space

Isaw Chronicles

04 Oct 2008 memories
 

Inaamag na ang blog ko. Panira talaga ng buhay-blogging ang pag-aaral at ang exams. Laging paalala sa amin ng aming mga beloved doc-profs na mabuti pang ngayon kami magkamali kung kelan wala pang buhay na nakataya. Pero hindi rin naman nila sinabi na sa bawat pagkakamali namin ngayon, ang buhay naman pala namin ang hanging by a thread. Nagkalintikan na.

Eto nga pala ang nahalukay ko mula sa aking baul. Originally blogged more than a year ago at Multiply at ngayon, sa inyo ko naman ibabahagi. Hala sige, basa!

———————————————————-

Gutom ako kanina so I decided to buy some isaw sa tapat ng school. Masarap ang isaw dito kaya laging out-of-stock ang isaw pagdating ng hapon. Swerte ako kanina kaya nakabili ako. May nakasabay akong nurse/nursing student (sorry di ko nadistinguish) na noo’y kumakain na ng isaw. Maya-maya pa’y luto na ang carcinogenic isaw na meryenda ko. Naghanap ako ng sawsawan at nakita ang sukang pinagsawsawan nung kasabay ko. Akmang ilalagay ko na ang isaw nang buksan ng tindera ang isa pang bote ng suka na noo’y nakatakip ng clear plastic at doon niya pinalagay ang isaw ko.

“Pareho lang ba yan?” Tanong ng babaeng kasabay ko sa tindera sabay turo sa dalawang sawsawan na magkatabi.

Tiningnan ko ang dalawang bote. Sa wari ko’y maliban sa kabubukas lang ng isang bote at ang isa nama’y mukhang buong maghapon nang nakabukas eh, wala naman akong nakitang pagkakaiba. Kunwari ay wala akong care sa pinaguusapan nila, pero sa totoo lang, matagal ko nang gustong malaman kung bakit dalawa ang sawsawan sa naturang isawan.

“Ah. Eh pang-VIP yan.” Sambit ng tindera, tukoy ang sawsawan kung saan naka-park ang tatlong isaw ko.

Muntik ko nang malunok ang isaw na noo’y kinakain ko.

VIP? Soseness. Meron palang ganon sa mga isawan!

Hindi nagets ng babae ang sagot ng tindera. Kaya naman sinundan niya ito. “Para lang sa mga estudyante kasi yan.”

Ayun. At nasagot na ang aking katanungan. Kaya naman pala dalawa ang sawsawan ng ihaw-ihaw eh dahil may special treatment pala para sa aming mga estudyante ng medisina.

Hindi ko alam kung mato-touch ako sa nadiskubre kong iyon o mahihiya ako sa preferential treatment ng mga “taong labas” sa amin. (Taong labas = pertaining to the ordinary folks na nasa tapat ng paaralan namin. Kung magagawi ka sa SLCM eh malalaman mong deprived area kasi ang katapat ng paaralan namin.) Ano bang nakikita nila sa amin para bigyan kami ng ganoong klase ng pagtrato? Matagal ko na yun napapansin. Tuwing dadaan na lang ako sa araw-araw eh, iba ang tingin nila, hindi lang sa aming mga estudyante kung hindi pati na rin mga doktor na labas-masok sa aming munting building.

Minsan tuloy ay naiisip ko kung kami ba ay nasa pedestal sa paningin ng iba dahil kami ang mga future healers ng sambayanan. Nakakataba ng puso. Pero at the same time, nakakatakot. Kung ikaw ay bibigyan ng ganoong klase ng “posisyon” sa lipunan, nakakatakot magkamali. Nakakatakot gumawa ng mga bagay na ikasisira ng pagtingin nila sa iyo. Tulad nga ng isang quote na nabasa ko minsan…

“it takes your whole life to gain a person’s trust and just one damned mistake to lose it forever”
(okay, wala atang ganyang quote, pero parang ganun yung mensahe nung nabasa ko)

Kaya kung ikaw ay ilalagay sa pedestal, tanga ka na lang siguro kung sisirain mo ang magandang imaheng nabuo ng iba tungkol sa iyo.

Sa totoo lang, wala naman akong nakikitang kakaiba sa amin kapag magkakasama kami. Normal naman kami. Tumatawa, umiiyak, nagagalit, naffrustrate, nahihirapan… oo sobrang nahihirapan sa pinili naming daang tahakin. Kaya naman, kahit nakakahiya, masaya na rin ako at nagpapasalamat sa ibang klaseng pagtratong binibigay nila sa amin. Kaya naman minsan, kahit alam ng lahat na may Princess-complex ako eh, di ko magawang mag-inarte sa harapan ng iba. As much as possible, I try to be as accomodating as I can be lalung-lalo na sa pakikiharap sa mga pasyenteng aming iniinterview at tinitingnan. Ayoko kasing isipin nila na purki’t nasa medisina ako at nag-aaral sa mamahaling paaralan eh mamahalin na rin ang mga ngiti at pangungusap ko. After all, normal lang din naman ako kagaya nila. Kagaya ng lahat ng tao.

