space

Google It!

10 Sep 2008 isyu
 

Isang comment ang pumukaw sa aking atensyon ngayong araw na ito:

POSTED BY: ANON Y. MOUS (Sep 10, 2008 at 14:52:29)

Thank you for posting this warning for everyone to see. I am so very embarrasssed to admit it but I myself almost got conned.

I received 2 text messages from this girl. Taking pity on her plight, I even called her up and spoke with her. I agreed to send her thru LBC Php 5,000. And believe me, I agreed to help her absolutely with NO STRINGS ATTACHED (honest!).

During our phone conversation I simply asked her to not to receive money from anybody else, and just make sure that the money is devoted to good use.

The only thing stupid was, I did not care to investigate, perhaps because I live a very busy life.

Just this afternoon, at about 1:00, I sent the amount thru a nearby LBC outlet. Afterwards, I texted her the corresponding tracking number.

She replied and thanked me, saying “Thank you, thank you po. Umuulan pa dito…Ano po ang sender name nyo?”

What she just txted me raised my “scam alert.”

In spite of the fact that I had previously given her my name during our previous sms correspondences, why would she still have to ask for my name again–unless–there are others who are sending her money as well.

What did then is to fire-up a Google search for the name “Annamarie O. Velasco”–and woah–my jaw dropped when I saw this as well as all the other sites claiming that it was all a scam.

I was about to accept my fate that I was duped–until I recalled that she mentioned in her txt message that it was still raining at their place (”Umuulan pa dito…”). Realizing that, since not more than an hour had passed since I handed the money to LBC, and given the fact that it must be raining cats and dogs back there in Bacolod, there is still that probability that she had not yet claimed the amount that I had sent her.

I immediately rushed to the LBC outlet and then and there asked that the transaction be voided. FORTUNATELY I was informed that the money had not been claimed yet, and the full amount (no penalties) we refunded to me upon surrender of the receipt covering the transaction.

Thank goodness I was able to recover my money. Thank you for posting this warning to everyone.

Inasmuch as we should not become distrustful of our fellowmen, we should likewise exercise due diligence in our dealings with them.

Thus, the moral lesson is: WHEN IN DOUBT–GOOGLE IT!

Marami ang napapadpad sa blog na ito dahil sa entry ko noon tungkol sa scam na iyan. Sa totoo lang, nabubuhay nga ata ang hits ng blog na ito dahil sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sila napapadpad dito, marahil ay nagveverify sila ng katotohanan, o pwede rin namang out of curiosity kumbaga. Marami na rin ang nagiwan ng mensahe, nag-linkback at patuloy pa rin ang pagdating ng mga hits na siya lang ang hinahanap.

Hindi na ako nagtaka na may isang taong naglahad ng experience niya dito. Isang tao na muntik nang ma-scam. Maraming tao ang malamang ay matatangahan sa kung sino man ang kakagat sa pain na ito pero huwag naman natin silang sisihin kung sila’y may ginintuang puso. Hindi naman purki’t bulok ang sistema ng mundo ay balahura na ang mga tao dito. May mga tao pa rin namang naniniwala sa kabutihan at pagtulong sa kapwa. Sa kasamaang palad, sila ang mga taong nagiging target ng mga mapagsamantala. Mabuti na lang at hindi niya napayaman ng limang-libo ang scammer na ito. Kung tama ang pagkakabasa ko sa gitna ng mga linyang inilahad niya (reading between the lines hehe), malamang ay maraming tao pa ang nalolokong katulad niya. Naisip ko tuloy na kung gugustuhin nating makatulong sa kapwa, ang pinaka-safe na paraan ay ang magdonate na lang sa mga charities na nangangailangan ng tulong pinansiyal. Marami namang pwedeng paglaanan ng extrang kayamanan katulad na lang ng World Vision, PAWS Philippines at ng Docmnel Scholarship Fund. Tumingin-tingin ka lang sa paligid, marami kang pwedeng matulungan at hindi mo na kailangang maghintay ng magtetext na magandang dilag na nangangailangan ng “tulong pinansyal” para makatulong sa kapwa.

Para kay Mr. Anon Y. Mous (assuming akong lalake ka hehe), mabuti naman at hindi nabalewala ang 5,000 pesos mo. Aba. Marami-raming damit at sapatos ko tiyang mabubusog ang limang-libong piso. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Mr. Google to save the day! At dahil nakalusot ka sa pagkakascam…

Magpapacheesburger ka na ba?!

