space

Nostalgia

 

Parang kelan lang, first year lang kami, looking forward to the next 5 years that we will be spending at St. Luke’s together. Naaalala ko pa ang panahon na ginawa namin ang video na ito. Maulan na araw ng Sabado, nagtext ako kinagabihan sa mga kaklase ko na pumunta sa shoot para sa music video. Ang kkyut at ang babait talaga nila. Less than 15 ang pumunta sa humigit-kumulang na 50 estudyante ng Section B! Gusto ko silang idissect isa-isa. Sakit sa ulo ang maging direktor, producer at editor, pati ba naman pagiging artista papasukin ko na rin? Noong mga panahong yun, si Reuel ang kasama ko sa hirap, puyat at panic sa paggawa ng music video. We had one week to finish the video. Buti sana kung ito lang ang aatupagin namin. Just thinking about it now makes me feel really sad. While I watched the video, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng matinding lungkot. Sa mga taong nakita niyo sa video, anim na lang ang naiwang survivors [sina mela zshari at mish (1:32), ivy and jacy (1:37), si migs (yung higante sa 1:44) at ako na pakalat-kalat sa video]. Ang iba’y lumipat na sa ibang paaralan, ang iba’y maiiwan sa ikalawang baitang, ang iba’y tuluyan nang lumihis ng landas. Medicine is not for everyone. A sad, heartbreaking fact.

Limang araw palang akong pumapasok. Petiks ang unang araw, orientation lang sa malamig at makabagong auditorium kung saan halos 1:1 ata ang ratio ng mga faculty na nakaupo sa kaliwa at ng bilang ng estudyante sa kanan. Ganoon kami kakonti. Ang Batch 2011 na aking kinabibilangan ang pinakamarami sa bilang na 54 estudyante (kasama pa doon ang mga hindi na papasok dahil nag-file ng LOA). Mistula isang ghost town ang building ng College of Med. Kapag nagsimula na ang clerkship next year, mas lulungkot ang paligid kapag naiwan na ang kasalukuyang 24 sophomores at 15 freshmen ng St. Luke’s. How sad.

Nagsimula ang pigaan ng utak pagdating ng Miyerkules. Pinilit ko maging mabuting estudyante buong umaga. Sa simula’y nagtagumpay ako ngunit maya-maya lang ay nagulat ako nung biglang may humabol na sa aking isang malaking syringe – nananaginip na pala ako. Toxic ang Huwebes dahil sa pasyente. Mahirap balikan ang mga pinag-aralang sinadyang kalimutan sa loob ng dalawang buwan. Noon ko lamang muling nahawakan ang aking stet (na dati ko nang nafeature sa 2nd layout ng The Doctor is Out). Noon lamang muli na-inflate ang aking sphyg, umilaw ang aking opthalmoscope at napangpukpok ang neurohammer. Nakakahiyang aminin pero para na naman akong newbie na walang alam. Kailangang pagbayaran ang dalawang buwang nagdaan na hindi ako nag-Master (ng) Bates. Huwebes ng gabi, alas-tres y media na ako nakatulog para sa paper na Tuesday pa pala due. Excited naman ako masyado. Dumaan ang Sabado, Linggo at Lunes, kinalimutan muli ang buhay na iniwan sa QC. Martes ay muling dumating: isang linggo na akong nagpapanggap.

Magtatatlong taon na akong nagpupuyat at nagsusunog ng kilay. Ilang tao na rin ang mga dumating, nakilala, nakasama at nagpaalam. Ilang libong pahina na ng libro ang aking nabasa. Ilang libong tanong ang sinagutan. Ilang ballpen at panyo na rin ang naiwala. Pero sa nagdaang mga araw at segundo, ano nga ba ang aking alam?

Tags: , ,

 

Reader's Comments

  1. Pongpagong | June 11th, 2008 at 1:56 am

    Ano nga ba ang iyong alam?

    Marami.

    Di mo kailangang imbentaryuhin at isa isahin dahil sa katotohanang di mo malalaman na alam mo pala ang isang bagay kapag ‘nandun ka na,’ whatever bridge or situation it is.

    Sabi nga ni pareng Jeffrey Fox (iniba ko lang ng konti), to be successful:

    Regularly practice something Spartan and individualistic. Do something that you know very few other people are willing to do. This will give you a feeling of toughness, a certain self-elitism. It will mentally prepare you for the battle to success.

