space

Beginning of an End

 

Bilang na ang mga araw ko dito sa lupa. Malapit na akong umakyat – literally – hindi sa langit dahil bata pa ako para mamatay (at isa pa, matagal daw mamatay ang masasamang damo) – aakyat na akong muli sa 9th floor at hindi na naman masisilayan ng mga taga-lupa ang aking angking kagandahan. Parang linya lang sa kanta: “O kay bilis ng iyong pagdating… Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din” Parang kelan lang eh simula na ng mahabang bakasyon. Pero ano ito’t huling weekend na bago magbalik sa normal ang lahat???? May I quote nga si mother dear:

Ang haba-haba ng preparasyon ng pasko, tapos ang bilis-bilis naman matapos.

I couldn’t help but agree.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dito nga sa bahay namin, parang ipu-ipo lang na dumaan ang kapaskuhan. Paggising ko kahapon ng umaga, parang lumuwag ang bahay namin… yun pala, tinanggal na nila yung christmas tree:tree

Wala na rin yung mga anghel na dekorasyon ng buong bahay… angel

… at namahinga na rin pala si Santa na mahigit isang buwan niyang pa-swing-swing sa may bintana.

santa

Tahimik na rin ang paligid na para bang walang nangyari. Nakakapanibago dahil ikatlong araw palang ng Enero pero parang Biyernes Santo na ang kapaligiran. Naaalala ko pa nga dati nung bata pa ako (nung mga kapanahunang sa ibang lupalop pa ako ng Metro Manila nakatira), takot na takot ako kapag dumaan na ang pasko at paparating na ang bagong taon. Ayaw ko kasi ng ingay ng mga paputok. Hindi ako makalabas dahil baka mamaya hagisan ako ng pla-pla ng mga kumag na tambay sa labas. At kahit na nagdaan na ang paghihiwalay ng taon, sige pa rin ang new year’s revelry sa labas: putok dito, putok doon na walang patid. Pero ngayong pagsapit ng 2009, mapapansin mong kakaiba ito sa mga bagong taong nagdaan. Pwede ka ngang mamasyal sa gabi ng hindi mo inaalala kung uuwi ka pa bang kumpleto pa ang mga daliri sa paa sa pagkakatapak sa inihagis na labintador. Useless na rin ang magsuot ng ear plugs dahil sampung minutong walang humpay na putukan lang ang maririnig mo. Pagsapit ng 12:30 ng madaling araw ng unang araw ng Enero, wala na ang putukan. Wala na ring pera ang mga tao kasabay ng nilamon ng apoy sa mitsa ng paputok.

Hindi rin naman kasi biro ang presyo ng paputok ngayon. 450 para sa fountain na hindi man lang tumagal ng 15 seconds. 600 para sa tumutunog na pailaw na di naman makikita more than 50 meters away. Mahigit 500 pesos para sa sawa na every 2 seconds ang putok (ganyan yung nabili ng pinsan ko). Hindi kami bumibili ng labintador pero sa feeling ko eh cheapanga lang yun dahil kaya pa nga bumili nung mga nakakabadtrip na tambay sa labas.

Noong isang gabi na nanonood ako ng news (oo, himala yan na nawalay ako sa wordracer), nabanggit sa balita na kaunti lang daw ang mga nasabugan ng paputok ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon. Kung statistics lang ang labanan, magandang senyales yun, pero kung reyalidad ang paguusapan, mapapailing ka pa rin sa katigasan ng ulo ng mga tao jan sa tabi-tabi. Kelan kaya mangyayari yung wala ng masasabugan? Yung hindi na magmimistulang warzone ang emergency room ng Jose Reyes dahil sa mga nasabugan at nasunugan? Bakit ba ang hilig kasi ng mga Pilipino magpaputok? Pwede naman kasing ibang klaseng putukan na lang ang maganap… yung nakakabuhay… [spoiler name=”R-18″]

…ng tulog!

[/spoiler]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gumawa pa ba kayo ng New Year’s Resolution? Kahit matanda na ako eh gumagawa pa rin ako ng listahan – noon. Pero dahil mas environmental-choo choo na ako ngayon eh tinigil ko na ang pagaaksaya ng papel para sa listahan ng mga bagay na – pustahan tayo – hindi ko rin naman magagawa. Kaya hayun, binura ko na lang yung 2008 sa listahan na ginawa ko para sa nakaraang taon – tutal pareho lang din naman ang laman: magandang spoiled bitch pa rin ako. Nyenye. 

