit pa eh. Haha

    Reply to this comment
  8. M | May 9th, 2008 at 11:23 am

    Uy, seryosong niyayaya mo ba ako? Kung oo, eh di sige, sasama nga ako pero hindi ako magpapalibre at manlilibre, ang kapal ko naman nun.

    May toldoks pala yun. Akalain mong poyntpayb na lang eh hindi ka pa umabot? Dapat pala isinasama sa estimate ang mga point-point na yan eh.

    Alam ko na! Ilibre nyo ako ng kalahati at ako na lang ang magiging putograper niyo. Ayos ba yon?

    Nye. Third wheel! 😛

    Reply to this comment
  9. tiez | May 9th, 2008 at 12:48 pm

    hahaha…!!! hindi talaga nagbago ang iha… ayaw pa rin patatalo =D

    Bessie! Hehehe. Aba may oras ka magonline ah. Magtrabaho ka nga. 😛

    Reply to this comment
  10. McRey | May 9th, 2008 at 1:43 pm

    WOW… diba yung manila ocean park parang tulad ng ocean park sa singapore?

    Ang mahal naman 400… hm…

    Oo yata. Parang ganun nga. Medyo pricey nga siya. Pero in fairness marami ang pumupunta. Mahaba yung pila nung nagpunta yung roommate ko eh.

    Reply to this comment
  11. xienahgirl | May 9th, 2008 at 3:13 pm

    naku ah
    parang yung sa
    overheard ko ito ah
    yung magpapatalo sa laro
    hahahaha
    :)

    Competitive si Bee. Di yun magpapatalo. Hehehe

    Reply to this comment
  12. M | May 9th, 2008 at 6:45 pm

    Ahaha, sabi na nga ba yun ang maiisip mo. Gusto kong mag-aral magmaneho. Pwede din akong driver.

    Where to madam?

    Kung hihintayin ka pa namin matuto, baka lumaki na yung mga dilis dun bago pa kami makapunta.

    Reply to this comment
  13. señora | May 10th, 2008 at 1:41 pm

    Shet akala ko 395 hahahaha takang taka ako ba’t sobrang layo naman ata ng narating niyo ahihi

    Sobra naman yun. Hahaha. Baka sa Sulu na kami umabot haha.

    Reply to this comment
  14. joanne | May 11th, 2008 at 2:58 pm

    hahahah! kainggit naman. gusto ko din pumunta dun eh.

    hehehehehe

    Sa Thursday pupunta kami! Yehey!

    Reply to this comment
  15. igno | May 11th, 2008 at 6:24 pm

    Marami bang plant life tska ibon doon sa ocean park? Saan ba banda yan? Waaaaa… Wala na akong balita sa mundo sa labas. hahaha…

    Corny! Sa may likod ng Quirino Grandstand daw yun eh

    Reply to this comment
  16. señora | May 12th, 2008 at 6:10 pm

    Sulu ampu hahahaha
    39.5 naman pala.. ahihi

    Sa thursday, pupunta na kami ng Ocean Park. Yehey!

    Reply to this comment
  17. Theia | May 15th, 2008 at 8:42 pm

    Haha. Ang kulet. :)) I find those comfortable conversations between lovers cute. And betting (para mas maganda pakinggan kesa sa word na pustahan.. hehe) too! I find them really good lalo na sa relationships. Hehe.

    Haha. Masaya yun kung ikaw ang laging panalo. Hehehe. Masaklap pag talo. Buti na lang sinagot pa rin ang Ocean Park date ko. Hahaha

    Reply to this comment

Leave a Comment

space