    Something that is hard and lonely is studying late at night for a graduate degree in (whatever course), especially in the winter, when everyone else is asleep. Or running long, slow distances early in the morning.

    Split wood, write, work in the garden, read King Lear, but do it by yourself. Do something that is solitary.

    All great and successful athletes remember the endless hours of seemingly unrewarded toil. So do successful med students like you, Doc Mnel. :)

    Salamat Mr. PongPagong. πŸ˜‰ Siguro babalik na nga lahat ng pinag-aralan at napag-aralan ko pag nandun na ko. Dapat bumalik na sila! Malapit na ang exams!

    Reply to this comment
  2. Samjuan | June 11th, 2008 at 8:15 am

    Sa bandang huli, yung mga desisyong pinili natin at mga aksiyong nagawa sa buhay natin ilan sa mga maaring makapagsabi kung ano nga ba ang ating mga natutunan.

    Nasa mga bagay at alaalang naibahagi natin sa mundo at sa mga tao din maari nating malaman kung may natutunan nga ba tayo.

    Cheers doc!

    Wah. Ang lalim. Teka babasahin ko ulit. Hehe. Sa tingin ko, nacuculture shock na naman ako sa dami ng dapat naming pag-aralan. Bitin kasi ang summer. Salamat Samjuan. :)

    Samjuan’s last blog post…Kung bakit parang mapapadalas ang late kong pag-uwi

    Reply to this comment
  3. Yvie | June 11th, 2008 at 9:52 am

    Hi Pinsan. This is very true. Medicine is not for everyone. I guess it takes passion + dedication + having fun with what you’re doing. I believe that in each road that you take, talagang focused ka talaga and desedido sa ginagawa mo. :)

    Everything has a purpose and everyone has his/her own place in the world. Iniisip ko na lang na makikita rin nila ang hinahanap nila.

    Yvie’s last blog post…Dreaming of a Happy Llama

    Reply to this comment
  4. churvah | June 11th, 2008 at 10:40 am

    hangad kong mapagtagumpayan mo ang hamon ng med school.
    goodluck,doc Mnel!

    Pareho tayo ng hinahangad churvah. Hehe. Salamat ng marami. :)

    churvah’s last blog post…contentment

    Reply to this comment
  5. kulot | June 11th, 2008 at 11:12 am

    tibay pa ng loob ang kelangan, oo hindi para sa lahat ang pagmemedesina… good luck sayo Doc

    Hehe. Baka kulang lang din ako sa kape. πŸ˜‰ Thanks Manong Kulot.

    kulot’s last blog post…Videovideographer

    Reply to this comment
  6. vera | June 11th, 2008 at 12:55 pm

    alam mo mnel, di ka magtatagal sa medschool ng 3 years kung hindi para sayo yan. kaya mo yan ano. isang noble profession ang pagiging doktor. maswerte ka at nabigyan ka ng opportunity na makapag aral ng med.

    kung meron lang kaming limpak limpak na salapit, edi sana nasa 2nd year narin ako ngayong pasukan. haay. so sad.

    Naku vera. Siguro kung ikaw naman ay nag-aaral din, iwiwish mo na lang na sana di mo na lang to naisipan. Hehe. Okay na ko. Kailangan ko lang magkape. πŸ˜› Salamat vera.

    Reply to this comment
  7. gasti | June 11th, 2008 at 3:43 pm

    marami kang alam. siguro kelangan mo lang i-refresh ang lahat para maalala mo yung lessons nyo..ikaw pa! mukha ka namang matalino

    i wish! sana hindi hanggang “mukha” lang. πŸ˜‰ salamat manong gasti.

    gasti’s last blog post…tawag ng kalikasan

    Reply to this comment
  8. Saminella | June 11th, 2008 at 6:49 pm

    hahay. ako gusto ko mag-aral ulit kaso wala akong pera. isa pa: wala akong pera.

    Pwede naman. Why not? Ako bugaw mo, you want? Hehe.

    kung pwede lang maging high class prostitute.

