space

Anna Marie Velasco: Another Scam in the Making?

04 Jun 2008 isyu
 

Inaantok ako kanina sa klase habang nakikinig sa anatomy of the female genital tract lecture nang biglang nanginig si Ricardo sa ibabaw ng mesa ko. Akala ko, si Bee ang nagtext pero laking gulat kong hindi lumabas ang cute na cute na baby pic ni Bee, instead, isang boring na envelope lang ang nagdisplay sa lcd screen ni Ricardo kasama ang isang number na hindi naka-save sa aking phonebook. Mas lalo akong nagulat sa nilalaman ng mensahe:

Pued po b akong humingi ng 2long sa inyo? I’m Annamarie, 21yo fresh grad po from bacolod. Gagawin ko po ang lahat ng kapalit na gusto nio, ma2lungan nio lng po akong makapunta sa mynila. Im willing to take the risks. My job hiring na po kc ako jan sa smc-ortigas, sayang naman po kung madidissolve lng.. My picture po ako sa www.annamarie.cjb.net – Anna

Napa-WTH ako. Saan naman niya kaya nakuha ang number ko? Pero hindi ko siya nireplyan. Sayang ang load at panahon ko. Malamang ay isa na naman ito sa katakut-takot na scam-to-be na naglipana sa text. Pero dahil dakilang usisera ako, hindi ko napigilan ang sarili kong puntahan ang nasabing link (hindi ko na siya nilagyan ng live link dito. baka sumikat pa eh).

Siya raw si Anna Marie Ortiz Velasco “an angel crying out for help”. Siya ay 21 years old, fresh graduate, ulilang lubos at walang kamag-anak sa Bacolod (bakit kaya hindi ako nagulat dito?). Siya ay nagtapos sa University of St. La Salle sa Bacolod sa kursong BS Information Management kung saan isa siyang Cum Laude(!). Mababasa mo sa site na nabanggit ang lahat ng gusto mong malaman sa kanya (promise, pati height at zodiac sign meron), pero kung taken siya o hindi, yan ang di natin alam dahil wala namang “status” siyang binanggit. Naka-upload din sa site na ito ang apat na dokumentong patunay ng kanyang academic achievements: isang diploma, isang cum laude certificate at dalawang pahina ng kanyang transcript of records. Nagsasabi nga ng totoo si “Anna” – may picture nga siya sa nasabing website at isa lang ang masasabi ko: maganda siya in fairness.

Maganda, matalino, mahirap, ulila at walang kamag-anak at higit sa lahat desperadong makarating ng Maynila upang “tuparin” ang kanyang pangarap na makapagtrabaho. Iyan ang imaheng binigay ni Anna Marie Velasco, isang imaheng angkop na angkop sa pang-sscam. Sino ba naman ang hindi maaakit kung ito ang litratong bubungad sa iyo:

…sabay sasabihin pa niyang “gagawin niya ang lahat na gustuhin mong kapalit makarating lang siya ng Maynila”. Kung kasing desperado ka rin niya, ipokrito ka na kung sasabihin mong hindi sumagi sa isip mong ito ay isang magandang pagkakataon.

Buti na lang at babae ako at di ko trip ang kapwa ko babae at lalong hindi ako desperado kagaya niya o ng kung sinu man ang pasimuno nito (at isa pa, wala akong pera para “makatulong” sa kanya). At dahil ako nga ay dakilang usisera at nasa nature ko na ang magimbestiga (asset ako ng NBI pag nagkataon), inusisa ko na ng kaunti ang mga nilalaman ng naturang website upang lalong paniwalain ang sarili na ito ay isang high-tech na scam:

  1. Saan ka naman nakakita ng diplomang wala man lang pangalan ng taong nagmartsa? (sa Recto lang ata meron nun)
  2. Nakita ng aking super-duper-electromagnetic xray vision na burado ang totoong pangalan sa diploma at edited din ang cum laude certificate niya (ngayon ko lang nalaman na may certificate palang ganun… actually, bobo lang yung nagphotoshop, di malinis ang pagkakagawa).
  3. Mukhang bago ang ilang texts sa diploma, awards at maging sa transcript of records (strike 2 na yung nagphotoshop); at last but not the least:
  4. POR FAVOR! THE TEXT WAS SCREAMING ‘SCAM!’. SA PANAHON NGAYON AT SA DAMI NG MANLOLOKO, MAPAPAILING NA LANG AKO KUNG MERON MANG PAPATOL SA GANITONG MODUS OPERANDI. Pero ayoko rin maging judgemental dahil baka naman sadyang may ginintuang puso lang ang maloloko ng bagong scam na ito.

