space

Ironic

 

Matagal nang madilim sa labas ng bahay. May dalawang buwan na ring namaalam ang ilaw ng poste ng Meralco na nakatayo sa tapat ng aming munting apartment. Pumunta ako sa kotse para sana kunin ang mga pinamili sa ginawa kong one-woman show sa Trinoma kanina ngunit bigo ako. Kabubukas ko pa lamang ng trunk nang madaanan ng aking paningin ang imahe ng isang basang damit na nakakalat sa di kalayuan. Dahil sa madilim nga ang gabi at malabo rin ang aking mata, sinubukan kong humakbang papalapit at doon ko nakita ang isa sa mga pinakaayaw kong masilayan:

Hindi pala basang damit ang naiwang nakakalat sa daan kung hindi isang itim na pusang wala nang buhay.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naguunahan ang luha at ang Chao Fan na kinain ko kanina. Hindi ko na nagawang hintayin pa kung sino ang mananalo sa tagisan ng sikmura at ng puso, pumasok na ako sa loob ng bahay at isinara ang pinto sa aking likuran.

Wala akong pakialam kung bansagan ninyo akong exaggerated sa naging reaksyon ko. Hindi naman kasi kasing tibay ng sa inyo ang damdamin at sikmura ko. Binansagan nila akong pusong-mamon, hindi dahil isa talaga akong bading na nag-aanyong babae kung hindi dahil sadya raw akong maaawain sa lahat ng naglalakad, lumilipad at gumagapang maliban na lamang sa ipis, ahas, daga at gagamba. Sisihin natin ang lolo kong sa edad na lima ay pinatikim sa akin ang maging responsable sa hindi lang isa kung hindi sa dalawang munting buhay. Naaalala ko pa ang araw na binigay sa akin ni lolo ang dalawang sisiw na nakasilid sa isang kahon. Naisalba daw niya ang mga iyon mula sa isang baha sa dati naming tinitirhang bahay sa Paranaque. Ako na ang nag-alaga kina Rocky at Ellaine mula Day 1 hanggang sa dumating ang araw na ready na silang gawing hapunan.  Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang isakripisyo ang buhay nila para gawing lamang tiyan na wala pang bente-kuwatro oras ang itatagal sa sistema ko. For the record, wala ni isa man sa pamilya ko ang nagawang kumain ng nakahandang Tinola sa hapagkainan ng gabing iyon.

Dinala ko hanggang paglaki ang gayong uri ng pagmamahal. Di ko na mabilang kung ilang kuting, sisiw at ibon na ang dinala ko sa bahay upang alagaan, pakainin at mahalin. Nang minsang iuwi ko sa bahay ang isang puting lab rat nung kolehiyo ako ay napagalitan pa ako ni mama. Bakit daw pati daga eh inuuwi ko. Pansamantala lang naman, iyon ang naging rason ko sa kanya. Hanggang sa ang isang linggong pamamalagi niya sa bahay ay naging lubos-kulanging isang taon. At nang mamatay si Daga, mas naramdaman ko pa ang pagkalungkot ng kapatid ko kesa sa akin. Napamahal na rin kasi ang buong pamilya sa inuwi kong lab rat na naging obese na dagang bulag.

Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung papaanong nabuhay akong isang Biology student ng buong apat na taon sa kolehiyo. Hindi ko mawari kung bakit tinanggap ng sistema ko ang mag-pith ng palaka gamit ang dalawang kamay na walang gloves, ang magkalkal ng lamang-loob ng mabahong pusa sa loob ng isang semestre o ang magdissect ng goldfish na nangingisay-ngisay pa sa aking mga palad, subalit, hindi nito magawang matanggap ang kaliwa’t-kanang roadkill na nadadaanan ko. Naisip kona marahil ay kaya kong pumatay ng hayop kung wala namang ibang paraan. Siguro’y hindi ko lang maatim ang makakita ng hayop na namatay sa kahayupan.

Minsan ay nasaksihan ko ang pagkakasagasa sa isang pusa sa harap ng bahay namin. Hindi naman pala napipipi ang mga pusang roadkill tulad ng inaakala ko. Nangingisay pala sila muna at umiigtad habang lumalabas sa bibig nila ang halu-halong likido ng lamang-tiyan at marahil ay cerebrospinal fluid. Tanda ko pang may isa pang pusang nakatingin lang sa kanya na wari’y tutulong na hindi. Naisip siguro ng pusa na wala naman na siyang magagawa kaya hindi na siya lumapit pa. Makalipas ang ilang segundo, tumigil ang pusa sa pangingisay. Nakakaawa. Ni hindi man lang niya nagawang ipikit pa ang munting mga mata. Naisip ko tuloy yung asong kusang sinagasaan ng driver ng schoolbus namin noong nasa elementarya pa ako. Di ko makakalimutan yung bigla niyang pagkabig sa kanan upang mahagip yung asong nananahimik sa isang tabi. Hindi ko na nagawang lumingon nang marinig ko ang magkakasundo na iyak ng sakit at hapdi. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari sa kanya. At lalong hindi ko na ninais alamin pa.

Siguro, katulad nung pusa, nangisay na lang siya at namatay ng walang kalaban-laban.

—————————

DIsclaimer: Ang litrato sa itaas ay nakuha ko lamang sa flickr. Hindi ko kayang kumuha ng larawan ng hayop na namatay.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. Jon Cabron | September 5th, 2008 at 8:11 am

    sa kauna unahang pagkakataon, naging napaka hirap sa akin ang paglunok ng taho.

    at oh’ naalala ko ‘yung mag inang paniki sa flickr ko.