    Reply to this comment
  9. cedeux | June 11th, 2008 at 9:41 pm

    madami syempre doc.
    bates din kami. hahay!
    nalulungkot rin ako kasi madami kami before ngaun 2 na lng kaming magkakasama=[

    Wah. Dapat pag nag-med ka eh, matatag ka sa mga goodbyes goodbyes na yan. Not for the faint-hearted!

    Reply to this comment
  10. komski kuno | June 12th, 2008 at 10:52 pm

    Ganun naman talaga e, maraming mga bagay ang lilipas, mawawala, aalis, lilisan. Pero hayaan mo’t mas marami pa ang darating. Mas maraming exam, mas maraming mga tanong, at mas maraming mga bolpen pa at panyong iwawala, hehehe:)

    Basta dapat “doctor to be-e” pa rin ang titulo nitong blog hanggang sa maging “doctor” na talaga:D

    Hehe. Siguro masaya yun kapag na-maintain ko pa rin tong blog even years after hanggang makuha ko yung MD. Haha. Naexcite ako sa thought. πŸ˜‰

    Reply to this comment
  11. Duroy | June 13th, 2008 at 11:09 am

    Basta Doc, wag mo iiwanan mga pasyente mo ha…

    Hehe. Di pwede. Baka mamatay eh. Kargo de kunsensiya ko yun Drei. πŸ˜‰

    Reply to this comment
  12. madcow23 | June 13th, 2008 at 6:18 pm

    tsk tsk. hirap nga tlga yan, buti n lang at hindi ginusto ng magulang ko ang pagmemedisina para sakin. Konting tiis lang dude! kaya mo yan, isipin mo na lang lagi kung gaano kalaki ang magiging income mo after nyan. ahaha, siguro enough na un para mamotivate ka. Good luck DoC!

    Haha. Usapang pera na lang. πŸ˜‰ Kaya lang bago pa ko lumikom ng limpak-limpak na salapi eh ilang galong pawis at ilang daang tulog ang kailangan ko pang isacrifice muna.

    madcow23’s last blog post…Bacon?

    Reply to this comment
  13. mia | June 14th, 2008 at 12:29 am

    namiss ko naman pumasok sa skul:(

    gusto ko pumasok kaso ala ako pera pangtuition, huhu

    Sos. Magtrabaho ka na Mia. Ako, gusto ko na magtrabaho. Huhu.

    Reply to this comment
  14. Pedro | June 14th, 2008 at 11:27 am

    sa dami ng mga pang medikal na kagamitan na iyong nabanggit mo, tanging ang syringe lang naintindihan ko, gamit kasi ng mga adik yun na tulad ko, haha.

    Haha. Takot ako sa syringe. Walang sense na reply. Haha. May masabi lang. πŸ˜›

    Reply to this comment
  15. lunes | June 15th, 2008 at 11:20 pm

    kaya mo yan doc mnel.malapit na yan. magigising ka isang araw, anjan na yan.. basta effort lang.. and dasal.

    goodluck.

    Sana nga ganun lang kasimple. Matutulog lang ako at gigising and poof! MD na ko! Weeee! Okay yung ganon. Walang kahirap-hirap. Hay. Sana pwede kong hilahin ang panahon para bumilis.

    Reply to this comment
  16. mentholGUY | June 18th, 2008 at 2:07 pm

    Nako doc tess, inom ka ng gamot at nag-eemote ka na!

    HAHAHA.

    Nagpupuyat ka pala! :p

    DOC TESS? Kevin. Nasa maling blog ka ata. Hehe. Kape lang ang sagot sa emo moments. πŸ˜›

    mentholGUY’s last blog post…The newly-found introvert.

    Reply to this comment
  17. Lei | August 10th, 2008 at 7:37 am

    hala. kakatakot naman yan. ang hirap siguro talaga ng medicine. parang survival mode. for sure matalino ka ate. haha.

    Reply to this comment
  18. Ang Paglalakbay ng Isang Doctor-to-be [Docmnel.com] » Drive Me Crazy | November 4th, 2008 at 8:08 pm

    […] Marami siyang tanong at para naman kaming nag-on-the-spot oral exam. Ngunit sa mga panahong yun ko napatunayan na may katotohanan pala ang minsang isinagot sa tanong kong β€œano ba ang aking alam”? […]

    Reply to this comment

Leave a Comment

space