Hindi ko alam kung gaano kalaganap na ang nasabing bagong text message scam dahil tinatamad na akong magimbestiga further. Ang mahalaga, mga readers, is to be vigilant so we won’t fall prey to these lowlifes dahil sabi nga nila, it’s the same old banana.

High tech nga lang.

Edit (05/07/10): Nahalungkat ko ang isa sa mga web address na active pa >>> http://www.freewebs.com/annamarievelasco/

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. ebay | December 7th, 2009 at 1:39 pm

    got the same message just last night from 09165571296. Tagal na pala ng isyung ito, June 4, 2008 pa.. ilan na kaya nabiktima ng scam na to.. mga pipz ingat lang kayo..

    Reply to this comment
  2. jaim | December 10th, 2009 at 6:48 pm

    got the msg alsolastwk. reply ko sa kanya lumapit na lang sya sa municipality nila maraming tutulong kasi election na… at kung ttulungan ko xa ticket ang ipapadal ko at hindi pera hahaha!!!

    Reply to this comment
  3. mommycha | December 15th, 2009 at 4:12 pm

    i got a message from marie din just a while ago.. from 09165571004.. nireport ko nga sa globe na nagpapadala yan ng kung ano ano.. para blocked na sya. Ingat na lang po sa nyong lahat.. hwag magppaloko..

    Reply to this comment
  4. Lea | January 28th, 2010 at 2:41 pm

    I just got the same messages from this girl. Bago na naman ang website nya:http://www.mariebacolod.tk. They never give up. Kaloka.

    Reply to this comment
  5. gie | January 28th, 2010 at 4:19 pm

    got the same text messages from this too poor greedy soul. IF GANUN NGA CYA KAGALING AT TALINO SANA GINAMIT NA LANG SA MAAYOS AT FRUITFUL NA MEANS, KESA MANLOKO NG MGA MALOLOKO NYA. SORRY GIRL, MALI KA NG NA TEXT. U ARE REPORTED NOW TO MEDIA. MAGSAMA KYO NI IVLER . U BOTH BELONG TO UR DEVIL HANDLER. PITY UR PARENTS FOR HAVING CHILDREN LIKE U. TSK TSK TSK PITY U, POOR BRAINS

    Reply to this comment
  6. gie | January 28th, 2010 at 4:35 pm

    THE NUMBER SHES USING NOW IS 09165570991. PLEASE WARN ALL PEOPLE REGARDING THIS PACWOMAN. TO STOP HER ILL INTENT. KAWAWA NAMAN ANG MAGULANG NYA YAN ANG NAGING RESULTA NYA. NOT YET TOO LATE TO ASK GFOR GO’S GUIDANCE AND FORGIVENESS AND DO THE RIGHT THING.

    Reply to this comment
  7. dr_3molar | January 30th, 2010 at 2:01 pm

    grabe na ba talaga panahon ngayon.matupad lang pangarap kahit puri ibibigay.pero matatalino na mga lalaki ngayon alang maloloko ang babaeng iyan.pero ingat din tayo at wag maniwala

    Reply to this comment
  8. avic tagumpay | January 30th, 2010 at 11:12 pm

    grabe. same with us mas nauna lang yata kmi, nov yata or oct. naging txt mate pa nga asawa ko.nakakausap pa nya at nakausap ko ng magalit ako. tnawagan ko using cp ng asaw ko. siguro likas na walangya din ang aswanko o talagang maawain at gusto tulungan. gusto pa nga bigyan pamasahe at sunduin hangang batangas at magpadala pa ng pera para makaluwas. nalaman ko lang at minura ko muntik na umabot sa hiwalayan. ayy naku nw ko lang naicp balikan ang website na naibgay nya sa aswa ko. maganda nga talaga din sya, may height. well kung sino ka man sana magbago ka na. maram,i kang tao lolokohin at sisiraing pamilya. sayang ka kung ikw nga yan o bak naghanap din lang ng picture ang an velasco na yan. kwawa naman ginagamit sya. matakot ka day! may nakakaalm ng lahat ng gingawa mo. malaki balik nyan sa yo.

