space

The Supremes

 

Sabi niya makikipagbalikan daw siya sa iyo…

Akala ko nabibingi lang ako pero tama pala ang nadinig ko. Isang maliit na boses ang nagsabi nun sa likuran ko at para makasiguro ay lumingon na ako upang malaman kung sino ang nagsasalita. At doon ko nasaksihan ang paguusap ng dalawang paslit na sa palagay ko’y wala pang lampas dose anyos. Onse yung babae, sampu naman siguro yung lalake na pwedeng-pwede mong lunurin sa 5-foot deep na swimming pool.

Kung makikipagbalikan siya sa iyo, sasagutin mo ba?

Di umimik yung babae na busyng-busy sa kanyang cellphone.

Bakit? Meron ka na ba?

Di siya ulit umimik.

Hindi yata nila alam na may nakatingin sa kanila. Either that o wala silang pakialam – I go for the latter.

Parang gusto kong makisabat sa kanila at sabihing patintero na lang muna ang atupagin nila o kaya PSP. Pwede na rin ang kahit ano – basta wag lang muna ang usaping puso. Kung ako siguro ang mga magulang ng mga batang to, aatakihin ako ng di oras. Hindi lang basta “Aaaaaahhh!!!!” ang maisisigaw ko. Baka natranslate ko na sa iba’t-ibang lenggwahe ang salitang “Punyeta”.

Napailing na lang ako habang naglalakad papalayo sa kanila. Ironic. Ang mga bata nagpupumilit tumanda habang ang mga matatanda, nagmumurang parang bata. Gusto ko siyang pangaralan at sabihing Tanner Stage 2 palang siya at pagdaanan muna niya ang Tanner Stage 3, 4 at 5 bago niya atupagin ang pakikipagligawan. Nakakatawa. Para ko kasing nakita ang sarili ko sa kanila.

Kung prutas lang ako, ako yung prutas na maaga nagpapitas. Nagka-boypren sa edad na *drumroll* onse anyos. Nagsisimula palang akong magsuot ng sando-bra kumekerengkeng na ako at feel na feel ko ng dalaga na ako. Ngayong matanda na ako ay tsaka ko lang napagtanto ang kagagahan ko. Pero ano ba ang malay ng isang paslit tungkol sa pag-ibig? Wala. Para lang cool ka at nasa uso. Hindi ba ganun naman yun? Kapag bata ka, excited kang makipagligawan, makipag-HHWWPSSP habang naglalakad sa SM – di alintana ang mga kunot-noong tingin ng mga gurangers sa iyo. Bakit ba? Hindi ba nila naiintindihan na pwedeng magmahal ang bata? – ang gasgas na linya ko noon. Kung pwede lang bumalik some 12 years back, ako na mismo ang babatok sa sarili ko at sasabihing: “Sira. Hindi mo alam ang pinapasukan mo.”

The patient’s past history of first relationship is uneventful.

Kakailanganin ko yatang gumawa ng kwentong isasaksak sa utak ng mga apo kong magpapakwento sa akin ala-Lola Basyang. Napaka-anti-climactic kasi ng unang kwentong-pagibig ko. Isang makalumang kwento ng kamartiran (at katangahan).

Gusto ni A si B na ang niligawan ay si C na best friend ni A na nililigawan ng best friend ni B na si D.

Kung sino ako diyan ay kayo na ang humusga. Sapat na ang sabihin kong sinagot ko yung manliligaw ko para magkatuluyan ang dalawang taong parehong malapit sa puso ko. O ha? Onse anyos palang, emo na ako. Iyon na yata ang pinakamatagal na isang buwan at isang araw sa tanang buhay ko. Gagamitin ko yung mga salitang sinabi niya sa akin: para ko daw siya binigyan ng kendi na babawiin ko naman pala ulit (noon palang uso na ang emo). At doon nagtapos ang paguusap naming dalawa.
Kung tatanungin ako ngayon, pinanghihinayangan ko ang pinalampas kong pagkakataong magkaroon ng makabuluhang unang pag-ibig. Lalo na nung maintindihan ko ng lubos na ang relasyon ay may kamunduhang nakakabit hindi nagsisimula at nagtatapos sa kaunting pakilig-kilig. Pero kung nanghihinayang ako para sa sarili ko, mas pinanghihinayangan ko yung nabigyan ko sana siya ng pagkakataong magkaroon mas makabuluhang unang girlpren, yung susuklian yung pagtingin at pagpapahalagang ibinigay niya – kahit na sino. Basta huwag lang yung ingratang katulad ko na hindi na siya pinansin kahit madaanan pa siya ng trak – ever.

