space

Commercial Break

 

Minsan naisip ko na para akong kabute na bigla na lang sumusulpot. Di ko naman kinalimutan na may blog ako at lalong hindi naman ako nawalan ng gana magsulat pansamantala. Mangyari kasing naging busy lang ako ng mga nagdaang araw. Halos araw-araw akong alas-4 o alas-5:30 na ng madaling araw natutulog. Teka. Hindi pa ako nag-aadik mag-aral (sana nga adik na lang ako!), natambakan lang ako ng mga paper na kailangang busisiin at ipasa. Araw-araw akong may pinapasang paper. Pigang-piga na nga ang utak ko. Ayaw ko muna makakita ng Microsoft Word at lalong ayaw ko munang bumisita sa PubMed dahil SABADO ngayon!

Heniwei, moving on…

Matagal na akong kinukulit nina XG, Mariano at EfBee na bumoto na sa pa-kontes ni Mang Badoodles pero lagi ko itong ipinagpapaliban hanggang sa magising na lang ako isang araw at marealize na malapit na palang matapos ang botohan. Holy Cow! Di pa ako nakakaboto! This time, let’s get it over and done with! Here are my top five picks for Badoodle’s Project Lafftrip Laffapalooza.

1) Chiksilog – Iba-iba ang rekado ng blog ng bading binabaeng nagtatago sa alyas na XienahGirl: may wit, humor, drama, sarcasm at ngayon, pati action eh pinasok na niya. Pero anu’t ano pa ang blog niya’y parang halu-halo, masarap sa panlasa… tama ang timpla.

2) Deardiarya – Short and dirty si Mr. D ang blog entries ni Mr. D. Para siyang serbesa. Malakas sumipa… pero sa funny bone ang tama.

3) Kokey Monster – Pangalan palang ng blogista, Rated-R na agad ang Kokey Monster ni Ferbert. No wonder lahat ng Ma-L dito napapadpad. (MaLandi!) Pagkalandi-landi kasi nitong lalakeng ito. Para siyang Fishball, Isaw, Kikiam at Tokneneng. Madumi pero masarap.

4) Ulirat ni Mariano – Kasing haba ng buhok ni Mariano ang entries niya. Boring ang design, pero hindi ang mga office chronicles niya na puno ng kabastusan. Don’t judge a book by it’s cover, dahil minsan, may sense din naman siya. “Minsan” ang operative word. Si Mariano Juancho ay parang ube halaya – nakakapagtae.

-Sa kasamaang palad ay hindi pa ako makapagdecide kung sino ang ilalagay ko sa ika-5 pwesto.-

*************************************

Gusto ko ring iparating sa mga nagbabalak na yayain akong gumimik at magliwaliw na blocked na po ang schedule ko sa September 6. Mangyari po kasing magkakalat ako ng kagandahan lagim sa Wordcamp Philippines 2008 na gaganapin sa College of St. Benilde. Libre kasi ang badges, kits at siyempre ang FOOD!!! (Freeloader! ) Ang event na ito ay inihahandog ng Mindanao Bloggers at ng mga sumusunod na sponsors:

Tapos na ang commercial break. Back to regular programming.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. ayyzzz | July 26th, 2008 at 8:41 pm

    un blog mo doc?
    di ba to pedeng isali?
    ako din walang panlima
    haha, 😀

    Naku. Una, hindi naman to comedy blog. Pangalawa, baka masira ang reputasyon ng laffapalooza pag sinali mo ako. Ibigay na lang ang boto sa iba para makatulong na magkaroon sila ng t-shirt. Hehe.

    ayyzzz’s last blog post…ang gulo!

    Reply to this comment
  2. mia | July 26th, 2008 at 9:04 pm

    hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sasali ako sa worldcamp. as in naman papayagan ako ni nanay no

    Sumama ka na!!!! Sabado naman yun at matagal pa. Mahaba-habang paalamanan pa ito.

    Reply to this comment
  3. napundingalitaptap* | July 26th, 2008 at 10:17 pm

    uso nga yatang maging busy, at kung gayun, nasa uso ako. . .

    wordcamp. . .hmmmm. . .

    flyfly!

    Pero sa tingin ko eh mas okay na ang busy kesa nakatitig lang sa kisame at nagbibilang ng butiki araw-araw.

