space

Stalk-Me-Not

26 Oct 2008 isyu, narcissism
 

Kinatatakutan. Kinaiinisan. Isang pangalang matunog hindi lang sa blogosphere kung hindi maging sa labas nito. Stalker daw siya. Lurker. Papampam. Crazy. Sonofab_tch. Pero ang alam ko, isa siyang henyo.

Hindi ko na babanggitin pa ang pangalan niya dahil ayokong makisawsaw sa kasikatan niya. Hindi ko ugali ang makipiggyback ride kahit kanino dahil kaya kong gumawa ng pangalan ng sarili ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa kanya ang kalahati ng blogosperyo. Sa punto de vista ko, wala siyang ginagawang masama. May multiply ka, may friendster, facebook, blogspot, myspace, imeem, youtube, redtube, adultfriendfinder at kung anu-anong social networking site na naglipana sa internet. Kusa kang nagmiyembro, kusa kang nagpost ng pictures, kusa kang nagblog at nagpangalandakan sa identity mo tapos magagalit ka sa isang taong walang magawa ng minsan niyang bisitahin paulit-ulit ang mga albums, blogs, at what-have-yous mo? Hindi mo yata naintindihan na ang internet ay public property. Kung anti-social ka at ayaw mong mapansin, manahimik ka na lang sa kwarto mo kasama ang mga alaga mong aso at magbilang ng butiki sa kisame. Alam mo rin naman siguro ang ibig sabihin ng “private profile” at “for contacts only”, isang pushbutton lang at solved ang problema mo.

Natatawa ako sa kanila. Sila na may mga paranoid personality disorder. Para silang mga ewan. Magpopost pero ayaw na tinitingnan. Para kang pumunta sa lamay na naka-all red at magagalit sa mga napapatingin. Wala naman siyang ginawang masama. Tumitingin lang at nagpapapansin.

Isa siyang henyo. Nagawa niyang gawin siyang pseudo-household name sa loob lamang ng ilang linggo. Isang feat na natatamasa ng marami sa loob ng ilang taong pagsusumikap at pagpapapansin kesehodang mamukha silang tanga. Siya lang ang nakaisip na paglaruan ang isa sa mga basic needs ng tao: the need for attention… to be wanted… be desired… be admired. Nagoyo din niya ako. Akala ko nadagdagan na naman ang fanbase ko hanggang sa mahimasmasan ako sa aking pananaginip ng gising. Tactics lang pala. Psychology.

Kaya siguro marami ang nagagalit sa kanya. Nag-akalang may number one fan sila hanggang sa malamang hindi pala sila nag-iisa. Crushed dreams. Isang malaking sampal sa ego.

Stalker daw siya. Gusto ko talagang matawa. Kinatatakutan nila ang taong nag-iiwan ng bakas sa mga “stalkees” niya. Kung ako sila, mas matatakot ako sa mga taong malinis gumawa. Mga taong pailalim kumilos. Tahimik pero malupit. Alam nila ang bawat mong galaw, ang bawat sentimiyento, luho at ang iyong buong pagkatao. Mga taong nalalaman ang itsura mo kesehodang anonymous ka pa. Mga taong alam ang birthday mo, zodiac sign at address ng hindi mo nalalaman. Mga taong alam kung nasaan ka, saan ka nagpunta at saan ka papunta. Yung ultimo pati skeleton-inside-the-closet, pinatos pa nila.

Promise. Mas nakakatakot talaga sila…

Mas nakakatakot ako.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. lunes | October 26th, 2008 at 12:27 pm

    oo nga naman..nasabi rin yan sakin nun ng kapatid ko.kung maglalagay raw ng pix sas FS wag raw iprivate.Kaya raw nga maglalagay para makita ng buong kumunidad ng FS. Kaya hanggang ngaun pinagtatawanan niya ako.pero tama nga kayo..wehehe..

    Meron palang dlawang klase ng pagstalk ung magandang klase at mahinang klase..wehehe.. mas nakakatakot nga ung tahimik at maraming alam, sila ung magandang klase. nakakakilabot ata ung ganun. nagkaroon ka na ba ng ganun doc??

    Reply to this comment
  2. thefilipinamistress | October 26th, 2008 at 5:15 pm

    LOL. Ito ba yung lalakeng kamukha raw ni Hero? Nagoyo rin ako ng lalakeng yun.

    Pero, check. Matalino siya. Nag-isip talaga siya ng strategy para paano dumami ang hits niya. Ewan ko lang kung ano ang gusto niyang maachieve after his 15 minutes of fame.

    Dahil tulad ni Hero, sandali lang ang pagiging popular niya. Balang araw, di na rin siya mapapansin. At mapapalitan na rin siya ng mga panibagong Stalker.