Isang babae na mas deserving sa mga mensaheng huling natanggap ko sa mula sa kanya:

“Mahal pa rin kita.”

And that was some six years after.

——————————————————
For the record, humingi naman ako ng tawad sa ginawa ko… pero hindi ko na alam kung ano ang nangyari pa sa kanya.

 

Reader's Comments

  1. lei | January 14th, 2009 at 2:31 am

    woah. kilig naman ako! haha. nko, ingarata ka ate mnel? maniwala! haha. ok lang yan, ganun tlga pagmaganda.. maagang napipitas. lol. =)

    Reply to this comment
    • mnel | January 14th, 2009 at 3:38 am

      contrary to popular belief ay hindi ako kinikilig dahil di ko siya gusto. oo. ingrata ako dahil pinunit ko lahat ng sulat niya because of disgust sa ginawa kong pagsagot sa kanya tapos di ko siya pinansin o kinausap hanggang sa di na kami nagkita. tsk tsk. wala talagang kwenta ang lovelife ko – at least noon.

      Reply to this comment
  2. abou | January 14th, 2009 at 3:14 am

    ikaw ba si A?

    Reply to this comment
  3. The Gasoline Dude | January 14th, 2009 at 6:17 am

    Ikaw si C! Teka, tama ba? Hehe. Wala ka naman dapat panghinayangan. Maybe it was not really meant to be. Siguro by now eh natutunan na niyang tanggapin ‘yun.

    Nagulat ako sa background music. Ewan ko kung bakit, siguro dahil naalala ko bigla si Anna Larrucea. *LOLz*

    Reply to this comment
  4. Pilar | January 14th, 2009 at 12:31 pm

    hai ang mga pers lab. talaga namang makabuluhan. natatawa ako sa usapan ng mga bata ngayon, akala mo matatanda na kung magsisalita. pareho tayo ng feeling doc, na parang gusto bumalik sa taym para maiayos ang mg pagkakamali. may share op storis din ako prom may perslab pero saka na. okay na yan, let’s charge everything to experience. sana lang matagpuan nila ang tunay na magmamahal sa kanila. (emo)

    Reply to this comment
  5. dana | January 14th, 2009 at 7:36 pm

    sisno ka kaya dun. si C ka?

    Reply to this comment
  6. lei | January 16th, 2009 at 3:34 am

    for sure ikaw si A. kasi sabi mo.. para magkatuluyan yung 2 mahal mo. haha. ikaw nga ba si A?

    lulilulilulilu

    Reply to this comment
  7. lunes | January 16th, 2009 at 8:38 am

    salamat docmnel sa pagbati… naku di pa ako nakakapagbasa uli rito.. bagong bihis..ang cute…mwah!!

    Reply to this comment
  8. Meryl | January 19th, 2009 at 8:44 pm

    Onse anyos? Hahaha. Ang bata mo naman, Doc. Hahaha. At natuwa ako at may music pang kasama. Pero bakit nga ganun, ano? Ang mga bata pilit gusto tumanda, samantalang tayo gusto natin bumalik sa stage na wala kang ibang inintindi. Hay. Ganun yata talaga ang learning process.

    Meryl´s last blog post…Sticks and stones and weed and…

    Reply to this comment
  9. xG | January 20th, 2009 at 12:55 pm

    onse anyos
    naglalaro pa ako nun sa kalsada
    habang nakasando
    😐

    hindi mo matatawag na pagibig
    kung walang kumplikasyon

    makapagantay nga ng magiging perslab
    :)

    xG´s last blog post…marain devotte

    Reply to this comment

Leave a Comment

space