    Fly fly the butterfly!

    napundingalitaptap*’s last blog post…flyfly? samahan mo na ako

    Reply to this comment
  4. xG | July 26th, 2008 at 11:48 pm

    doc
    neber kita kinulit
    na bumoto
    hahaha
    yung sa wordcamp
    inaamin ko
    kinulit kita
    pero yung sa PLLP?

    neber
    hahahaha

    salamat sa pagboto mineli
    salamuch
    hahahaha

    ang galing
    yessss

    Haha. Makakakuha ka naman na ng t-shirt kahit hindi kita iboto. 😛

    At ano ka?!

    Kinulit mo akong bumoto na dahil ang ten thousand years na ang nagdaan di pa ako bumoboto. Haha.

    Reply to this comment
  5. Maldito | July 27th, 2008 at 3:18 am

    doctorang buntis!!o akit!!!!ha ha ha…wala lang..aatend ka din pala ng camp?

    hmmmm….gusto ko sanang sumama..

    kaso wala akong tent..aha ha ha…

    ako nalang ilagay mo…

    nagmamakaawa ako…..babayaran kita….ahahahha..

    takte…magandang araw nalang!

    Sige. Basta stable ka. Maulan pa naman ngayon. Ayaw ko mabasa ng ulan. Dumadami kasi ako. 😀

    Maldito’s last blog post…ViewDew

    Reply to this comment
  6. V | July 27th, 2008 at 2:52 pm

    hihi. yay! magsama sama nalang tayo sa wordcamp ha! miss na kita minel! mwa mwa.

    Hinay-hinay sa “mwa mwa” Vera, baka maissue tayooooo!!! Haha! See you at the wordcamp!

    Reply to this comment
  7. MiGs | July 27th, 2008 at 2:55 pm

    Thank you for registering for WordCamp Philippines!

    You will be receiving your camper pass via email soon.

    For updates, please visit http://philippines.wordcamp.org
    and/or subscribe to its feeds: http://feeds.feedburner.com/wcphils

    See you in WordCamp!

    MiGs
    on behalf of WordCamp Philippines Organizers

    MiGs’s last blog post…Acer Aspire One

    Reply to this comment
  8. Pedro | July 28th, 2008 at 9:52 am

    weeeeeeeeee, kita kits sa wordcamp doc! 😀

    Weeeee!!! Kitakits!

    Teka, BLOGSPOT KA AH!

    Reply to this comment
  9. gasti | July 28th, 2008 at 3:53 pm

    ayos yang wordcamp ah meron palang ganyan…hehe!

    kamusta naman ang eybags mo dyan kakapuyat? goodluck sa studies mo.

    Salamat Manong Gasti. Ang dami ko nang utang na bisita sa mga nasa links ko. Huhu.

    gasti’s last blog post…effortless

    Reply to this comment
  10. FerBert | July 29th, 2008 at 5:49 pm

    yey! papasok na ako nito sa top 3! yesh! maalis na si inday.. bwahahahaha.. salamat sa boto doc.. bwahahaha

    Kinulit niyo ko eh. Haha. Joke! 😀 Sana makapasok ka nga sa Top 3 at sana manalo ako sa pa-raffle.

    Mas importante yun!. 😀

    Reply to this comment
  11. M | August 1st, 2008 at 11:24 am

    dapat ako yung number one para pumasok ako sa top ten. sayang naman to, gusto ko ng t-shirt! ahahahaha.

    Bakit pag nilagay ba kita sa number 1 makakapasok ka? Sos. Ang dami-dami namang nagkakamaling bumoto sa iyo eh. Haha. Malay mo sa dulo ng laban makapasok ka pa. Darkhorse ba.

    Reply to this comment
  12. mr_d | August 4th, 2008 at 11:46 pm

    oh wow! hahahaha salamat doc! buti nilinaw mo kung ano yung short and dirty. baka kung anong isipin ng iba dyan eh. short lang. nililinis ko naman lagi HAHAHA. hanggang sa susunod na chorvah nating muli.
    (sana hindi ako spam)

    Hala! Anong short yang lagi mong nililinis? Does it start with a letter “D”????

    As in, diary?

    Haha. Baka nama kasi kasing laki lang yan ng mini-notebook kasi. Hehe.

    Reply to this comment

Leave a Comment to M

space