space

TV Naman Ang Kasunod

21 Dec 2008 Featured, phail!
 

Nadiskubre ko na ang panlaban sa matinding kaantukan sa daan: RADYO!

Sikat na ako matapos marinig ng libu-libo ang mahiwaga kong tinig sa radyo. Fifteen minutes of fame na tumagal lang ng halos isang minuto (oo, napakaironic). Nagbakasali lang palibhasa nakakaantok sa daan. Sukat ba namang sagutin yung telepono?!?!?! Nagpanic tuloy ang beauty ko. Muntik pa akong ma-Janina San Miguel kanina. Buti na lang sanay ako sa grace under pressure:

“What is the structure found between the red nucleus and the crus cerebri?”
“What are the indications for a Roux-en-Y hepaticojejunostomy?”
“What is the ECG diagnosis of premature atrial complexes?”

Hindi ko na alam kung ano ang pinagsasasabi ko. Sumagot ata ako ng “Mnel”, “Christmas Party” at “St. Luke’s College of Medicine” in no particular order sa mga tanong na binato ni Rico Robles. Anak ng tinola. Minsan na nga lang ako ma-o-on air, nagkakalat pa ako.

Ano daw?!?! Request daw?!?!? Eh wala naman akong gustong marinig. Gusto ko lang magising. Pero, when all else fails, humingi ka ng “Sexy Love” kapag Hip26 at “Material Girl” kapag “Back to the 80s”.

Sayang talaga at nagddrive ako. Hindi rin ako handa na maging live caller sa radyo. Di ko man lang naiplug ang dotcom. Libreng hits din na sana yun.

At para sa mga kaklse kong nakarinig sa akin kanina (re: Robert King, Karlo Dumaup) huwag niyong itakwil na kaklase niyo ako please?!?!?!

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. FerBert | December 21st, 2008 at 2:37 pm

    anong estastsyon to? bwahaha

    FerBert´s last blog post…Shawarma

    Reply to this comment
  2. kirk | December 21st, 2008 at 5:12 pm

    wow pa rx-rx na lang ah! kaso madalas ako makinig sa barangay LS hahaha! =))

    kirk´s last blog post…5 & Up

    Reply to this comment
  3. Meryl | December 21st, 2008 at 10:14 pm

    Wah! Hindi ka man lang nagpasabi. Hahaha. Sana habang kinakausap ka eh may naitext kang kahit isang blogger para naman napakinggan ka namin. Hahaha.

    Meryl´s last blog post…Hohoho.

    Reply to this comment
  4. xG | December 22nd, 2008 at 12:00 am

    tv nga naman ang kasunod!
    at sigurado
    youtube na katapat nito.
    hahahaha

    xG´s last blog post…breakbone

    Reply to this comment
  5. siangelnawalangpakpak | December 22nd, 2008 at 1:07 pm

    ahaha… nacurious naman ako at bakit may mga ganyang tanong ang tinatapon sayo ng radio announcer. para lang may residenteng bigla kang in-on the spot na tinanungan. buti ka pa, nasagot mo. kung ako yun, baka inoff ko na lang yung radio sa sobrang nerbyos. hehehe…

    meri christmas! =)

    siangelnawalangpakpak´s last blog post…Happy Beerday

    Reply to this comment
  6. Pilar | December 23rd, 2008 at 7:39 am

    ahaha .yesssss. sikat amf! 😀

    susunod nyan hihingan ka na ng “what would be your opinion doc?” :)

    Reply to this comment
  7. Ang Paglalakbay ng Isang Doctor-to-be [Docmnel.com] » Intuition | December 29th, 2008 at 12:44 am

    […] TV Naman Ang Kasunod […]

    Reply to this comment
  8. the philippine daily idiot | January 2nd, 2009 at 11:29 pm

    hehehehe. when i was studying at med school, mahilig ako sa rx.

    Reply to this comment
  9. lei | January 4th, 2009 at 9:06 am

    sayang oh. di ko narinig. hehe.

    lei´s last blog post…Year End Report

    Reply to this comment

Leave a Comment

space