space

Intuition

 

Ang lakas talaga ng woman’s intuition ko. Kasasabi ko lang nung isang araw na TV naman ang isusunod ko, hayan nga at na-TV nga ako – or my beautiful legs at least.

Hindi ko alam na may feature palang ganun ang ABS-CBN bilang year-end special ng News and Current Affairs. Lalo namang hindi ko alam na maisasama pala ang isa sa mga videos ko sa Youtube hindi tuloy ako ready at wala akong proof sa claim ko. Kumbaga laway-laway na ang labanan. Trust my laway na lang. Mamatay man si EfBee (Tama ikaw naman! Lagi na lang kasing si Mariano.) Sayang hindi man lang nila ako kinontak para man lang ma-interbyu eh di sana nakita niyo ang beauty ko sa TV at hindi lang legs ko ang binalandra nila. Pero sige, payag na rin ako. Legs now, my body later.

Tapos na ang radyo, nagkalat na rin ako sa TV. Ano naman kaya ang sunod?

Tags:

 

Reader's Comments

  1. FerBert | December 29th, 2008 at 12:49 am

    naka naman.. FHM na ang sunod nyan.. hahaha

    Tama. May kuha ko si Bee na pang-FHM Girlfriend of the Month. Maipadala nga. Hahaha.

    FerBert´s last blog post…Cidex & Autoclave

    Reply to this comment
  2. Leyn | December 29th, 2008 at 12:50 am

    congrats… sa legs mo lang.

    Eh di “cong” lang yan. Kalahati lang eh. Haha

    Leyn´s last blog post…Pamaskong Billboard

    Reply to this comment
  3. Gugol | December 29th, 2008 at 12:54 am

    dapat nagpatattoo ka ng “Ad Space For Lease” sa legs mo para may potential na kumita.

    Magandang ideya. Tutal naging habit ko na ang pagpapakita ng legs. Lagyan ko na rin yung balikat ko. Isa pa yun eh. 😛

    Gugol´s last blog post…All I Want For Christmas Is a Boy To Make Lamas With?!?

    Reply to this comment
  4. The Gasoline Dude | December 29th, 2008 at 12:55 am

    Asan ‘yung Youtube video mo hindi ko pa nakita? Huhuhu. = P

    Kung video ng legs ko ang hinahanap mo, I hate to burst your bubble pero wala kang makikita. Haha. Peace! 😛

    The Gasoline Dude´s last blog post…Pasko, OFW-style

    Reply to this comment
  5. M | December 29th, 2008 at 8:40 am

    Aba nanood din ako nito kagabi pero hindi ko naabutan yung portion nung sayo, kay sayang naman!

    Unahin mo muna ang pag-achieve ng most downloaded legs on the internet bago ka magFHM.

    Reply to this comment
  6. taps | December 29th, 2008 at 7:39 pm

    woi ayos yan… legs…

    legs ang unang bumibighani sa aken pagdating sa katawan ng babae…

    shet.

    Reply to this comment
  7. Meryl | December 30th, 2008 at 4:31 pm

    Legs legs legs mo ay nakakasilaw.

    Di ko na alam ang sunod eh. Hahaha.

    Meryl´s last blog post…The world has gone crazy. Repost!

    Reply to this comment
  8. lei | January 4th, 2009 at 9:10 am

    kaya pala eh. ano ba yan, talagang sinerch ko pa sa youtube ung account mo. lol. at least ngayon alam ko na kung ano account ni ate mnel. (stalker type ang dating ko dito. hahaha. )

    Dapat sikretong malupit yan eh. Kumbaga, kung di niyo hahanapin, di ko sasabihin. Haha. Pero malalaman niyo rin naman eh. Paano kung mag-vlog na pala ako no? Hahaha.

    lei´s last blog post…Year End Report

    Reply to this comment
  9. superboi | January 4th, 2009 at 3:04 pm

    PRINT PRINT!!! Point of Sales, BIllboards, Direct Mails… 😀

    Reply to this comment

Leave a Comment

space