Tags: , , ,

 

Reader's Comments

  1. M | September 10th, 2008 at 7:59 pm

    WAHAHAHAHA! DOC MNEL FOUNDATION!!!! Putek, mabisang tulong-kikay, este tulong-pinansiyal nga yan para sa isang dalagang nag-aaral ng medisina.

    Palagay ko nga eh maraming kagamitan ang mabibili ng perang ipapadala sayo.

    At salamat naman sayo at natulungan mo ang golden-hearted na si Mr. Mous. Mahirap din kasi minsan na nakakawalang-gana na magbigay ng tulong kung ganun din lang naman ang nangyayare’t niloloko ka pa. Saludo naman ako sa kanya at nandun ang kanyang kagustuhang makatulong.

    GMB nga lang ang kasagutan sa lahat ng bagay, totoo yan.

    Reply to this comment
  2. popoy | September 11th, 2008 at 4:17 pm

    kamusta ka naman doc minel?

    ahaha. hindi kasi ako makapagsibaks sau.lols

    popoy’s last blog post…Project Lafftrip Laffapalooza: Ang Mga Natatanging Humor Bloggers

    Reply to this comment
  3. jeck | September 12th, 2008 at 10:32 am

    madami talagang nagkalat na ganyan ngayon. meron pa nga yung mga short sms lang na “Loadan mo me 100, call u bak asap. emergency.” galing sa mga di kilalang number. pag nakaka-receive ako ng ganto, isang all caps na P.I. lang ang ginaganti ko sa kanila. mwehehehe

    jeck’s last blog post…Sa iyo na mapaghanap ,,!,,

    Reply to this comment
  4. McRey | September 12th, 2008 at 2:19 pm

    HAHAHA…

    ang galing, buti naman at naisipan niyang mag-google search…

    na tried to goole my name, buti na lang walang pangalan… puros mga pangalan ng amerikano ang lumalabas… ayus, pwede na ako makapagscam!

    Reply to this comment
  5. utakmunggo | September 12th, 2008 at 3:01 pm

    bonggang bongga! the power of blogs, nga naman. mabuhay ka doc! may natulungan ka sa pamamagitan ng iyong nilathala! maraming isakamers sa paligid pero sad to say, marami rin ang magagandang loob na naloloko ng mga mapag-abusong tao. :(

    utakmunggo’s last blog post…BEING JOHN MALKOVICH

    Reply to this comment
  6. lunes | September 12th, 2008 at 7:59 pm

    malaking tulong ung entry mong un doc. kaya malamang maraming hits ang madadala nun dito.

    all thumbs up.

    Reply to this comment
  7. lei | September 12th, 2008 at 9:12 pm

    bilib din ako kay mr. anonymous na kayang ipamigay ang pera sa taong never nya pang nakita. ok lang tumulong sa kapwa, pero sana naman, alam mong may kahahantungan ung pera mo at di lang kung kanino napunta. pero mas ok nga magbigay sa mga pampascholarships, madaming sisipagin mag-aral. haha.

    lei’s last blog post…Mas komportable sa bahay

    Reply to this comment
  8. mia | September 14th, 2008 at 2:13 am

    aba gusto ko ang doc mnel foundation. bigtime. :)

    Reply to this comment
  9. Pedro | September 15th, 2008 at 2:16 pm

    gawa nga din ako ng post na ganyan para magka-hits ako, hahaha!

    may mga natitiran pa talagang may ginintuang puso. pero meron din tumutulong kasi may gustong kapalit. hehehe. bahala na sila dun. 😀

    Pedro’s last blog post…Sarao

    Reply to this comment
  10. taps | September 15th, 2008 at 4:42 pm

    5thou… isang lacoste na rin na polo yun ah…

    ang gago talaga ng mga scammer na yan.

    taps’s last blog post…Manyika

    Reply to this comment
  11. xG | September 17th, 2008 at 1:03 am

    eh mabuti na yang
    nakakatulong ka
    naipapaalam mo
    na may iskam na ganyan
    gogogo
    :)

    Reply to this comment
  12. chroneicon | September 20th, 2008 at 4:44 pm

    ang saya naman! tama si jeck, maraming ganung sms akong nreceive. in peyrness, pag sumakay ka sa scam, nagrerep hehe

    chroneicon’s last blog post…Ang Isang Buwan Sa Loob Ng Tatlong Estropa

    Reply to this comment

Leave a Comment

space