    Jon Cabron’s last blog post…thank you for calling..

    Reply to this comment
  2. FerBert | September 5th, 2008 at 1:42 pm

    nalungkot ako.

    naalala ko yung pusa kong nasagasahan..

    huhu

    Reply to this comment
  3. MerryCherry | September 5th, 2008 at 4:16 pm

    Awwww, kakalungkot. :(

    MerryCherry’s last blog post…Go forth and multiply… responsibly

    Reply to this comment
  4. M | September 5th, 2008 at 5:09 pm

    Matagal ko nang iniwan ang ganyang ugali, ang maawa sa mga road kill, pati na din sa mga kuting at aso simula nung nakita kong sinunog ng buhay yung tuta namen sa probinsya.

    Mas kinaawaan ko pa ang mga nagkalat na pusa na iiyak-iyak sa bangketa dahil mamamatay yun ng walang laban.

    Bukod sa ayaw na ng ate ko ng alaga sa bahay, wala akong responsibilidad na alagaan sila. Pero gusto ko pa ding mamulot ng mga pusa, wag lang yung musmos pa dahil mamamatay lang din yun.

    Reply to this comment
  5. mia | September 6th, 2008 at 12:52 am

    nalungkot ako. ano ba yan

    Reply to this comment
  6. lunes | September 6th, 2008 at 10:33 am

    mahilig ka pala sa mga pets.. nakakaawa tlaga ang mga ganyan.kaso takot ako sa mga hayop eh.kahit sa baby ng hamster tumitindig blahibo ko..natrauma kasi ako nung bata pa ako..mga ilang beses rin kasi ako hinabol ng aso at kinagat ng pusa.

    Reply to this comment
  7. taps | September 6th, 2008 at 4:38 pm

    tangina nakakaawa….

    sana wag makita ng gumagawa ng siopao si pusiket…

    taps’s last blog post…Sinong Batugan?

    Reply to this comment
  8. jeniffer | September 6th, 2008 at 8:49 pm

    waaahh.. ang pusa kong si munish.. huhuhu.. miss ko na xa.. nasagasaan xa sa harap ng bahay namin.. ahuhu…TAE TALAGA kung sino gumawa nun..

    jeniffer’s last blog post…painuminmoko is now officially open.

    Reply to this comment
  9. McRey | September 7th, 2008 at 8:13 am

    Sheeeetttt!!!!!!!!

    Baka ikaw nakasagasa sa pusa…

    Grabe naman yung driver ng schoolbus nya!

    Kung natatandaan mo pa yuung mukha nya, gawin mo rin kaya yung ginawa nya sa aso para malaman nya kung ano ang feeling ng nasagasaan at mamatay ng dahan-dahan… naku nakakpang-init ng ulo…

    Tang ina nga, sana sagasaan sya ng bus… tapos balik-balik ng 50 times para tuluyan na syang mapipi….

    nakakainis….

    Reply to this comment
  10. utakmunggo | September 7th, 2008 at 4:07 pm

    masama na kung masama akong magisip, pero yung school bus driver nyo dapat makatikim rin ng sagasa. naiinis ako sa mga taong nananamantala ng mga walang laban. mga bwisit sa sociedad.

    maawain rin ako sa hayop. dati pati palakang kokak na nakikita kong nakapisat sa kalsada inuuwi ko’t nililibing ng maayos.

    nang matuto akong magmaneho, nakasagasa rin ako ng pusa ng di sinasadya. natutulog kasi siya sa gitna ng daan. inisip kong ipagitna siya sa sasakyan para iwas sa gulong pero tumayo siya at tumakbo kaya nahagip. hindi ko pa rin makalimutan.

    utakmunggo’s last blog post…NAGPIPIGIL DAHIL MAHAPDI

    Reply to this comment
  11. ced | September 7th, 2008 at 9:13 pm

    awww…
    nakakalungkot naman to=[

    Reply to this comment
  12. Pedro | September 8th, 2008 at 10:15 am

    pusang gala! ngayon ko pa lang nabasa to.

    Pedro’s last blog post…Hello world!

    Reply to this comment
  13. kirk | September 10th, 2008 at 1:28 am

    Naks, may pangalan pa talaga yung mga sisiw, Rocky at Elaine pa.

    Kung ikaw saksi sa pagkasagasa ng isang pusa sa tapat bahay niyo, ako isang bata sa bukana ng Intramuros. Buhay pa naman siya kahit mga ilang metro rin ang tinalsik nya.

    Napag-usapan na rin ang Lolo. Bukas, 11 ng setyembre, death anniversary ng Lolo ko, teka next week pa pala sa 17 pa nyahaha! punta ako sa paranaque para bisitahin ang puntod niya. =) good morning dok

    Reply to this comment
  14. kidlat | September 10th, 2008 at 11:50 am

    ASO, PUSA, DAGA… magkakalaban yun ah.. hahaha..
    napadaan lang.. woot..

    kidlat’s last blog post…Hindi ko maintindihan

    Reply to this comment
  15. mang badoy | September 10th, 2008 at 12:19 pm

    kawawa naman yung pusa… naalala ko tuloy yung adobong pusa sa thailand… yuck!

    mang badoy’s last blog post…Sodium Laureth Sulfate

    Reply to this comment

Leave a Comment to MerryCherry

space