space

Pep Talk

 

Nabawasan na raw ng isa yung mga first year.

Bungad sa akin ng roommate kong si Mela kanina paglabas namin ng cafeteria.

Sabi nina kuya (yung mga lab attendants sa amin), nakapag-asawa daw siya ng diplomat.

Holy shit.

Sa pagkakataong yon ay hindi ko mapigilan ang mag-self pity. Hayun siya, at such a young age, probably enjoying a life of endless globetrotting and socializing.

Hindi naman ako sosyalera pero nakakainggit ang mga taong nabubuhay sa labas ng apat na sulok ng medical school. Sa ngayon, kung bibigyan ko ng grado ang buhay ko, bibigyan ko ito ng umaaribang ZERO. Kung tutuusin, dapat na nga akong magdiwang dahil nag-nenegative pa nga yun tuwing may exam ako. Pero wala naman akong pwedeng sisihin dito kung hindi ang patimpalak na Little Miss Philippines. Hindi ko alam kung gaano ako kagaling mag-estima pero 3/4 ata ng mga batang sumasali sa Little Miss Philippines ay “I want to be a doctor” ang sinasagot sa tanong ni Vic Sotto na “Anong gusto mong maging paglaki mo?”. At dahil kinailangan ko ring magpraktis ng isasagot sa tanong na yun (at sa kawalan ng ibang alam na trabaho bukod sa nars, titser at duktor) ay nakigaya na rin ako. Malas ko lang na narinig pala ako ng mama kong nagppraktis. Alam niyo na siguro ang naging kasunod non.

Kung sana’y bata palang ako’y nalaman kong ang pagshoshowbiz ay isa sa mga paraan ng pagpapayaman ng walang isinasakripisyong neurons eh di sana nagpakabibo kid na lang ako’t pumasok sa showbiz. Hindi mo naman kailangang maging maganda para makapasok sa showbiz (tingnan niyo na lang kung nasaan na si Pokwang). Hindi mo rin naman kailangang maging magaling umarte, kumanta o sumayaw para makakuha ng gigs (best example si Richard Gutierrez). Kung wala ka naman kahit isa sa nabanggit eh pwede mo rin namang gamitin ang mga magulang mong sikat para makita ang sarili sa tv. (Pero pag talagang none of the above eh, tama ngang mag-duktor ka na lang.)

Ang pagduduktor ko ay isang childhood dream. Lahat naman yata ng bata ay dumadaan sa phase na gusto nilang maging duktor. Pero along the way, unti-unting nababawasan ang mga batang ginugusto pang maging duktor. Yung iba pa nga, hanggang sa kahuli-hulihang sandali, kung kelan nakapasok na sa mundo ng medisina ang isang paa ay tsaka palang naliliwanagang hindi para sa kanila ang puting coat at ang stethoscope na nakasukbit sa leeg.

Sa kabutihang palad, hindi pa naman ako dumarating sa puntong iyon. Oo, nagrereklamo na ako. Madalas, puro negative energy ang nakukuha sa akin ng mga tao sa plurk, ym o maging sa tunay na buhay pero hindi ko pa naman naiisip (at least seriously) na iiwan ko na ang propesyong bata palang ako eh gusto ko nang tahakin. Siguro ang gusto kong mangyari ngayon ay i-fast forward na ang buhay ko at dumating sa puntong I’m already reaping the fruits of my hard labor. Pero ang kumalas at mag-alsa laban sa mapanira ng social life na medical school? Hindi pa. Probably not ever.

Unless of course pakasalan ako ni Prince William ng walang pre-nup.

Kaya sige pa. Hanggang kaya pa. Bring it on!

Tags:

 

Reader's Comments

  1. mang badoy | September 4th, 2008 at 3:51 pm

    ang cute ng site mo kaso lang diko mabasa yung nasa left side portion parang putol…tsaka ang cute mo sa pic…

    mang badoy’s last blog post…biyaheng MALAYSIA – wika

    Reply to this comment
  2. churvah | September 4th, 2008 at 6:57 pm

    oh,yeah!
    bring it on.

    naku,keri mo yan.
    dugo’t pawis na for sure ang na invest mo para sa karerang pinili mo.And for sure naman na mag pe-pay off un in the end.

    goodluck sa paglalakbay ng isang doctor-to be.
    ^__*

    churvah’s last blog post…sayang

    Reply to this comment
  3. lunes | September 6th, 2008 at 10:21 am

    makakayanan mo doc ang lahat jan sa med skul.dahil labs mo ang ginagawa mo.

    go lang ng go..

    Reply to this comment
  4. M | September 8th, 2008 at 4:44 pm

    Sana anak na lang ako ng Ayala. Okay lang naman magduktor, inalok din ako ng tatay ko pero sa estado kong to, mukhang alam kong sa ibang landas lang ako mapapadpad. At yun eh sa showbiz, second to Bentong and Pokwang.

    Reply to this comment
  5. chroneicon | September 20th, 2008 at 4:47 pm

    nung bata ako sabi ko sa mama ko, pangarap kong maging street cleaner.

    chroneicon’s last blog post…Ang Isang Buwan Sa Loob Ng Tatlong Estropa

    Reply to this comment

Leave a Comment

space