space

Positive

 

*Hithit* *Buga* *Hithit* *Buga*

Ang pinakaayaw ko sa lahat ng pagkakataon ay yung mga panahong hindi ko alam ang gagawin ko. Yung mga pagkakataong gusto mong hilahin ang mga lumipas na sandali at itama ang mga nagawang pagkakamali. Kanino nga ba natin maiaattribute ang kasabihang “nasa huli ang pagsisisi”? Kung sino man siya, gusto ko siyang bigyan ng masigabong palakpakan dahil nagawa niyang isummarize sa pamamagitan ng apat na salita ang pakiramdam ng isang taong handang ibigay ang lahat sa makakaimbento ng time-space warp ora mismo! Pakiramdam ng mga taong kagaya ko…

Ang mga lumipas na araw para sa akin ay puno ng mga what-ifs at what-nots… mga “kung alam ko lang” at mga “sayang” at “sana”. Pero gaya ng sabi ng pamosong quotable quote, kahit ano pang gawin ko hindi ko naman na mababalikan ang nakaraan at mabubura ang mga pagkakamali. Huli na.

The moment has passed me by.

The ship has finally sailed.

Sa kasamaang palad nga lang ay naiwan ako dito.

Pero katulad nga ng nasabi ko, pwede ka naman bumuo ulit ng panibagong side story.

Clean slate.

Fresh start.

Hindi man naging maganda ang takbo ng unang apatnapu’t-apat na araw ko sa ikatlong taon ko sa medisina… hindi man ako nakapagsimula with a bang, ang mahalaga ay may dalawang daan walompu’t-apat na araw pa ako para ayusin ang buhay ko at i-reshuffle ang priorities ko.

THINK POSITIVELY.

Ika nga ni Xienah, na nagmula naman sa “The Secret”:

“you get what you think about; your thoughts determine your experience”

Kaya Mnel, bawal magmukmok. Let the Law of Attraction be your guide. Pasasaan din, mapapalitan mo ang title ng blog na ito.

Darating ka rin sa patutunguhan mo.

————————————————–

Disclaimer: Hindi po ako naninigarilyo at lalong hindi rin ako buntis. Ang *hithit* *buga* at ang litrato sa itaas (na nagmula sa Flickr!) ay purely for illustrative purposes only. Wala po itong kinalaman directly sa nilalaman ng entry. Bago pa man kumalat sa blogosphere na buntis ako eh dinedeny ko na po ang mga haka-haka. Hindi po ito remake ng The Anunciation. Matinding kaso ng blasphermy yun at hindi pa ako ready ma-excommunicate ng relihiyon ko.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. Pedro | July 16th, 2008 at 1:46 pm

    kaya mo yan doc, di ba nga bilib na bilib ako sayo. sos, kaw pa! ikain mo lang yan doc. 😀

    Siguro nga at gutom lang ako’t nagdedeliryo nung sinulat ko ito. Haha. Makakain na nga muna.

    Reply to this comment
  2. xG | July 16th, 2008 at 1:56 pm

    doc kung ayaw mo
    ng think positive
    think of happy thoughts
    hahahaha

    o kaya dalawang negative
    odiba?
    para cancelled out
    haha

    ayos nakowt na naman ako
    salamat sa promotion
    actually
    di ko pa nabasa yung book
    kita ko lang sa internet
    yung top 100 ek ek na yun
    sa the secret
    hahaha

    elibs kami sa iyo
    sus
    :)

    Haha. Define “happy thoughts” Xienah. Ingat-ingat sa mga “happy thoughts” dahil maraming kalalakihang nagbabasa ng blog ko at baka kung anong klaseng “happy thoughts” ang pumasok sa isip nila. Hahaha. Pwede rin yung dalawang negative. Isipin ko na lang na babagsak ako at itatakwil ako ng mga magulang ko. Haha. Okay na kaya yun? 😛

    Reply to this comment
  3. V | July 16th, 2008 at 2:29 pm

    amiga, minsan talaga ay padadanasin ka muna ng pagsubok ni God.. eh pero kasama mo naman si Kuya Jess mo, yun ang importante. Tama si xG, bilib kami sayo. Alam kong mapapalitan din ang title ng blog na ito, konti nalang. Maaabot mo rin ang rurok ng tagumpay!

    Yes naman amiga. Ang lalim nun! Rurok ng tagumpay! Haha. Para naman akong aakyat ng Mt. Everest nito. 😛

    Reply to this comment
  4. kulot | July 16th, 2008 at 3:17 pm

    yun naman pala, buti nilinaw mo, naiyak na ako sa pagbabasa ng entry mo e, kala ko buntis ka

    Hahaha. Di nga ito remake ng The Annunciation. Ayoko pa ma-excommunicate! Isip bata pa ko. Tsaka na yun pag nagmature na ko. Siguro after ten years matured na ko. Haha.

    kulot’s last blog post…Rainy days

    Reply to this comment
  5. ayyzzz | July 16th, 2008 at 4:14 pm

    akala ko po kung ano na.
    buti na lang may disclaimer.
    mahirap talaga pag mapurol..

    hehehe… 😀

    AJJJAAA doc! 😀

    Hehe. Salamat ayyzzz.