    Reply to this comment
  9. Sherr | February 5th, 2010 at 11:17 pm

    I just got a text message today (Feb. 5, 2010) from ANA MARIE VELASCO as well but with different cp no. 09165570998. I’ve checked her website just out of curiosity and if you gonna read it parang hindi pinag isipan ng scammer kung ano posibleng magiging reaction ng reader. Well, obviously manloloko tlaga even if meron pa syang mga docs, i’m still not convinced. If she has a common sense and sabi nya Cum Laude sya, she can try to ask for help with her friends or chance nya lumapit sa mga politician. Imposible naman hnd nya naisip yun. tsk tsk tsk.. kawawa ka naman neng mapapahamak ka nyan…

    Reply to this comment
  10. james raterta | February 11th, 2010 at 10:17 am

    Para sa lahat,ginagamit nya rin ang 09165571002.

    Reply to this comment
  11. new | February 14th, 2010 at 4:36 pm

    NEW NUMBER OF SCAMMER

    63 916 557 1003
    63 916 557 1002

    NIGERIAN TEXT ME LAST NYT
    .-= new ´s last blog ..how to eat as enjoyably, healthily, and sanely as possible =-.

    Reply to this comment
  12. pooh | February 15th, 2010 at 1:16 am

    kakatext lang ulit sa kin kanina 09165571003, bago nga number kasi nung 2008 siya una nagtext, naawa nga kami ng GF ko dahil nanghihingi ng tulong, ang tanga lang niya bigla siya ngtext ng amount ng pamasahe ayun hinanap ko sa google ang name nya, ang dame lumabas at comment. scam nga, tinwagan ko pa paiyak iyak pa tapos bigla siya ngapalit ng number. Ingat sa mag malilibog he he he he

    Reply to this comment
  13. LG | February 18th, 2010 at 1:37 pm

    Wow, salamat Google! Akala ko ako lang ang nakakakuha nito. Dati pa akong kinukulit nito. Tatlong numbers ang meron ako:

    09165571002
    09165571004
    09165571005

    Ayus din ano? Halos magkasunod-sunod pa. May isa pang number pero dinelete ko dahil nabanas na ako.

    Reply to this comment
  14. cha-cha satumba | March 21st, 2010 at 11:09 pm

    ito bago nya number. muntikan na ako maloko, mukha kasing nakakaawa. buti i saw this. 09173617039

    Reply to this comment
  15. valsj | March 25th, 2010 at 12:03 pm

    just got the msg from her @09173617039 the website is http://www.negros.tk

    Reply to this comment
  16. spongklong | March 31st, 2010 at 5:32 pm

    actually guys Yate ang sasakyan nya papuntang manila. kya hayaan nyo nya, mahal lang tlga yate ngayon..

    Reply to this comment
  17. dpsolgmfeuUL | April 10th, 2010 at 11:59 pm

    Wala kapaguran ito mang-scam.
    Ito naman gamit na number

    0917-9782461

    Dapat talaga registered lahat ng cellular numbers para hindi magproliferate mga ganito. Hindi yung nilalako pa sa LRT/MRT mga sim at murang-mura pa.

    Huwag magpaloko.
    Gamitin ang utak.

    Ingats!

    Reply to this comment
  18. dpsolgmfeuUL | April 11th, 2010 at 12:02 am

    I bet sabay-sabay nito binili yung mga sim. Multiple numbers. Mura na lang nga kasi sim.

    Reply to this comment
  19. kelanz | April 13th, 2010 at 10:41 pm

    just rcv’d such message right now, ayun reply ko n ask favor a mga politician s bacolod, cgurado tulungan sya kahit mgp balik balik p sya s manila, hehehehe….dami manloloko ngayon, eto pla ginamit nya #09179782461

    Reply to this comment
  20. Shamen | April 20th, 2010 at 1:47 pm

    April 20, 2010
    0917-978-2384
    Ito yung gamit nyang number

    Kaylangan nya daw mag punta ng Manila para ma-Grab yung
    opportunity sa San Miguel. She will do anything daw and she’s willing to take the risk para lang makapunta sa Manila.