At isa pa naniniwala kasi ako na hindi mo kailangan na magpalit ng taon para lang magbago. Lalo na kung galing sa puso. Tarush!

(better late than never!)


Tags:

 

Reader's Comments

  1. Saminella | January 3rd, 2009 at 4:05 pm

    hahays. oo nga kebilis lang ng mga pangyayari.

    heypinewyeardoc! hamishyu

    Saminella´s last blog post…Ako ay nagbalik

    Reply to this comment
  2. Pilar | January 3rd, 2009 at 4:36 pm

    bilis ng holidays. parang kagabi lang ako kumain ng noche buena, nailabas ko na ulit lahat! hehehehe. happy new year doc! :)

    Reply to this comment
  3. lei | January 4th, 2009 at 8:58 am

    wow. astig ung huling line. hehe.

    ang aga nyo naman alisin ung mga decorations.
    naalala ko sa pinas ung mga uncle ko tska lolo ko.. march na pero may christmas tree parin. (kitanamaran na tanggalin) tapos buong taon ata nakasabit sa may pinto ung isang decoration na naka embossed ung sulat na “Merry Christmas and Happy New Year”. Natatawa nga ung mga tao kapag pumupunta dun sa bahay. Araw-araw daw christmas sa bahay namin. Haha.

    happy new year ate mnel! :)

    lei´s last blog post…Year End Report

    Reply to this comment
  4. RJ | January 4th, 2009 at 5:27 pm

    Napakaaga niyo namang tinanggal ang mga pampaskong palamuti n’yo, Doc! Ganda pa naman, di na hinintay ang Three Kings.

    Ang mahal ng paputok! Whew! Samantalang dito sa outback ng bansang kinaroroonan ko wala akong narinig ni isang putok last new year celebration. 2 years nang ganito ang bagong taon ko.

    HAPPY NEW YEAR Doc Mnel!

    —————
    Maganda ang bagong layout ang ang …AN APLLE A DAY… Very nice! o”,)

    RJ´s last blog post…The Chook-minder’s Tucker

    Reply to this comment
  5. M | January 5th, 2009 at 8:02 am

    May kabilisan nga talaga. Halos pakonti kame nang pakonti sa pamilya sa probinsya bawat pasko, lahat nasa ibang bansa na tapos ngayong new year naman hikain kameng lahat at di makalabas dahil ng usok.

    Mga bata lang talaga ang masaya sa mga ganitong okasyon.

    Reply to this comment
  6. FerBert | January 5th, 2009 at 8:36 am

    onga napakabilis ng pangyayare.. 2009 na pala ngayon..

    ang mahal pala ng fountain kala ko tig wa 100 lang sya.. hay.. hindi masyadong masaya ang pasko at new year ko ngayon.. *siiiigh*

    happy new year doc!

    FerBert´s last blog post…Rurok

    Reply to this comment
  7. Meryl | January 6th, 2009 at 1:30 am

    Makabagbag-damdamin. Tama ba? Seryoso pero may comedy sa dulo. Hahahaha. Pero I have to agree sa lahat ng sinabi mo doc.

    Napakabilis ng bakasyon. Pero kung tutuusin ‘eto na ‘yung pinakamahabang holiday ever!

    At ang mamahal na nga ng mga paputok. Per may nabili sina erpats na fireowrks na P150 lang sa palengke, malapit na kasi mag-12 nun, hahahahaha.

    Meryl´s last blog post…Plurk… again.

    Reply to this comment
  8. reyna elena | January 6th, 2009 at 8:17 am

    forgive my pagka-sinto sinto heheh balik ako nang balik here and i said, bat naka-off ang comments sa ganda nang mga entries?! hahaha!

    kasalanan nang school ko, di tinuro na pwede rin palang Q and Kyuments Section hahaha!

    anyways just want to say thank you sa pag-visit nang aking balay and thank you for leaving your footprints day!

    reyna elena´s last blog post…Kick the Rat, let’s welcome the Ox, Happy New Year!

    Reply to this comment
  9. samjuan | January 8th, 2009 at 8:45 am

    Magandang Doktora, Happy New Year Sa’yo!
    =)

    Yes to nakakabuhay na putukan! Hehe

    Reply to this comment

Leave a Comment to samjuan

space