    Reply to this comment
  6. FerBert | July 16th, 2008 at 6:38 pm

    alam ko naman malalagpasan mo yan doc..

    kaya mo yan.. magiging OB ka pa ng magiging asawa ko.. 😀

    bilib nga ako sayo eh.. kase napagsasabay sabay mo ang mga bagay bagay.

    sabi nga ng kantang naririnig ko sa radyo

    tila lilipas rin ang ulan
    tila lilipas rin ang bagyo
    liliwanag din ang kalangitan
    at ang araw at sisikat nang muli..

    Awww. EfBee. Pwede bang maiyak? 😛

    Reply to this comment
  7. Jon Cabron | July 16th, 2008 at 9:43 pm

    … at muli kong pinulot ang mga piraso ng puso ko matapos kong mabasa ang huling mga salita nitong entry mo.

    Question lang Mr. Cabron… nakumpleto mo naman ba yung pusong napira-piraso? Haha. Baka kulang. Double check mo. 😀

    Jon Cabron’s last blog post…lamay

    Reply to this comment
  8. reyna elena | July 16th, 2008 at 11:26 pm

    hahaha unang tingin ko pa lang sa intensive care at malignant categories mo bumalikwa na ang mukha ko sa kakatawa hahaha

    hay naku ateng! kaya mo yan, ganun naman palagi at least one thing you did right was look back at pansin ever ang medyo balikwang nagawa which you can corrected by sa susunod na apak mo. ganetch lang yun divanetch?

    at pag doktor ka na, me ipapagawa ako sayo about something between my legs na abnormal at kelangang ayusin hehehe

    Naku. Nag-eemo lang ako nung mga panahong ito. Ngayon eh tinatawanan ko na lang. Wala naman na kong magagawa. Maraming salamat po sa pagdaan dito. Haha. Ano ba yang ipapaayos mo? Hindi pa ako nakakapagtuli. Hahaha!

    Reply to this comment
  9. gasti | July 17th, 2008 at 9:12 am

    buti na lang may disclaimer..haha! napeke rin ako.

    kaya mo yan doc! think positive…basta may pera pa pang tuition walang imposible..

    Haha. Uubusin ko ang kaban ng pamilya ko.

    gasti’s last blog post…masarap kamutin

    Reply to this comment
  10. lunes | July 17th, 2008 at 12:06 pm

    doc.. dahil sa ika’y likas na smart at bibong bata, makukuha mo ang inaasam-asam. tiyaga, tamang mind set at prayers.. aun kuhang kuha mo un!

    Yikee. Salamat Aleli. Payakap nga. *hugs*

    Reply to this comment
  11. eNocH | July 17th, 2008 at 5:43 pm

    kinabahan ako dun. muntik na ako maghinayang. salamat sa disclaimer!

    Sinong nakakapanghinayang? Ako? Hahaha. Useless piece of life ako. Wala pa akong naicocontribute sa mundo. Haha. Di ako nakakapanghinayang. 😀

    eNocH’s last blog post…Eraserheads Reunion Concert (Update)

    Reply to this comment
  12. Yvie | July 17th, 2008 at 7:15 pm

    I agree. Hehehe. The vibes that you’ve set out to the universe is what you get. So when you are pretty negative about everything, you attract that—no exceptions hehehe. I pretty much mastered this thing. 😀

    Kaya Mnel, if you feel beautiful then you are right. You are! Hehehe. The Secret to all of this is in fact, feeling good about everything and making peace to wherever you may be. :)

    Cuz, yung “beautiful” part, understatement na yan. Haha. Wala sa lahi natin ang pangit. Mwahahaha. Teka. Baka tamaan na ako ng kidlat. EEEEEEKKKK.

    Reply to this comment
  13. tapsiboy | July 18th, 2008 at 4:44 am

    think positive, effective yan.

    kaya mo yan!

    Thanks tapsiboy. Di na ko nakabalik sa blog mo para maki-share ng Tapsi.

    tapsiboy’s last blog post…Buhay blogger

    Reply to this comment
  14. napundingalitaptap* | July 19th, 2008 at 12:51 pm

    hmmmmmmm. . .akala ko kun anu na. . . hehe,

    hmmmmm, di man kita kilala talaga, pero ate doc mnel, keribels yan! mas mahalaga ang EQ kesa IQ sa pagpasa sa mga exams and at sa lahat ng bagay.

    _teorya ko lan

    hmmmmmm. . .salamat po pala sa comment sa mother-ef blog ko, natats ako. may comment reply po ako dun. flyfly!

