space

Hunyo Tres

02 Jun 2008 emotera
 

Matagal ko ring pinag-isipan kung tungkol saan ang ilalathala ko ngayon. May dalawa akong drafts na nakatengga sa dashboard ko pero hindi ko feel ang ipagpatuloy sila sa ngayon. Hindi ko napansin ang paglipas ng walong araw. Parang napakabilis. Ngayo’y ikalawang araw ng Hunyo. Ilang minuto palang ang nakalilipas mula nang magpalit ng araw ang mga kalendaryo sa buong Pilipinas pero mamaya lang, tapos na naman ang isang araw. Magdidilim ang paligid, magsisilabasan ang mga kwago at magtatanong ako sa sarili ko kung ano nga bang magandang bagay ay nagawa ko sa buong maghapon. Walang sense na atakihin ako ng DID dahil wala rin namang maisasagot ang alter-ego ko. Another uneventful day. Ganyan ang buhay ko buong summer dahil mas pinili ko ang magpaka-bum kesa ang magtrabaho. Pagbigyan niyo na ako. Last summer ko na ito. Nakita ko ang academic calendar namin at May 1 ang simula ng clerkship. So near and yet so far. May 332 na araw magmula ngayon hanggang May 1at sa loob ng 332 araw na iyon, marami akong pagdadaanan. Iniisip ko palang, kinikilabutan na ako. Eto na naman ako. Nadadala ng takot. Kakayanin ko pa kaya?

Bukas, pagmulat ng aking mga mata, isang routine ang kailangang makasanayang muli ng aking katawan. Simula na naman ng sampung buwang pakikibaka sa pinili kong landas. Parang kelan ko lang sinimulan ang limang-taong paglalakbay. I’m almost halfway through, ngayon pa ba ako magkaka-cold feet?

Hindi ko alam kung kaninong mga mukha ang makikita ko pa sa silid-aralang 20 degrees ang temperatura. Marami na kasi ang nawala: mga kaibigang kalokohan, kagaguhan at katulugan. Sana sa dulo ng paglalakbay na ito wala nang mawala pa.

I survived two years. Hawakan niyo ang kamay ko and let’s make it three.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. xG | June 2nd, 2008 at 1:09 am

    balik eskwela ka na mineli
    tsk tsk tsk
    gusto ko ulit magaral
    kung pwede lang talaga
    ayaw ko talaga magtrabaho
    hahahaha

    malapit ka na gumradweyt
    manlilibre ka
    yahoo
    :)

    Tara Xienah, palit tayo.
    Oo nga eh. Di mo na nakalimutan yung sinabi kong yun. Tsk. Me and my big mouth! 😛

    Reply to this comment
  2. cedeux | June 2nd, 2008 at 8:06 am

    back to skul na!
    nako kelanagan nila ng red carpet kapag pumasok tayo!
    hehehhe.

    ingats at sana maganda ang isang taon natin=]

    Alam mo ba Ced, dumaan ako sa red carpet nung first day. Haha. red kasi ang carpet ng auditorium namin eh may orientation doon. Hehehe. Sana nga maging maganda at maayos ang third year natin. :)

    Reply to this comment
  3. M | June 2nd, 2008 at 10:03 am

    Hayup! Apir tayo doc. Malakas talaga, ubod ng lakas ang kapangyarihan ng iyong talino. Saglit na lang, konting usog na lang at lalarga na ang isa sa pinakamatinik na doktor na andito sa Pilipinas.

    Si Doc Jen.

    Joke lang. Syempre si Doc Mnel yun, ano ba.

    Ibang uniporme nanaman, bagong kaso ng mga kasakitan at bagong mga propesor nanaman yan.

    Godbless Doc, you can do it.

    Walangya ka Mariano! Hmp!

    M’s last blog post…Error

    Reply to this comment
  4. kulot | June 2nd, 2008 at 12:01 pm

    i miss school days, yung may baon ka, tapos yung may crush ka, na kahit nilalagnat ka na pasok ka pa rin para lang makita mo yung crush mo hay kakamiss

    Manong Kulot, kahit may lagnat ako eh hindi ako papasok para lang makita ang crush ko. Haha. My bed over boys. 😛

    kulot’s last blog post…1st ever Joomla! Day in the Philippines

    Reply to this comment
  5. Ayiene | June 2nd, 2008 at 8:50 pm

    Ako sa 10 pa 😉
    Naks pretty doc! AJA! :)
    Aral mabuti.

    Eat more. Sleep more. Shet, buhay baboy yata yun ah. Erase erase.

    Study more na nga lang.

    hehe! miss you doccc!

    Haha. Eto na. Puro aral na naman ako. Hello eyebags! 😛

    Ayiene’s last blog post…To The Coolest Guy I Know.

    Reply to this comment
  6. mia | June 2nd, 2008 at 10:32 pm

    balik skul na naman doc! :) galingan mo ah! dito lang kami bilang inspirasyon mo. hehehe! study hard doc! miss you

    I miss you too Mia! 😛

    Reply to this comment
  7. gasti | June 3rd, 2008 at 10:24 am

    hi doc! gudlak sa pagbabalik schooling mo. yakang yaka mo yan! at sigurado rin akong marami ka pa makikilalang bagong friends dun.

    Naku. Maliit lang ang school namin. Haha. Sa katunayan, 15 lang ang freshmen namin. Kumusta naman yun di ba? Kung may makikilala akong bago for sure sa labas na yun galing. Hehe.

    gasti’s last blog post…pahingi

    Reply to this comment
  8. lunes | June 4th, 2008 at 9:49 pm

    wow halfway na. at aun na ang katotohanan. doktora ka na mga ilang taon na lang. congrats in advans!

    Wah! Wag muna! Baka maudlot. Marami pa akong butas ng karayom na papasukin. *sob* Pero salamat Lunes. 😀

    Reply to this comment

Leave a Comment

space