space

Counterfake

 

Ano ang mali sa larawan na ito?

a. Hindi tama ang gamitin ang ref magnet para sa eksperimentong ito.
b. Hindi tamang paglaruan ang barya – pera yun ‘Day!
c. Hindi dapat na-mamagnet ang barya.
d. Wala. Pinagttripan mo lang kami.

Hindi tama ang letters A and B dahil gawa-gawa lang yan ng aking mapaglarong isip. Hindi rin naman ang letter D dahil may mali talaga sa litratong yan ang hindi ko kayo pinagttripan. Kung magaling kayo sa testmanship ay masasagot niyong C ang tamang sagot. Ayaw mong maniwala? Pwes. Kumuha ka ng ref magnet ngayon at kahit anong barya at malalaman mong valid ang experiment ko dahil repoducible ang claim ko sa itaas.

Alam ko ang naglalaro sa isip niyo. Kung ang barya ay hindi naman namamagnet, eh ano yan Mnel?

My dear friends, pinapakilala ko sa inyo ang mapagpanggap na barya. Yes. Mapagpanggap. Sa Ingles, Fake; sa German, Fälschung at sa salitang kanto, Japeyk.

Mahilig akong magipon ng barya – yung 10 pesos na barya. Nagsimula ito nung kalalabas palang ng mga tig-sasampung-pisong barya at naexcite ang lahat na makakuha nito to the point na hinohoard na. Isa ako sa mga naki-hoard na naging dahilan ata ng pag-release ng mas maraming sampung piso ng Bangko Sentral. Nakasanayan ko na ang pag-iipon nito kahit na alam kong ilang milyong sampung piso na ang pakalat-kalat sa Pilipinas. Nung isang araw na bibilangin ko na kung ilang sampung piso na ang nakamkam ko ay sumagi sa isip ko ang minsang nasambit ni mama:

“Huwag ka mag-iipon ng mga sampung piso. Baka makakuha ka ng fake”

Sa totoo lang, ayaw kong maniwala kay mama (kahit na sa bangko naman siya nagttrabaho) pero sabi ng inner voice ko ay i-test ko ang mga baryang nakalatag sa kama. Mabilisan kong pinadaan ang ref magnet na nadekwat ko sa cute na cute na silver-and-gold coins na nakakalat hanggang sa…

“Tuk”

May isang baryang dumikit sa magnet. Nagulat ako at ininspeksyon ang baryang pasaway. Agad kong napansin ang faded gold center nito. Kung tutuusin, malalaman mo namang peke siya kahit walang magnet basta’t kikilatisin mo lang mabuti, ngunit, sa totoo lang ilan ba sa atin ang kumikilatis sa bawat baryang dumadaan sa ating bulsa? Wala naman di ba? (Maliban na lang ata sa mga tsuper ng jeep na may magnet na nakapatong sa lalagyan nila ng barya tulad ng nakita ko minsan).

Hindi ko alam kung kanino ako maiinis. Sa sarili ko dahil nalusutan ako ng fake; sa nagbigay sa akin ng barya (na hindi ko na kailan malalaman pa kung kanino nanggaling) o sa walang kwentang nilalang na gumawa nito. Hanggang sa natawa na lang ako dahil sa ako ngayon ay nagmamay-ari na ng isa sa (milyon-milyong) pekeng barya. Kung mas malala lang sana ang sayad ko, baka naisip kong ipangbayad pa ito pero nakunsensya din naman ako sa kung kaninong mga kamay ito huling mapupunta. Biglang sumagi sa aking isip ang imahe ng isang mamang drayber na nagbibilang ng kita sa maghapon sa tabi ng malamlam na gasera. Nakaka-guilty di ba? Palitan natin ang imahe ng isang matandang drayber na humpak ang mukha, eh di mas lalong nakakaguilty. At dahil gusto kong matulog ng mahimbing sa gabi ng hindi binabagabag ng aking kunsensya ay napagpasyahan kong hanggang dito na lang ang panlilinlang niya. Hayaan na lang nating ako na ang nawalan ng sampung piso.

