space

Garden of Eden

 

Matangkad. Gwapo. Mahaba ang buhok. At higit sa lahat may dimples. Nasa kanya na yata ang lahat ng hinahanap ko. Sadyang pinagtagpo kami ni tadhana. Siya na ngayon ko lang nakita sa loob ng tatlong taong pamamalagi ko dito sa QC.

Hindi ako showbiz, pero nahihilig ako sa mga mukhang showbiz. Ang ex kong kahawig daw ni Piolo. Si Bee na reachable version ni Ryan Agoncillo at ngayon, isang nilalang na cross ni Hero Angeles at Vic Zhou.

Hindi ko siya pinansin nung una. May kasama siyang di ko na maalala ang itsura nung bumili ako sa barbecuehan. Pero nung bumalik ako dala ang cooked rice na dinner ko ngayong gabi, doon na siya nagsalita matapos siyang buyuin ni Ate Barbecue.

“Ate, saan ka nag-aaral”

Anak ng patola. Kung bakit ba kasi hindi man lang ako nagsuklay o nag-blot ng oil sa mukha. Naisip ko kung mukha ba talaga akong gurangers matured o baka term of endearment lang niya yun. At dahil di kayang arukin ng utak ko na malapit na nga akong mag-mid 20s, inisip ko na lang na nagpapacute lang siya.

At doon nagsimula ang 11-sentence conversation naming dalawa.

“St. Luke’s”

“Ah. Akala ko ospital lang yun.”

”Hindi. May eskwelahan sa likod.”

“Ate, anong year mo na?” (At Inulit pa talaga! )

“Third year”

“Malapit na pala. Ayos. Nursing ka?”

“Hindi.”

“Medicine.”

Mukha lang akong suplada dahil iniwan kita matapos kong makuha ang barbecue na binili ko. Pero sa totoo lang nahiya lang akong magdagdag ng sampung isaw kay Ate Barbecue. Gustuhin ko man alam kong maghuhuramentado ang tiyan ko sa dami ng isaw na kailangan kong kainin. At isa pa, mahirap na ang magmukhang obyus.

Umalis ako, tangan ang barbecue na memorabilia ng pagkikita nating dalawa na ngayon ay pinagdadalawang-isipan ko nang kainin. (Pero napag-isip-isip ko na mas mahalaga ang tawag ng tiyan kesa tawag ng puso. Tarush!
)

Alam mo, sayang ka talaga. Kung bakit ba kasing maaga akong pinanganak.

——————————-
Disclaimer: For the record, hindi pa ako matrona at wala akong balak pumatol sa isang disi-otso anyos. I love you Bee!

Tags:

 

Reader's Comments

  1. samieboi | November 25th, 2008 at 2:51 am

    hahaha!! ang kyoooot ng pagkikita nio ng kung sino man yan. wahahha:)

    Reply to this comment
  2. mai | November 25th, 2008 at 7:36 am

    hahahah..this made me laugh. good one.

    Reply to this comment
  3. taps | November 25th, 2008 at 8:53 am

    ituro mo sa aken kung sino magsasabi sayo ng gurang…

    ano gusto mo gawin ko sa kanila?!

    Reply to this comment
  4. kirk | November 25th, 2008 at 7:51 pm

    Hi doc. muli akong napadpad sa tahanan mo. LOL barbeque meet up.

    Reply to this comment
  5. Gugol | November 25th, 2008 at 11:44 pm

    Oo nga, Ate Mnel. Matanda ka na nga. Tsk. Tsk.

    Pagpasensyahan mo na kaming mga YOUNG ONES kung medyo may pagkabastos kami. Hindi lang siguro nagkakaintindihan ang mga generation natin, given na malaki talaga ang age gap.

    Peace!

    Gugol´s last blog post…My Life: 48 Hours a Day

    Reply to this comment
  6. popoy | November 26th, 2008 at 1:43 pm

    yikeee. si doc mnel o?lols

    wala namang age ang pagibig. tao lang nagsasabi nun. hehehe. at love na agad yung naisip ko? biruin mo nga naman! hehehe 😀

    nakabisita din dito doc minel 😀

    popoy´s last blog post…

    Reply to this comment
  7. mia | November 26th, 2008 at 6:14 pm

    ako bata pa ako doc. hahaha. pede pa ako sa 18 years old.. hahaha

    Reply to this comment
  8. Jon Cabron | November 26th, 2008 at 7:23 pm

    hero angeles? baka si pablo banilya yan!!!!!

    Jon Cabron´s last blog post…di ba?

    Reply to this comment
  9. ced | November 27th, 2008 at 7:26 am

    habulin ka tlaga! nagseselos na ako lalo! hehehe

    pero i’m not against nurses, loves na loves ko nga sila, pero parang nakakauta na ung mpagkamalan ka lagi kasi nga karamihan ay nursing. pero on the lighter side baka kasi mukha pa tayong bata? ahiiiii! kung napagkamalan kang nursing doc mnel ibig sabihn nun ay you look young for your age! yesss!

    dati may nagsabi sa akin ng gnyan, nung sinabi ko na med proper, sabi nya sa akin, ano yun? awww!

    Reply to this comment
  10. siangelnawalangpakpak | November 27th, 2008 at 5:41 pm

    first of all, doc, hindi ka naman mukhang matanda. baka naman masyadong respectful lang talaga yung 18-year-old na yun kaya ka sinasabihan ng ate. baka naman, style nya lang yun =)

    second, as for the nursing reference, pag babae ka kasi at sinabi mong sa isang ospital ka nag-aaral, nursing talaga ang unang iisipin nila. karamihan kasi nagstestereotype base sa iyong gender na kung babae ka at health-related ang course mo, nurse ka. kung lalake, doktor. ewan ko kung saan nanggaling ang pag-iisip na ganyan, siguro dahil na rin sa babae si florence nightingale, pero obviously, hindi naman lahat ng babaeng sa ospital nag-aaral ay nurse. pwede rin silang maging duktor. tulad natin. ahaha…

    last na to. type ka rin nung 18 year old. kasi kinausap ka niya at may gutts siyang gumawa ng first move. yikee!!! antaray ng beauty mo, doc!

    siangelnawalangpakpak´s last blog post…Matagal Ko Nang Alam Na Cute Ako

    Reply to this comment
  11. ka bute | November 28th, 2008 at 10:44 am

    ang barbecue at si pogi. hehehe.

    ka bute´s last blog post…parang kayo, pero hindi

    Reply to this comment
  12. Abad | November 28th, 2008 at 6:33 pm

    Haha, ang cute. Ang benta mo talaga ate hangang barbeque-han nakakakuha ka ng atensiyon ng teenedyer.

    Reply to this comment
  13. na* | November 29th, 2008 at 11:00 pm

    aheehe, hmmmmmmmm. . .ang ate, normally syang ginagamit n mga batang napapapansin. . .ahm, para polite kunwari. . .pero hindi yun dahil mukha kang matanda or something.swearness!!

    flyfly!

    nAmis ko dito.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space