Tao rin naman ako, nakaputi nga lang.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. xG | October 5th, 2008 at 2:10 am

    alam ko nararamdaman mo doc
    dati nung nagcommunity immersion kami
    eh ang tingin sa amin doctor
    dahil nakawhite kami
    ang totoo
    nars lang naman kami

    siguro kasi yung uniporme
    at yung kung paano mo dalin
    ang sarili mo
    ang nagbibigay sa kanila
    ng ideya
    kung paano ka itatrato
    :)

    xG’s last blog post…re: vengeance is mine

    Reply to this comment
  2. vhonne | October 5th, 2008 at 2:58 am

    pareho lang pala nung samin… may special treatment din samin.. pero hindi naman kami nakawhite nun.. ang dungis pa nga namin eh…

    may special bote din para lang daw sa amin… pagbukas nung bote.. wow.. asteeg… dami yata sahog nung sawsawan na un… daming lumulutang…

    tapos napansin namin… may kumikinang… talagang special kami para sa kanila…

    hanggang nung pagsubo ng kasama ko ng isaw na isinawsaw niya mula sa bote… takte… bubog pala ung kumikinang sa bote…

    ndi pla kami special.. tinataboy lng… hehehe

    (based on true story from imagination)

    vhonne’s last blog post…Sumusobra Ka Na!

    Reply to this comment
  3. Jon Cabron | October 5th, 2008 at 6:25 am

    tsaka siguro nakakadagdag din dyan yung natural na pagkatakot ng mga tao sa ineksyon.

    ..ok, hindi. :(

    Jon Cabron’s last blog post…hmmmback!

    Reply to this comment
  4. komski kuno | October 5th, 2008 at 8:44 am

    pero grabe, pati sa sawsawan ng isaw?:P at hindi rin naman maiaalis ang diskriminasyon kapag ganitong inilalagay ka sa lugar kung saan tingin sa iyo’y nakakahigit ka.

    komski kuno’s last blog post…E[Vote]MO na!

    Reply to this comment
  5. dak | October 5th, 2008 at 3:10 pm

    minsan, okay lang amagin ang blog. wag lang mamatay… hahaha… g’luck sa exams!

    dak’s last blog post…Shattered mug and laptops crashing

    Reply to this comment
  6. alingjomar | October 6th, 2008 at 1:26 am

    nice.. sana magkaron din kami ng special treatment para meron din kaming special na sawsawan ng isaw. hehehe.. :)

    alingjomar’s last blog post…interesting conversation

    Reply to this comment
  7. Yods | October 6th, 2008 at 3:21 am

    nagutom tuloy ako at parang gusto kong kumain ng isaw. ehehe. pero grabe ha, pati pala sa sawsawan may ganung factor pa. ehehe

    makapagpatahi nga ng puting uniporme at magpanggap na med student para itrato din ako ng ganun. lolz

    Yods’s last blog post…Naaalala Mo Pa Ba?

    Reply to this comment
  8. ish | October 6th, 2008 at 3:36 am

    nag-iingat po ata yung tindera. kaya may VIP sawsawan, baka yun yung fresh (clean) sawsawan. mahirap na kung siya pa ang magdulot ng sakit kay doc. 😀

    kahit saan po ata may special treatment ang mga “naka-puti.” pero katumbas noon ay yung paglilingkod para sagipin sila. sa labas ng ospital VIP tayo, pero sa loob ng ospital, ibang usapan na.

    ish’s last blog post…october 1

    Reply to this comment
  9. Jake The Miserable | October 7th, 2008 at 8:59 pm

    Minsan ko na ring inihalintulad ang buhay ko sa isang… squidball.

    But oh well. Ang lipunan na rin mismo ang nagtakda ng mga bagay-bagay na mahirap nang baguhin. ‘Yun ang isa sa palagay kong dahilan kaya medyo hindi pa tayo naunlad. Mga naka-“adhere” sa mga nakasanayan na.

