space

083008

 

Kung umulan ng kamalasan kagabi, malamang ay batya ang dala ko.

(THIS IS HACHIPATUCHI LONG. BE WARNED)

Hindi ko alam kung anong klase ng hangin ang umihip sa akin at napaalis ako ng bahay ng di oras patungo sa The Fort. Gusto ko talagang manood ng concert ng Eraserheads pero dahil wala naman akong kasama, tinanggap ko na lang ang katotohanang napaka-Mariano (read: loser) ko talaga. Pero sa di maipaliwanag na pagkakataon, hayun ako at nakagayak ng damit pang-alis at 6:00 pm patungo sa concert of the century. Isa sa mga natutunan ko sa ilang beses kong pagkakawala sa daan ay ang huwag umalis ng walang dalang mapa. Pero sa pagkakataong yun kagabi ay wala akong kalaban-labang nawala sa loob ng BF Homes dahil na kay Bee ang mahiwagang treasure map mula pa nung Hunyo. Ang dapat sana ay shortcut patungong South Superhighway ay binagtas ko sa loob ng 30 minuto dahil sa longer short cut pala ako dumaan. Pagdating ko naman sa The Fort ay sinuong ko ang pagkahaba-habang traffic at nawala for the 2nd time. Inasahan ko nang dadagsa ang tao, pero hindi ko naisip na mayaman silang lahat at magdadala sila ng kotse, kaya napuno ang lahat ng parking spaces sa paligid. Alas-otso y media na raw, sabi ng orasan ko at mag-tatatlumpong minuto na akong paikot-ikot sa loob ng The Fort sa kahahanap ng parking. Namemorya ko na nga ata ang daan sa paligid ng High Street. Maya-maya ay lumiwanag ang kalangitan dahil sa isang fireworks display kasabay ng masayang hiyawan ng mga tao. Shetters. Simula na pala. Ang masaklap pa, low bat ako at hindi ko makita ang kasama ko. Sa puntong iyon ay naiinis na ako. Kung bakit ba kasi uto-uto akong naniwala kay Jon C. (Jon Caparas) na namimiss na raw niya ako. Hayun, salamat naman at mag-aalas nuwebe na ay hindi pa kami nagkikita. Lag pa ang mga mensahe sa cel dahil congested ang network. Wala na akong paki kung para akong magpapalipad ng pera sa hangin pero ayoko na talaga sanang pumunta. Hanggang sa may isang lapastangang nagtangkang magbukas ng pinto ko mula sa passenger’s side. Akala ko kung sino. Si Jon na pala. Inikot naming muli ang area at napadpad sa madamong lugar habang umaalingawngaw sa background ang boses ni Ely Buendia. Alas-nuwebe na ng makapasok kami sa lugar, as usual maraming tao. As usual, hindi ko makita kung nasaan ang mga tao sa stage (mom, dad, maraming salamat talaga sa height). Nagkasya na lang ako sa widescreen displays na nagkalat sa lugar at dahil hindi pa ako kumakain, pinatulan ko na din yung double cheeseburger at hotdogs na binebenta sa likod. Wala ring ibang panulak kaya sapilitan kang mapapainom ng Gatorade ripoff na binebenta sa tabi ng hotdog stands. Maya-maya pa’y nagannounce sila ng break at dumagsa ang mga tao sa likod para bumili. Kung meron mang isang bagay na magandang nangyari sa akin nung gabing yon ay ang desisyong maunang kumain habang nanonood ng tugtugan. Lumipas ang mahigit bente minutos ay wala pang senyales na magsisimula na silang muli, hanggang sa maya-maya pa ay lumabas na sina Raimund, Buddy at Lally at inanunsyong tapos na ang palabas dahil sinugod na nga raw si Ely sa ospital.

Sayang. Nabitin ako. Parang sex na walang orgasm.

