space

Chronicles of (a) Bee

 

Sige, saan mo gusto pumunta? Mag-trinoma tayo… you like? Kung saan tayo unang nagmeet. =)

– Bee 18/09/08 6:47 pm

Taliwas sa akala ng iba, simple lang akong tao. Madali akong pasayahin. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Hindi ko kailangan ng magarbong salu-salo para malaman kong may mga taong nagmamahal sa akin. Kung gusto mo akong pangitiin, hindi mo kailangang ipasara ang parking lot ng school at kakuntsabahin ang lahat ng mga kaibigan ko para sa isang surprise birthday party (pero hindi ba ‘yon magandang ideya? *hint* *hint*)

Napakahabang pasakalye. Gusto ko lang sabihing kinilig ako. Oh yes! Akala ko sadyang dense ang mga lalake pero pinatunayan niyang nagkakamali ako. Bee, itinaas mo ang bantayog ng mga kalalakihan! Parang na-offset tuloy ang lahat ng kawalanghiyaan ng mga kalalakihan sa paligid ko (not! ) Hindi naman pala siya kasing ulyanin tulad ng inaakala ko. Mantakin ninyong hindi ko naisip yun? Na pwede na pala kaming mag-walk down memory lane dahil mag-iisang taon na pala ang nakalipas mula ng mangyari ang aming first date? Ang bilis talaga ng panahon! Parang kelan lang isang malamlam na pasko ang sumalubong sa akin sa taong 2007, hindi ko namalayang magpapasko na naman pala at nagulat pa ako nang minsang maiwang bukas ang telebisyon at bumati sila ng Happy 100 Days ’till Christmas sa TV Patrol.

Talaga nga namang time flies when you’re having a good time.

Puro man ako reklamo dito, sa twitter at sa plurk, hindi ko maikakaila na so far eh pinauulanan ako ni Kuya Jess ng maraming biyaya. Yun na lang magising ako sa umaga – maulan man o maaraw – eh isa nang malaking biyaya considering marami ang hindi na dinadatnang buhay ng sikat ng araw. (Kaya para sa lahat ng yon, salamat Kuya Jess!)

Pero teka, mabalik tayo kay Bee.

Hindi naman sa hindi ko naisip na magagawa niyang maisip yun (haha. ang gulo! ) Basta ang bottomline, hindi ko inexpect na bigla na lang siyang hihirit ng ganun. Kumusta naman? Akala ko immune na ko sa pagpapacute ng mga nilalang na may balls (eyeballs you pervert! ) Hindi pa pala sapat ang walong buwang pakikipagbolahan sa pinakagwapong bolerong nakilala ko. Nalalaglag pa rin pala kasi ang panty puso ko.

Oo na. Corny na kami kung naisip naming gawan ng remake ang date namin nung Oktubre. Pero masaya yatang pagtawanan ang mga bagay na nangyari sa nakaraan at ulitin ang mga kalokohan at kasablayan. Sayang nga lang at date fail! Peste kasing CD-R King yan. Napakaraming tao at napakabagal ng serbisyo. Hindi tuloy namin naabutan ang palabas na dapat sana’y papanoorin namin. (Fudge you! Sinira mo ang date ko! ) Napilitan na lang tuloy kaming magshopping at umuwi na lang sa bahay matapos kumain ng hapunan.

Akala ko pa naman, mabubura na ang kamalasan namin nung nakaraang linggo ng mabangga si Joboy sa gutter (sorry talaga Joboy). Pero sige, bibigyan ko na lang din siya ng A for effort at isang masigabong palakpakan para sa pagtatangkang pasayahin ako. Alam kong hindi ito ang huling pagkakataong ilalabas niya ang kanyang pagka-emo. Yikee.

Salamat Bee!

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. Jon Cabron | September 21st, 2008 at 10:50 am

    hindi mo lang alam kung gaano ako kagentleman na tao

    Jon Cabron’s last blog post…paalala

    Reply to this comment
  2. Pedro | September 21st, 2008 at 6:18 pm

    wala lang akong kwenta pero hindi ako walang hiya. hahahaha.

    Reply to this comment
  3. V | September 23rd, 2008 at 9:25 pm

    umaangal yung mga nasa taas o mnel. anong gagawin naten dito? hahaha

    V’s last blog post…harujosko

    Reply to this comment
  4. M | September 24th, 2008 at 1:13 pm

    Gaya nga ng sabi ko dati, kung meron ka mang pipilahan bago manood ng sine, hindi ito ang CDR-King dahil walang panahon na nawawalan ng mabagal na service at mahabang pila ang tindahan na yon.

    Reply to this comment
  5. xG | September 27th, 2008 at 3:22 pm

    oo na
    maghahanap na ako ng boypren
    😐

    Reply to this comment
  6. chroneicon | September 28th, 2008 at 10:05 am

    sweet naman…

    chroneicon’s last blog post…Tama Man Ang Bato, Nasa Sasambot Pa Rin

    Reply to this comment
  7. RJ | October 17th, 2008 at 7:00 pm

    OK bang mag date sa Trinoma? [Siguro naman masasagot mo kahit di natuloy ang panonood nyo ng palabas.] Ginagawa pa lang ‘yon nag umalis ako.

    RJ’s last blog post…Ang Lahing Matibay

    Reply to this comment

Leave a Comment

space