    Yeah right girl..
    Try mo si Villar. Since gusto nya naman daw tapusin ang kahirapan ng mamamayang Pilipino. =) Lol

    Reply to this comment
    • celda | April 22nd, 2010 at 7:10 pm

      got the same message thrice (makulit) the last message i got just yesterday. buti na lang i did not reply to any of her messages. the no. she is using is 09179782384. i contacted globe but they adviced me to contact NTC.

      Reply to this comment
  21. concerned Citizen | April 30th, 2010 at 11:04 am

    Got the same message today, twice. All documents, information are fake even the photos. Mobile number used: 0916-241-8482. Please inform everyone not to give in to this scam. A lot of Text scams are already floating around. Be vigilant. Report all suspicious messages to the authorities ASAP.

    Reply to this comment
  22. Dahil Late si Doc at Nakakabagot Maghintay. » Ang Paglalakbay ng Isang Doctor-to-be [Docmnel.com] | May 7th, 2010 at 10:03 am

    […] Actually, tinamad lang ako magblog sa kadahilanang hinigop na ng microblogging site na plurk ang lahat ng ideyang gusto kong sabihin. Pero panaka-naka nagpopost pa rin naman ako dito kahit paisa-isa o padalawa-dalawa sa loob ng isang buwan. Not bad… considering apat hanggang lima lang naman talaga ang entries ko sa loob ng isang buwan noong bago pa mamatay ang blogging. Feeling ko kasi, wala naman ng nagbabasa. At ang lahat na napapadpad sa blog na ito ay interesado lang malaman kung totoo ba si Anna Marie O. Velasco. […]

    Reply to this comment
  23. Paolo | May 10th, 2011 at 3:39 am

    She’s now using the name Sam Mendoza. Same story. Same picture posted on this post. The new website she is showing is http://www.GuideMe.tk. Number used is 09278019396.

    Reply to this comment
  24. Peter | May 16th, 2011 at 5:35 pm

    tama, same pix ni an velasco
    hahaha

    Reply to this comment
  25. axel | May 25th, 2011 at 8:32 pm

    Ahahaha, may natatanggap ka rin pa lang mga ganyan.. Ako naman humuhingi siya nang pang-tuition nya.. Ganun di sinasabi nya, gagawin nya lahat ng gustohin ko..

    Reply to this comment
  26. joseph | May 26th, 2011 at 3:55 pm

    new number alert: 0927 8019396
    please report if you guys know anybody from globe or ntc.
    thanks!

    Reply to this comment
  27. cindy | June 8th, 2011 at 7:22 pm

    new number alert: 092780 19343
    kakatext lng nya sa akin, hay naku grabe mga tao ngayon tsk tsk tsk..

    Reply to this comment
  28. ED | June 11th, 2011 at 8:52 am

    new number 09278019343

    actually last october din tinext ako nito pero hindi ko pinansin dahil baka nga scam lang, then kahapon (6.10.11) nagtext ulet and sinabi nya na sya si MISS SAM MENDOZA, twice ako tnext nito and around 7:00PM nagtxt ulit sya at binigay ang ang website nya, http://www.misssam.tk to good to be true pero namali sya ng tinext dahil ako ay nagtatrabaho din sa SAN MIGUEL – and nagconfirm ako ng mga applicants if kasama itong babae na ito if babae nga sya, at nalaman ko na WALA SA LISTS OF APPLICANTS sa HR Dept namin…. kutob lang ang pinairal ko, ginawa ko sinearch ko sa google ang address ng inuupahan nya, and eto nga blog na ito ang mga lumabas, IT’S A SCAM!!!!! so ingat lang guys…..

    Reply to this comment
  29. Rey | June 22nd, 2011 at 5:01 pm

    Shes using 09273233816 Sam Mendoza help4good.tk 6/22/2011

    Reply to this comment
  30. claire | July 29th, 2011 at 11:16 pm

    i also receive such exact sms by the name of sam mendoza. what a scam bag!

    Reply to this comment

Leave a Comment

space