space

Birthday Wish

 

Gusto ko ng malupit na concealer sa birthday ko. Yung tipong matatakpan niya yung ilang buwang pagpupuyat na ginagawa ko. Kasi kung itatabi niyo ako ngayon sa tarsier, di na magkakalayo ang itsura nming dalawa. Alas-dos na pero gising pa ako at hindi ako matutulog (sana!). It’s that time again. Oh yeah! At katulad ng dati, may panaka-nakang post na naman ako sa kalagitnaan ng kaguluhang ito na tinatawag kong “death-defying exams”. Napansin ko na dumadaldal ako lalo kapag exams o busy ako. Escapist kasi ako. In denial parati sa katotohanan ng buhay  (naks!). Pero totoo. Tuwing exams ko naiisipan magpamasahe, magpa-manicure pedicure, magpa-thread ng kilay, magpa-wax at lahat ng kakikayan sa mundo na maisip ko. Meron bang nakaimbento na ng time machine diyan? Pwedeng pagamit? Kasi gusto ko nang mag-2011 at makita ang sarili kong nagmamartsa sa oh-so-posh auditorium namin at kunin ang lintek-na-pinahirapan-ako-ng-todong diploma na yan. Or better yet, i-fa-fast forward ko yung oras kung saan nahihiga na ako sa limpak-limpak na salapi.

——————————-

Speaking of birthday. Gusto ko rin ng malupit na DSLR. *hint* *hint* (sana nagbabasa si Bee dito. *evil grin*)

——————————-

Sige, magpapaalipusta na ako sa mga reviewers ko. Pffft.

——————————-

Pero seryoso ako dun sa concealer. =|

Tags:

 

Reader's Comments

  1. kulot | January 22nd, 2009 at 5:33 pm

    DSLR? wow may planong magphotography a

    Reply to this comment
  2. yin | January 22nd, 2009 at 8:27 pm

    padaan.. =) sunod na yung concealer.

    yin´s last blog post…blanko

    Reply to this comment
  3. joanne | January 22nd, 2009 at 10:53 pm

    hi ate! good luck sa exam.

    grabe naalala ko bigla yung exam namin sa econ 101. halos lahat kami nagpuyat para dun. pero wala kaming napala. kamote! hahaha!

    ^____^

    joanne´s last blog post…sa panahon ng ka-TOXIC-an, bawal magdrama

    Reply to this comment
  4. Pilar | January 23rd, 2009 at 6:48 pm

    if dlsr over concealer, sa cam nalang ! 😀 hehehe. goodluck. sana makuha mo yang gusto mo doc :) advanced happy bday :)

    Pilar´s last blog post…IBA’T IBANG KLASE NG F***

    Reply to this comment
  5. Meryl | January 26th, 2009 at 9:20 am

    Ipapadala ko na mamaya ang snail mail ko sa’yo! Hahaha. Sana sakto sa birthday mo matanggap! 😀

    Gusto ko din ng DSLR. 😐

    Meryl´s last blog post…Failed.

    Reply to this comment
  6. xG | January 28th, 2009 at 4:09 am

    at yung mas mahal talaga
    yung pinabili kay bee?

    tara
    magphotoblog na lang kasi tayo!
    sisiw lang kay bee yan
    slr?
    sos
    hahahaha

    pibertdei!
    san tayo sa bertdei mo?
    :)

    Reply to this comment
  7. Samjuan | January 29th, 2009 at 7:24 am

    Naku kayangkaya yang exams na yan doc.
    Di mo mapapansin pagdating ng berdei mo di mo na pala kailangan ng concealer. Hehe.

    Reply to this comment
  8. RJ | January 31st, 2009 at 3:28 pm

    Talagang ang mga magagandang bagay sa buhay ay hindi madaling makuha. Pinaghihirapan talaga ito. Whew! Kung pwede nga lang din sanang bumiyahe sa panahon, gagawin ko rin!

    HAPPY BiRTHDAY Doc Mnel! o”,)

    RJ´s last blog post…A TEMPORARY ‘FURNACE’

    Reply to this comment

Leave a Comment

space