space

Shopping

15 Nov 2009 emotera, Featured
 

Katulad ng iba diyan, mahilig akong magbibibili online. Marami-rami na rin akong nabili gamit lamang ang ilang pitik ng mouse at ilang click ng keyboard. Madali kasing mag-online shopping.

  1. Hindi mo na kailangang maligo at magbihis. Bagay na bagay sa mga hydrophobic gaya ni Mariano.
  2. Kung simpleng mamamayan ka: Hindi ka na makikipagunahang sumakay ng jeep, bus, FX o MRT… in no particular order.
  3. Kung simpleng mamayan ka pero medyo sosyal: Hindi ka na mahihirapang pumara ng taxi lalo na kung umuulan.
  4. Kung simpleng anak ka naman ni Gad: Hindi na mattraffic ang iyong Mazda 3 at lalong hindi ka na mabwibwisit sa kawalan ng parking.
  5. Menos gastos dahil hindi mo na kailangan magbayad ng pamasahe, ng parking at ng pagkain.
  6. Hindi na kakapal ang kalyo mo sa paa sa kalalakad.
  7. At lalong hindi na kakapal ang kalyo ng boypren mo sa paa sa kalalakad.

Ang mahirap lang sa pagbili ng mga bagay online eh medaling ma-engganyo sa itsura nito sa mga litrato na pwedeng inedit o kung malas ka, hindi ang tunay nitong larawan. Mangilan-ngilang beses na rin akong bumili, umasa at nabigo. *insert drama music here* Pero wala akong kadala-dala: tambay pa rin sa multiply, sa ebay at sa kung saan-saan pa.

Ang pagbili online ay hindi lamang pag-vi-view ng isang-libo’t isandaang webpages. Sa bawat pisong pinapadala mo gamit ang Gcash, Smart Money at Paypal at sa bawat sentimong pikit-mata mong dinedeposit sa account ng iba, kasama diyan ang isang-libo’t isandaang Ama Namin, Hail Mary at Glory Be na sana hindi japeyk ang tindahang pinagbibilhan mo.

Katulad yan ng pakikipagkaibigan dito sa mundo ng blogosphere. Walang kahirap-hirap at madaling maengganyo sa bawat salita, katha at tulang katulad ng sinasabi ng blog na ito. Madaling magmahal at mahalin sa pictures na pinopost sa Facebook, Multiply at Friendster. Madaling maniwala at magpapaniwala gamit ang mabulaklak na wika. At parang mga peddled goods online: madami ang japeyk, madami ang “not worth it” at madami ang hindi mo pala magugustuhan.

Pero gaano man karami ang hindi totoo, once in a hundred times, merong darating na isang kaibigang magpapasaya sa iyo. Smileys

———————

ang entry na ito ay para sa taong ito.

Tags: ,

 

Leave a Comment

space