space

Welcome to My World!

 

Uh, hello? May tao pa ba dito?

Wala ng bumibisita sa blog ko. Poor me. Mabuti pa ang amag, gustong mamalagi dito pero ang tao hindi… na. Matagal din akong walang updates. Bakit kaya?

Huling update ko eh nag-eexam ako pero para sa ikapapayapa ng loob ng lahat, matagal nang nagtapos ang pagsusulit ko. Maawa naman kayo sa akin at huwag kayong sadista. Sabi nga nila di ba? Nothing is permanent in this world. Kasama na dun ang exams. Hindi lang talaga ako nalalagi dito sa blogosperyo nitong mga nakaraang araw kaya wala kayong nahihita sa akin. Nasabi ko naman na stubborn ako di ba? At kapag tinamad akong magsulat eh walang makakapilit sa akin. Dagdagan niyo ng Hershey’s Cookies and Cream na bribe at baka (moooo) kumagat ako.

Kidding aside.

Masamang kombinasyon ang writer’s block at pagkawalay sa internet. Napapababa nito ang Alexa ranking at pagerank ng isang blog. Kaya kung maghihiatus kayo eh siguraduhin niyong may access kayo sa internet kahit may exam kayo o kaya eh marami kayong oras kahit walang internet. Hindi pwedeng sabay. Or else, magigising ka na lang isang araw na nag-C-CPR ka na ng blog mo.

Pero wag kayong magtampo, Nageffort naman ako na maglagay ng updates dito. Patunay na yung pagkarami-raming drafts na pumuno sa dashboard ko… uhmm… mga dalawa… hehe… kaya lang mahal ko si Mother Earth kaya ayoko maglagay ng basura sa blog ko. Hayan, nalusawan na ako ng neurons sa exams, nakipag-EB na ako sa mga tarsiers, nadapuan na ng mga paru-paro sa Cebu, naglipat-bahay at nawalan ng internet sa QC at nag-back to basics sa Anawangin pero wala pa rin akong nabuong entry. Akala ko noong una, hindi ako makakatagal at magkaka-withdrawal symptoms ako pero nagkamali ako. Masarap pala ang bumalik sa buhay na nakagisnan mo bago mo pa nakilala si Google at WordPress. At mas masarap pala matulog bago mag-alas dose ng hatinggabi.

Isang buwan at dalawang araw lang akong nawala pero ang daming bagay na ang dumating at dumaan. Patikim sa kung ano ang mamimiss ko ngayong nagsusuot na ako ng puting sapatos at magkakalyo sa kalalakad sa ospital. Opo. Medical clerk na po ang inyong abang lingkod. Isang buong taon na ang gugugulin kong naglalabas-masok ng ospital doing errands for those higher in the food chain. Isang taon lang naman ito at katulad ng ilang ulit na paalala sa amin: tiis-tiis lang. Sa totoo lang, wala pa nga akong karapatang magreklamo dahil maswerte pa ako kung tutuusin. Kumbaga sa tindahan, soft opening (Commercial: Hindi ko mawari hanggang ngayon kung anong sense ng soft opening kung wala namang hard opening so to speak). Hindi pa ako nag-aala-German Moreno (walang tulugan!) o nagrurush gumawa ng clinical summary. Maswerte akong hindi pa mukhang zombie at bangag habang naglalakad-slash-tumatakbo sa corridors habang ang mga kaklase ko ay kailangang mag-IV ng kape para lang manatiling gising.

Ngayon palang, natatakot na ako. Malapit na kasi matapos ang maliligayang araw ko sa OPD. ER pm shift pa naman ang susunod ko. Sana simpleng sakit lang ng tiyan ang una kong kaso at hindi ako masyado gimbalin ng nagseseizure na bata o trauma case. Nakakahiya talagang aminin pero nandiyan talaga ang lingering feeling of ignorance. Yung pakiramdam na wala ka halos maitulong para pabutihin nag pakiramdam nila. Nakakatakot. At siyempre, ayoko rin namang masigawan.

Hindi ko mapapangako na makakapagblog ako ng tulad ng dati. Kung kelan naman marami na akong maikkwento dun naman ako nawalan ng oras para magkwento. Kung meron man akong maiiwan, yun ay ang pangakong hindi naman siguro ako maghhiatus forever. Hanggang kaya. (“,)

Sige back to sleep.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. X | April 4th, 2009 at 2:01 am

    binibisita ko kaya ang blog mo once in a while… ikaw mismo ang hindi bumibisita sa blog mo lol…

    Pahinga na! Nang matigil na ang hika!

    X´s last blog post…Bongga!

    Reply to this comment
  2. Samjuan | April 4th, 2009 at 3:09 am

    Good to hear back from you Doc. Ayus lang yan, kayang kaya mo yang mga pagsubok mo. Dito lng naman ang blog mo at mgamambabasa mo. Mabuhay ka!

    Reply to this comment
  3. RJ | April 4th, 2009 at 1:08 pm

    May tao pa naman, Dos Mnel. Ikaw lang naman ang nawawala sa blogosphere, eh.

    Whew! Pwede palang IV ang kape?! o”,)

    RJ´s last blog post…Nagbabalik at Magbabalik

    Reply to this comment
  4. mia | April 8th, 2009 at 2:41 pm

    uy. kaya mo yan! hehehehe. lbm vomiting lang unang case mo. 😛 miss you

    Reply to this comment
  5. ignoramous | April 11th, 2009 at 1:01 am

    Dapat talaga doc nagsinger, dancer o artista ka nalang. tisktisktisk

    henyway, napadaan dahil everyday heydei. 😉

    Reply to this comment
  6. Yvie | April 22nd, 2009 at 2:02 am

    Hi Cuz, goodluck sa clerkship. I am sorry that I can’t give you any decent advice on how to cope with it pero alam ko na kaya mo yan. It’s your calling ‘di ba?

    Reply to this comment
  7. kulot | April 23rd, 2009 at 3:52 pm

    ako po ay, humihingi ng konting pabor nangongolekta po ako ng mga litrato http://www.kutserongkulot.com/?p=253

    Reply to this comment
  8. Ikaw at Ako | April 29th, 2009 at 8:58 pm

    wow med..

    astig.

    Ikaw at Ako´s last blog post…Si BebeKo

    Reply to this comment
  9. siangelnawalangpakpak | June 8th, 2009 at 7:56 pm

    yeheyy… hindi lang pala ako ang nawala ng ilang buwan, pati ikaw rin. anyway, im glad you’re back, pwede na nating isabay ang ating pakain sa ating welcome back party.

    char! feeling close! hehehe…

    hay naku, i understand what you’re saying. pero sa totoo lang, noong clerk ako, mas madalas akong nakakablog kasi andami kong gustong ikwento about life in the hospital and the pople you meet there. isama mo na rin ang fact na masarap talaga siyang outlet (wala naman akong sex life dati kaya blogging na lang ang outlet ko) after a very stressful day at work.

    goodluck at sana hindi ka masyado masigawan diyan ng mga residente at consultants mo. isipin mo na lang, bumabawi lang yan sila sa mga pinaggagagawan sa kanila dati ng mga residente at consultants nila =)

    siangelnawalangpakpak´s last blog post…Nang naligaw si Angelnawalangpakpak sa Public Health

    Reply to this comment

Leave a Comment

space