space

Repetition

23 Oct 2008 emotera
 

Dalawang araw palang akong pumapasok. Wala pang bente-kwatro oras ang nilulustay ko sa pagpapanggap na mas marami akong alam kesa sa inyo pero pakiramdam ko ay para na akong isang buwang nirereyp ng med school. Biyernes palang bukas pero parang gusto ko nang mag-alsa balutan at umuwi pabalik sa homebase. Namimiss ko ang kama ko, ang pagkatok ng kasambahay sa kwarto every 3 hours para itanong kung anong gusto kong kainin, ang ingay ng mga lovebirds, ang pagkahol ng mga aso kong walang patid at ang pagaaway ng mga adopted na pusakal ng kapatid ko. Namimiss ko ang computer ko at ang 24-hour high speed wifi internet access sa bahay ko. Namimiss ko ang nanay ko at ang mga kapatid kong parang wala pero nandiyan. Higit sa lahat, namimiss ko ang buhay prinsesa – yung buhay na wala kang iintindihin sa mundo… dahil mahirap mamuhay mag-isa.

Naaalala ko noong una akong nakatikim ng independence mula ng lumipat ako ng tirahan para mag-aral. Exciting. Exhilarating. Hindi pa man ay naiisip ko na ang mga bagay na pwede kong gawin ng hindi na kinakailangan ng adult supervision. Pwede akong magparty hanggang alas-sais ng umaga, uminom ng balde-balde o hindi umuwi altogether sa tinutuluyan kong bahay dito sa kyusi ng walang naninita. Independence galore. Your life, your rules. Para sa batang semi-sheltered katulad ko, para itong mansanas sa Garden of Eden – lusciously tempting. Alam kong hindi madaling mamuhay mag-isa, pero hindi ko rin batid na isang linggo makalipas akong maging official transient ng kyusi ay namiss ko agad ang mga iniwan ko down south. Three years forward, wala pa ring pinagbago… ganun pa rin, mahirap mamuhay mag-isa. Namimiss ko pa rin ang bahay namin at ang lahat ng nakagisnan ko.

“Hindi madaling mag-isa” yan ang sinabi ko sa kinakapatid ko nang minsa’y magtanong siya kung anong pakiramdam ng nakatira malayo sa bahay. Killjoy ako dahil parang nawala yung ningning sa mga mata niya nung sinabi kong sa simula lang siya masaya. Alam kong hindi yun ang gusto niyang marinig mula sa akin pero hindi ko rin naman magawang magsinungaling para pagbigyan ang mga luho niya sa katawan. Para lang naman siya ako noon – excited sa buhay sa labas ng renda ng mga magulang; “ready to face the world, bring it on!” ang naging mantra ko hanggang sa isang araw na umuwi akong pagod sa magulong kwarto na katulad ng iniwan ko nung umagang yon; hanggang sa isang gabing nagising akong kumakalam ang sikmura at maalalang wala pala akong hapunan. Mahirap mamuhay mag-isa. Sarili mo lang ang kakampi mo, sariling diskarte at sariling sikap (o, wag mashadong green you pervert!). Hindi pupunta ang mga damit mo sa laundry basket, maglalaba at mamamalantsa mag-isa. Hindi kusang tatakbo ang pagkain sa iyo sa oras na gutumin ka. At hindi aayos ang kalat ng kwarto mo sa pagkakataong ipikit mo ang iyong mga mata. Para siyang bahay-bahayan na life size at bente-kwatro oras mong lalaruin – bawal ang mapagod, walang time firsts at walang ligpitan.

Mahirap mamuhay mag-isa. Yan ang paulit-ulit na paalala ng nanay ko noong napagusapan namin na kailangan ko ng magrenta ng bahay sa kyusi habang nag-aaral ng medisina. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Naisip kong killjoy lang ang nanay ko o di kaya’y may empty nest syndrome lang siya dahil aalis sa poder niya ang kanyang unica hija. Pero ngayong nandito na ako, ngayon ko lang napagtanto na mahirap nga ang mamuhay mag-isa.

Repetition is the key to mastery. Sana sa pagpapaulit-ulit ko ng key sentence makasanayan ko rin ang buhay na nag-iisa.

Ano nga ulit yun?

Tags: , ,

 

Reader's Comments

  1. FerBert | October 23rd, 2008 at 9:15 pm

    nararanasan ko din yan minsan kahit na kasama ko si yods dito sa bahay parang mag isa lang din naman ako minsan kase madalas syang wala..

    mahirap mag-isa lalo na pag may sakit ka.. walang mag aalaga sayo. medyo marunong na din akong magluto saka maglaba.. pero mahiraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaap talaga ang hindi kasama ang pamilya

    FerBert´s last blog post…1 vs. 100

    Reply to this comment
  2. lunes | October 23rd, 2008 at 9:16 pm

    tumpak doc!! mahirap tlagang mabuhay mag-isa… 7 years na rin ata akong naninirahan hiwalay saaking mga magulang. nakakatakot minsan pag delayed ang pinansiyal support.wehehe. lalo na pag nagkakasakit tapos mag-isa ka lang sa apartment..wehehehe.

    pero marami ring masaya..kahit nakakatamad magluto at maglaba..

    miss u doc!!

    Reply to this comment
  3. RJ | October 23rd, 2008 at 10:01 pm

    Nakaka-relate ako. Tama, sa simula lang masaya ang mapalayo sa bahay. Pero sa katagalan, ah ang hirapp! [Simula noong September 2001 hindi na ako nakatira sa bahay namin.]

    Tulad ngayon dito sa aking kalagayan, kahit pagod na pagod na ako, kailangan ko pang maghanda ng pagkain para sa sarili ko. Kapag day off ko naman, ako rin ang magsasalang ng mga laundry ko at ako rin ang magsasampay nito! Kapag natuyo ako rin ang magliligpit. Huhmn. Parang walang day off! Kahit nasa pamamasyal kailangang umuwi ng maaga dahil may gagawin pa pag-uwi. o”,)

    RJ´s last blog post…Chicken Breast

    Reply to this comment
  4. Duroy | October 27th, 2008 at 7:33 pm

    Buti nga ikaw, ayaw palayasin ng ermats mo… sina erpats at ermats, balak na ata akong palayasin ng bahay at bumili(?!) na raw ako ng sariling condo… wtf…

    Pero, mas masarap maging estudyante wahaha! Hahanap-hanapin mo yan pag naging doktora ka na hehe!

    P.S. DOA na pala site ko…

    Reply to this comment
  5. lei | November 5th, 2008 at 12:34 am

    hindi ako makarelate. hindi pa naman kasi ako independent. pero gusto ko rin yang maranasan. KJ kasi mama ko, ni magdorm ako ayaw nya. tska ibang lahi pa daw mga kasama ko. masyado syang protective.. kala mo naman kung sino ako. haha. pero totoo nga na masarap ang pakiramdam ng buhay prisesa, (laking spoiled kasi ako sa lolo ko. haha.) eh ano namang magagawa ko kung ang rule lang nila eh ganito– “mag-aral ka lang ng mabuti, kahit wag ka ng tumulong dito sa bahay”. lol. nakakamis, kung nasa pinas lang ako, malamang ganun parin buhay ko hanggang ngaun. tsk.

    lei´s last blog post…Belated Happy Halloween?

    Reply to this comment

Leave a Comment

space