space

Mary-Kate and Ashley

13 Feb 2009 Featured, phail!
 

Alam mo ba ang unspoken rules ng ethics, ha ate???? Hindi por que bumibili ako sa iyo ng barbecue every two weeks sa loob ng tatlong taon ay close na tayo. At hindi por que nakabuklat sa pahina ng mga push-up bra ang so-yesterday na catalogue mo ng Avon eh may balak na kaming umorder sa iyo ng padding pampalaki ng future. At hindi mo ba napansin na hindi ako yung nakikiusi sa catalogue mo na pagkamahal-mahal ng mga paninda? Dalawang bagay lang yun ate: una, hindi ako interesado at pangawala, hindi ako interesado. Pakialam mo ba kung man-boobs lang ang meron ako? Hindi naman ikaw ang malulugi. Hayaan mo nang problemahin yun ng hahawak (starts with the letter B … boy! :P).

Kung tumigil ka na sana sa mga katagang: “Kailangan mo ng push-up bra“, baka nag-charity work pa ako at bumili sa iyo – pero hinde! Hindi ka pa nakuntento sa pagturo sa dibdib ko (or to the lack thereof) at kailangan mo pa talagang dagdagan ng “walang-wala o, parang bata” ang pangaalipusta mo. Kumbaga sa pang-aapak, tinalun-talunan mo pa ko. Sa pagkakatanda ko, hindi naman ako kailanman nagpanggap na malaki ang future ko o nameke ng cleavage sa pamamagitan ng make-up. At kung sa inaakala mong kailangan ko ng boobs para mang-akit ng lalake, pwes nagkakamali ka dahil hindi lahat ng lalake eh naghahanap ng malaking boobs. Meron ding tumitingin sa ano… sa mukha! Alam kong walang pagkakaiba ang front at side view ko pero may  face value naman ako kahit 0.001% at isa pa… wala ka namang alam kung gaano ako kagaling magmasahe no! Bakit? Si Katie Holmes nga may Tom Cruise, ikaw? Sinong sa iyo?

Siguro yan ang epekto ng nauusukan ang utak sa loob ng ilang dekada sa pagiihaw ng barbecue. Hindi naman sa ipinapamukha ko sa iyo na inamag ka na diyan sa ginagawa mo, pero kung yan ang naiisip mo eh wala na akong magagawa. Ang punto ko lang eh wala sa laki yan – nasa performance. Aber, at least hindi ako mahihirapang magjogging sa umaga, mahihiyang mag-two piece dahil mukha akong suman sa ibus na naguumapaw o matakot sa breast-crusher este mammogram.

Sayang. If looks could kill, dadalaw na sana ako sa lamay mo. Consider yourself lucky. Pasalamat ka ate barbecue, mabait akong tao – pero nagtatanim ako ng galit kaya sorry na lang. I may be flat but my head and wallet aren’t. Tse!

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. Meryl | February 13th, 2009 at 10:07 pm

    Lemme guess…

    Ang Mary-Kate and Ashley ay pangalan ng set ng panty at bra? Hahaha. Shit ‘yan. Nilalapastangan ka ni ate barbecue!

    Rant galore ka dito! Hahaha. Natawa ako sa’yo, pramis!
    Hapi balentayms!

    Walang wala oh! Parang bata! Hahaha.

    Meryl´s last blog post…Pisti.

    Reply to this comment
  2. Gugol | February 14th, 2009 at 2:34 pm

    ay, ‘day… sakin ka na lang bumili… tarush!

    Gugol´s last blog post…Boss Bajongjong and The Love Machine

    Reply to this comment
  3. Yvie | February 17th, 2009 at 9:35 am

    Hay, korek ka dyan pinsan! Sa totoo lang men loves boobs in all sizes. Pero hindi naman puro boobs lang tinitignan nila. Korek ka dyan! :D!

    Bakit ba obsessed ang mga baba sa pagpapalaki ng hinaharap kung wala ka namang magandang pwet? May kanya-kanya tayong asset. Basta importante maganda tayo at ang kalooban natin :D!

    Hahaha. Lumipat ka na ng bibilhan ng barbecue, cuz.

    Reply to this comment
  4. mia | February 17th, 2009 at 3:56 pm

    sus yan. tama bang magbenta ng push up bra sa tindahan ng barbeque-han? hehehe. wag ka na dun bibili 😛 lipat ka na lang

    Reply to this comment
  5. ignoramous | February 18th, 2009 at 3:13 am

    Sana binola mo nalang doc. 12 isaw plus 12 bbq e dapat may libreng bra.

    Reply to this comment
  6. Pilar | February 18th, 2009 at 10:46 pm

    naku galit ang doc! okay lang yan si ate bbq, kaya nga ate bbq e. alam mo na yon. lol

    Reply to this comment
  7. joanne | February 22nd, 2009 at 2:44 am

    hahaha! natawa naman ako. sana ate sinapak mo si ate bbq, o kaya tinusok mo ng bbq stick. joke! hahaha!

    Reply to this comment
  8. xG | February 22nd, 2009 at 11:48 am

    LOLOLerskeitz
    ayan ba yung nagtitinda sa tapat ng iskul niyo?
    kung yun pwes isinusumpa ko sila
    dahil di nila ako binigyan
    ng additional barbeque

    infairness naman sa akin
    hindi pa naman ako nasabihan
    na kailangan ko ng pushup bra

    although alam nila efbee
    at mariano at kung sino pa ba
    yung nakasama ko nun sa meatshop
    na may padding ang bra ko
    yun ay dahil sa ginagamit kong proteksiyon yun
    tuwing iinom ako

    doc
    medyo natakot ata ako
    sa ‘nasa performance yan’
    baka magulat na lang ako
    tumambling dede ko
    wag naman
    hahahahaha

    ang tanong:’
    kamusta naman ang dede ni ate barbeque?
    hahahahaha

    xG´s last blog post…priceless

    Reply to this comment

Leave a Comment

space