Akala ko ay tapos na ang kamalasan ko at masaya na sanang magtatapos ang gabi kong nakikipagsosyalera sa mga kaibigan ni Jon sa Metrowalk. Pero nais talaga yata ni Dear God na umuwi na lang ako ng maaga. Hindi ko alam kung sadyang bulag ako at nabulag din si Jon ng sabay o talagang invisible yung remnants ng isang posteng dating nakatayo doon sa parking. Nadaanan ko kasi siya ng bonggang-bongga. Kinayod ko lang naman ang ilalim ng kaawa-awang si Joboy sa mahigit isang talampakang nakausling bato. Napahinto ako sa kalagitnaan ng parking at naramdaman ang pagbutil-butil ng pawis ko. Shetters. I’m doomed. Parang nakita kong nagflash ang masasayang araw ko nung bata pa ako at ang mga mukha ng mga magulang ko pag nalaman nila ang nangyari sa kotse ko. May labinlimang minuto din akong half-tulala at half-nagiisip kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ang narinig kong umiiyak ay ang sasakyan ko o ako. May mga dumating sa parking kung saan naroroon ako, may isang nakitingin, ang isa nama’y walang paki pero may isang mamang hulog ng langit na nakiusi at tumulong sa pobreng med student na nastuck sa gitna ng kawalan. Buti pa si manong, naisip na buhatin ang sasakyan ko; ako hindi. Sama-samang binuhat ni manong helpful, Jon at ni manong guard (na may kasalanan partly ng pagkakastuck ko sa kawalan dahil sa sinabi niyang dumiretso lang daw ako dun!) ang aking pobreng sasakyan. Sa isang 1-2-lift ay nakuha nilang isalba ako at ang kotse ko.

Nakabalik na kami malapit sa venue at nag-alisan na rin ang maraming tao nang maramdaman kong kumakabig sa kanan ang manibela ko. Dalawang bagay lang naman ang ibig sabihin ng manibelang kusang kumakabig mag-isa: may multo o flat ang gulong mo. At dahil hindi ko feel ang makipagtakutan, doon na lang ako sa pangalawa. Inihinto ko ang sasakyan sa isang gilid at bumaba para tingnan kung ano ang problema. Tama ang hinala ko, hayun at flat na flat na pala ang gulong ko. Sabi na at nabutas nung pesteng batong yun ang kawawa kong gulong. Wala namang problema sa gamit. Kumpleto naman ako. Ang masaklap eh, pareho kaming hindi marunong magpalit ng gulong. At para namang nanandya talaga ang tadhana eh, walang marunong sa mga manong guard na nakatambay sa gilid na magpalit ng gulong. Buti na lang at may isang bouncer na tumulong sa aming magkabit ng jack – hanggang kabit nga lang – at kami na ang bahalang magpaangat ng jack na ngayon ko lang nasilayan sa loob ng anim na taon kong pagmamaneho. Sa dami ng dumaan, wala man lang naakit sa yellow racerback ko. Kung alam ko lang na mafflatan ako ng gulong at kakailanganin ang tulong eh di sana’y nag-micro mini ako at tube top, baka may pumara pa sa akin at pickupin ako. JOKE LANG BEE. In the end, kaming dalawang newbies sa pagpapalit ng gulong ang gumawa ng blue-collared job na ito. Kung tama ba naman ang pagpapalit na nangyari ay hindi ko alam. Nakagawa pa naman ako ng entry at humihinga pa naman ako sa huling pagkakaalam ko.

Hindi ko na nagawang sumama pa kay Jon sa Metrowalk. Umuwi na lang akong mag-isa matapos ko siyang ihatid. Hindi ko yata kayang pumusta pa sa pagkakataon matapos ang series of unfortunate events na highlight ng gabing yun.

Umalis ako ng alas-sais, nakabalik ako ng mag-aala-una ng madaling araw. Sa loob ng anim na oras ay inabot ako ng sampung kamalasan o isang kamalasan sa bawat 42 minuto na nagdaan. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon dahil sa gabing iyon, hindi ko alam kung sino ang mas maswerte, kung ako ba o si Mr. Buendia. Natulog na lang ako at umasa sa mas magandang bukas.

Asa ka pa Mnel. Parang nakikita kong tinatawanan ako ni Kapalaran. Araw kasi ng Linggo kinabukasan. Walang nagbebenta ng mga gulong. Wala akong spare tire. In short, wala akong kotse papuntang QC.

Motherfather.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. FerBErt | September 1st, 2008 at 8:32 am

    kumusta na si joboy?

    maswerte ka pa rin doc kase nakapunta ka sa concert di tulad naming mga losers.

    Reply to this comment
  2. Ako Si Makoy! | September 3rd, 2008 at 6:21 pm

    sino nga ba naman ang swerte sa inyong dalawa. eh naospital siya diba. hahaha! wawa naman.

    Ako Si Makoy!’s last blog post…Unang Tikim.

    Reply to this comment
  3. xG | September 3rd, 2008 at 8:22 pm

    sex na walang orgasm?
    at paano mo nalaman
    na gayun nga?
    hahaha

    at yung kamalasan mo
    motherfather talaga
    :)

    xG’s last blog post…for your information

    Reply to this comment
  4. lunes | September 6th, 2008 at 10:11 am

    naku doc.ano ba naman eto.talagang pag minamalas nga naman.pero keri lang yan.. ang importante walang labis walang kulang na nakauwi.

    tc!!

    Reply to this comment

Leave a Comment

space