space

Waterloo

 

“Sex without the “s” equals?”

Naisip ko na napakakumplikado ng mundo. Parang habang tumatanda ang history ng buhay ng tao sa Earth, parang lalo yatang humihirap ang magsurvive. Parang ngayon, maiwan mo lang ang kotse mo sandali dahil coding, parang napakahirap na para sa iyo ang magjeep eh kung tutuusin, kung nabuhay ka nga noon ng nagjjeep umaraw man o umulan, walang rason para hindi ka makauwi ng hindi gumagamit ng sasakyang ikaw mismo ang nagmamaneho. Ngayon nga kapag wala kang cellphone, parang detached ka sa mundo. For some reason, hindi kayo magkakitaan ng mga kikitain mo kung wala kang cellphone na pangtext. Pero noong unang panahon naman, nabuhay tayong landline lang ang meron at paging system ng customer service. Kapag meeting ang paguusapan, magbibigay lang ng eksaktong oras at lugar kung saan magkakakitaan at solb na. Pero ngayon, may selepono ka na nga at lahat, nagkakawalaan pa.

Nabanggit ng baklitang STS professor namin noong kolehiyo that technology aims to make life easier and better, pero sa hinuha ko, parang mas nagiging kumplikado ang buhay dahil sa kanya. Nagiging dependent kasi ang tao kaya kapag bumabalik na sa payak na pamumuhay, wala na, ekis na.

Pwede mo ring iapply yan sa sa larangan ng medisina. Isa sa mga dahilan kung bakit nagsusumiksik sa PGH ang mga doctor-wannabes katulad ko eh dahil sa well-rounded training mo sa ospital. Doon ka makakakita ng mga sakit na kakaiba at kung experience lang ang habol mo, first day mo palang, magsasawa ka na sa dami ng pasyenteng hahawakan mo sa loob ng bente-kwatro oras. (Ito ay base sa mga kwento ng mga dati kong kaklaseng mula mga anak ni Oble eh nag-level up to mga sugo ni Lady Med.) Pero higit sa dami ng pasyenteng makakasalamuha mo day-in and day-out ay ang pagkakataong malinang ang clinical eye. Paano ba naman kasing hindi? Eh kung masusubukan ng husto ang kakayahan mong magdiagnose ng sakit ng hindi gumagamit ng kahit anong makabagong diagnostic modalities? O di kaya ay masusubukan ang iyong imagination and creativity sa galing mong mag-improvise dahil sa kakulangan sa gamit, katulad na lang nung naoperahan ang pinsan ko sa PGH at namulat ako sa iba’t-ibang gamit ng ubos na plastic container ng IV fluid.

Sa totoo lang, mas nakakabilib ang mga taong nabubuhay sa labas ng mga siyudad; yung mga kayang mabuhay ng payak at wala mashadong chechebureche sa katawan. Yung mga hindi naghuhuramentado kapag nawalan ng internet, o yung mga di mapakali kapag walang kuryente. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ang dami-daming mga taga-probinsiya ang naghahangad na makapunta ng Maynila. Ano bang ikinaganda ng siyudad kung puro building ang makikita at polluted na hangin ang malalanghap mo? Mabuti pa nga doon, sariwang hangin at huni ng mga ibon ang gigising sa iyo sa umaga at hindi ang walang habas na busina ng mga nagmamadaling latecomers sa umaga.

Minsan nga pati takbo ng pag-iisip apektado ng makabagong mundo. Natural lang siguro ‘yun dahil kaakibat ng kumplikadong mundo ang kumplikadong pag-iisip at pananaw sa buhay. Kaya tuloy kapag ang utak na kumplikado ay binigyan ng simpleng tanong tulad ng “sex without x equals?“, ay mapapasagot ng “eh?“, magrereply ng ” o.O ” o magrerespond ng “equal” (na sa totoo lang ay hindi ko mawari kung paano niya narating ang sagot na iyon). Meron din namang sumagot ng “boring” na hindi ko kayang ijustify dahil sa kawalang-ekspiriyensiya ko sa mga bagay na ganyan.

Ano nga ba ang sagot?

Naaalala niyo ba ang word problems sa algebra na itinuturo sa first year?


SEX – S = EX

Sa kumplikadong mundo, such mundane things tend to be overlooked. Kung bakit ba kasi may mga bagay na simple pero ginagawang kumplikado.

Katulad na lang siguro ng entry na nagtatalakay sa kumplikasyon ng mundo. Pwede namang sabihing “Mag-back to basics tayo!” pero kailangan pa talagang pahabain gamit ang 680 na salita.

————————————-

Pero ang pinakanagustuhan kong sagot na kumiliti sa aking mapagtanong na isipan ay ang sagot na “SEK”. Maging ako’y hindi naisip na pwede nga pala yun. Iba talaga kapag mga radikal na tao ang nag-isip. Papunta ka palang, pabalik na siya. 😛

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. V | September 24th, 2008 at 10:15 am

    [ot]nakalimutan ko bigla ang ikokoment ko nang nakita ko sa feedjit mo na pinindot ni cabron ang plurk link mo na nakalagay ay orgasmic. wata perv. lols[/ot]

    V’s last blog post…harujosko

    Reply to this comment
  2. Jon Cabron | September 24th, 2008 at 10:58 am

    ewan ko ha, pero kung sino man ang sumagot ng sek .. napakahenyo nya at karapat dapat syang mahalin, hindi ako sigurado kung may asawa na ba sya o ano, pero kahit na.

