space

Stuck

11 Jul 2009 Uncategorized
 

Social life? Nakakain ba yun?

Nandito ako ngayon sa delivery room. Huling apat na araw at kalahati ko na sa rotation ko sa Anesthesiology. Three IV insertions, three intubations, two spinal anesthesias, and countless interviews after, sumagi sa isipan ko ang mag-Anesthesiology. In all honesty, pinasok ko itong elective na ito dahil hindi ako emotionally ready mag-DRE (digital rectal exam) everyday for 15 days of my life. Hindi ko naman naisip na maaadik ako sa mga gamot matutuwa pala akong maghalu-halo ng kung anu-anong gamot at magpatulog ng pasyente eventually.

Ang pamimili ng residency training ay parang pagshshopping. Kailangan ikutin mo yung buong mall para makapamili ka ng husto. Parang pagrorotate yan sa iba’t-ibang departments sa ospital para makita kung ano ang mapupusuan mong propesyon dahil aminin ko man o hindi, hindi ako makukuntento sa pagiging (future, with fingers crossed) GP. Alam ko na ichchallenge at ichchallenge ko ang sarili ko and aim higher and bigger. Pero hindi siya isang malaking biro dahil ngayon palang ramdam na ramdam na namin ang mga bagay na kailangang isakripisyo para sa napili naming propesyon. Katulad na lang ngayon, alas-siyete na ng gabi. Habang abala ang lahat sa pagaayos papunta sa kung saang gimik, nandito ako sa loob ng DR, nakakulong, suot ang scrubs at nagmumukhang basahan. Kung naging mas wais sana ako at nagpaka-businesswoman na lang malamang kasama ako sa milyun-milyong taong nasa labas ng DR na ito at nagpapakasaya kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Dapat napupuyat ako sa kaiinom at kakaparty.

Dapat kumakain ako sa tamang oras.

Dapat natutulog ng walong oras bawat gabi.

Pero hindi.

Dahil kahit anupaman, masarap pa rin sa tenga ang tawaging “doktora”. :)

So help me God.

 

Leave a Comment

space