    Napalipad ka na naman pala dito. Hehe. Salamat ng marami. Sa stage ko ngayon kasi eh mahalaga talaga ang objective mind at ang IQ. I can’t wait to get out of this cycle. Pag nasa labas na ako, di na puro books ang basehan ng lahat. Yun na nga lang ang niloolook forward to ko eh. Di bale. Saglit na nga lang to. :) Kaya pa!!!

    napundingalitaptap*’s last blog post…motherf***er!

    Reply to this comment
  15. utakmunggo | July 19th, 2008 at 4:00 pm

    buti nalang may disclaimer. hindi kasi kaya ng IQ ko sisirin ang lalim ng iyong post, doc.

    ayusin ang dapat ayusin, tapusin ang dapat tapusin, at laging tatandaan, bawal magkasakit!

    😀

    Naku! Yun pa! Nagkameasles lately yung roommate ko! Takot ako. Baka mahawa ako. :(

    utakmunggo’s last blog post…CHICKEN LITTLE

    Reply to this comment
  16. mia | July 19th, 2008 at 9:15 pm

    mahilig ako sa pagsubok, pero ang pagsubok na yan ang nagpapatatag sa pagkatao natin. :)

    kaya mo yan doc, dito lang kami para umalalay sayo.

    Awww… salamat Mia. Promise. Pagkagraduate ko, ililibre ko kayo…

    ng isaw.

    Hehe.

    Reply to this comment
  17. winkii | July 20th, 2008 at 9:56 am

    dka nman siguro negative thinker?
    hehe..
    naku, doctor-to-be, kaya mo yan!
    kala ko naman buntis na ikaw.
    hehe.
    hmm..
    bloghop lang ako.
    daan ka rin sa palasyo ko minsan..

    Naku. Sa totoo lang eh may pagkapessimist ako. 😛

    winkii’s last blog post…ACCEPTANCE.

    Reply to this comment
  18. M | July 21st, 2008 at 6:34 pm

    Pasitib? Putek, dapat nga ganun ka mag-isip at hindi puro pag mumukmok. Tama! Tama ka, ganyan nga, pasok lang nang pasok! Sundot lang nang sundot! Saka ka na humugot! Saka mo na rin malalaman ang sarap ng mga ginawa mo sa dulo. Hindi pa huli ang lahat doc!

    WALA KANG MEASLES! MAGBUNYI KA! Ahaha.

    tangina ano ba tong mga sinasabi ko. gagong hayblad kasi eh.

    Wala nga akong measles. Boypren ko naman ang meron. Ganun din. 😐

    Reply to this comment
  19. jhamy woops | July 23rd, 2008 at 12:43 am

    haaaaayy.. kaya mo yan.. malapit ka naman na.. laban lang gerl!

    Haha. Malayong malapit. So near and yet so far. 😛

    jhamy woops’s last blog post…Yza, carmen and Mark

    Reply to this comment
  20. Ayiene | July 23rd, 2008 at 10:13 pm

    Pretty doc.
    Partida, akala ko buntis ka. haha! 😛 😛 Pasensya naman, sa dulo ko lang nabasa. Pero nung binabasa ko to, syempre may doubt akong buntis ka.

    go doc! kaya mo yan, darating ang araw na matatapos mo na yang med! :) ayii! tira tira!

    Gusto ko lang ng mga kids, pero ayaw ko pa ng sarili ko. Haha. Lagot kay mommy! Hehe 😛

    Ayiene’s last blog post…Long Days Aren’t Over.

    Reply to this comment
  21. webslave | July 23rd, 2008 at 10:14 pm

    hmmm. sounds interesting doc..
    anyways, at first parang na mislead ako sa thought ng post mo, until sa desclaimer.. hehe…

    uu nga naman, be optimistic po doc… heheh.. don’t wori doc, everything gonna be alright

    ^_^

    Hehe. Salamat. Natouch naman ako’t maraming concerned. Haha. Ka-emohan ko talaga. Hanggang sa blog eh dinadala ko pa. 😛

    webslave’s last blog post…week end with Death Note

    Reply to this comment
  22. churvah | July 24th, 2008 at 9:40 am

    “Everything comes gradually and at its appointed hour.”

    pasa-saan ba at mararating mo din ang iyong dapat marating,Doc.Mnel.

    goodluck sa iyong paglalakbay.

    Salamat churvah.

    churvah’s last blog post…care to know more about me?

    Reply to this comment
  23. napundingalitaptap* | July 24th, 2008 at 10:34 pm

    naman naman! bilib na bilib kaya ako kung paano ka magsulat. kaya nga lagi akong nagfaflyfly dito. . .

    hmmm, keribels yan!

    flyfly!

    Naku naman. Baka lumobo na ang ulo ko niyan. Fly fly the butterfly.

    Reply to this comment
  24. potsquared | July 29th, 2008 at 9:05 am

    kayang kaya mo yan doc mnel… have faith and everything will follow.. hihihi

    Salamat Potsquared. Apparently eh paranoid lang ako. Pumasa naman ako sa lahat. Haha. Pwede na yun kesa bagsak. 😀

    potsquared’s last blog post…pictures speaks louder than words…

    Reply to this comment

Leave a Comment

space