space

15 Days of Summer

 

Pasado alas-dose na ng simulan ko ang entry na ito. Alas-dose ng hatinggabi ng ika-15 ng Abril. Nangangalahati na ang buwan at ang buong summer vacation ko. Ayoko pang magbalik-ospital. *sniff*

Noong isang araw, pakalat-kalat na naman ako sa sagradong hallway ng St. Luke’s dahil may make-up ako sa *sic* Psychiatry *sic*. At dahil halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng pumasok ang bakasyon, nanibago ako sa sinuot kong uniporme. Parang bigla, makati siya na mainit at hindi kumportable. Pati sa noo’y araw-araw kong nilalakarang mga hallway, nanibago akong bigla. Nahiyang na yata akong maging palamuning baboy sa bahay. =)

Anu’t-ano pa, hindi ko pa rin ramdam ng husto ang bakasyon ko. Madalas kasi wala ako sa bahay. Mabuti na nga lang at hindi pa nagrereklamo ang mga magulang kong hindi ako napipirmi dito sa amin. Tatlong araw din kasi ng Abril ang ginugol ko sa pagduduty para mabayaran yung mga absences ko sa Medicine. Pagkatapos naman non, isang araw lang ako namalagi dito sa bahay bago kami nag-roadtrip sa norte kung saan apat na araw naman akong nawala. At sa loob ng isang linggo, kung saan-saang lupalop naman ng Metro Manila ako matatagpuang nag-so-socialize. Sa katunayan, sa mga oras na ito, dapat nga ay nagpapakabangenge ako sa isang mamahaling bar sa The Fort kasama ang mga kaklase ko noong kolehiyo. Mabuti na lang at hindi rin natuloy dahil namimiss na rin ako ng kama ko. Kaya heto ako ngayon, nakahiga sa sobrang katamaran habang nagbblog ng mga bagay na walang kakwenta-kwenta para maiba naman. Napansin ko kasi na parang naging malungkot ang tema ng mga entries ko nitong mga nakaraang buwan. Sunod-sunod kasi silang nawawala sa buhay ko. =( Although nakapag-move on na ako sa pagkawala nina kuya, Jen at Jessa, naroroon pa rin ang panaka-nakang pagbisita nila sa isipan ko.

Heto na naman ako.

Anyway. Nakita ko yung mga litratong kuha sa akin nitong mga nakaraang araw. Nagkaroon naman pala ng bunga yung ilang oras kong pagbibilad sa araw sa Pagudpud. I am now 1/2 shade darker and I have my tan lines to prove that. Hehe. Ang goal ko kasi ngayong Abril ay ang magpaka-tan kesehodang skin cancer ang abutin ko nito. Pasensiya na. Hindi kasi ako nasisinagan ng araw sa loob ng isang taon. =)

Happy Summer!

First stop: Vigan!

Isipin niyong isang 60+ year old na lalaki ang  may ideya nito. In fairness!

Sasapakin ko ang magtatanong kung mahangin ba sa labas. =S @ Bangui Windmills

Callao Cave, Penafrancia, Cagayan

Dream come true. At least nakita ko na ang Banaue Rice Terraces bago ako mamatay. =D

 

Reader's Comments

  1. callcenterguy | April 15th, 2010 at 2:48 am

    Kakaingit, ako di pa nakakapag bakasyon. siguro may ilang taon na. :(
    .-= callcenterguy´s last blog ..A Mother’s Love Knows No Boundary….Or Shame =-.

    Reply to this comment
  2. Mayet | April 18th, 2010 at 9:22 pm

    sarap talagang magikot sa Pinas!! I cried when I saw the terraces.

    have a great day!

    Reply to this comment

Leave a Comment

space