    Jon Cabron’s last blog post…pandesal

    Reply to this comment
  3. Yvie | September 24th, 2008 at 11:05 am

    Hehehe tama ang sagot ko 😛

    Reply to this comment
  4. mia | September 24th, 2008 at 2:31 pm

    tama sagot ko. ex.

    tama ka, dahil sa technology nagiging mas kumplikado ang buhay.,mas napapaaga kunin ni Lord ang iba;

    Reply to this comment
  5. lei | September 25th, 2008 at 2:03 am

    pero mas pipiliin ko parin ang komplikadong buhay kesa sa primitibo. ang hirap kaya nun, mas maganda pang pahirapan ka dahil uber complex kesa naman mamatay ka sa init ng ulo dahil walang technology. mahirap iwan ang mga bagay na nakasanayan mo na dba? :)

    lei’s last blog post…Books + PC + Prayers = Library

    Reply to this comment
  6. alingjomar | September 25th, 2008 at 3:02 am

    it’s true naman na technology makes life easier minsan kasi or should i say most of the time yung tao tlga ngpapakomplikado ng buhay. drama ko teh! senya na. haha!

    Reply to this comment
  7. Pedro | September 25th, 2008 at 3:06 pm

    masarap sa probinsiya. walang bar na maraming elitista kuno na sexy. walang gimik na hanggang umaga. walang sine na may lazy boy. walang masasarap na kainan bukod sa mga jabi at mcdo. mahina ang signal ng cellphone. kelangan kang magpakabit ng cable para lang mapanuod ang channel 7 at 2. walang mall na maganda. walang r.hidalgo, quiapo na mabibilan ng murang dvd. walang kagamitan ang mga ospital na magsasalba ng buhay mo sakaling maaksidente ka at maging kritikal ang kondisyon. masarap dun pero maraming wala.

    masarap naman talaga sa probinsiya. simple ang pamumuhay. masarap ang luto ng lolo at lola ko dun. may mga tanawing wala sa maynila. mura ang bilihin. mura ang tubig at elektrisidad. pero may mga bagay na wala dun. kaya dito na lang ako sa maynila. kahit mamatay na ko sa bisyo at polusyon. ayos lang. hehehe.

    sex-s? hindi ko lam yung mga ganyan. masyado kasing simple. kung sex raise to infinity baka masagot ko pa. hahaha!

    Reply to this comment
  8. lethalverses | September 26th, 2008 at 12:57 pm

    kung ako ang magkokoment (teka ako na nga pala talaga ang nagkokoment)… ULIT.

    kung ako ang masusunod, sana’y tuluyan na lamang nagamit ang teknolohiya sa mas maingat pang pamamaraan.

    kagaya ng medisina, sana ito ang napaunlad… at hindi ang iba pang bagay na nakasira lang lalo sa antas ng pamumuhay.

    segue: taga PGH ka? nagpupunta ako diyan (at minsang nakasama ang greenies) para sa outreach.

    lethalverses’s last blog post…dyak en poy

    Reply to this comment
  9. lunes | September 27th, 2008 at 7:45 pm

    sinubukan kong magserbisyo uli sa isang remote area.kung saan ang mga pasyente ay sundalo at mga indigent settlers. naku doc.nakaka-awa ang kalagayan nila.naalala ko ung isang 15day old na bata 39 ang temp, ang ginawang home management ng ina ay ibinalot sa abo ng tabacco..hay.

    anyway doc.nakakapagod rin minsan mabuhay sa ciudad.pero minsan dito na rin tayo nasanay..

    Reply to this comment
  10. taps | September 28th, 2008 at 5:40 pm

    PGH, ayos talaga dyan kumuha ng experience.

    taps’s last blog post…The Police chase

    Reply to this comment
  11. igno | September 30th, 2008 at 12:42 pm

    Wala akong naintindihan doc.. hehehe.. Sex without the S is equal to yung ^&*^!@*($(*^(%^ pak%^@#%@# na stalker ni tisay? You know what i mean. hehehe

    Reply to this comment
  12. glesy the great | October 9th, 2008 at 4:55 pm

    talaga? ano pa ba iba’t ibang gamit ng plastic container ng IV fluid.. parang nacurious ako dun ah..

    honga namn… may pagka-abnormal din kasi ang mga tao… wala talagang pagkakuntento… tsk.. tsk.. tsk…cheers

    glesy the great’s last blog post…mangarag ka hanggang gusto mo…

    Reply to this comment
  13. girlie | June 30th, 2010 at 1:16 pm

    oo nga eh.. pero nsa tao pdin un db?

    Reply to this comment

Leave a Comment

space