space

RGT

19 Jan 2010 emotera
 

Rejection is never a sign of failure.

Hindi tayo close. Madalas, para ka lang hanging dumaan – hindi mo halos mapapansin. Tahimik ka. Sobrang tahimik na nakakarindi ang kawalan mo ng sasabihin. Noong maliit ka, makulit ka at bibo. Sumasayaw sa saliw ng “Di Ko Kayang Tanggapin” ni April Boy Regino habang nakapatong sa ulo mo ang baseball cap na sinuot pabaliktad. Hinihiram-hiram ka pa ng kapitbahay natin noon at kung minsa’y bigla na lang mawawala sa bakuran natin. Kung paanong naging tahimik at hindi palakibo ang dati-rati’y makulit at madaldal na bata ay hindi ko alam. Katulad na lang ng wala akong kaalam-alam tungkol sa iyo at sa mga pinagdadaanan mo.

Sa totoo lang, hindi ako marunong maging “ate” sa iyo sa kabila ng agwat ng edad nating walong taon. Siguro dahil hindi ako handa o sadyang wala lang akong napulot na aral kung paanong maging isang mabuting kapatid.

Naiisip kita ngayon. Para kong nakikitang nasa kwarto ka at nakahiga sa kama habang sukbit sa magkabilang tainga ang iPod. Maaaring nakikinig ka ng “Won’t Go On Without You” ng Maroon5 o nagpapanggap lang na nakikinig para hindi ka mapansin ng mga tao sa paligid mo at hindi nila makitang nalulungkot ka. O siguro, nakaharap ka lang sa kompyuter at naglalaro gaya ng dati na para bang wala lang at hindi mo alintana ang masamang balitang dumating. Pero alam ko na sa kaloob-looban mo’y walang kasing lungkot at walang kasing panghihinayang ang nadarama mo.

Nararamdaman kita. Hindi man iisa ang utak, laman at bituka nating dalawa, iisa naman ang dugong nananalaytay sa ating mga ugat. Ramdam ko ang iyong tahimik na pagluha. Hindi man kita lubos na kilala. Hindi man ako naging isang mabuting “ate” o maski mabuting halimbawa man lang para sa iyo habang lumalaki ka, hayaan mong kahit sa panahong lang ito ng iyong kalungkutan ay damayan kita at yakapin ng mahigpit habang binubulong sa iyo ang mga katagang: “Ayos lang yan.”

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. RJ | January 20th, 2010 at 11:37 am

    Nang dahil sa panghuling talata nitong post mo, napatunayan ko, Doc Mnel na isa kang mabuting ate! Hindi lang pisikal na karamdaman ang iyong nilulunasan, pati emotional at sigurado ako psychological.

    Sana may picture ng kapatid mo rito.
    .-= RJ´s last blog ..Monarchy: Economy? =-.

    Reply to this comment
  2. Yvie | March 22nd, 2010 at 12:49 pm

    Nakaka-relate ako dito pinsan. *hugs*

    Reply to this comment

Leave a Comment

space