Ang galing at ang talino nga talaga ng tao. Wala na yatang bagay ang hindi pa napepeke. Simula pagkain hanggang sa gamot ay kayang gawan ng counterfeit counterpart (tongue twister!). Kung dati ay pahirapan pa ang pagpepeke ng mga dokumento, ngayon ay kayang-kayang gumawa ng good-as-original documents gamit ang scanner, photoshop at word. Kung mukha ka namang pinagkaitan ng tadhana ng kagandahan, madali na rin pekein ang itsura gamit ang photoshop at kaunting creative skills. Kung medyo career ka pa nga, pwede kang maging payat, blonde at blue-eyed sa mga litrato mo. O kung effort naman masyado ang magretoke ng litrato ay pwede ka na lang kumuha ng pictures ng mga naggagandahang dilag sa friendster at gumawa ng sariling account gamit ang mga litratong hindi iyo. Less effort, more textmates.

Marahil ay hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na pati kasarian ay pwede mo nang pekein. Minsan na akong nalinlang ng isang litratong nakita ko sa isang men’s magazine (oo, nakikiusi ako sa FHM!). Isa siyang litrato ng mga naggagandahan at artistahing mga babae na biniyayan ni Lord God ng magandang kinabukasan. Magseself-pity na sana ako hanggang sa mabasa ko ang caption. Anak ng tinola. Mga kandidata pala sila ng isang bigating Ms. Gay pageant. Nalito na tuloy ako kung magseself-pity pa ba ako o shut up na lang. Hindi ko na kasi alam kung maiinggit pa ba ako sa kagandahan nila o magpapamisa ako dahil ako’y “proud owner of a vagina” (pahiram Xienah). Aba. At the end of the day ay mas lamang pa rin naman ako sa kanila dahil pwede akong maging ina. Oo. Kahit walang magpakasal sa kin eh pwede akong maging “MaMnel” basta’t makakuha ako ng sperm donor na kasing gwapo ni Piolo Pascual o ni Ryan Agoncillo (pang-in vitro fertilization, you dirty-minded person!).

Mabuti na lang talaga at hindi pa talamak ang mga android robots sa mundo. At least sigurado pa akong tao pa ang mga nakakasalamuha ko.

Oo.

Kahit minsan astang robot na sila.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. kulot | August 11th, 2008 at 9:25 am

    yun nga ang gamit ng mga tindahan dati nung naglipana ang mga fake na 5petor, may mga magnet sila

    Napagtanto ko nga lately na di lang sampung piso ang pinepeke. Pati lima, piso at kahit bente-singko sentimos di na rin pinapatos! May koleksyon na ako ng pekeng barya. Hehe. Nakakaguilty kasi ipangbayad.

    kulot’s last blog post…Still waiting…

    Reply to this comment
  2. Ryan Agoncillo | August 11th, 2008 at 4:10 pm

    pati mga peyk na comments nagkalat na din.

    akalain mong nagcomment dito si Ryan Agoncillo?

    hahahaha.

    Asa ka. Wala ka pa sa kalingkingan ng dulo ng introns ng DNA ni Ryan Agoncillo. Bleh!

    Ryan Agoncillo’s last blog post…CLOSED

    Reply to this comment
  3. xG | August 11th, 2008 at 6:02 pm

    oo
    alam ko na peke yun
    naituro na sa akin yun
    ni vEx e
    hahaha

    naalala ko tuloy
    ang sabi sa akin ng prof ko
    sa toxicology

    plastics are everwhere
    😐

    madaming peke ngayon
    kahit tao peke na rin e
    whats next?
    pero doc sigurado ako

    sa tropa natin walang peke
    :)

    Nakakatakot kung may pekeng tao sa atin. Shet. Android!!!