    Kahit papaano, may hustisya rin sa mundo ng Internet.

    thefilipinamistress´s last blog post…Kabadingan at Tawanan Habang Nagkakape

    Reply to this comment
  3. manilenya | October 27th, 2008 at 9:53 am

    h3h3h3 nakakatakot nga siya..e sino naman sya? sa tagal ko na sa blogosphere,,siguro magkasabay tayo pero parang di ko sya naririnig..o dahil di ako namamasyal madalas :)

    salamat pala sa pagbalik…natatandaan ko nga ang pangalang mnel :)

    manilenya´s last blog post…Incission, buwan at ang laksa-laksang ibong sa kalangitan.

    Reply to this comment
  4. RJ | October 28th, 2008 at 7:45 pm

    Doc, RELAX.

    Ano bang kailangan niyo, sedative o tranquilizer? Sana pagkatapos niyong maisulat ito, kalmado na kayo.

    RJ´s last blog post…A Glow in the Dark

    Reply to this comment
  5. dana | October 28th, 2008 at 11:41 pm

    sino ba yan? parang pablo banilla lang na pakalat kalat sa multiply :)

    Reply to this comment
  6. cutenun | October 29th, 2008 at 7:52 pm

    ha. kilala mo ko diba doc 😉 matalino kaya yun. nag aral pa sa New York University. susyala.

    Reply to this comment
  7. Micamyx | October 29th, 2008 at 9:51 pm

    Naglulurk lang naman sya wala naman ginagawang masama hehe 😀

    Kaaliw din na napansin siya ng karamihan sa pamamagitan ng pagview lang ng mga profiles ng mga tao. Nakakabilib nga ang pagiging pasensyoso nya sa pagtingin at palipat-lipat hehe

    Micamyx´s last blog post…Belo Bloggers Barkada Videoke Night @ Centerstage

    Reply to this comment
  8. Leyn | October 29th, 2008 at 10:04 pm

    isa lang masasabi ko,

    kadiri yung ginawa nilang .gif icon na image para sa stalker na yan.

    Leyn´s last blog post…Spa in the City

    Reply to this comment
  9. Samjuan | October 30th, 2008 at 4:36 am

    Ay naku, mas nakakainis yung mga pilingerong natatakot sa kanya! Haha. Ang aarte kala mo kung sino. Sobrang pilingero’t pilingera eh. Nakakatawa pa kasi may napuntahan akong site na sinarado na yung site dahil kay mister stalker. Haha

    Samjuan´s last blog post…The Call

    Reply to this comment
  10. Jon Cabron | October 30th, 2008 at 5:24 am

    seryoso, hanggang ngayon di ko pa rin maabot kung papano s’ya natawag na stalker at kung papano naging malaking issue pag naview n’ya ‘yung profile mo.

    mas nakakatakot nga siguro kung biglang sasabihin n’ya na “may picture ka sa private album ng friendster mo na may karga karga kang baby, pamangkin mo siguro at naka high resolution pa”

    pero astig pa rin, sumikat s’ya sa paraang gusto n’ya.
    at ang tingin ko sa ibang nagrereact,
    takut takutan at galit galitan.

    Reply to this comment
  11. xG | November 2nd, 2008 at 11:45 am

    buti na lang ako
    hindi ko alam ito
    haahaha

    aaah
    nakita ko nga yata siya sa cr
    sabi ko nga e
    siya talaga yun

    i swear
    hahahahaha

    e ako naman
    wala akong fans
    sabi ko sa iyo
    friends lang
    ahahhaha

    bat ako hindi niya binyu?
    hahaha

    o sadyang di lang ako napadpad
    sa social networks
    na nabanggit mo
    dahil abala ako?
    hahahaha

    Reply to this comment
  12. Basti Basurero | November 3rd, 2008 at 2:17 am

    Padaan lang 😀

    may mga tao palang ganun sa tunay na buhay, akala ko sa telenobela lang, doctor to be ka naman diba, pag praktisan mo na lang ng lobotomy >:)

    Reply to this comment
  13. FerBert | November 3rd, 2008 at 6:35 am

    naniniwala akong sya ang maglilitas sa naghihikahos na ekonomiya ng pilipinas at sa bulok na sistema ng bansa.. ahaha

    FerBert´s last blog post…Lock The Door

    Reply to this comment
  14. kitsch | November 3rd, 2008 at 11:02 pm

    here you go…
    http://showbizandstyle.inquirer.net/you/elife/view/20081031-169551/Who-in-the-world-is-Pablo-Banila
    saw this one while reading the papers kanina.

    kitsch´s last blog post…Why I first thought it was all about the wages

    Reply to this comment
  15. Duroy | November 5th, 2008 at 10:51 pm

    Wag ka mag-alala doc, yung program lang nya na may automated script ang nangiistalk, at hindi siya mismo…

    Reply to this comment
  16. j | November 13th, 2008 at 3:42 am

    Sounds like an automated script that crawls those sites

    Reply to this comment
  17. kirksydney | November 16th, 2008 at 6:27 pm

    Ahhh eto pala yung nabanggit saken ng kaibigan ko nung isang araw. I was like “Who the hell?” kasi hinde ko talaga sya kilala at wala akong pakielam. 😆

    Pers taymer pala ko dito, pa-softdrinks ka naman. Hehe.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space