    Jake The Miserable’s last blog post…Micro-Kwento #2: Exgirlfriendminated

    Reply to this comment
  10. tagabukid | October 9th, 2008 at 11:57 am

    mis ko na ang isaw. nung college kami niri-raid namin ang kusina ng barkada namin sa kaning lamig para sa biniling isaw sa kanto.

    nakakalungkot mang aminin na ayaw nating ma ramamdaman being discriminated against pero (un)wittingly nato-tolerate pagpabor sa atin. madaling naja-justify ang preferrential attention na nakukuha natin. pero kung sa kamalasang palad tayo ang mejo slighted tumatagingting na sigaw na ‘foul’ yon (bangitin man ng harapan o isarili na lang).

    tama lang din siguro na may conscious effort na maging patas sa lahat, hindi man pantay sa lahat ng pagkakaton (e kung first class binili mong air ticket syempre dapat lang mag expect ka ng first class service) at siguro ituwid o iwasto ang nalilihis na gawain. pag-sasabuhay lang ng golden rule.

    ooops, napahaba a…(mis ko na mag comment dito tagal na kasing di nadadalaw ng may-ari e hehehe…biro lang, syempre priority pag-aaral).

    tagabukid’s last blog post…the beauty of giving

    Reply to this comment
  11. kulot | October 9th, 2008 at 4:42 pm

    wow isaw, i love it! lalo na yung may lasang feeds pa ng manok, sarap nun

    kulot’s last blog post…Metallica is back

    Reply to this comment
  12. Pedro | October 12th, 2008 at 5:33 pm

    VIP? may ganun pa? ahmm, wala lang.

    Pedro’s last blog post…Pansamantalang Pamamaalam!

    Reply to this comment
  13. lunes | October 13th, 2008 at 4:32 pm

    “Tao rin naman ako, nakaputi nga lang. ” wow doc..ang galing ng linya na yan…

    ganyan tlaga doc sa pinas.. maraming naglilitawan na classifications ng pagkatao at pagiging tao.wehehe. ano raw sabi ko??

    kelangan tlaga maingat minsan sa pakikisama sa mga class C and D (SocialWorkers Classification) kasi maxado silang sensitive.pero parte na yan ng work ng mga healthcare professionals. un naman talaga ang responsibility..Goodluck doc…

    Reply to this comment
  14. thefilipinamistress | October 24th, 2008 at 2:48 pm

    Mahirap talaga at nakapagtataka bakit nais ilagay kadalasan ng publiko ang mga doktor. Tuloy, napipilitan tayong magpakita parati ng magandang halimbawa at maging modelo ng sambahayanan. Tinitingalang parang mga santo na kailangang puriin, kahit wala naman tayong mga halo o mga clouds sa paa.

    Paminsan tuloy, parang wala na tayong karapatang gumawa ng mali. Pag hindi natin alam kaagad kung anong sakit sila meron, nagagalit na sa atin at sisigawan tayo ng “Kaya ka nga kami pumunta sayo kasi ikaw ang doktor” na para namang alam natin ang lahat ng 1 million and one diseases sa mundo. At tayo naman, naguguilty pag di natin mabigay agad ang gusto nila kasi parang sinasabi nilang responsibilidad natin ang maging henyo, kahit hindi naman.

    Kung tutuusin lang, pare-pareho lang naman tayong tao.

    Nice blog,by the way. Just started reading. Keep up the good work.

    thefilipinamistress´s last blog post…Breasts Examinations: An Educational Post

    Reply to this comment
  15. lei | November 5th, 2008 at 12:42 am

    wow! astig un ah. “tao din ako, nakaputi nga lang”.
    siguro ganun talaga ang magiging tingin ng mga tao kasi mga future tagasalba ng buhay kayo. ans syempre, hindi biro ung pinag-aaralan nyo. sabi nga nila kapag daw nag law or medicine ka, automatic 20 years ng buhay mo ang nawala–dahil sa sobrang hirap. nako. un palang eh, talagang makakakuha na kau ng special treatment sa amin. :)

    akala ko ung pang VIP na suka, para sa mga taong wala pang hepa.. tapos ung isa, para sa may mga hepa. you know, para hindi ma-spread ung sakit. lol.

    lei´s last blog post…Belated Happy Halloween?

    Reply to this comment
  16. kirk | December 3rd, 2008 at 8:40 pm

    sa amin merong isawan, malaki talaga yung mga nasa stick parang intestine ng dinosaur at ang masaya dun, 10 piso lang. partida mataas na ang presyon ng gasolina nun. malalaman mong malinis kasi maputi at obvious kung madumi kumpara sa iba kasi mas malaki siya.

    my take sa VIP ng tindera sa mga doktor gaya mo, marketing strategy niya lang yun. effective diba? pustahan tayo bumalik ka ulit dun sa isawan na yun. 😀

    kirk´s last blog post…Taste of Euphoria

    Reply to this comment

Leave a Comment

space