space

Nang Mapakyaw Ang Kuto

15 Nov 2009 Featured, isyu
 

Sorry. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Katatapos ko lang mapanood ang simula ng Manny Pacquiao-Miguel Cotto fight – yung parte na kinakanta yung national anthem ng bawat bansang involved at hindi ko mapigilan ang madismaya. Sa totoo lang wala akong pakialam sa laban na yan. Hindi ako fan ng isina-formal na suntukang kalye. Naniniwala akong pinapatotohanan lang ng “larong” boxing ang pagiging innately violent ng tao (na mas pinalala pa ng wrestling at UFC). Kaya lang naman ako “nanonood” eh dahil dalawa sa tatlong kompyuter at isa sa apat na TV dito sa bahay ay naka-tune in sa labang ito. (Nakakatawang hindi pa sila nakuntento na pinapanood nila live yung laban at pati sa delayed telecast eh naka-tune in sila). Wala akong choice. Kahit na nasa piliin kong magkulong sa kwarto ko, naririnig ko pa rin yung blow-by-blow account ng mga anawnser sa TV.

Nakakatawa rin ang nanay ko. Ayaw nun sa violence pero napipilitang manood ng boxing dahil gusto raw niyang mapanood kung may pipiyok sa pagkanta ng Lupang Hinirang. How cruel. Ngayon alam niyo na kung bakit maldita ako.

“Tatlo yung kumakanta ng Lupang Hinirang.” sigaw ng kapatid ko mula sa kwarto niya. Nanood ako sandali at doon ako nadismaya. Sino sila? Bakit ganun ang arrangement ng Lupang Hinirang? Bakit sila nagsasapawan? At sa pagbabasa-basa ko eh nalaman kong sila pala ang La Diva. Hindi ako kapuso kaya hindi ko sila kilala pero minsan ko na yatang nakita ang mga videos nila sa youtube. Pero hindi na yun ang mahalaga. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nilang pagkanta. Anong nangyari sa “pangakong” kakantahin ang Lupang Hinirang ayon sa batas?

Republic Act 8491. Section 37. The rendition of the National Anthem, whether played or sung, shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe.

Meron pa bang ibang bansa ang tahasan kung lumapastangan sa sarili niyang pambansang awit? Wala na yata. Onli in da pilipins! Makakalimutan ba natin itong rendition ni Martin Nievera noong huling laban ni Pacquiao kay Hatton?

Pero mas kapata-patawad na ito kesa sa nangyaring pagkalimot ni *gasp* Christian Bautista *gasp* sa lyrics ng Lupang Hinirang:

Nakakainis. Parang hindi nadala. Alam ko na marami sa atin ang bastos at walang-modo pero sana naman kahit man lang sa pambansang awit eh matuto tayong gumalang dahil kahit saang sulok ng mundo, ganun ang lahat ng tao saan mang lahi nanggaling.

Marching-type ang tempo ng pambansang awit at hindi pop. Inuulit ko. Marching-type at hindi pop. Kahit na gaano pa kaganda sa pandinig ang pop arrangement; at kahit na gaano mo pa gustong magpasikat kung gaano kataas ang boses mo, marching-type pa rin ang Lupang Hinirang. Malas lang ng mga arranger-wannabes na nauna si Julian Felipe sa pag-aayos ng pambansang awit. Dahil kahit bali-baliktarin ang mundo, marching-type po ang Lupang Hinirang at hindi pop.

Hindi ko alam kung anong klaseng topak ang pumapasok sa kukote ng mga nagmamagaling na nagbabago ng arrangement ng Lupang Hinirang, pero hindi ba kaaya-aya naman sa pandinig ang orihinal na tempo nito?

Kaya eto ang million dollar question: Bakit kailangang maging diva moment?

Sa lahat ng narinig kong kumanta ng Lupang Hinirang, pinakagusto ko ang rendition ni Kyla sa Pacquiao vs Barrera fight noong 2007:

Simple. Walang arte. At higit sa lahat hindi parang preview ng isang upcoming concert.

Sigurado ako maghuhuramentado na naman ang NHI nito.

————–
“Pacman vs Kuto” courtesy of Efbee.

Tags: , , , ,

 

Reader's Comments

  1. utakmunggo | November 15th, 2009 at 3:28 pm

    hinahanap ko yung engoticon na eyeroll. wala na pala ako sa plurk. haha..

    oo, isang irap para sa mga naghahangad na “pagandahin” ng ayon sa “kanilang sariling bersyon” ang lupang hinirang.

    OT: feel na feel ko talaga ang linyang, “buhay ay LANGIT sa piling mo.”

    Reply to this comment
  2. taroogs | March 13th, 2010 at 9:01 am

    wehehehe… natawa ako sa post na to kasi nakaka-relate ako ng todo. naging cringe-inducing moment na talaga yung ending ng lupang hinirang as sung by manny’s chosen singer(s).

    para maiba, bakit di na lang si manny mismo ang kumanta sa sunod niyang laban? kakaiba yun, di ba? at may K naman siyang kumanta.

    nice blog, kapatid :-)
    .-= taroogs´s last blog ..Di ba kapag FRAGILE, maingat dapat? =-.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space