space

Director’s Cut

 

Ang bawat aspeto ng pelikula ay taken as one. Hindi pwedeng ang mga artista lang ang maganda sa pelikula, o kung paano umikot ang istoryang nagaganap. Hindi rin ito nadadala lamang ng kung paano dinirek ang bawat galaw ng mga karakter o ng bawat pihit at anggulo ng kamera. Hindi magiging maganda ang pelikula kung isa lang sa aspetong bumubuo nito ang nagdadala nito. Para mo na ring sinabing maganda ang libro ni Bob Ong dahil naakit ka sa pabalat ng libro. Ang pelikula ay isang obra maestra – isang masterpiece na ang kagandaha’y nagmumula sa bawat aspetong bumubuo nito. Parang ang paghahalu-halo ng bawat kulay sa painting ni Juan Luna o ng pagsasayaw ng bawat nota sa isang Mozart piece. In a perfect world, ang magandang simula ng isang pelikula ay nararapatan ng isang magandang ending.

Sa kasamaang palad, we don’t live in a utopian world. Imperfection is the game of reality. Hindi lahat ng aspeto ng pelikula ay kaaya-aya kahit ano pang gawin mong pagpupumilit na gawing perpekto ito. Pero gayun pa man, pilit natin itong pinapanood, pinagtitiyagaang gugulan ng oras at pansin hindi lang dahil nasimulan mo na at nakaubos na ng oras, kung hindi dahil naniniwala pa rin tayo sa tinatawag na second chances. At sa mga second chances na ito pumapasok ang role ng ending ng isang obra maestra: ang make-or-break, do-or-die, take it-or-leave it ng isang pelikula. Maraming pelikula ang maganda-sana-sablay-lang-ang-ending. Natural na sa manonood ang asahang magtatapos with a bang and a sugar on top ang isang pelikulang nagsimulang maganda kaya naman higit sa lahat ng aspeto ng pelikula, ang ending na yata ang pinakamahalaga. Kung paano nagtapos ang isang istorya ang huling tatatak sa memorya ng manonood. Aanhin nila ang kasal ng mga bida sa kalagitnaan ng istorya kung sa huli pala’y mamatay din sila? Walang manonood ang gugustuhing lumabas ng sinehan o magpatay ng DVD ng mabigat ang kalooban.

Naranasan mo na ba ang manood ng isang pelikula at somewhere in the middle ay marealize mo na parang may kahalintulad ito? Naniniwala ako na ang pelikula, in its barest essence ay halos pare-pareho lang ng plot at sa ending lang nagkakatalu-talo. Ang iba’t-ibang ending ang nagbibigay ng flavor sa pelikula at sa pagdating ending at pagroll ng credits mo palang marerealize kung worth it ba ang ginugol mong oras para dito. Ang tao ay likas na filmmaker. Araw-araw ay nabubuhay tayo ayon sa takbo ng istorya at gumagawa tayo ng iba’t-ibang ending para sa subplots at sidestories ng pelikula ng buhay. Pag nagroll na ang credits, wala na tayong magagawa dahil “the end” na ang pelikula. Lalayo tayo sa eksena at iaassess kung nagustuhan ba natin ang ating munting palabas. Magaling kung oo; nakakapanghihinayang kung hindi. Sa kasamaang palad, wala na tayong magagawa dahil ang pelikula ay habangbuhay nang nakaimprinta sa isang rolyo ng film. Hindi pa naiimbento ang time-space warp at time machine kaya’t hindi pwede i-retrace ang pelikula at magsimula ulit. Ngunit, subalit, datapwat maaari tayong gumawa ng remake ng naunang pelikula in hope of correcting the mistakes… or in hopes of creating a different ending.

May mga side stories akong gustong baguhin sa pelikula ko. Mga side stories na di naging maganda ang ending at nag-iwan ng sandosenang what-ifs. Minsa’y naisip kong gawan ito ng remake with an all-star cast ngunit isang bagong artista ang naging sentro ng bago kong pelikula. Habang naglalakad ako’t gumagawa ng munting pelikula ay natanaw ko ang isang pamilyar na mukha at narinig ang isang pamilyar na istorya. Huminto ako at nanood sa di kalayuan sa isang remake ng pelikulang noo’y pinagbidahan ko. Simula palang ng pelikula ay nakafingers-crossed na ako habang humihiling na sana’y hindi lang ito isang pangit na remake ng isang pangit na pelikula. Sana, this time around ay happy ending naman ang kahinatnan nito.

