space

Third Eye Blind

 

Ang pagsusulat ko ay parang isang sakit…
Minsan sa isang buwan kung dumating.

———————–

Itago na lang natin siya sa pangalang Jerry. Sandali lang ang pagtatagpo ng aming landas. Humigit-kumulang tatlong minuto lamang. Nagsimula ang lahat sa kahabaan ng Kamuning kung saan noo’y nakatayo ako sa tapat ng isang sikat na tindahan ng gamot at nag-aabang ng sasakyan. Hindi pa naman kalaliman ng gabi ngunit madalang na ang mga dyip na patungong Araneta.

Nakita ko siya – sila – isang mamang matangkad na may hawak na baston at isang mamang marungis. Mula sa kinatatayuan ko’y alam kong isa sa kanila ang may kapansanan ngunit hindi ko inaasahang si Jerry pala: yung mamang matangkad na may hawak na baston na noon pala’y nakasuot ng madilim na salamin sa ilalim ng sikat ng buwan. Pagkaraang maihatid ng mamang marungis na may malinis na puso si Jerry ay saka siya bumalik sa kabilang dako ng daan – at si Jerry nama’y naiwang mag-isa. Binilang ko ang kanyang mga hakbang… Isa… dalawa… tatlo… At sa bawat niyang hakbang ay kasabay nito ang pagpalo ng kanyang baston ng ilang ulit sa daan. Apat… lima… anim… Hindi ko alam kung bakit pero animo’y may kakaiba akong naramdaman: awa, paghanga at pag-aalala. Heto ang isang may kapansanan na mag-isang naglalakbay sa kahabaan ng Kamuning patungo sa kung saan. Ngunit wala sa mukha niya ang kahit anong bakas ng pag-aalala sa kung anong klaseng kasamaan ng mundo ang maaari niyang maabutan sa kanyang pag-iisa. Ni hindi niya inalintana ang dalawang beses niyang muntikanang pagtumba sa loob lamang ng halos isang minuto niyang paglalakad. Wala sa mukha niya ang pangambang mahagip siya ng humaharurot na sasakyan sa kahabaan ng Tomas Morato na noo’y kanyang tatahakin. O di kaya’y kanyang alintana ang laway na nalaglag sa puti niyang sapatos na goma nung siya’y dumura sa daan. Sa pakiwari ko’y para siyang nag-aalay ng buhay sa bawat segundong inilalagi niya ng mag-isa sa daan.

There he was, alone and vulnerable relying only on the purest of hearts that surrounds him.

Maya-maya’y dumating na ang dyip na pinakahihintay ko. Hindi ko na siya nakita o nasilayan kahit man lang ang kanyang anino na nilamon na ng kadiliman. May tatlong minuto ko rin siyang napagmasdan – makabuluhang tatlong minuto ng buhay ko.

Ibang klase talaga gumawa ang kamay ng Panginoon. Hindi ko inaasahan na sa kalaliman ng gabi ng araw na ito, ika-30 ng Hulyo ay maipapaalala sa akin ng Diyos kung gaano ako – tayo – kaswerte na naisusulat ko at nababasa ninyo itong maikling akdang ito.

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. xG | July 31st, 2009 at 2:10 pm

    sa susunod na makita mo sila
    subukan mong iparamdam ang paghanga mo
    😀

    minsan parang mas maganda pa nga
    na bulag na tayo
    sa gayon
    inosente ka sa kasamaan ng mundo
    .-= xG´s last blog ..rice of the chiksilog =-.

    Reply to this comment
  2. Rommel | August 13th, 2009 at 8:52 pm

    Wow, inspired by Third Eye Blind? 😀 Lol. Smile naman Doc Mnel.
    Naalala ko tuloy semi-charmed life. 😀 haha

    Whatta great post 😀
    Linked you up na pala in my new blog 😀

    Reply to this comment

Leave a Comment

space