space

Death Threat

 

Nagmuntik-muntikanan na ang buhay ko may dalawang minuto lang halos ang nakararaan. Akala ko magkikita na kami ni Manong San Pedro up there kasama ang kanyang mga beloved na manok. One hundred beats per minute pa rin yata ang takbo ng puso ko hanggang ngayon. Alam niyo yung kasabihang “Matagal mamatay ang masamang damo?” Pwes, totoo pala yun dahil still kicking and breathing pa ako. Thank you very much.

Inhale. Exhale.

Potaena. Hindi ako nagmumura – at least hindi harapan para sa kapakanan ng 33% ng readers kong menor-de-edad. Pero sa pagkakataong ito, pagbigyan niyo na ako. Kayo kaya ang matrap sa 1.5×2.5 sq. m. na CR kasama ang isang higanteng ipis eh kung di kayo magtititili.  Potaena talaga. Bigyan niyo na ko ng isang libong exam questions, huwag niyo lang akong iwanan sa kwartong may flipis.

Akala ko ako lang ang tao ngayon dito sa apartment pero nagkamali ako. Sa lahat naman ng kwartong pwede niyang pagtaguan eh doon pa siya magcacamouflage sa likod ng pintuan ng banyo kung saan hindi siya kita. Ang sarap pa naman ng pagkakaupo ko para sa tawag ni kalikasan (number 1 lang) – sukat ba namang makita kong may dalawang antennang gumagalaw-galaw? Kung kelan naman kailangan ko ang malupit na bladder control, dun pa nagdecide ang sphincter kong taluhin ako. Fight or flight response? Shet na malagkit. Nasan ba ang sympathetic nervous system ko?

Sa ganitong pagkakataon ako lubos na nagpapasalamat na hindi ako nahilig sa Havaianas. At least hindi masakit sa loob na ihagis yung Beachwalk right on target. Pero may sa-sixth sense ata yung ipis dahil hindi ko siya tinamaan – that o wala akong sense of depth. Kaya hayun, nagtatakbo kaming dalawa sa loob ng maliit na CR na yun: ako palayo, siya palapit sa akin. Ang bilis pa naman tumakbo ng ipis na nanganganib ang buhay. Habang hindi siya magkandarapa kung aakyat siya ng pinto o tatakbo sa sahig, ako naman ay hindi magkandaugaga kung paano ako makakatakas sa nakaririmarim natagpong yun. Wala akong kawala. Ako ang nasa losing end. Siya ang naghihiwalay sa akin at sa pintuan. Emo rin siguro yung ipis. May pagka-suicidal. Lumapit kasi siya sa akin habang nagtatatalon ako – sira ulo din pala siya. Eh kung maapakan ko siya? Instant death by a 98-lb weight yata ang hinahanap niya. Pero natutunan ko rin na huwag maliitin ang mga ipis gaano man sila kalaki (huh?). Sukat bang maiwasan niya yung pagtitinikling ko. May talent siyang magpaikot-ikot sa bawat hakbang-slash-talon na ginawa ko. At sa loob ng mahigit isang minuto, kami’y naghabulan at nagtakbuhan hanggang sa wakas ay sundan niya ang mga yapak ng libu-libong ipis na nauna na sa kanya sa kabilang mundo.

Maganda palang alternative sa pagsasayaw ang pagpatay ng ipis. Maigagalaw mo  kasi ang lahat ng muscles sa katawan mula vocalis hanggang flexor hallicis longus. Maganda ring paraan para mastimulate ang adrenal glands every once in a while. Ramdam na ramdam ko pa hanggang ngayon ang pagdaloy ng epinephrine sa katawan ko. Goodness.

Sanay akong hindi sa mga ipis.  Wala kasing ipis sa bahay namin down south. Pero sa kung anong linis at pest-free ng bahay namin doon, ganon namang exact opposite ng aming humble apartment dito sa Kyusi. Dala na rin siguro sa kalumaan at karumihan ng bahay na ito (wala kaming  maid). Mag-iisang taon na akong nakikipagpatintero at nakikipaghabulan sa mga ipis pero parang first time pa rin sa bawat pagkakataong makakasalamuha ko sila. Naalala ko yung isang gabing inatake kami ng roommate ko ng tatlong flipis sa loob ng kwarto – inabot kami ng madaling araw sa labas ng pintuan dahil hindi namin mapatay yung flying creepy crawlies. Nung minsan naman, wala naman kaming kahit anong sakit pero dinalaw pa rin kami ng siyam – o yes – NINE freaking flying ipis – sa loob ng magdamag. Hanggang sa pagtulog ay hindi kami tinantanan. Mula noon ay hindi na tuloy kami masyado nagbubukas ng bintana lalo na kung umuulan.

Ngayon ay tahimik na ang lahat matapos ang aking kahindik-hindik na pakikipagsapalaran sa isang flying ipis. Okay na akong matulog mag-isa  ngayong gabi kahit medyo malamig at masarap matulog ng may katabi. Hindi ko naman kasi kailangan ng kasama. Lalo pa yung may dalawang antenna at anim na paa. Oh please.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. RJ | January 31st, 2009 at 3:22 pm

    Wow! Nagawan ng kwento ang isang ipis, while incorporating some medical points into it. Magaling at mahusay!

    Ako Doc hindi takot sa ipis, pero sa gagamba may kaunting takot ako.

    RJ´s last blog post…A TEMPORARY ‘FURNACE’

    Reply to this comment
  2. ninong | February 1st, 2009 at 1:54 am

    hmmm… takot din ako sa ipis. lalo na kung nakapwesto ng mas mataas kaysa sa akin. baka kasi lumipad e. brrrr… nung bata pa kasi ako… blah blah blah.

    at least sa banyo ka lang na-harass. nagkaroon ka na ba ng kasabay na ipis sa fx na sinakyan mo pauwi galing eskwela habang gabi… tapos mapapansin mo lang na gumagapang sya dun sa bintana nung katabi mo habang nasa gitna ng byahe… tapos di nya napansin na mahahalikan na nya yung ipis? yrch.

    haha. unang dalaw.

    ninong´s last blog post…Mandatory Post 1

    Reply to this comment
  3. pauee | February 2nd, 2009 at 5:44 pm

    buti dito walang gaanong ipis. nakakakita lang ako sa kalsada paminsan. pero sa bahay wala, salamat naman.

    i hate them. among frogs.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space