    Reply to this comment
  4. mia | August 11th, 2008 at 8:35 pm

    tama si xG. WALANG PEKE sa tropa natin.

    naku ang dami ko pa naman barya. matry nga imagnet. nyahahahha

    Naadik din akong magmagnet ng barya. Ayun. Sa kabutihang palad may 7.50 worth of fake coins na ko. Tsk.

    Reply to this comment
  5. Lei | August 12th, 2008 at 1:15 am

    ah. kaya pala may mga magnet ung sa jeepney. akala ko kung para saan un. anyway, talagang kailangan na i- emphasize ung “proud owner of a vagina?” hehehe.

    Oo. Kailangan yun. Isa yun sa mga bagay na pwedeng pekein pero wala pa ring katulad. Hehe.

    Lei’s last blog post…Anak ng teacher

    Reply to this comment
  6. uriel | August 12th, 2008 at 8:59 pm

    KORAK KA JAN!

    NAKU NAGLIPANA NA ANG MGA PEYK NA YAN..HINDI MO NGA WARI NA IZA ZA MGA BARYA NG BULZA M0 NGAYON AY GAWA NG KAPIT BAHAY MONG HOODLUM!

    ZA MAKATUWID..WALA NAMANG MAGAGAWA ANG PIPOL BOUT JAN…ZA HIRAP BA NAMAN NG LYF NGAYON NO…MAIIZIPAN MO PA KAYANG MAGREKLAMO ZA BANGKO ZANTRAL NG PINAZ NA PEYK ANG BARYA MONG HAWAK…HALER ZAYANG DIN YAN NO! PANG UTO MOP NA LANG YAN ZA PAGBIBIGYAN MO..O KAYA ZA PAGBABAYARAN MO…(KAWAWANG ALE).

    IZIPIN MO NA LANG TOTOO YAN..LOL

    GLOBAL WARMING NA!
    MAHAL NA ANG MGA BILIHIN
    LALO NA ANG PAMAZAHE,,,,TAMANG TAMA ZAMPU NA ANG PAMAZAHE ZA JIP ZAKTO ZA BARYA MO!

    http://diadersayd.wordpress.com

    Agree ako. Marami na talagang fake sa mundo. Nagulat nga ako na pati alphabet napepeke na. Mantakin mong yung “Z” nagpapanggap na “S”???? Amazing!

    uriel’s last blog post…DREZZ DEZIGNE PROPOZAL FOR A FRIEND

    Reply to this comment
  7. arhey! | August 14th, 2008 at 1:05 am

    ahahay!! akala ko baligtad lang ang picture. hehehe.
    kulektor din ako ng ganyan. nasa isang malaking malboro reds na alkansiya. teka teka.. ba subukan nga lahat baka mamaya malugi ako sa mga iniipon ko. 😀

    Actually nasa alkansiya yung koleksyon ko, binubuksan ko para bilangin. Buti na lang isa lang yung fake. Ang masaklap eh yung mga mamiso ko dito. Karamihan ng mukhang bago eh peke pala. Di ko magamit sa vendo machine.

    Reply to this comment
  8. prinsesa musang | August 14th, 2008 at 12:28 pm

    dati trip ko din mag-ipon ng ten peso coins eh kaso wala na ngayon ginastos ko na lahat. lol!

    ms.gay pageant? talagang mahirap ng ang mga panahon ngayon. hindi mo na masabi kuing ano ba talaga ang isang bagay o tao!

    Erm. Masasabi mo pa naman. Kung totoo o hindi lang… yun… dun na magkakatalu-talo. 😛

    prinsesa musang’s last blog post…PM Kisses and Tells

    Reply to this comment
  9. ced | August 14th, 2008 at 8:54 pm

    naku, and dami ko pa namang ipon na 10 pesos. hala! wala ko magnet dito…

    hmmmm… importante nagpapakatotoo ka. para kahit na anu man ang mangyari masasabi mong hindi ka nagpapanggap… teka tma ba pinagsasabi ko? hmmm…

    Tama naman Ced. Don’t worry. Haha. Ang bottomline eh yung slogan dati ng Sprite: Magpakatotoo ka!