Let the credits roll in.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. napundingalitaptap* | June 25th, 2008 at 12:23 am

    hmmm. . . sana maging okay nga yun palabas na yan…

    hehe, natuwa ako sa masining na pagsusulat. ayos! magaling. at may damdamin. . .

    dadaan ulit ako next time.

    flyfly!!

    Balita ko eh mukhang magiging okay naman. Sana nga. Sabay-sabay na lang tayo mag-wish ng isang happy ending. :) Salamat sa paglipad dito. Sana mapadpad ka ulit dito. :)

    napundingalitaptap*’s last blog post…saang direksyon na?

    Reply to this comment
  2. Pedro | June 25th, 2008 at 11:19 am

    Dahil sa tinatamad akong gumawa ng bagong entry, at dahil sa natuwa ako sa post na ito. Mas nanaisin ko na lang magcomment dito kesa gumawa ng sarili kong bago, nyahahaha. Eto na:

    Napa-wow ako, sobrang nagustuhan ko talaga ang entry na to. πŸ˜€

    Buhay = Pelikula
    Ordinaryong Tao = Artista (astig!) hehe..

    Naniniwala akong, parang sugal sa baraha ang (buhay) pag gawa ng pelikula, nakasalalay ang ending mo depende sa balasa. Kung pwede nga lang sanang sumigaw ng “action” kapag may mga magandang eksena at “cut” naman kapag panget na. Kung pwede nga lang sanang mag take 2, take 3, take 4 sa tuwing magkakamali ang bidang artista. Kaso hindi ganun. Lagi lang naka-play ang realidad ng buhay ng tao. Walang stop, rewind at fast forward.

    Pinapanuod ko ang pelikula mo ngayon. Sa pakiwari ko, maganda naman ang plot ng istorya. Maganda ang mga twist. May educational, romance at love story. May comedy, may pagka teleserye, at entertainment. (rated R –> hindi ko sure)

    Aabangan ko ang ending nito. Maganda man o panget ang kahinatnan, asahan mo, papanuorin ko pa rin ang susunod mong pelikula. Itaga mo yan sa bato. (gumaganun pa) haha!

    Doc Mnel – BOX OFFICE QUEEN (fwedeeeee!)

    Naks naman Pedro. Natuwa naman ako sa insightful reply mo. Hehe. Sana nga maging maganda ang ending ng pelikula. At maraming salamat sa panonood. Haha.

    Gusto ko magkaroon ng award na “Best Actress in a True-to-Life Role”. Hehehe.

    Reply to this comment
  3. jhaynee | June 25th, 2008 at 5:31 pm

    mnel, daan din ako dito.. add na kita ha.. tsalamat sa paglakbay papuntang hinulugang pakpak. hehehe

    Salamat din. Natuwa ako sa title ng blog mo. πŸ˜€ Balik ka ha?

    Reply to this comment
  4. kingdaddyrich β™₯ | June 26th, 2008 at 11:37 am

    i will create a utopian world then.

    but it will only exist, only in my dreams.

    see you there.

    Sige. Dapat sakto ang oras ng tulog natin para magkita tayo sa panaginip. Hehe. Teka. Bawiin ko yun. Baka mapaslang ka ni Bee eh. Hahaha. πŸ˜€

    kingdaddyrich β™₯’s last blog post…Bagyo ng Sipon

    Reply to this comment
  5. ayyzzz | June 26th, 2008 at 9:30 pm

    “…and they live happily ever after.”
    gaya ng pamosong ending ng mga fairytales…
    sana ate, maging ganito rin ang ending ng iyong pelikula. nice post..

    lab it! hehe πŸ˜€

    nabisita lang πŸ˜€

    AMEN to that! πŸ˜€ Salamat sa pagbisita.

    ayyzzz’s last blog post…Kotonkendi

    Reply to this comment
  6. potsquared | July 29th, 2008 at 9:21 am

    kung ikaw ang bida sa pelikula mo, syempre may mga kontrabida.. at syempre during shooting ng pelikula, may mga magiinarte.. how do you handle them? parang interview lang ni boy abunda.. hihihi

    *Tingin sa web address*
    Kala ko naligaw ako sa “The Buzz!”

    Yung mga nagiinarte dapat pinapabayaan. Aba. Hindi sila ang center of my world! πŸ˜›

    potsquared’s last blog post…pictures speaks louder than words…

    Reply to this comment
  7. charvette | May 13th, 2009 at 11:18 am

    saNa MaGiNg kAtUlAd Ko hO KAyO……
    BaTa Pa Po AkO NooNg pInAnGaRaP KO
    Na mAgInG IsaNg dIrEcTor O rIgHTER
    SAnA MAgInG kAtUlA kO kAyO Noh……

    Reply to this comment

Leave a Comment

space