space

Drug User

 

General Data:  MGT is a 20+ year-old female, single, Roman Catholic hailing from Quezon City. The informant is the patient herself with good reliability for consistent information.

CC: cough

HPI: One week prior to consult, the patient developed rhinorrhea, initially clear, associated with lacrimation and sore throat. There was no cough and no fever. The patient self-medicated with Phenylephrine HCl + chlorphenamine maleate +  paracetamol (Neozep) taken when rhinorrhea interfered with activities. There was little improvement.

Interim, a change in consistency was noted from clear and watery to greenish and mucoid. Patient developed productive cough of same consistency. There was increasing difficulty of breathing with noted slight wheezing. Patient claimed to feeling feverish but temperature was not measured quantitatively. The patient self-medicated with Paracetamol (Biogesic), taken as needed, with little improvement.

The persistence of these respiratory symptoms prompted the patient to seek consult today.

Past Medical History: The patient has asthma, mild & intermittent, presently maintained on Salbutamol (Ventolin) inhalers two puffs as needed.

I have a confession to make: I’m taking drugs.

Parang 3-o’clock habit na lang na taun-taon nagkakasakit ako. Parehong sakit each and every time na magpapakonsulta ako. URTI with exacerbation of asthma. Kung disease spectrum ang paguusapan, ito yung nasa kabilang dulo na mas morbid sa simpleng sipon kaya ayaw na ayaw ko ang sinisipon at binabahing.

Hindi magandang kombinasyon ang stress at sipon – yan ang napatunayan ko sa loob ng tatlong taong nagpapaka-alipin ako sa mga gahiganteng libro na mas masarap tulugan kesa basahin. Taun-taon na lang ganyan ang setting ng pagkakasakit ko: sisipunin ako, toxic sa papers at kung anu-ano pang aktibidades at malapit na ang exam period. Kumbaga sa concoction yan ang special mixture na kailangan ko para matigil ako sa bahay sa ilalim ng malambot at makapal na kumot. Pero in theory lang yan dahil sa totoong buhay hindi naman ako pwedeng humilata na lang at magpahinga. Baka kasi magpahinga din bigla yung mga grades ko. Oo. Grade-conscious ako, bakit ba? Eh sa natutustusan ng pagka-OC ko sa grades ang pag-aaral ko. Panalunin niyo ko sa lotto mamayang gabi at promise, kahit isang taon niyo pa akong pagpahingahin sa kama eh gagawin ko. Kung gusto  niyo eh gagawin ko pang dalawa.

Mas magaling mag-convert ang lotto kesa kay Bro. Eddie Velarde. Biruin niyong ultimo hindi naniniwala sa swerte eh napapataya ng di oras kapag ganitong lumulobo ng mahigit dalawang-daang milyon ang jackpot? Which brings me to this question: Anong pagkakaiba ng pila ng lotto sa pila sa pelikula ni Marian Rivera?

.

.

.

.

Sagot: Sa pila ng lotto walang JJs at mayaman. Ayoko na masyado mag-elaborate dahil baka sugurin ako bigla sa sarili kong blog. Alam niyo naman ang mga fanatics, daig pa nila ang mga bubuyog na may homing device.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. The Gasoline Dude | February 22nd, 2009 at 5:15 pm

    At talagang kailangang banggitin si Marian Rivera? *LOLz* Malapit ka na naman atang matapos sa Med. Konting tiis na lang ‘yan.

    The Gasoline Dude´s last blog post…La Vida Lola

    Reply to this comment
  2. igno | February 23rd, 2009 at 2:12 am

    Fan ata ako ng lotto at ni marian kaso di ko pipilahan si marian talaga.

    Mag yosi ka lang doc; mawawala yan na parang magic.

    Reply to this comment
  3. Meryl | February 23rd, 2009 at 4:23 pm

    Ang busy busy mo kasi talaga, Doc. Mahirap na nga ang med school ang dami mo pa yata extra-curricular chorva.

    Basta pahipahinga ka ng konti minsan, tulugan ang makakapal na libro! Haha.

    Meryl´s last blog post…Mely.

    Reply to this comment
  4. saminella | February 23rd, 2009 at 5:53 pm

    pagaling ka doc. xoxo. meow

    Reply to this comment
  5. siangelnawalangpakpak | March 3rd, 2009 at 7:41 pm

    naku, parehas pala tayong sick ngayon doc? napakastressful din kasi para sa akin yung natapos na board exam kung kaya’t pagbalik ko galing cebu, saka naman ako tinablan ng lagnat, ubo, sipon at lecheng LBM. ako lang yata ang nagcelebrate ng thanksgiving dinner na 30 minutes lang nagpakita sa mga bisita tapos nagpaisolate na sa kwarto upang magpahinga at magjebs.

    okay lang yan… at least, andyan naman si B para mag-alaga sa yo. Yiheee…

    paggaling ka doc! =)

    siangelnawalangpakpak´s last blog post…Asan Na Ang License Number Ko?

    Reply to this comment
  6. Pilar | March 4th, 2009 at 11:32 am

    ay ikaw pala yung nasa taas, kala ko pasyente na ginawan mo ng abstract lol. ganyan din ako dockie. may certain point sa isang taon na kailangan akong sipunin, ubuhin, lagnatin, at hikain, all on the same instance. pag nabababa resistance natin tapos stressed pa, talagang aatakihin tayo nyan noh? hirap ng may hika. pero pagaling ka dockie, konting tiis nalang at sa susunod ikaw na ang may hawak ng oras mo. on call ka nalang. 😀

    Reply to this comment
  7. kirk | March 9th, 2009 at 7:57 am

    stress + sipon = sakit sa ulo, ako pa naman kapag sinusipon ako, kung hindi nababadtrip ako eh masakit ang puwang sa pagitan ng labi at ilong ko, yung parte na parang bridge na sinasabi nila na kapag wala ka nun eh isa kang aswang. paano sasakit yun eh kung makapunas ako eh parang wala ng bukas.

    pagaling ka, exams week na. (kung may sakit ka ulit)

    kirk´s last blog post…Blue on Gray and Black

    Reply to this comment
  8. kikilabotz | March 10th, 2009 at 8:23 pm

    uhhmmm tama mahirap magkasipon lalo n kapgnagaaral k. minsan matutuluan ang page ng libro mong binabasa. haha. saka hirap magconcentrate kz ang hirap huminga . kelangan p nmn natin ng oxygen s utak para mas mgnda ang pasok ng info.

    ok lng nmn mging drug user eh huwag lng mging dependent maxado at mging addik db? doc? hehe

    haaaayy. lam q na balang araw mgiging magaling k ring doktor at sana huwag maging masungit sa aming mga nurse ha? hehe

    kikilabotz´s last blog post…when she came

    Reply to this comment
  9. en-ey* | May 1st, 2009 at 11:20 pm

    ang daming sinabi ni kirk, nagexplain pa ng aswang thingy. . .

    hmmmm, at wala kang replies, busy nga ang ate doc. . .

    oo. . .peste talagang mga jjs. . .ang lakas ng loob makipagsiksikan sa mga tao, di naman naliligo. . .parang palaging namamatayan kaya bawal maligo.. . .whatta. . .

    namis ko dito.☺

    Reply to this comment

Leave a Comment

space