    Reply to this comment
  10. dak | August 16th, 2008 at 5:07 pm

    yeah, naalala ko tuloy ang mga pekeng ginawa ng mga intsik para sa olympics…

    sad… nabilib pa man din ako sa mga akala ko’y tunay…

    Ang pinakakawawa dun eh yung bata. Wala pang muwang, sira na agad ang image niya. Alam mo naman ang mga Chinese… hehe. ayoko na lang magsalita. Baka may mahurt. Tarush!

    dak’s last blog post…Constant State of Going Nowhere…

    Reply to this comment
  11. cams | August 17th, 2008 at 2:10 am

    salamat sa quote.. hehe.. :) anyway aun.. mejo ok naman ako today.

    bout jan sa 10 pesos dati pa ko aware na maraming ganyan mga fake.. kaya lang ginamit ko parn pamasahe. bad ba un? hehehe

    Bad Cams! Bad! Hehe. Ayoko gamitin na pambayad. Kawawa naman yung mga makakakuha nun. Poor na nga ako, mas poor pa sila tapos makakakuha pa ng ganun? Pero siguro pag wala na akong choice, baka mapilitan na rin akong ipambayad sila. Hehe.

    cams’s last blog post…questions to georgia

    Reply to this comment
  12. mr_d | August 18th, 2008 at 8:11 am

    ahh… peyborit ko madyikin dati ang reg form ko at ilang classcards hahahaha. sikret lang yon. pero sa akin di bale ng pekeng pera, wag lang pekeng tao.

    Naku. Eh paano yan Mang Romy? Di na yan pwede ngayon kasi pinapadala na sa bahay yung mga grades. Haha. Nagulat ako na dumating grades ko mula first year nung isang araw sa bahay namin. Haha. Buti totoo mga grades ko doon. 😛

    Reply to this comment
  13. popoy | August 18th, 2008 at 4:40 pm

    doc minel. pakimagnet nga ako? kapag namagnet ako por shure peke ako hihihihi :)

    Malaki-laking magnet ang kailangan ko sa iyo. Haha. Kapag maliit kasi, malamang yung magnet ang dumikit sa iyo. Haha.

    popoy’s last blog post…Drama King

    Reply to this comment
  14. lunes | August 18th, 2008 at 5:17 pm

    ako nakakuha rin ng 100 pesos na fake. nasayang nga ako eh.pero ganun tlaga. dapat sa sunod mapanuri na ata ako..musta na doc??

    Ay. Hindi pa ako nakakakita ng pekeng 100 pesos. Dapat sinoli mo sa nagbigay sa iyo. Sayang yun! Okay naman ako Aleli. Maganda pa rin. Haha.

    Reply to this comment
  15. M | September 10th, 2008 at 8:04 pm

    Dati nagkalat sa Batangas yung pekeng sigarilyo at pekeng shampoo.

    Umuusok yung shampoo at bumubula yun sigarilyo.

    Meron talagang pekeng shampoo. Hindi sila mabula. May binili dati si mama noon sa naglalako sa daan. Promo daw. Pffft.

    Reply to this comment
  16. kato | May 9th, 2009 at 2:55 am

    wow. nagfflug ng vlog to. whatta lamers. 8-|

    Reply to this comment
  17. M | May 9th, 2009 at 2:27 pm

    Ahm, sino ka? May nabanggit ba akong ako ang gumamit ng shampoo? Salamat. Sabihin mo lang kung papatulan pa kita ha?

    Reply to this comment
  18. Gugol | May 10th, 2009 at 8:26 pm

    sino ba yan? (annoyed)

    Gugol´s last blog post…We Really Have No Future

    Reply to this comment

Leave a Comment

space